13

38 1 1
                                    

Chapter 13: Jealousy

"Lustina, nakahanda na ba lahat ng kwarto? Nalinis mo na ba? Parating na si Senyorita Alisterille at Ma'am Calista kaya dapat, malinis na lahat ng mga kwartong gagamitin nila para sa tatlong araw na pananatili rito sa Mansyon bago bumalik ng Maynila."

Nahinto ako sa pagliligpit ng mga kumot na galing sa mga kwartong nilinis ko kanina nang sumulpot si Andeng. Isa rin sa mga bagong katulong. Nauna lang siya sa akin noon ng dalawang buwan bago ako mamasukan rito.

"Oo, Andeng. Nalinis ko naman na ang mga kwarto. Ang sabi ni Nana siya na raw ang bahala sa kwarto ni Senyorita Alisterille kaya hindi ko na ginalaw. Baka pagalitan pa ako no'n." Bulong ko at ngumuso.

Natawa siya at tinapik ang aking balikat.

Hindi ko pa lubusang nakikilala at nakakausap ang bunsong kapatid ni Leon dahil mga sa Maynila siya nag-aaral ngayon at bihira lang makabisita rito.

"Huwag kang mag-alala, medyo suplada nga si Senyorita Aliterille pero mabait rin naman 'yon. Pinaghalong si Senyora Amelia at Donya Alyana." Humagikhik si

Andeng. Hindi ko alam kung papuri ba iyon o ano. Natawa tuloy ako bago rin ngumiti sa kaniya.

"O', siya. Kukuhain ko na itong mga labahing kumot para maisabay ko na sa mga banlawin ko." Kinuha niya sa akin ang mga labahang kumot kaya ibinigay ko na sa kaniya ang mga ito.

Saglit pa siyang nagpaalam bago ako dumiretso sa hardin para makapagdilig ng mga halaman. Wala kasi ngayon si Mang Berting dahil may sakit ang bunso niyang anak.

Sinisinat lang naman raw pero hindi niya magawang iwanan dahil walang ibang magbabantay lalo na at nasa Bukidnon ang iba niyang mga anak.

Ako ang pansamantalang naatasan sa trabaho niya pati ang paglilinis ng outdoor pool sa Mansyon.

Dinampot ko ang hose para makapagdilig na ng mga halaman. Sakto at payapa ang kalangitan. Maganda ang panahon na sumasabay pa sa kagandahan ng mga halaman at bulaklak na ito.

Ngumiti ako nang matanaw si Polgoso na ngayon ay tahimik na natutulog sa loob ng gazebo. Binigyan pa nga siya ng mini fan ni Donya Alyana para raw hindi siya mainitan. Pinahintulutan na kasi siyang sumama rito sa akin sa oras ng pagtatrabaho at sa tuwing nasa iskwelahan ako para maayos siyang mabantayan rito. Kaysa naman raw na mag-isa siya sa bahay kapag wala ako. Kawawa naman.

At least rito, maraming nakikipaglaro at nagbibigay sa kaniya ng atensyon.

Naalis ang tingin ko sa kaniya nang may marinig akong sumitsit. Tumaas ang mga kilay ko at ginala ang paningin sa paligid para mahanap kung saan man iyon galing.

Wala naman.

Pinagpatuloy ko ang pagdidilig ng halaman pero hindi pa nakakalipas ang ilang minuto ay may sumitsit na naman. Kumunot ang noo ko at lumingon ulit sa aking likuran, nagbabaka sakaling may makita ako doon pero wala pa rin.

Humarap ako para sana balewalain na lang ang naririnig pero halos atakihin ako sa puso sa gulat nang biglang sumulpot ang mukha ni Leon sa pagitan ng mga halaman sa aking harapan!

Dahil sa gulat, napatili ako at naitutok sa kaniya ang hose, dahilan para hindi ko sinasadyang mabasa ang kaniyang buong mukha at suot na damit.

"Oh my God, baby." Leon chuckled as he came out of his hiding spot to wipe his now wet face and long hair.

Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling pinatay ang tubig sa gripo. Binaba ko ang hose sa bermuda grass para kuhain ang puting tuwalya sa bulsa ng suot kong uniporme.

"S-Sorry! Hindi ko sinasadya!" Nagpapanic akong lumapit sa kaniya para matulungan siyang tuyuin ang nabasa niyang mukha. "Ano ba naman kasi ang ginagawa mo riyan! Ginulat mo ako!" Kinunutan ko siya ng noo.

Taming The Heart (Silvero Series #05)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon