Chapter 11: Traitor
Abot-abot ang kaba sa dibdib ko kinabukasan nung dumiretso ako sa mansyon para nakapagtrabaho na ulit. Si Nana at Polgoso ang unang sumalubong sa akin at hindi nga ako nagkamali.
Labis ang pag-aalala ni Nana sa akin nung hindi na ako bumalik ng iskwelahan. Mabuti na lang at ipinaliwanag raw ni Leon sa kaniya na umuwi ako ng bahay.
Gumawa siya ng ibang dahilan at hindi sinabi kay Nana ang totoong nangyari. Siguro ay dahil ayaw niya akong pangunahan. Hindi naman naniwala agad si Nana kaya tinanong niya ulit ako.
Ayoko naman na mastress pa siya lalo kaya sinabi ko na sa kaniya ang totoo. Na nakita ko si Papa at isa siya sa mga nag judge sa pageant.
Noong una ay hindi siya makapaniwala at hindi raw niya napansin dahil nga huli na dumating ang isa sa mga judge. Hindi na naipakilala sa mga nanonood dahil makakaabala pa raw.
Galit ang una niyang naramdaman dahil sa mga ikinuwento ko. Sinabi ko sa kaniya lahat ng sinabi ni Papa sa akin. Galit at pag-alala pero hindi naman na niya kailangan pang mag-alala dahil iyon ang una't huling pagkakataon na hahanapin ko siya.
Nakayanan kong lumaki nang wala siya sa buhay ko kaya kakayanin ko ring lumaki nang hindi humihingi ng kahit anong atensyon at tulong galing sa kaniya.
Sapat na iyong nakita at nakilala ko siya. Na sana ay hindi ko na lang pinilit at ginawa. Dahil iyon ang bagay na pagsisisihan ko rin habang buhay.
Sobrang mali ako sa parteng akala ko, mamahalin niya ako sa oras na malaman niyang ako ang batang iniwan niya sa sinapupunan ni Mama.
Payapa at tahimik sa buong mansyon ngayon dahil wala si Senyora at ang Pamilya Silvero. Holiday ngayon kaya malamang ay lumabas ang buong pamilya nila. Sabi ni Nana ay bukas pa raw ng umaga ang balik nila.
Pinayagan ako ni Donya Alyana na dito na muna matulog para mag kasama kami ni Nana at Polgoso. Ayaw ko sanang tanggapin nung una pero nasasabik rin ako na makasama si Nana nang matagal.
Minsan lang ito kaya gusto kong sulitin dahil paniguradong sa susunod na mga araw ay magiging abala na naman siya.
Wala rin si Amara at tatlong araw na kaming hindi nagkikita dahil nasa Maynila siya kasama ang kaniyang mga magulang. May trabaho raw kasi roon ang Tatay niya ng dalawang araw kaya kailangan nilang sumama.
Bukas na bukas rin ang balik kaya hindi na ako makapaghintay na magkita ulit kaming dalawa.
Sa loob ng isang buwan na pagpasok ko sa BNH, naging masaya ang pagiging estudyante ko kahit papaano. Dahil kay Leon at sa mga kaibigan niya. Iyon nga lang, ayaw pa rin akong pakisamahan ni Irina. Siguro ay dahil hindi niya ako gusto maging kaibigan.
Naiintindihan ko naman pero minsan nakakatakot siyang tumingin. Kahit gusto ko siyang ngitian, nag-iiwas na lang ako ng tingin.
Hindi kami pinagtatrabaho ngayon ni Donya Alyana kaya nakangiti kong nilibot ang buong Hacienda Silvero kasama si Polgoso.
Nauuna siya sa akin dahil panay ang takbo niya, sinusubukang habulin ang mga paru-parong gustong dumapo sa mga bulaklak na nadadaanan namin.
Hindi ko nauwi ang premyo na gusto kong mauwi nung gabing iyon pagtapos ng pageant. Na disqualified raw kasi ako pero hindi naman nila sinabi kung ano ang rason kaya iba ang nakapag-uwi ng premyo.
Nakakadisappoint lang dahil pinaghirapan ko iyon. Pinaghirapan naming dalawa iyon ni Leon pero hinayaan ko na lang. Ayoko namang makipag-away pa.
May ibang paraan pa naman para makapag-ipon ng pera. Baka hindi lang talaga para sa akin ang halaga ng premyo na iyon.
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
Teen FictionSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...