04

48 2 0
                                    

Chapter 04: Tame

"Bilisan mong mag lakad, Lustina! Excited na akong pumasok!" Humagikhik na tumakbo si Amara patungo sa gate ng iskwelahan, halatang hindi na makapaghintay pumasok dahil ito ang unang araw ng pasukan.

Ngumiti ako at sinundan siya sa loob, hindi rin maiwasang makaramdam ng pagkasabik kahit na kinakabahan rin ako dahil ito ang unang araw ko rito.

Dahil may pasok na ako at hindi ko pwedeng dalahin rito ang alaga kong aso, ipinaiwan ko muna siya kina Amara. Mas mababantayan siya roon at mapagtutuunan ng pansin habang nasa iskwelahan ako. Pagtapos ay didiretso rin ako sa mansyon para sa trababo ko.

"Mamaya na natin hanapin yung section natin. Let's enjoy the booths first!" Inaya ako agad ni Amara sa loob ng school gymnasium kung nasaan nakatayo ang mga inihanda nilang booths.

Every welcoming year raw kasi, this school prepares small events for students and transferees. Welcome opening para sa balik eskwela.

Marami ng estudyante sa paligid. Lahat ay nagtitipon-tipon sa gymnasium para masabukan ang mga booth na itinayo nila rito. Mayroon ring mga inimbitahang banda na nagpeperform sa stage kaya mas lalong umiingay ang paligid. Hindi lang sa makakas na musical instruments and systems, dahil na rin sa hiyawan at palakpakan ng mga nagsasayang estudyanteng nanonood sa kanila.

"Mamaya may performance yung banda ni Acheron. Manood tayo!" Hinawakan ni Amara ang kamay ko para mahila ako sa unang booth na nadaanan namin.

Naglalagay sila ng mga kulay at drawing  design sa pisngi o gilid ng mga mata. Mukhang masaya iyon at dahil marami ring nagpapalagay ay nagpalagay na rin kaming dalawa ni Amara.

Rainbow lines sa kanang pisngi ko, kulay rosas at purple naman sa kaliwang pisngi ko. Nagpalagay rin ako doon ng maliliit na flower and leaves drawing gamit ang face paint. Si Amara naman ay nagpalagay ng pinaghalong kulay puti, asul at rosas na butterfly drawing sa gilid ng kaniyang mga mata.

Humagikhik kaming dalawa nang makaalis kami sa pila para masubukan rin ang iba pang booths na available. Photobooths, foodstalls at iba pa. Hindi pa kami nagtatagal rito ay nagsasaya na agad ako dahil sa mga entertainment sa bawat booths na inaalok nila. Talagang mae-enganyo kang sumali at sumubok.

Ito ang unang araw ko rito pero parang nagugustuhan ko na kahit na may mga pagkakataong pakiramdam ko ay naiiba ako sa kanilang lahat. Lahat sila ay hatid-sundo ng mga de-aircon na sasakyan o 'di kaya ay kaniya-kaniyang mga sasakyan.

"Ang ganda pala rito." Sabi ko at muling iginala ang paningin sa buong paligid nang makaupo kami sa nahanap na upuan para makapagpahinga at makakain.

"Naku, talagang maganda rito sa BNH. Lalo na sa BNU. Mas malawak ang unibersidad na iyon." Sabi ni Amara bago sumubo sa nabili niyang tusok-tusok mula sa isang foodstall na naroon sa gymnasium.

Sumimsim naman ako sa nabili kong palamig. Pakiramdam ko ay inuhaw ng mga ginawa namin kanina ang lalamunan ko.

"Maraming gustong pumasok rito dahil maganda talaga ang sistema nila rito. Maayos rin mag turo ang mga instructor. Masaya rin at talagang gaganahan ka mag-aral. Basta ba't marunong kang makisama, hindi mo mararamdaman na  out of place ka." She said as she looked around as well, admiring the people around us.

Ngumiti ako dahil malobo na ang kaniyang pisngi habang nagsasalita.

Nawala lang ang atensyon ko sa kaniya at sa paligid nang marinig ang malakas na hiyawan at tiliian ng mga kababaihan. Ang akala ko nga ay dahil iyon sa banda na nagpeperform sa stage pero hindi. Nagkumpulan ang mga estudyante sa isang booth na kanina lang ay hindi mabenta pero ngayon ay mabilis na pinilahan.

Taming The Heart (Silvero Series #05)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon