Chapter 09: Father
Huni ng mga ibon at pag hampas ng mga alon sa malapit na dalampasigan ang bumalot sa aking tenga nang makarating ako sa Port Silvero. Maliit na lupain na matatagpuan lang rin malapit sa Casa Al Juarez na mukhang sinadyang gawing maliit na daungan ng mga Silvero para sa mga pagmamayari nilang mga bangka at yate.
Pribado nga lang kaya hindi makakapasok ang mga tao roon nang basta-basta kung hindi ka parte ng pamilya nila o nang walang ipinapakitang I.D o kahit ano mang patunay na pinayagan kang makapasok roon.
Hindi ko alam na may ganito pala silang pagmamayari. Hindi na nga ako magugulat kung sa susunod na araw malaman ko rin na may sarili rin pala silang airlines.
Matapos ang trabaho ko sa mansyon kanina, pinasama naman ako ni Nana kinahapunan para mag silbi sa magkakapatid. Paano kasi ay nagkayayaan silang sumakay ng Yate para makapamasyal raw. Nagkataon naman na naroon ang mga kaibigan ni Leon pero hindi tulad kanina, wala na iyong mga babae.
Naroon rin ang kabanda ni Acheron at ang isa pang lalaki na kausap ni Eros na nasa loob ng yate at nagmamaneho.
Tahimik lang akong naupo roon sa gilid, naghihintay na utusan ulit nila ako para makapagtrabaho. Hindi ko lang maiwasang mailang at makaramdam ng hiya dahil nararamdaman ko ang mga mata ni Leon sa gilid na nagmamasid sa akin.
Palihim ko siyang sinulyapan. Nakatitig pa rin siya kaya iniwas ko ulit ang mga mata ko.
Ngayon ay nagsisisi na ako na pumayag pa akong sumama rito. Sana kasi ay iba na lang ang ipinasama ni Nana. Hindi ko tuloy alam kung paano ako kikilos at aakto sa harap ng mga taong ito lalo na at narito si Leon.
Mukhang galit pa rin siya dahil sa nangyari kanina sa hardin. Hindi ko pa rin talaga siya maunawaan kung bakit gusto niyang iwasan ko ang kaibigan niya na wala namang masamang ginagawa sa akin.
Tuluyan kong inalis ang atensyon ko kay Leon at lumabas na lang sa balkonahe ng yate. Humilig ako sa railings at tinanaw ang mga isla sa hindi kalayuan habang umaandar ang yate palayo sa daungan. Hinahayaan ang buhok kong liparin ng hangin.
"It's a good thing you come with us here." Ang pamilyar na boses ang muling umagaw sa atensyon ko.
Napabaling ako sa aking gilid nang tumabi sa akin si Elias. Hindi katulad kanina, he is now wearing a sleeveless shirt and grey sweat shorts, holding a glass of wine between his fingers. He stared at me and smiled for a moment, probably as a greeting, and then turned his head towards the stunning view in front of us again.
"Pinasama lang ako ng Nana ko para makapag trabaho. Hindi ako nagpunta rito para magsaya." Sabi ko at nag iwas ng tingin sa kaniya dahil sa gilid pa lang ng mga mata ko, nakikita ko na ang matatalim na mga mata ni Leon na nakamasid sa aming dalawa.
"Come on, you should at least enjoy while we're here." Elias chuckled. "I asked Tita Alyana myself to let you come with us here so you could have fun and relax, you know."
"Ano?" Nanlalaki ang mga matang napabaling ulit ako sa kaniya. Nang mapansing nilingon ko siya ay nilingon niya rin ako. "A-Akala ko... Pinasama ako ni Nana rito para mag trabaho." Napakurap ako.
"Sorry, I just noticed you've been working nonstop since the morning. I like to take you out for a while to breath kaya pinakiusapan ko si Tita." Paumanhin niya bago bahagyang natawa, halatang nahihiya sa ginawa. Siguro ay dahil iniisip niyang naabala niya pa ako.
Bumuntong hininga ako bago umiling sa kaniya.
"Ayos lang. Naappreciate ko naman ang concern mo kaya salamat." Ngumiti pa rin ako pagkatapos. "Hindi lang talaga ako sanay sa ganito." Natawa rin ako.
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
Ficção AdolescenteSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...