Chapter 29: Unexpected
Inaantok pa ako at pagod nang makababa ako sa wakas ng eroplano. Ilang oras rin ang biyahe sa himpapawid kaya pakiramdam ko ay bugbog ang buo kong katawan.
Huminto ako habang iginagala ang paningin sa paligid. Lumawak ang ngiti sa aking labi nang maramdaman ang presko at pamilyar na hangin ng Maynila.
I'm back home.
Nagpatuloy ako sa paglalakad para makahanap ng makakainan. Pagkatapos magpahinga at malagyan ng pagkain ang tiyan ko ay nag simula na akong bumiyahe patungong Batangas.
Halo-halo ang emusyong nararamdaman ko nang sa wakas ay makahinto ang taxi sa harapan ng malaking mansyon. Kabado ako and at the same time, I can't wait to see my family anymore.
Ilang taon rin akong nangulila sa kanila.
Bumuga ako ng malalim na hininga at tumayo sa malaking gate, hinihintay na pagbuksan ako ng guard. Hindi siya pamilyar sa akin kaya tingin ko ay bagong trabahador siya rito sa mansyon.
Pagkapasok ko sa loob, ang ilang nakakita sa akin na nakikilala pa ako ay gulat na napalapit sa akin para mabati ako. Gustuhin ko mang makipagkwentuhan pa sa kanila dahil sobrang tagal na rin nung huli ko silang nakita, all I want to see now is my family.
May ilang nabago sa buong mansyon pero naroon pa rin ang ganda at lawak nito. Mukhang alagang-alaga talaga nila ito.
Hinayaan ko ang dalawang bodyguard na kuhain ang mga maleta ko. Malawak ang ngiti na tumulak ako papasok sa loob. Only to see them arranging the whole house for Argux's celebration tonight.
"Mom, I swear to God, there's no need for us to celebrate my birthday--"
"Oh, shut up, boy! We will celebrate your birthday. Now, go upstairs and change your clothes! Your visitors will be here at Five in the evening!"
Halos matawa ako habang pinapanood si Argux at Mama na nagtatalo pero mukhang hindi pa nila ako napapansin kaya hindi ako gumalaw sa kinakatayuan ko. I just remained watching them.
"Mom! I'm 18 now! I'm not a boy anymore!"
"Yes, you are!"
"Stop it, you two." Ang nakakunot na noong si Papa ang umawat sa dalawa bago balingan ang isang organizer para matulungan ito sa pag-aayos ng mga decorations.
"Calustina?"
Nagaluntang ako sa gulat nang marinig ang nabagsak na baso sa sahig. Napalingon ako sa aking likuran. And there I saw Irina who is looking at me with shock on her face. Mukhang kakagaling lang niya sa kusina para sana kumuha ng maiinom.
Natawa ako at agad na dinaluhan siya dahil mukhang hindi pa niya napoproseso sa kaniyang utak na narito na ako ngayon sa harapan niya.
Hinawakan ko ang mga kamay niya at inilayo siya sa basag na baso sa sahig dahil baka masugatan pa siya. Agad namang may lumapit na katulong para linisin ito.
"Oh my god, Lustina! Ikaw nga!"
"Ate!?"
Now I don't know where I am gonna put my attention first when Argux and Mama started to approached me too. Tulad nila, nakasunod rin ang gulat na si Papa sa kanilang likuran.
"Why the hell you didn't tell us you are coming home?!" Inalog-alog ako ni Irina dahilan para muli akong humagalpak sa tawa.
"I want to surprise you and Argux on his special day kaya hindi ako nagsabing uuwi ako ngayon." Nakangiti kong paliwanag. "I want to--"
Hindi pa ako natatapos sa dapat kong sasabihin ay naputol na ako nang maramdaman ko ang biglaang pagyakap sa akin ni Papa. Natahimik ako at gulat na napatitig kay Mama na ngayon ay nakangiti nang pinapanood kami. Ganoon rin si Irina at Argux.
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
Teen FictionSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...