30

46 1 0
                                    

Chapter 30: Place

Kabado ako at hindi na mapakali pa habang naghihintay sa pagdating ni Engr. Silvero. Dahil biglaan lang naman ito dahil sa magaling na plano ni Alyssa, simpleng miryenda lang tuloy ang naipahanda ko sa katulong.

Para na rin hindi nakakahiya, ano? Tsaka, trabaho naman ang dahilan kung bakit siya pupunta rito ngayon para makipagkita sa akin. Not that I set this up myself, though. I just don't have a choice.

Hindi ako mapakali habang nakatayo sa labas ng mansyon, inaabangan ang pagdating ni Engr. Silvero. I know I shouldn't be feeling nervous but I couldn't avoid it. Ito lang ulit ang unang pagkakaton na magkikita kaming dalawa rito pagkatapos kong manirahan sa Pransya. 

Tumuwid ako sa pagkakatayo nang matanaw na ang pagbukas ng malaking gate ng mansyon para papasukin ang bagong dating na sasakyan. 

Nang tuluyang huminto ang sasakyan at bumaba roon si Engr. Silvero ay nagtama ang paningin naming dalawa. Unlike the last time we see each other in Paris, his eyes were full of pure coldness and soulless.

I cleared my throat. Parang nanunuyot ang lalamunan ko sa nerbyos.

"Welcome, Engineer." Sabi ko at naglahad pa rin ng kamay sa kaniya kahit abot-abot na ang kaba sa dibdib ko. I want him to see that I am at least being professional here despite our past together. 

He looked down at my hand. I thought he wouldn't accept it but when I was about to pull my hand away, he shoved his hand and shaked mine. 

"Thank you, Miss Sarmiento." He said casually. 

Pilit akong ngumiti bago binalingan ang mga bodyguard na tumutulong ilabas ang mga gamit kong nakakahon na. 

"Ma'am, ito na po lahat ng mga kahon."

"Salamat po. Pakilagay na lang po iyong mga kahon doon sa Van. Ako na pong bahalang mag-ayos mamaya." Sabi ko sa kanila. 

Nagtanguan naman ang mga ito bago nagsimulang buhatin at ilipat ang mga kahon sa Van na naghihintay sa harapan ng mansyon. 

"You're moving in?" Rinig kong tanong ni Engr. Silvero dahilan para ibaling ko sa kaniya ulit ang atensyon ko. 

Ikinagulat ko iyon, but depending on his tone, I felt like he was just trying to have a casual conversation with me, so I rode in. I mean, I would do the same just so we wouldn't get awkward, although I know to myself that he is not that type of person. Awkward.

"Yes. I was planning to move in tonight. I bought a permanent condominium in Casa Al Juarez." Sabi ko. "Naghihintay na lang ako sa mga tauhang tinawagan ko para tulungan akong maglipat ng mga gamit ko." 

"I can help you with the boxes and give you a ride." Aniya na siyang mas ikinatigil ko.

Pakiramdam ko ay sandaliang huminto ang puso ko sa pagtibok habang gulat na napatitig sa kaniya. Hindi ko inaasahan iyon sa kaniya kaya hindi ko na napigilan anh sarili kong mabigla.

Mukhang nahalata niya ang naging reaction ko nang taasan niya ako ng kilay. Tila wala lang sa kaniya ang kaniyang sinabi kaya naman agad kong inayos ang sarili ko.

Nababaliw na ba siya? I'm his ex! Why would he offer that? Ano na lang ang iisipin nung girlfriend niya? Na may connection pa rin kaming dalawa?

Hilaw akong ngumiti sa kaniya.

I must be crazy thinking that. I'm such a delusional. Goddammit.

"Naku, hindi na!" I tried to laugh it out but failed miserably.

Gusto ko na lang sampalin ang sarili ko sa kahihiyang ako rin ang gumagawa.

"Thank you for the offer, Engineer. But really, I don't want to be a burden to you. I know you're busy as well. Kaya ko naman ang sarili ko. Tsaka, may mga tinawagan na akong tauhan na tutulong sa aking maglipat ng mga gamit. I can handle."

Taming The Heart (Silvero Series #05)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon