Chapter 14: Trigger
Abala na ang lahat nang makabalik ako sa Mansyon kasama si Kuya Lando. Nakarating na pala si Senyorita Aliterille kasama ang isa pang babae na kaibigan raw nito. Kasama niyang mag-aral sa Maynila.
Nabanggit sa akin noon ni Nana na siya ang kasama nila sa Maynila noon. Siya ang nagbabantay sa kanila lalo na at narito ang pamilya nila sa Batangas pero pinabalik at pinauwi raw muna siya rito dahil wala noon si Senyora Amelia. Kailangan ng Mayordomang hahawak sa mga bagong pasok na trabahador sa Mansyon.
Kaya nakasama ko rin si Nana noon sa Maynila kahit sa loob ng maiksing panahon pero sa kabila ng mga oras na mag kasama kami, hindi niya pa rin alam kung ano ba talaga ang ginagawa sa akin ni Mama noon.
Wala akong lakas ng loob para magsabi sa kaniya. Natatakot ako dahil sa oras na malaman ni Mama na nagsumbong ako kay Nana, mas lalo iyong magagalit sa akin. Mas lalo niya akong sasaktan.
Nabanggit rin sa akin ni Nana na baka pabalikin na siya sa Maynila kasama ang mga alaga niya pagkatapos nilang manatili rito sa Batangas.
Nakakalungkot man na magkakahiwalay na naman kaming dalawa pero wala naman akong magagawa dahil trabaho niya iyon.
Kakayanin ko naman kung sakali lalo na at may trabaho rin naman ako rito na kailangan kong panindigan.
Tumulong ako sa mga katulong na salubungin ang mga bagong dating. Tumulong na rin ako na ihanda ang pagkain nila lalo na at darating rin pala ang banda ni Acheron.
Napuno ng tawanan at kwentuhan ang buong sala ng Mansyon dahil sa pagbabalik ng bunsong anak ni Donya Alyana. Abala ako sa pagsasalin ng inumin sa kanilang mga baso nang mabaling ang tingin ko sa bagong dating na si Leon.
Hinihingal pa na para bang tinakbo niya pa ang daan papunta rito. Nagtama ang paningin naming dalawa at kinunutan niya ako ng noo. Puno ng pagtataka at katanungan ang kaniyang mga mata. Naghahanap ng katanungan sa tanong kung bakit narito ako at iniwan ko siya roon sa farm.
Halatang gusto niya akong kausapin at lapitan pero hindi niya magawa. Hindi niya pwedeng gawin iyon sa tuwing nasa paligid namin ang pamilya niya. Hindi rin naman niya kaya dahil hinila agad siya ng kasama ng bunso niyang kapatid patungo sa sofa na naroon.
Ayokong makahalata sila kaya naman iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya at nagpatuloy sa ginagawa.
Nagtungo na ang lahat sa labas dahil sa hardin nila ipinahanda ang mesa para doon na kumain. Naiwan naman roon si Senyorita na napapansin kong kanina pa ako sinusundan ng tingin kaya hindi ako makalabas para makatulong. Naghihintay ako kung uutusan niya ba ako o ano.
"Gusto niyo pa po ba ng inumin, Senyorita?" Magalang kong tanong sa bunsong kapatid nila na sa wakas ay malapitan ko nang nakita.
Salubong ang mga kilay na tinitigan niya ako. Pinasadahan pa mula ulo hanggang paa bago ihintong muli sa aking mukha na para bang sinusuri niya ang buo kong pagkatao.
Nakaramdamn ako ng ilang pero nagawa ko pa rin siyang ngitian at yukuan bilang pagbati.
Bakit ganiyan siya kung makatingin? Parang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya kahit na hindi naman kami lubusang magkakilala.
"Are you new here? The one that Kuya Ace telling me about?" Tumaad ang kilay niya nang tanungin iyon sa kaniya.
"O-Opo, Senyorita." Mabilis akong tumango.
"Baby, stop staring at her like that." Saway ni Leon sa kapatid nang mapansin rin ang paninitig nito sa akin.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na lumapit siya sa aming gawi pero pinilit kong huwag siyang pagtuunan ng pansin.
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
Teen FictionSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...