Chapter 19: Support
Ilang araw ko ring inisip kung saan ako maghahanap ng bagong trabaho pagkatapos akong mapaalis sa Mansyon. Hindi na ako ulit pa bumalik roon kahit na labag sa aking loob dahil napalapit na rin ako sa mga taong nakasama ko doon.
Hindi ko pa sinasabi kay Nana ang nangyari dahil ayokong iwan niya ulit ang Maynila para sa akin. Tsaka, ayoko siyang abalahin lalo na at may sarili siyang trabahong kailangang asikasuhin.
Nag-aalala ako kung paano ako makakaipon ng pera. Iyong pagbibenta ng mga purselas ngayon ay hindi na sapat sa akin dahil sa mga gastusin na kailangan kong bayaran. Mabuti na nga lang at tinulungan ako ni Leon.
Galing ako nung isang linggo sa Casa Al Juarez para sa isang interview dahil natanggap ako roon. Tinulungan ako ni Leon na mag apply. Nakausap ko rin si Hades at ang kapatid niya na namamahala ngayon sa buong hotel kaya hindi sila nagdalawang isip na tanggapin ako at bigyan ng trabaho.
Ito ang huling araw ng semester break at buong bakasyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang magtrabaho at maghanap ng pagkakakitaan.
Hindi naman bawal ang aso sa hotel kaya naisasama ko si Polgoso roon kung kailangan. Minsan naman ay iniiwan ko sa bahay, sa kaniyang kulungan, at iniiwanan na lang ng pagkain at maiinom. Minsan ay si Leon ang nagbabantay sa kaniya pagkatapos ay susunduin nila akong dalawa sa trabaho.
"Here's your orders, Sirs." Nakangiti kong inilapag isa-isa ang mga pagkain sa lamesa galing sa trolley na dala ko kanina.
Mas lalong lumawak ang ngiti sa aking labi nang makita si Polgoso na nakaupo sa ibabaw ng upuan katabi si Leon. Naroon rin si Nikolov, Wallace, at Irina. Kasama pa ang mga kabanda ni Hades para i-celebrate ang natapos nilang Gig kagabi.
Ayos na sana sa akin kahit housekeeping ang trabahong ibibigay nila sa akin pero dahil wala pa silang available na puwesto para doon, inilagay nila ako sa kanilang seaside restaurant bilang waitress.
Iyon ang pinakamalaki nilang kainan rito na madalas dayuhin ng mga turista kaya isang malaking oportunidad sa akin ang makapagtrabaho rito.
Nagtatawanan ang grupo nila sa kanilang table pero nang mahagip ni Leon ang mga mata ko ay sa akin na natuon ang kaniyang buong atensyon.
He raised a brow and emptied his glass without even looking away from me. Kitang-kita ko ang malawak na pagngisi niya sa likod ng baso.
Napailing ako.
"Would you like to get another wine, Sir?" Inalok ko sa kaniya ang bote ng alak nang itulak ko ang trolley palapit sa kaniyang gawi.
"How about I order my girlfriend's attention?" Bulong niya sa akin kasabay ang paghapit sa aking bewang na siyang ikinabigla ko.
Ramdam ko ang pagbaling ng mga atensyon nila sa amin. Ang ilan ay nagtawanan at inasar pa kami.
"What the fuck, Dude? You're so whipped." Natatawang sabi ni Wallace sabay simsim sa kaniyang inumin. Nagtawanan lalo ang mga nakarinig.
"Let the girl work in peace, you dip shit." Ngumisi si Acheron sa kapatid.
"I swear to God, he could even eat shit just to make Calustina laugh." Humagalpak sa tawa si Nikolov na nakipag apir pa kay Adonis.
"That's fucking disgusting. Stop it." Umawang ang labi ni Irina sa narinig.
Bahagya akong natawa bago tinampal ang kamay ni Leon dahilan para bitawan niya ang bewang ko. Ngumuso pa siya na parang nagmamaktol.
Sinalinan ko ng wine ang kaniyang baso bago humarap sa lalaking katabi ni Hades na ngayon ay nakangiti at nakikitawa rin sa mga kaibigan. Kung hindi ako nagkakamali, Achellus ang pangalan niya dahil iyon ang naririnig ko palagi noon tuwing bumibisita sila sa Mansyon.
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
Teen FictionSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...