Chapter 28: Reason
Alyssa and Caspian decided to have a small drink party in their condominium, inviting Engr. Silvero over in return.
Gusto kong tumanggi at sabihing marami pa akong mga kailanganing gawin but I don't want them to think that I am avoiding Engr. Silvero. Ayoko ring isipin niyang iniiwasan ko siya kaya wala akong nagawa kundi ang magtungo at makisama sa kanila.
To celebrate my successful event with Alyssa, they invited some of our friends too. Nagulat nga ako na may kakilala rin si Engr. Silvero sa kanila kaya pakiramdam ko tuloy ako ang outsider.
Tahimik akong naupo sa aking pwesto habang pinapakinggan ang kanilang tawanan na umaalingawngaw sa apat na sulok ng kwartong kinaroroonan namin ngayon. Sumasabay sa tamang lakas ng tugtog mula sa karaoke.
Kinuha ko ang isang bote ng red wine para makapagsalin ulit sa aking baso. I don't drink hard liquors kaya ito lang ang madalas kong inumin. Ayoko kasing umabot sa puntong malalasing ako.
I don't want to get drunk again.
"Hey, you good?"
Inangat ko ang tingin ko kay Caspian nang maupo siya sa aking tabi matapos makabalik galing ng banyo. I saw the worry on his face so I give him a forced smile and nodded.
"Of course, I'm good." Sagot ko pa sabay simsim sa aking baso.
"You've been quiet since we got here." Aniya. Nakatitig sa aking mga mata na para bang naghahanap ng sagot sa kaniyang sariling tanong. "Is there something wrong? Are you feeling sick? Gusto mo ihatid na kita sa condominium mo?"
"Cas, I'm good. Don't worry about me." I chuckled because he really looked so concerned about me. "I was just tired from the event earlier but I'm fine." Nginitian ko siya para hindi na siya mag-alala pa.
"Hey, you two! Enough with the lovers' time! Come on and join us!" Mina approached us and grabbed my hands to make me stand up. Hinila rin si Caspian ng isa pa sa mga kaibigan namin patungo sa harapan ng karaoke.
They forced me to sing with him at dahil ayoko namang tumanggi ay pinagbigyan ko na sila. This is a celebration anyway. We are supposed to be enjoying right now. Hindi dapat ako nagmumukmok.
Kahit papaano, spending my time with them entertained me. Singing a song, dancing, playing games at kung anu-ano pang pwede naming gawin para lang magkatuwaan. Until we decided to sit and formed a circle in front of a low table to have a formal drink.
Malalim na rin ang gabi kaya naman naisipan naming magpahinga na.
They are all Filipinos here. May ilang half-french and half-filipino, dalawang pure french na katrabaho namin. At mukhang lahat sila ay naeenganyong makipag-usap kay Engr. Silvero.
"Well, let's talk about you, Engineer!" Humahagikhik na ibinaling ni Alyssa ang usapan sa kaniya dahilan para mapalingon kaming lahat sa kinauupuan niya.
He is sitting in front of me again, next to Angelica. She's been clinging to him since she arrived here. Lalo na at marami na rin siyang nainom at medyo may tama na.
Napabuntong hininga na lang ako bago sumimsim sa aking iniinom.
"Me? Nothing is interesting in my life to talk about." Ngumisi si Engr. Silvero bago sumandal sa kaniyang kinauupuan. Man spreading, he sipped on his drink as he secretly glanced at me.
Nag-iwas ako ng tingin.
"Oh, come on! Don't be so humble now." Humalakhak si Angelina bago hinampas ang balikat ng katabi. It almost made my lips twitch.
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
RomanceSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...
