10

29 2 0
                                    

Chapter 10: Chain

Hindi ko inalintana ang mga taong nakakasalubong ko palabas ng venue. Nagmamadali akong tumakbo palapas at hinagod ang buong iskwelahan nang mag tawag ng break bago ang announcement ng resulta ng pageant kanina.

Maraming tao sa paligid pero nkipagsiksikan na ako mga estudyante para lang maabutan ko ang lalaki kanina na lumabas ng conversation.

Kakausapin pa nga sana ako nina Marion kanina pero hindi ako bumalik sa backstage. Hindi ko na sila napansin pa. Kailangan kong maabutan si Papa at makausap siya.

Hinihingal na huminto ako para muling igala ang paningin sa paligid. Umaasa na makikita ko ulit siyang nakahalubilo sa mga tao.

Halos mag liwanag ang mga mata ko nang matanaw ko siya na kausap ang ilang mga kalalakihan. Hinintay ko siyang matapos na makipagbatian sa mga iyon bago ko siya tuluyang nilapitan.

"E-Excuse me, Sir?" I couldn't help but stutter when I stopped in front of him. Ito ang unang beses na napalapit ako sa kaniya. Hindi ko maiwasang kabahan.

I could feel my heart trying to jump out of my throat. Sobrang lakas ng kalabog nito.

Mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko nang harapin niya ako. Tumaas ang mga kilay niya matapos akong makita.

"Oh, aren't you the last performer earlier?" Doon sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. "You did well out there. Everyone likes your performance. Congratulations." Naglahad siya ng kamay sa akin.

Bumagsak ang mga mata ko sa kaniyang kamay. Hindi alam kung dapat ko ba iyong tanggapin.

Nanggilid ang luha sa aking mga mata pero pilit ko silang hinahawakan. Ayokong umiyak sa harapan niya. Ayokong maging mahina.

I'm upset. I'm hurt. I longed for him. I'm mad at him for leaving me and my mother before he could even meet me personally but the kid inside me is getting emotional for finally meeting her father after so many years. But the current me is raging that he can't even recognize me.

Calm down, Calustina. You need to talk to him. You cannot be this emotional.

"May problema ba, hija?"

Nabalik ang tingin ko sa kaniya.

Ang ngiti sa kaniyang labi ay naging hilaw. Ang mga mata ay napilitan ng pag-aalala nang makita niya siguro ang emusyonal kong reaksyon.

"Wala po." I forced a smile and shook my head, assuring him that there was no problem.

Even though my heart is breaking into pieces inside my chest. It was so loud that I could hear it no matter how loud the surroundings.

Tinanggap ko ang kaniyang kamay at pagkatapos ay muling nag salita.

"Pwede ko po ba kayong makausap?" Magalang kong tanong kahit na gusto ko na siyang sigawan at sumbatan kung bakit niya ako iniwan noon.

"Sure, sure." Tumango-tango siya bago inayos ang kaniyang suot na necktie. "Is this about the pageant scoring or something? May mali ba sa scores na ibinigay ko?"

"H-Hindi po, wala naman po." Lumunok ako. "Gusto ko lang po sana kayong tanungin kung... Hindi niyo po ba talaga ako nakikilala?" Nabasag ang aking boses. Puno ng desperasyon at pangungulila ng isang anak para sa ama.

"I'm sorry, Hija. I don't think I know you personally." Marahan siyang umiling. "But you seemed familiar, though. Have... we met before?"

Of course, you don't remember me. You don't know me because you didn't give yourself a short time to meet me. Dahil hindi mo pa ako nakikita, umalis ka na. Iniwan mo kaming dalawa ni Mama.

Taming The Heart (Silvero Series #05)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon