05

40 1 0
                                    

Chapter 05: Letters

"Lustina! Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap." Sinalubong ako ni Amara nang makabalik ako sa campus.

Nilingon ko ang aking likuran at napansing hindi na nakasunod sa akin si Leon. Naroon na siya sa mga kaibigan niyang nakatambay sa isang booth. Naramdaman niya yata ang paninitig ko kaya napalingon rin siya sa akin dahilan para masalubong ko ang kaniyang mga mata.

Ngumiti siya sa akin bago ibinalik ang atensyon sa kaniyang mga kasama kaya ganoon na lang rin ang ginawa ko.

"Diyan lang sa field. Nag pahangin lang ako. Nalula kasi ako sa rami ng tao dito." Palusot ko kay Amara.

Ayoko naman magtago ng sikreto sa kaniya pero hindi naman na niya dapat pang malaman ang tungkol sa pagsama ko kay Leon, hindi ba?

"Akala ko kung saan ka na napunta." Umirap si Amara at napahinga ng malalim bago isinampay ang mga kamay sa aking braso. "Tara, hanapin na natin yung section natin. Ang sabi nung mga kasama ko kanina nag released na ang department natin ng mga section."

Hinila ako ni Amara patungo sa isang bulletin board kung saan nakalagay ang listan ng mga section na inilabas nila kani-kanina lang. By strand na iyon kaya doon kami tumingin sa Stem. Wala kasing ibang strand rito maliban sa ABM, STEM, HUMSS kaya Stem ang tinake ko.

Maraming estudyante ang nag aabang para makita ang kani-kanilang mga section pero mabilis na nakasingit si Amara hila ako. Nainis pa nga ang ilang nabangga niya pero parang wala lang sa kaniya iyon. Nakakahiya tuloy.

"Dito ka maghanap, dito naman ako." Tinuro ni Amara ang kabilang parte kaya doon ako nag punta para makapag hanap na ng section.

Ang akala ko nga ay mahihirapan ako g maghanap pero sa unang section pa lang ay nakita ko na roon ang pangalan ko. Aalis na sana ako para sabihin kay Amara na nahanap ko na ang section ko pero halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat nang mahagip ang pangalan ni Leon sa section kung saan ko rin nahanap ang pangalan ko.

Oh my god. Na nanaginip ba ako?

"Ano? Nahanap mo na ba yung iyo? Nakita ko na yung akin pero hindi ko nakita ang pangalan mo roon!"

Ang nakangusong si Amara ang sumulpot sa harapan ko. Hindi ko siya nasagot agad kaya napatingin rin siya sa tinitigan ko.

"Oh my god!" She gasped before facing me, she probably saw his name on the list of my section as well. "You're in the same room with Leon, Nikolov, and Wallace!" Inalog-alog niya ako.

Napakurap ako, hindi alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko pero mas pinangunahan ako ng hiya dahil napatingin rin ang ilang kababaihan sa aking gawi nang marinig siguro ang sinabi ng kaibigan ko. Mabilis kong hinuli ang kaniyang palapulsunan at hinila na siya paalis roon.

Baka dumugin pa kami ng mga tao at magkagulo!

"Holy shit, Calustina, holy shit!" She gasped again when I finally managed to pull her put of the crowd. "Hindi mo ba naisip kung gaano ka kasuwerte at napunta ka sa section kasama ang tatlong 'yon?" Umawang ang labi niya.

"Kumalma ka nga, Amara." Namula ang pisngi ko sa kahihiyan dahil napakalakas ng boses niya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyanteng malapit sa aming gawi. "Hindi lang naman ako ang babaeng kasama nila!" Bulong ko para walang makarinig.

"Kahit na!" Umingit siya. "Ang araw-araw na makita ang isang Leon Silvero ay isang dream come true! Ilalagay ko pa nga 'yon sa resume ko as an achievement in my life!"

Umirap ako at bumuntong hininga. Hinayaan ko na lang siyang sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin bago naming maisipang dalawa na libutin at subukan ulit lahat ng booth sa gymnasium. Inabot pa kami ng hapon roon pero nang payagan na ang mga estudyanteng makauwi, nag hiwalay rin kaming dalawa ni Amara dahil kailangan ko pang dumiretso sa mansyon para sa trabaho ko.

Taming The Heart (Silvero Series #05)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon