01

108 2 0
                                    

Chapter 01: Taken

Inilapag ko ang mga nakuha kong seashells sa isang maliit na batya para mahugasan na ang mga ito at mapatuyuan mamaya.

Maganda ang panahon kaya hindi masakit sa balat ang sikat ng araw. Hindi rin naging mahirap sa akin ang pangongolekta. Kailangan rin dahil paggawa ng mga purselas o palamuti ang madalas kong gawin para kumita.

May ilang araw pa naman bago ang pasukan sa Batangas National High school. Nakapag enroll naman na rin ako doon at nakapag pasa na ng mga kakailanganing requirements. Naghihintay na lang ako ng announcement nila at makapaglabas ng mga sections list. 

Habang wala pa, para na rin makaipon, ang mga ginagawa kong palamuti na gawa sa perlas at seashells tulad ng purselas, kwintas at singsing ay ibinebenta ko ng murang halaga sa bayan. 

Hindi ganoon kalaki ang kinikita ko araw-araw pero sakto lang para madagdag sa iniipon ko para sa tuition fee pagtungtong ng kulehiyo. Mas maganda na yung maaga pa lang ay nagtatabi na ako ng pera. Ayoko namang iasa lahat kay Nana.

Wala pa si Nana at hindi pa nakakauwi ng bahay. Ang sabi niya ay mamayang hapon siya makakadaan rito sa bahay dahil marami siyang tinatrabaho sa mansyon ng mga Silvero. Siya ang mayordoma roon kaya naiintindihan kong minsan lang rin siyang makauwi rito. 

Wala namang problema sa akin iyon. Madalas akong mag-isa rito sa bahay pero mas maayos ang buhay ko rito at tahimik hindi tulad noong nasa Maynila ako. Magulo at masyadong masakit. 

As a kid who grew up in a broken family, getting abused by my own mother whenever she was drunk or not in the mood, having a mother who doesn't care about your existence is hard. Kasama ko nga siya pero parang hindi anak ang trato niya sa akin. Kung hindi pang-aabuso o bugbog ang ibibigay nila sa akin, sumbat at pagsisi na sana ay hindi na nila ako naging anak. 

I never met my father. Sa tuwing hinahanap ko siya kay Mama ay nagagalit siya at iiyak. Doon ko lang nalaman na iniwan pala kami ni Papa noon at nagpakasal sa bago niyang kinakasama bago pa man ako ipanganak ni Mama. Kaya hindi ko rin masisisi si Mama kung bakit ganoon na lang kalaki ang galit niya sa tuwing binabanggit ko si Papa. Pero kahit na ganoon ang mga sinasabi sa akin ni Mama noon, gusto ko pa ring hanapin at makita si Papa. Gusto ko pa rin siyang makilala. Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan at kung saan ko siya hahanapin.

Lumaki ako na may ganoong karanasan at estado ng buhay. Mga karanasang hindi dapat nararanasan ng mga pang karaniwang babae tulad ko. I learned to stay in my shadows and remained silent to protect my own peace. I am afraid of people. I am afraid to meet their gaze, thinking they might look at me the way my mother looked at me.

Nakangiti kong tinatampisaw ang aking mga paa sa tubig alat habang hinahayaan ang malamig na hangin na yakapin ang aking katawan. Tanaw ang malawak na karagatan at ilang naglalayuang mga isla, ikinakalma ako nito.

Pagkatapos kong maibilad ang mga nakuha kong shells, nagtungo ako sa tabing dagat para makapagpahinga. Our house is just next to the Batangas lighthouse kaya wala kaming masyadong kalapit na bahay. Tama lang para sa tahimik na kapaligiran.

Kasabay ang pag ihip ng malamig at sariwang pang hapong hangin ay ang pag sayaw ng mga puno sa paligid. Humahalo rito ang alikabok mula sa pino at puting buhangin ng Casa Al Juaréz.

Basa na ang laylayan ng suot kong puting bistida pero hindi ko na inalintana pa ito. Balak ko rin namang maligo sa dagat.

Dahil madalas akong maiwan sa bahay kapag may trabaho si Nana sa mansyon, ako rin ang naatasang magbukas ng ilaw sa lighthouse tuwing gabi. Dahil malapit ako roon, sa akin nila ibinilin ang trabaho. Kumikita rin ako roon kahit papaano. 

Taming The Heart (Silvero Series #05)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon