Chapter 07: Free
Kabado at naiilang sa mga taong nanonood sa akin ngayon pero nanatili akong nakatayo sa kinakatayuan ko. Kahit bilang lang naman sila sa daliri ko, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng hiya.
Pagkatapos ng meeting namin kanina kasama ang iba pang candidates na magpaparticipate rin sa pageant next week, dinala na ako ni Leon rito sa gymnasium para ma-practice ang paglakad ko nang maayos at tama.
Ipinaliwanag lang sa amin ang criteria at ang mga dapat na makita sa performance. Hindi naman nagtagal.
Even though there are just a few of them than those watching during the actual pageant, Leon himself made me feel self-conscious. Kitang-kita ko ang paninitig niya sa akin, pinagmamasdan ako. Hindi ko tuloy marinig nang maayos ang pinapaliwanag ng trainer na ipinakilala sa akin ni Leon kanina.
Kung nakakatunaw lang ang paninitig niya, baka kanina pa ako nalusaw.
Lumunok ako at umayos ng tayo bago ibinalik kay Erika ang atensyon ko. Ang baklang kakila ni Leon na siyang magtuturo sa akin para sa pageant. Ang sabi niya sa akin, graduating student na siya at pareho lang ng strand na kinuha namin.
Mukhang sanay siya sa mga ganitong uri ng bagay at halatang nakasali na sa mga pageant noon dahil napaka propesyonal niyang magturo pagdating sa pagmomodelo.
"So, we must start working on your costume na gagamitin mo. Your talent or performance costume, swimwear, and last but not least, of course, your main-bonggang-bonggang gown that will mark everyone's eyes."
Muli akong napalunok sa mga narinig. Hindi pa man nagsisimula iyong pageant ay parang nalulula na ako sa mga kailangang asikasuhin.
"Are you sure we can make all of those just in time?" Nabaling kay Leon ang atensyon namin nang sumingit siya at mag salita. Ang mga kamay niya ay nakapasok sa mga bulsa ng kaniyang pantalon. "We only have one week before the d-day." Kumunot ang kaniyang noo.
"Oh, like I said, akong bahala sa lahat, Leon." Natawa si Marion at ngumisi. "May mga kasamahan akong tutulong rito sa jowa mo para masigurado nating siya ang mananalo sa pageant."
Natawa ang mga nakarinig sa pang-aasar niya habang ako naman ay mabilis na nabalik ang tingin sa kaniya.
"Uh, nagkakamali po kayo. Hindi po ako girlfriend ni Leon." Mabilis kong tanggi para maiwasan ang issue.
"Oh, you sure you're not his?" Natatawang nilingon rin ako ni Marion. "Kung magmakaawa kasi itong ni Leon na tulungan ka ay parang katapusan na ng mundo. Gagawin ang lahat para sa iyo." He giggled.
He did beg him to help me?
Nagtataka kong nilingon si Leon. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay nag iwas rin siya ng tingin at bumuntong hininga. Mukhang nabasa ang katanungan sa mga mata ko.
"Shut up, Marion. Just start training her ." Leon rolled his eyes before crossing his arms under his chest, resting his back against the railings of the bleachers.
"Whatever." Natawang muli si Marion nang lingunin ko. "Well, let's get you on the position now, Miss." He held my hand excitedly and pulled me into the center of the gymnasium.
Mabuti na nga lang at walang ibang estudyante na naroon. Walang ibang gumagamit kaya maliban sa akin at kay Marion, si Leon at ang mga kaibigan niya lang ang narito para panoorin ako.
"There, stay where you are, and do not move until I give you the signal." Marion stepped back away from me to check my position properly. And then put his fingers on his chin, thinking. "You are already tall and your body size is just fine for the pageant. All I want to see in you is to perfect your walk since you said earlier this is your first time."
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
Teen FictionSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...