20

46 2 0
                                    

Chapter 20: Believe

Nakangiting huminto ako sa pagguhit para suriin ang natapos kong damit. Nakadapa sa malambot na kutson na nakalatag sa sahig. 

Iyon sana ang damit na gusto kong isuot sa grand ball na gaganapin sa susunod na linggo.

Alam kong hindi ko naman ito maisusuot dahil wala akong sapat na pera pambili ng mga gamit. Tsaka, wala rin akong magagamit pangtahi nito pero gusto ko pa rin ilabas ang mga ideya na nasa utak ko. Sketching whatever comes to your mind is amazing, but looking at your creation once you've completed the progress is much more satisfying.

Nakakatuwa lang.

Pagkatapos ng unang klase para sa unang araw ng pangalawang semestre ay umuwi muna ako sandali sa bahay para sunduin at pakainin si Polgoso. Pagkatapos ay dumiretso agad ako rito sa threehouse. Narito na rin si Leon kanina pero umalis silang dalawa ni Polgoso.

Ewan ko ba kung saan nagpunta ang dalawang iyon. Ang sabi lang sa akin ni Leon kanina ay babalik naman raw sila agad kaya para may pamatay oras ako, inabala ko ang sarili ko sa pagguhit ng gown na ito sa sketch book ko. 

Leon brought me some drawing and coloring materials since he said I love drawing and sketching.

Ayoko nga sanang tanggapin nung una dahil ginastusan na naman niya ako pero sa huli ay hindi ko rin siya napapayag. Ayaw niyang ipabalik sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang tanggapin na lang ang mga ito. Nagpapasalamat rin ako kahit papaano dahil may nagagamit na ako. Hindi tulad noon na ang likod lang ng mga notebook ko ang nagagamit ko.

Smiling, I laid on my back and raised my arms above me to look precisely at the drawn image of my ideal gown on paper before lowering them to my stomach to stare up at the view through the roof made of glass.

I would want to pay attention to the beauty of the sky above, which is slowly growing darker now. Highlighting a few of the brightly lit stars dancing with the tree's leaves that are now shaped as shadows because of the moonlight in the night sky.

Remembering my memories of my Nana singing me lullabies to make me sleep when I was still young made my smile even wider.

Ilang beses ko na ba itong sinabi sa sarili ko? That I want to erase all of the unpleasant and depressing memories that are still deeply rooted within me and replace them with moments of happiness I share with the right people. And I'm getting there slowly and slowly. One day I'll just wake up delighted, knowing that I've become completely free from my dark history. And once that finally happened, I will never look back anymore.

Naputol ang malalim kong isipin nang may marinig na tunog ng gitara mula sa ibaba ng punong kinaroroonan ko. Bahagyang kumunot ang aking noo bago bumangon para magtungo sa mababang bintana ng threehouse. Nakaluhod akong dumungaw sa kutson at halos lumuwa ang mga mata ko sa panlalaki nito nang mapagtanto kung sino ang mga naroon.

Naitakip ko ang mga palad ko sa aking bibig habang pinagmamasdan si Leon sa baba na may hawak na gitara, suot pa rin ang kaniyang uniporme tulad ko. Nakabukas ang mga butones kaya kitang-kita na naman ang kulay itim niyang undershirt. Mas lalo pa akong natawa dahil naroon rin si Polgoso sa kaniyang tabi, nakaupo at kagat-kagat pa ang isang palumpon ng pulang mga rosas. Parehong nakatanaw sa akin.


"The road I have traveled on... is paved with good intentions... and littered with broken dreams... that never quite came true."
Leon started singing a low and gentle song as his fingers hit the strings of the guitar.


Nakangiti kong pinanood siya mula rito habang kumakanta nang may malawak an ngiti rin sa kaniyang labi. The way his adam's apple shakded as he sang every word coming out of his mouth giving me the urge to laugh. Para kasing gusto niya ring matawa sa kaniyang sarili dahil sa ginagawa pero piniling magpatuloy.

Taming The Heart (Silvero Series #05)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon