Chapter 24: Down
Hindi ulit ako lumabas ng kwarto kinabukasan. Pagod ako at wala akong ibang gustong gawin kundi ang humilata sa kama ko at matulog, katabi si Polgoso.
I grabbed my phone that was resting on my bed, just next to me, only to see Leon's new messages again. Meron ring ilang galing kay Irina. Hindi na ako magtataka kung saan niya nakuha ang numero ko pero pareho kong hindi pinansin ang kanilang mga mensahe.
Leon said he will be busier with the case now lalo na at palakas nang palakas ang ebidensyang nakalap namin sa imbestigasyon. Nag-aalala ako sa kaniya pero ipinagdadasal ko na lang na sana ay maging maayos ang resulta at maging ligtas siya.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling mapahamak siya dahil sa akin.
I took a deep breath before shoving my phone under the pillow. Tsaka ako tumayo at nagtungo sa banyo nang sa wakas ay magkaroon ako ng sapat na lakas para kumilos.
Hindi pa ako kumakain ng umagahan kaya naman bumaba ako ng kwarto matapos makapag-ayos. Kahit nahihiya, wala naman akong ibang magawa kundi ang manatili rito.
They aren't forcing me to stay here, though. They give me a choice kung saan ako mas komportable. Alam ko namang inaalala lang nila ang kalagayan at kaligtasan ko kaya hindi ko dapat balewalain lang iyon.
Nakakahiya lang dahil nanatili ako rito nang walang kapalit. I want to at least do something or clean the house for them but they won't let me. Specially Mrs. Cleveria. Ipaubaya ko na lang raw sa mga katulong ang lahat at hayaan silang mangasiwa sa mga gawaing bahay.
"Magandang umaga, Senyorita." Nahinto ako nang saktong paghinto ko sa kusina ay bumungad sa akin ang mayordoma ng buong mansyon.
Yumuko ito sa akin bilang pagbati kaya hindi ko maiwasang mailang at mahiya. Hindi ko alam kung paano ako magrereact kaya bahagya na lang rin akong yumuko para batiin siya pabalik.
"Ipinahanda po sa akin nina Mrs. At Mr. Cleveria ang umagahan ninyo kaya kung nagugutom na po kayo, ipaghahain ko na kayo--"
"H-Hindi na po! Maraming salamat po pero kaya ko na po ang sarili ko." Mabilis akong umiling at binigyan siya ng matipid at pilit na ngiti.
Hindi ako sanay na pinagsisilbihan ako ng ibang tao. I've always be the one serving them kaya ayokong ganito ako tatruhin ng mga tao rito ngayon. Alam kong trabaho nila iyon pero sana ay huwag na nila akong tatruhin na parang mas mataas ako sa kanila.
I'm not used to it nor too fond of it.
"Sigurado po ba kayo?"
"Opo, kaya ko na po ito." Muli akong tumango at kumuha ng plato para pagsilbihan ang sarili ko.
Mukhang nagdadalawang isip pa siyang hayaan akong gawin ang bagay na dapat ay trabaho niya pero dahil mapilit ako ay wala na rin siyang nagawa pa kundi ang tumayo sa isang gilid at hayaan ako.
"Nariyan na ba si Sir Rinaldo? Gusto ko sana siyang makausap pagkatapos kong kumain." Iniba ko ang usapan.
"Nasa oposina niya po, Senyorita. Sasamahan ko po kayo mamaya kung gusto ninyo."
"Salamat." Ngumiti ako.
Ngumiti rin siya sa akin at ngumiti bago magpaalam para mahayaan muna akong makakain.
I've been thinking about what Irina told me yesterday. If I want an answer, isang tao lang ang tanging makakapagbigay sa akin noon. Siya lang ang makakasagot sa lahat ng katanungan ko.
They are still working with the case. Mukhang wala silang balak iatras ang kaso laban kay Amara at sa mga kaibigan niyang nakatanggap nung clip. Pati iyong imbestigasyon tungkol roon sa illegal brothel na pinapasukan ko noon. At kung paano nilang nahalungkat iyong video.
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
Teen FictionSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...