Chapter 18: Marry
Those three days without seeing him were like torture to me after he left for Manila.
Hindi pa siya nakakatawag ulit ngayon. Hindi ko nasagot ang tawag niya kanina dahil abala ako sa trabaho.
Tulad nga ng gusto niyang mangyari, iniwan niya sa akin ang luma niyang telepono na pwede kong magamit para ma-contact siya.
Ginawan niya nga rin ako ng Instagram account para doon kami mag-usap dahil hindi raw siya gumagamit ng Facebook. Bihira lang kung may okasyon ang pamilya nila at kung kailangan mag post ng mga litrato o 'di kaya ay mga importanteng bagay.
Sinisimulan ko na ring mag ipon mula sa mga sinusweldo ko dahil balak kong kumuha na ng telepono. Kahit iyong mumurahin lang. Hindi na bale kung maliit o malaki basta magagamit ko sa pakikipag-usap sa mga taong gusto kong makausap kahit na malayo sila sa akin.
Tulad ni Nana na nasa Maynila rin ngayon. Hindi ko alam kung ano ang lagay niya ngayon dahil wala akong telepono para makausap siya pero ipinagdadasal ko na lang na sana ay maayos ang kalagayan niya roon kasama ang mga alaga niya.
Abala ako sa pagsasampay ng mga damit nang marinig ko ang pagtunog ng telepono na nasa bulsa ng uniporme ko. Dali-dali ko namang hinugasan at pinunasan ang kamay ko bago kinuha iyon mula sa bulsa para mabasa ang mga text galing kay Leon.
Kanina ko pa ito hinihintay kaya hindi ko maiwasang masabik.
Leon Silvero: Hi, baby! I know you are probably still working right now but I want to let you know that the Charity just ended minutes ago. I'm sorry I couldn't call you right away.
Leon Silvero: Anyway, I'm on my way back to Tito Dion's house for lunch. I'm with my cousins.
Leon Silvero: I'm gonna call you later afterward.
Leon Silvero: You should take a break and eat too. I'm gonna ask Acheron if you really did eat or not. -,-
Leon Silvero: I'll see you in four days!!
Leon Silvero: I miss my girlfriend so much :(
Halos humagalpak ako sa tawa nang sunod-sunod ang paglabas ng kaniyang mensahe sa notifcation ng aking screen. Mayroong maliit na bilog na kulay green sa gilid ng kaniyang profile kaya ibig sabihin ay online siya ngayon.
He always sends me messages like this since then. And I could say that he is way more clingy in chats. Mga gawaing hindi mo maiisip na kaya palang gawin ng isang Leon Silvero kung hindi mo siya lubusang kilala.
Ngumiti ako at pagkatapos ay nagtipa ng reply sa kaniya. Kinailangan ko pang mag type nang mabilis dahil baka makita nila ako ritong gumagamit ng telepono sa trabaho. Mapapagalitan pa ako.
Calustina: Good luck! And I want you to know that I'm proud of you too for handling the Charity so well.
Calustina: See you in 4 days :)
Calustina: I miss you more!
Muli kong ibinalik ang telepono ko sa loob ng aking bulsa para maituloy ang pagsasampay ng mga damit matapos kong mai-send sa kaniya ang mga reply ko.
Hihintayin ko na lang siguro ang tawag niya mamaya. Sakto at break time ko rin iyon kaya makakausap ko siya kahit papaano.
Hindi na nasundan pa ang mga text niya kanina. Baka naging abala na ulit siya kasama ang mga pinsan niya kaya bumalik na ako sa loob ng Mansyon para matapos na ang iba ko pang mga gawain.
Nasa sala ang banda ni Acheron kaya hindi ko na sila inabala pa. Madalas na wala rito si Sir Eros nung mga nakaraang araw kaya halos hindi ko rin sila maabutan ritong magkakapatid na magkasama.
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
Teen FictionSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...