Chapter 03: Girlfriend
"Ito ang listahan ng mga damat mong gawin rito sa mansyon pero dahil ito pa lang naman ang unang araw mo rito, ituturo ko muna sa iyo ang mga patakarang sinusunod namin rito. Para na rin hindi ka nahuhuli at mabilis mong maintindihan."
Sinundan ko si Nana habang patuloy siya sa pagsasalita, pinapaliwanag ang mga dapat kong maintindihan bago ko simulan ang trabaho ko rito sa loob ng mansyon.
Malawak nga ito tulad ng inaasahan ko. Para akong nasa loob ng modernong palasyo. Mula sa disenyo ng mga haligi hanggang sa mga tanawing nakakaubos hininga.
"Iyong kwarto ni Senyora Amelia at Donya Alyana, ako na ang maglilinis roon dahil sa akin nila ibinilin ang mga iyon. Tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado naman, dapat malinis mo ang mga kwarto noong tatlong magkakapatid. Huwag na huwag kang papasok sa kwarto ni Alisterille dahil ayaw no'n nang may pumapasok sa kwarto niya kaya ang mga kapatid niya lang ang naglilinis roon kung kinakailangan."
Marahan akong tumango bago inayos ang aking sarili. May uniporme kasi sila rito para sa mga katulong at kanina ko lang nakuha ang akin. Hindi naman nakakailang suutin dahil white scrub lang naman ang damit. Tulad ng mga sinusuot ng nurse o doktor sa loob ng ospital.
"Paglilinis at pag aayos lang ang gagawin mo rito sa loob ng bahay, Hija. Iyong mga gawain sa labas, hindi mo na iyon kailangan problemahin pa dahil may mga ibang tauhan na naka-assign roon--"
"Nana, pwede rin po ba akong tumulong sa pagluluto? Kung sakali? Baka paminsan-minsan po. Ayos lang naman sa akin. Kakayanin ko po." Ngumiti ako kay Nana nang sabihin ang aking suhestiyon.
Gustong gusto ko ang pagluluto kaya gusto ko sana na magamit iyon rito sa loob ng mansyon.
"Kung papayagan ka ng mga tao rito. Dito kasi sa loob ng mansyon, hija, may mga propesyonal na cooks na nagsisilbi ng makakain nila."
Napakurap ako.
Professional cooks?!
Gaano ba kagarbo ang pamilyang ito? Hindi pa ba todo ang lahat ng nalalaman ko tungkol sa kanila?
"Sa nalalapit na kaarawan ni Leon, kung wala ka namang gagawin sa araw na iyon, gusto ko sanang tumulong ka sa paghahanda dahil kulang kami sa tauhan. Mahigpit na ipinagbilin ni Senyora na dapat, maagang matapos ang paghahahanda bago dumating ang mga bisita. Puro pa naman bigatin ang mga iyon at kilalang mga tao ang dadayo rito sa Hacienda para dumalo."
Napalunok ako at panandaliang nakaramdam ng kaba nang marinig ang sinabi ni Nana. Kabado ako dahil ito ang unang beses na hahanap ako sa harap ng maraming tao. Mga bigating tao. Pero hindi ako uurong sa trabahong pinasok ko. I need money for my tuition. That's all I was keep holding on to.
Nanatili pa ang ilang minuto habang pinapaliwanag sa akin ni Nana ang lahat. Ipinakilala niya rin ako sa ilang mga kasamahan niya sa mansyon. Hindi naman naging mahirap sa akin ang makipagkilala sa kanila dahil approachable ang mga tao rito. Nakakatuwa nga silang kausap, eh.
Tanghali na nang mag simula akong mag linis. Inumpisahan ko ang sala ng mansyon at pagkatapos ay pumanik ako sa taas para masimulan nang malinis ang mga kwarto ng mga anak ni Donya Alyana.
Hawak ang walis, tumayo ako sa harapan ng unang pinto. Lumunok pa ako at bumuntong hininga bago ako kumatok roon. Kwarto ni Sir Eros ang una kong lilinisin ngayong araw kaya hindi ko maiwasang kabahan.
Hindi ko pa nakikita si Leon simula kaninang umaga. Hindi ko rin naman iyong tanungin kay Nana kaya hinayaan ko na lang. Masyadong malawak ang mansyon para magtagpo ang landas naming dalawa rito sa loob araw-araw.
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
Teen FictionSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...