23

49 2 0
                                    

Chapter 23: Accept

I watched the raindrops against the window of the room where I had been staying since last night. Witnessing the two birds staying on the side of the balcony, trying to fit themselves on the small shelter so they wouldn't get soaked by the heavy rain outside.

Wala akong gana lumabas ng kwarto buong gabi matapos nung nangyari. Ganoon rin nung sumunod pang araw. I don't have the energy to talk with anyone nor even eat that I had to skip school for the first time.

Hindi ko pa kayang humarap sa mga tao.

Hindi pa ako nakakauwi ng bahay dahil dito na ako pansamantalang pinapatuloy ni Sir Rinaldo at ng kaniyang asawa while the case is still ongoing. Gustuhin ko mang tumanggi, hindi rin nila ako pinagbigyan dahil mas makakabuti raw kung mananatili muna ako sa puder nila.

Tahimik kong pinahid ang aking mga luha bago ibinalik ang atensyon sa hawak kong telepono. Iyong nabili ko pa nung unang sweldo ko sa Casa Al Juares.

Ayaw nila akong pahawakin ng telepono para maiwasan ko ang mga balitang kumakalat sa social media tungkol sa akin pero hindi rin nila ako magawang pigilan.

I scroll through my Facebook feed, visiting the hashtag related to my name. Makikita pa rin roon ang ilang clips na nakuha nila kagabi pero nabalik ang atensyon ko sa isang news article kung saan nilabas na nila ang katotohanang ako ang girlfriend ni Leon.

Kahit masakit at mabigat sa dibdib ko ang nakikita kong mga comments mula sa mga tao, nagpatuloy pa rin akong mag scroll down sa comment section. Reading their thoughts and opinions about me and my relationship with him.

Grabe! I can't believe na pumatol si Leon sa isang prostitute? I mean, duh? What happened to his ideal type?

Grabe na talaga ang mga kababaihan ngayon. Gagawin lahat pati ang magpakamot sa iba magkapera lang. Nakakadiri.

Malandi! I wouldn't be surprised anymore if we found out that she seduced him as well. I still can't process the truth that she is his girlfriend.

Mukhang pera!

Pokpok!

Malandi ka!

Nakakadiri!

Hindi na nahiya. Nagpagalaw na pala sa iba't ibang lalaki noon pero ang lakas ng loob na makipagrelasyon kay Leon.

Well, ganiyan talaga ang nagagawa kapag kapos ka hahahahaha!

Leon doesn't deserve this. Leave him alone!

Break up with her, Leon!

Mahiya ka naman sa pamilya ni Leon!

Go kill yourself, malandi ka!

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko kasabay ang pagtulo ng panibagong mga luha. Ibinalik ko ang telepono sa tabi ng natutulog na si Polgoso sa kamang kinauupuan ko nang hindi ko na kayanin pang magbasa ng mga comment galing sa mga tao. Puro insulto at panglalait. Banta o pangmamaliit ang makikita ko.

Kalat na ang ang buong pangyayari. Maraming article na ang lumabas kaya panigurado akong nakarating na rin iyon sa pamilya ni Leon.

I just wanna leave here and go to them to apologize for the mess, na nadamay pa si Leon dahil sa akin. Pero maraming bodyguard ang nakaantabay ngayon sa buong mansyon kaya hindi agad ako makakalabas kahit na gustuhin ko man.

Taming The Heart (Silvero Series #05)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon