Chapter 08: Avoid
Inabala ko ang sarili ko sa mga sumunod na araw sa pag aasikaso sa nalalapit na pageant. Iyong mga costume at ang paglalakad ko gamit ang mataas na sapatos.
Minsan, tuwing may oras ako, inilalaan ko iyon sa pagpapractice. Ganoon rin sa Mansyon, kapag oras ng break, imbis na kumain, inaabala ko ang sarili ko sa pagsasaulo ng mga dapat kong gawin at aralin lalo na at iyon ang mahigpit na bilin sa akin ni Marion.
Sinimulan na rin namin ni Leon ang pag practice ng ballroom para sa talent portion. Talagang seryoso pala siya na maging partner ko sa performance. Naabala ko tuloy pati ang oras niya.
"Okay, good work, Leon and Lustina! Water break muna, everyone. We'll continue again after 15 minutes." Pumalakpak si Marion nang matapos kaming makapagsayaw ni Leon.
Kami lang umisip ng mga steps pero kadalasan, siya ang nagtuturo sa akin. May pagkakataon nga rin na si Donya Alyana pa ang nagturo sa amin ng tamang posisyon ng aming mga kamay kapag nagsasayaw.
Nakakahiyang tumangi sa tulong niya kaya tinanggap ko na rin. Sobrang bait niya at mahinhin kumpara kay Senyora Amelia. She looks very intimidating.
Wala siya sa mansyon nitong mga nakaraang araw dahil nasa ibang bansa. Hindi naman nabanggit sa akin ni Nana kung tungkol saan kaya hindi na rin ako nagtanong.
Nasabi ko na kay Nana ang tungkol sa pageant na sasalihan ko. Mabuti na nga lang rin at nakumbinsi ni Leon si Senyora Amelia kaya hindi mababawasan ang sasahurin ko. Makakatanggap pa rin ako ng parehong bayad.
Naupo ako sa isa sa mga bench para makapag pahinga. Nakalimutan kong bumili ng tubig pero nahihiya naman akong mag paalam kaya tiniis ko na lang.
Naupo si Leon sa aking tabi kaya ngumiti ako. Nagulat pa nga ako nang mag labas siya ng maliit na bahagi ng karton na para bang pinunit niya pa ito sa kung saan. Hinablot niya rin ang bottled water na dapat ay bubuksan pa ni Nikolov at inabot ito sa akin.
"Tubig, baka nauuhaw ka." Alok niya, malawak ang ngiti sa labi habang si Nikolov ay napamura sa ginawa ng kaibigan.
Napakurap ako, nagdadalawang isip kung tatanggapin ko ba iyon o hindi. Kawawa naman si Nikolov.
Tinanaw ko ang kaniyang kaibigan, nanghihingi ng paumanhin. Tinawanan siya ni Wallace kaya naman binatukan siya ni Nikolov. Nag bangayan pa ang dalawa kaya nilingon ko na lang si Leon.
"Paano si Nikolov? Sa kaniya ito. Kaya ko namang bumili na lang sa labas--"
"He can get himself a new one." Aniya habang pinapaypayan ako gamit ang karton na hawak. Inabot niya ulit sa akin ang bote ng tubig kaya tinanggap ko na kahit nagdadalawang isip pa rin. "Uminom ka na. Alam kong nauuhaw ka. You didn't bring water with you." Ngumiwi si Leon.
Nakokonsensya ako kay Nikolov pero nakita kong inabutan naman siya ng tubig ng ilan sa mga babaeng nag-aabang sa kanila. Mukhang hindi niya pa nga niya alam kung kanino ba ang tatanggapin niya.
"Salamat." Ngumiti ako kay Leon bago ininom ang malamig na tubig na nasa bote.
"Nagugutom ka ba? Pwede akong bumili ng miryenda sa labas." Mayamaya ay tanong na naman niya habang patuloy pa rin akong pinapaypayan gamit ang karton na hawak.
Sandali ko siyang tinitigan.
Sa bawat araw na lumipas, ang pagiging malapit sa akin ni Leon at ng mga kaibigan niya ang napansin ko. Kung noong unang mga araw ko rito sa BNU, si Amara lang ang parati kong kasabay, ngayon, nadagdagan. Kung nasaan ako, naroon rin sila. Lalo na si Leon na bigla na lang sumusulpot sa kung nasaan ako.
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
Novela JuvenilSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...