Chapter 16: Swear
Hindi naging madali sa akin ang sumunod na araw. Mga araw na akala ko hindi magtatagal hanggang sa umabot na ng ilang lingo.
Hindi naging madali sa akin ang iiwas ang sarili ko sa isang lugar kung saan posible kong makita o makasalubong si Leon. Pero kahit papaano, nagawa ko ring idestansya ang sarili ko sa mga kaibigan niya. Na tingin ko ay para naman sa ikabubuti naming lahat.
Pakiramdam ko kasi, gulo lang ang nadudulot ko sa lahat. Puro problema.
And because of what happened, I felt like my old life had returned.
Invisible.
Alone.
Nobody.
Mas lalo ko pang naramdaman na mag-isa ako simula nung lumuwas si Nana pabalik ng Maynila kasama ang mga alaga niyang kailangan niyang alagaan.
Hindi na rin ako tumutuloy sa mansyon kaya kapag tapos ng trabaho, susunduin ko na si Polgoso at sabay na kaming uuwi sa bahay.
Hanggat maaari, ayokong magtagal sa mansyon dahil may posibilidad na magkita kaming dalawa roon.
Kahit papaano, kahit mahirap dahil sa sinisigaw ng puso ko, nagawa ko rin siyang iwasan.
"Lustina, tapos ka na ba riyan?"
Inangat ko ang tingin ko nang lapitan ako ni Andeng na buhat pa ang laundry basket. Mukhang kakatapos niya lang magsampay ng mga mantel.
"Patapos na."
Ibinalik ang atensyon sa ginagawa kong assignment na kailangan kong maipasa bukas ng umaga pagbalil ng iskwelahan.
"Bakit? May kailangan ka bang iutos?"
"Si Sir Leon kasi, eh."
Nahinto ako sa ginagawa nang banggitin niya ang pangalan ng lalaking iyon. Marahan kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya nang gapangan ako ng kaba at pag-aalala na baka kung ano na pala ang nangyari sa kaniya.
"Bakit? Anon nangyari kay Leon?" Bahagyang kumunot ang aking noo.
"Ayaw kasi kaming pagbuksan ng pintuan niya. Ayaw kaming papasukin. Kaninang umaga pa iyon hindi kumakain. Sinusubukan naming kausapin pero hindi kami pinapakinggan. Maski si Donya Alyana at ang mga kapatid niya, ayaw niyang kausapin."
Mas lalong nag salubong ang mga kilay ko sa kaniyang sinabi.
Is he still locking himself up in his room?
Hanggang kailan siya magkukulong roon? Hanggang sa maospital siya dahil sa pagpapalipas niya ng gutom?
Nababaliw na siya!
"Ikaw na lang ang pag-asa namin. Baka pwedeng kumbinsihin mo si Sir Leon na lumabas na ng kwarto niya. Sayo lang kasi nakikinig ang isang 'yon, eh." Ngumuso si Andeng, halatang nag-aalala para kay Leon.
Bahagya akong tumango bago binaba ang mga mata ko sa papel na nasa ibabaw ng mesa ko.
Hindi ko alam kung makikinig pa siya sa akin pagkatapos lahat ng nangyari.
After what happened to him that night, he was told not to leave the mansion for weeks. No cars. No parties. No outside events. No alcohol and cigarettes. No girls or hangouts.
Iyon lang ang unang beses na nakita kong nagalit si Donya Alyana kay Leon. Nung umuwi siyang puro pasa at sugat ang kaniyang mukha.
Grounded siya kaya maski ang makipagkita sa mga kaibigan niya ay hindi pupwede. Hindi rin siya pinapayagang mag maneho ng sasakyan niya kaya kailangan pa siyang sunduin at ihatid ng driver para masiguradong pagkatapos ng iskwela ay sa Mansyon agad ang diretso niya.
BINABASA MO ANG
Taming The Heart (Silvero Series #05)
Teen FictionSeeking to start over and escape her previous life, Calustina Amethyste Sarmiento moved to Batangas so she could continue to pursue her studies in a better society. For her, life was uneven. She was aware of the harsh realities of those people, like...