Chapter 25: Decide
"Thank you so much, Attorney. We really appreciate your help."
Tumayo ako kasabay ng pagtayo nila para makipagkamay sa abogadong humahawak ngayon ng kaso ko. I watched Tita Trina and her husband lead them outside the door while still having a conversation with them.
Patuloy pa rin ang pag-usad ng imbestigasyon at kaso. Kaunting laban pa ay makukuha na namin ang hustisya. We were in the hearing last yesterday for a few questions.
Naging kabado ako dahil iyon ang unang beses na tumayo ako sa harap ng mga taong nasa matataas na posisyon para sagutin ang ilan sa mga katanungan nila na makakatulong para sa pag-usad ng kaso before the judgment.
Naroon rin si Amara. Sinubukan nilang tanungin ito kung paano niya nakuha ang leaked video pero hindi siya nagsasalita. She was just staring at her desk, not talking or even moving. Parang wala siya sa kaniyang sarili.
Dahil hindi siya makausap at walang makalap na sagot mula sa kaniya, napilitan silang ihinto muna ang proseso.
Gusto kong lumuhod at mag makaawa sa kaniya para pilitin siyang mag salita pero kung gagawin ko iyon, parang hinayaan ko na lang rin ang sarili kong matalo sa kaniya.
I don't want her to feel that she won and I lost to her about this. This is a personal matter. Kahit naawa ako sa kaniya at sa mga magulang niyang nagmakaawa sa amin na magkapatawaran na lang, hindi ako papayag na i-urong ang kaso laban sa kaniya.
Kung hahayaan ko lang ito na parang walang nangyari, baka mas lalong may madamay na inosenteng mga tao na hindi naman na dapat pa nadadamay. I won't let the evilness to win again this time.
Lalaban na ako. Kung iyon ang nararapat kong gawin para maitama ang lahat at makamit ang hustisyang karapatdapat, hindi lang para sa akin, kundi para na rin sa ibang biktimang nakasama ko noon. Pati na rin sa mga taong nadadamay ngayon.
"Everything will be okay. We're here for you." Nilingon ko si Irina nang haplusin niya ang aking balikat.
Ngumiti ako at tumango bago rin hinaplos ang kaniyang kamay. Nagpapasalamat dahil dinadamayan niya pa rin ako hanggang ngayon at sinusuportahan para makamit ang hustisya.
Nagpaalam siya sa akin sandali bago umalis ng mansyon para makapasok na ng iskwelahan.
I missed going to school, hindi ko iyon maitatanggi. I miss attending my classes with them and enjoy my student life. Pero pagkatapos nung nangyari, napilitan akong huminto at huwag na munang ituloy ang pangalawang semestre sa strand na kinuha ko.
Wala pa akong sapat na lakas ng loob para mag patuloy. Hindi ko pa kayang makita ako ng mga tao at mas lalong hindi ko na kayang makarinig pa ng mga panghuhusga sa kanila.
I need to heal myself first. To gain courage before stepping out of my shadows again. And it'll never be easy from now on.
Malakas ang pwersa namin ngayon. May mga ebidensya na ring nakalap ang mga imbestigador at abogadong tumutulong sa amin na magpapanalo sa kaso. We just need a strong witness that would convince the judge about the case.
Aaminin ko, natatakot ako. Pero naniniwala ako sa mga taong sumusuporta sa akin ngayon, sa mga taong walang hintong gumagabay sa akin. Alam kong maipapanalo ko ito. Alam kong mananalo kami para mapanagot ang mga taong dapat managot at mabigyan ng hustisya ang mga biktimang dapat mabigyan ng hustisua.
Tahimik akong pumanik sa taas para bumalik sa aking kwarto at makapagpahinga kinatanghalian. Pero nahinto ako nang matanaw ko ang opisina ni Papa.
Umalis si Tita Trina, kasama si Argux para malibang iyong bata. We need to distract him for whatever is going on right now dahil masyado pa siyang bata para sa mga ganitong uri ng bagay. Ayaw rin namin siyang maapektuhan.
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
Teen FictionSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...