Prologue

150 5 0
                                    

Prologue

"Merci beaucoup!" Smilingly, I opened my see-through umbrella and thanked the fine baker after leaving his shop.

It was one of my favorite pastry shops here in Paris. Sa ilang taon na pananatili ko rito, para yatang kahit kailan ay hindi ko pinagsawaan ang mga pastries nila. Especially their special and popular cinnamon and croissant breads.

It's winter season in Paris right now so everyone is on their thick jackets and clothes. Ito ang pinakahihintay kong season rito sa Pransya. Wala nito sa Pilipinas kaya bago ako umuwi, gusto kong sulitin ang natitira kong isang linggo rito. Maybe after the fashion week, makakauwi na ako.

I've been busy the past few weeks preparing for the big event. I've attended some meetings, exhibitions, conferences, meeting important clients and some stuffs. Wala akong ibang inatupag kundi ang mag trabaho at mag disenyo ng mga damit. I was in the convention yesterday to watch over my models and how the venue was going kaya ngayon lang ako nakakuha ng pagkakataon para sulitin ang natitira kong oras rito sa Pransya.

Naasikaso ko na ang mga kakailanganin ko pauwing Pilipinas tulad ng ilang mga papeles at passport. Tapos na rin ang mga proseso at naghihintay na lang ng maayos na schedule para sa araw at oras ng magiging flight ko.

Hindi ko nga lang alam sa sarili ko kung handa na ba akong harapin ulit ang mga taong nilayuan at iniwasan ko noon. Hindi ko alam kung kaya ko na ba ulit siyang makita matapos ang ilang taon.

Tama.

Ilang taon na rin ang nakalipas. Siguro naman ay humilom na ang sugat sa puso ko at kaya ko na ulit bumalik sa lugar na minsan ko nang naituring na tahanan.

Kaya ko na, hindi ba? Kailangan kong kayanin. Dahil hindi habang buhay ay makakapagtago at makakatakbo ako sa mga bagay na iniiwasan ko.

"Calustina! étais-tu?! Cela fait des heures que je vous appelle et que j'essaie de vous joindre!" Ang boses ni Alyssa ang bumungad sa akin nang makabalik ako sa aming condominium. "Saan ka ba galing? Tumawag ako kanina sa convention, ang sabi ni Clea sa akin ay nakaalis ka na raw. The fashion event will start at 6pm! Mamaya na iyon! You have to be well-prepared! You've been waiting for this day, right?"

"Détends-toi, Alyssa. Je viens de visiter ma pâtisserie préférée." I chuckled at her reaction before placing the umbrella on the umbrella storage and placing the box of pastries I brought earlier above the table.

"Oh, mon Dieu, Calustina. Pourriez-vous, s'il vous plaît, arrêter de m'inquiéter comme ça? S'il vous plaît?!" She sighed in relief and rolled her eyes. "Akala ko kung ano na ang nangyari sayo dahil hindi kita ma-contact!"

"My phone died, that's why." I smiled at her. Gustong gusto ko talaga kapag galit siya at nag f-french dahil natutuwa ako sa tono ng boses niya but I appreciate her concerns.

We've been friends for years now. Kung hindi pa ako pupunta ng France ay hindi ko siya makikilala. Sa ilang taong pananatili ko rin rito, mas naging madali na sa akin ang matutunan ang lenguwahe nila.

Alyssa's right. I've been waiting for this day. I've prepared myself for this. Ilang araw rin akong walang maayos na tulog dahil abala ako sa mga disenyong ginagawa ko. Abala ako sa pananahi at paghahanap ng tamang tela para sa gagawin kong mga damit. Aside from that, I was fully focused training my hired models how to walk on the runways properly.

Taming The Heart (Silvero Series #05)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon