CHAPTER 12

2 0 0
                                    

ChapterTwelve ]
-------------------------------

                                 ~oOo~
Isang buwan na ang nakakalipas simula ng maging Nanny ako ng anak ko, mahirap, oo, pero kinakaya ko. Itong set up na 'to ang pinakamahirap sa akin, nanay ako nang anak ko pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. Alam kong hindi pa naman maiintindihan ng anak ko sa ngayon, pero mas mabuti sana an habang bata pa siya ay ako na kaagad ang makilala niyang ina.
Mag-aanim na buwan na si M.A. sa susunod na buwan, marunong na nga siyang gumapang pero mabagal pa nga lang.
"Aw, baby! Ang cute cute mo talaga." Nakasilip ako ngayon sa kusina para tanawin sina Sophia at Angelo na masayang nilalaro si M.A., mag-iisang buwan naring nagpupunta rito si Sophia at hindi naman ako nagrereklamo. Wala naman akong dapat ikareklamo, kasintahan siya ni Angelo at wala na akong magagawa kung dalhin niya sa bahay niya si Sophia araw araw. Ano ba ako rito? Hindi ba't Nanny lang ako nang sarili kong anak? Mabait si Sophia, sobra. Hindi niya ako inaaway o pinagsasabihan ng masama, minsan nga nagpapaturo pa siya sa akin kung paano mag-alaga ng bata eh. Tinuruan ko naman siya ayun sa nalalaman ko, hindi rin naman kase ako magaling mag-alaga sa anak ko eh. Pero kahit ganoon, sinisiguro ko naman na palaging malinis ang anak ko at hindi ko siya pinapabayaan.
Tinuturo ko ang lahat sa kanya para naman kapag wala na ako sa bahay na ito alam na niya ang tamang gawin sa anak ko, pinipilit ko naring isaksak sa isip at puso ko na pagkatapos mag-isang taon si M.A. ay aalis na ako sa bahay na ito, aalis na ako sa buhay ng anak ko, mahirap mang tanggapin pero siguro kailangan ko itong gawin kase 'yun ang napagkasunduan. Kaya lang naisip ko rin na tama nga ba na piliin ko ang hindi tama? Paano na ako pagkatapos kong umalis sa bahay na ito? Makakatulog kaya ako sa gabe knowing that I left my own flesh and blood here? My own daughter?
Naisip ko narin na siguro kapag malapit na ang kaarawan ni M.A ay kakausapin ko ulit si Angelo ng maayos, na dito na lang ako sa bahay niya, na kahit hindi na malaman ng anak ko na ako ang Nanay niya ay okay lang sa akin basta't narito lang ako malapit sa anak ko.
"Sshhh. Baby, tahan na." Umiyak si M.A., bigla akong nataranta, pero pinigilan kong huwag lumabas sa kusina. Naghanap ako nang pupwedeng gawin pero wala akong maisip na gawin, mas lumakas pa ang iyak ng anak ko. Hindi ko na napigilan kaya lumabas ako mula sa kusina, nakita kong nahihirapan sina Angelo at Sophia na patahanin ang anak ko. Mabilis akong naglakad, nakita ako kaagad ni Sophia. Karga karga ni Angelo si M.A. "Ssshh. Daddy's here, baby. Stop crying." Pag-aalo ni Angelo kay M.A. pero iyak ito ng iyak, bumaling ang ulo ni M.A. sa akin at tinitigan ako. Puno ng luha ang mukha ng anak ko, para siyang nagmamakaawa na kunin ko siya, para akong nawalan ng hininga. Hindi ko kayang umiiyak ng ganito ang anak ko, lumapit ako kay Angelo. Tinitigan niya ako. "Akin na si M.A.." Hindi naman ito umangal at ibinigay ang anak ko sa akin. "M-ma. Mmmmm. Ma." Iyak ng anak ko nang makuha ko siya. Kumapit ito kaagad sa akin ng mahigpit.
Halos maiyak ako nang marinig ko ang sinabi ng anak ko, sinambit niya ang salitang "Ma", short for "Mama", ito ang unang salitang sinambit niya at masayang masaya ako na narinig ko iyon. "Tahan na baby, nandito na ako. Tahan na." Hinaplos haplos ko ang likod ni M.A., pinunasan ko rin ang mukha niya na punong-puno ng luha. "May masakit ba sayo? Huh? Tahan na, baby." Kumisap kisap ang mga mata ni M.A., may maliliit pa akong hikbi na naririnig sa mula sa kanya. Naglakad ako patungo sa kwarto ni M.A., baka gutom na siya. Ipagtitimpla ko siya nang gatas.
Nang makarating kami sa kwarto ni M.A. ay inilagay ko siya sa kama niya, tumahan na ito at kasalukuyang nagta-thumb sucking. Pagkatapos kong maitimpla ang gatas ng anak ko ay umupo ako sa gilid niya. Nilagyan ko ng mga unan ang bawat gilid niya, dumapa ito. "May kanta ako sayo, baby. Makinig ka, huh?" Tumayo ako.
"May tatlong bibe akong nakita, mataba, mapayat mga bibe, ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa. Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak, kwak kwak kwak, kwak kwak kwak. Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak. Tayo na sa ilog ang sabi, kumendeng kumendeng ang mga bibe, ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa. Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak, kwak kwak kwak, kwak kwak kwak siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak." Sumasayaw sayaw pa ako habang kumakanta. Naaaliw naman sa akin ang anak ko, kase panay ang mahihina nitong tawa at hampas hampas niya ng kamay niya sa kama. "Be...wak..." Tumawa ako nang mahina. Ang cute cute ni M.A. hirap siyang magsalita pero sinusubukan niya. Siguro paglaki nito ay matalino siyang bata.
https://www.youtube.com/watch?v=D7fTtLFQ2NE
Ni hindi ko nga siya tinuturuang magsalita ng mama o papa eh, pero siya mismo ay sinabi ang katagang "ma". Ngumiti ako sa anak ko at pinahiga siya, "dede ka muna, baby. Nagustuhan mo ba ang kanta ko sayo?" Inilalabas niya lang ang dila niya sa akin at ngumingiti. Ipinahawak ko sa kanya ang feeding bottle niya, nag-umpisa naman siyang dumede at ilang minuto lang ang nakalipas ay nakatulog na ang anak ko.
Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha ng anak ko, ilang buwan nalang at mag-iisang taon na siya. Saan na kaya ako pagkatapos ng kaarawan ng anak ko? Hindi ko pa kase nasisiguro kung papayag si Angelo na manatili ako rito. Kinuha ko ang walang laman na feeding bottle ni M.A. at bumuga ng malalim na hangin. Hinaplos ko ang matambok na pisnge ni M.A., bahagya itong gumalaw at bumaling ang katawan niya patagilid. My baby, ang ganda ganda niya. Para talaga siyang isang anghel. Habang lumalaki siya ay mas gumaganda siya.
"Aalis kami mamaya ni Sophia with my daughter, just tell me if gising na siya." Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni Angelo sa likuran ko. Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin ng nilingon ko siya na gulat na gulat. Napatikhim ako. "S-sige." Sagot ko nalang. Kanina pa kaya siya sa labas? Narinig niya kaya akong kumakanta kanina? O baka nakita niya akong sumasayaw? Bigla akong namula sa naisip ko. Hala! Hindi naman siguro.
Umalis na si Angelo kaya tinitigan ko ulit ang anak ko habang natutulog.
"Mika?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Sophia pala, nakangiti itong lumapit sa akin. Umupo siya sa kanang bahagi ng kama, nasa kaliwa kase ako. "Ang sarap niyang tingnan matulog, ano?" Nakatitig siya sa anak ko. Napangiti ako sa tinuran niya. Inayos niya pa ang damit ni M.A., "parang adult na kung matulog. Hindi rin siya malikot matulog and she snore a litle." Mahina siyang tumawa. Napatitig din ako sa anak ko.
Someday, this woman beside you, anak will be your mother. Siya ang papalit sa akin bilang nanay mo.
Gusto kong maiyak sa sinabi ko. Mawawalan na talaga ako ng karapatan sa anak ko kapag nangyari 'yun. Kapag pinaalis na talaga ako ni Angelo sa bahay na ito. "O-oo nga." Sabat ko nalang. Lumingon si Sophia sa akin. I can see jealousy in her eyes, nagulat ako. Why? Why I can see that in her eyes? "Alam mo, nagseselos ako sayo. Kase ikaw, parati kayong magkasama ni Angelo, tapos may anak na kayo. Hindi man kayo ganoon ka civil sa isa't-isa pero nasa iisang bahay lang kayo." Napaawang ang mga labi ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.
"Kung hindi siguro ako umalis, siguro hindi kayo nagkita, siguro kami na ngayon ang may anak." Naluluha ang mga mata niya, I tried to say something pero nabuka ko lang ang mga labi ko at walang salita ang lumabas doon. Nahihiya ako sa kanya. Sobrang bait niya, kitang-kita ko sa mga mata niya na nasasaktan din siya. Siguro itinatago niya lang ito sa lahat, kase sa tuwing nakikita ko siya ay palagi itong nakangiti sa akin. Kitang kita ko rin ang pagmamahal niya kay Angelo. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Kahit isang araw lang, o isang gabe, kaya ng baguhin ang buong buhay mo." Ani niya. Tama siya, isang gabe lang, lahat ng bagay ay nag-iba na. Naging kumplikado na.
Tama nga si Angelo, I ruined everything because of what happened, nasaktan ko silang dalawa, lalong lalo na si Sophia na sobrang bait. Napayuko ako. Ako ang may kasalanan, kung sana hindi na lang ako pumunta noong gabing 'yun, sana hindi ito lahat nangyari. Sana wala akong nasirang relasyon. Sana hindi nasasaktan ng ganito si Sophia. Sana wala akong nasaktang ibang tao. "Hey." Hinawakan ni Sophia ang kamay ko, mataman niya akong tinitigan. My tear fell on my cheek. Nanlaki ang mga mata niya. "S-sorry, hindi ko sinasadya. Pasensya na talaga. A-ako lahat ang may kasalalan. Sorry, S-sophia. K-kung hindi sana ako p-pumunta noong gabing 'yun, sana wala tayo sa s-sitwasyong ito. Kung h-hindi sana ako naging pabaya." Humihikbi kong salita. Agad siyang lumapit sa akin at hinarap niya ako. Naaawang mga mata ang nakatingin ngayon sa akin.
Umiling siya. "Wala kang kasalanan, bago pa man nangyari ang nangyari sa inyo ni Angelo noong gabing 'yun ay malabo na talaga ang relasyon namin ni Angelo. Hindi siya pumayag na umalis ako. I had a job offer abroad and I can't say no to my family, pero si Angelo, ayaw niya akong umalis. Nagcool-off kami, then nakipagbreak ako sa kanya" Paliwanag niya. Pinunasan niya pa ang luha sa pisnge ko. She smiled at me. "May rason kung bakit lahat ng ito ay nangyari sa atin. Hindi kita sinisisi, Mika." Tumango na lamang ako sa sinabi niya. She hugged me at umalis na rin.
****
Nang magising si M.A. ay agad na umalis sila ni Sophia at Angelo kasama ang anak ko, nagpaalam din ako kay manang na aalis ako. Gusto ko lang mapag-isa, para makapag-isip-isip kung ano ba ang pwede kong gawin. Kung ano ang tamang gawin ko.
Nagi-guilty ako.
Bumabagabag parin sa isip ko ang mukha kanina ni Sophia, hindi maalis-alis sa isip ko ang mga mata niyang nasasaktan at nagseselos.
Narito lang ako sa isang Park, nakaupo sa damuhan. Dapit hapon na kaya nakikita ko ang unti-unting paglubog ng araw. Sobrang pula nito na may pagka-orange.
"Mikaela, kamusta?" Ngumiti kaagad ako kay Zeus, umupo siya sa tabi ko. Hindi ko inaasahang nandito rin pala siya. Nakaputing V-neck shirt siya, kulay black na pants at sneakers. Simple lang pero napakagwapo niya parin, samahan mo pa ng matamis niyang ngiti na lalong nagpapatingkad ng mukha niya. "Okay lang, ikaw?" Inayos niya ang nagulo niyang buhok dahil sa hangin. "Okay lang din, medyo pagod nga lang dahil sa trabaho." Sabi niya. Sa tagal na naming magkaibigan ni Zeus ay hindi ko pa itinanong sa kanya kahit minsan kung ano ang trabaho niya, siguro nagpapatakbo siya ng sarili niyang kompanya o kompanya ng pamilya niya. Hindi kase basta basta ang mga sasakyan ni Zeus, alam kong mga mamahalin 'yun base narin sa brand.
Natahimik kaming dalawa, wala ni isa sa amin ang nagsalita. Pareho lang kaming nakatanaw sa papalubog na araw. "Alam mo ba kung bakit lumulubog ang araw at sumisikat?" Basag niya sa sa katahimikan. Napalingon ako sa kanya, he is staring at it seriously. "Para sa umaga makapagtrabaho ang mga tao at sa gabi naman ay makapagpahinga." Simpleng sagot ko. Tama naman kase ang sinabi ko, alam kong isa 'yun sa mga rason kung bakit ginawa ng poong maykapal ang araw at gabi. Tumingin ako ulit sa papalubog na na araw.
"Sabihin na nating parang ganoon na nga, pero para sa akin may iba pang rason." Napalingon ako ulit sa kanya. Sobrang seryoso ng mukha niya, ngayon ko lang siya nakitang ganito. Parang may dinaramdam siya, parang may malaki siyang problema. "Sumisikat ang araw para malaman nating lahat na ang buhay ay maliwanag at masaya, pero sa tuwing lumulubog ang araw ay dumidilim ang paligid...." Napakaseryoso ng mukha niya, malalim siyang bumuntong hininga. Bakit kaya siya nagkakaganito?
"Dumidilim ang paligid. Malalaman mo na ang kasiyahan na nararamdaman mo ay pwedeng maglaho, ang mga bagay na nagpapasaya sayo ay nawawala rin kapag dumidilim. Hindi mo na makikita ang mga bagay na magaganda sa liwanag kapag dumidilim. Lahat maglalaho. Lahat mawawala." Malungkot niyang saad. Parang may kumurot sa puso ko, malungkot ang kaibigan ko. Si Zeus na palaging ipinapakita na masaya siya ay may itinatago rin palang problema at lungkot sa buhay.
"Ikaw, kung papipiliin ka, anong pipiliin mo? Sisikat ang araw o lulubog nalang ito?" Pagtatanong niya. Napaisip ako. "Siguro mas pipiliin ko ang lulubog nalang ang araw, kase gusto kong magpahinga sa lahat. Gusto kong kalimutan ang lahat." Sabi ko. He stared at me. My eyes got misty. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. "Kung hindi mo na kaya, pwede kang tumakas. Pwede mong iwan ang lahat ng bagay na nagpapasakit sa iyo. Minsan hindi maganda ang pagtakas sa lahat ng bagay o sa lahat ng problema mo, pero minsan ang pagtakas ay solusyon din sa lahat ng bagay. Makakalimot ka, tatakasan mo ang sakit. Mahirap pero kung pursigido ka ay magagawa mo." Mahabang paliwanang niya. Hinaplos niya ang buhok ko.
"Ako, pinili ko ang tama, para sa nakakarami, pero para sa iba ay mali." Kumunot ang noo ko. Ano ang ibig niyang sabihin? Kumalas ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya. Ngumiti siya sa akin. "Marami ka pang hindi alam sa akin, minsan kwentuhan kita kapag may time na ako. Okay?" Ginulo niya ang buhok ko. Marami nga akong hindi pa alam sa kanya, katulad ng kung ano ang trabaho niya. "Seryoso ako sa sinabi ko. Kung iiwan mo man ang anak mo, alam kong mapapanatag ka. Mahal ni Angelo ang anak mo, sa takdang panahon kapag nagkita kayo, you can explain everything to your daughter kung ano ang rason mo kung bakit iniwanan mo siya, if you'll choose to leave her." Nag-iwas ako ng tingin.
"May ilang buwan ka pa bago makapagdesisyon. Alis na ako, Mika." Hinalikan niya ako sa pisnge bago tumayo at naglakad na papalayo sa akin.
Ano nga ba ang dapat kung gawin? Do I need to leave my daughter? Alam ko namang napakahirap gawin ng bagay na iyon.
LIGHT SPG
Mag-aalas syete na ng makauwi ako sa bahay ni Angelo, tahimik akong pumasok sa bahay niya, nagulat ako ng makita ko si Angelo na nakaupo sa sala at may hawak hawak na baso. Umiinom na naman siya, lumingon siya sa akin. "Where have you been?" Matigas na tanong niya sa akin.
"D'yan lang sa labas." Tipid na sagot ko. Kanina pa kaya sila? Aakyatin ko nalang siguro ang anak ko. "Akyat lang ako sa kwarto ni M.A." Tumalikod na ako pero marahas niya akong hinablot sa braso. Napapitlag ako. Masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. Nagulat ako. Galit na galit na naman ang mga mata niya. Ano na namang mali ang nagawa ko? May kasalanan ba ako sa kanya?
"N-nasasaktan ako, b-bitawan mo ako p-pakiusap." Kinaladkad niya ako, hindi niya binibitawan ang braso ko. Halos isahing lakad lang namin mula sala papuntang kwarto niya. Bigla akong nanlamig ng makapasok kami sa kwarto niya. Pabalibag niyang isinara ang pintuan ng kwarto niya. Bumalik na naman ang takot sa sistema ko. "You! You freaking, whore!" Galit na sigaw niya. Whore.. He is calling me names again.
"Didn't I told you that you are mine? Ako lang ang pwedeng umangkin sayo, ako lang ang pwedeng gumamit sayo. Why are you with that asshole? Huh?" Naririnig ko ang paggitgit ng mga ngipin niya. Para na naman siyang isang tigre, ang mga mata niya, para akong pinapatay sa bawat titig niya sa akin. Umiling ako. "W-wala kaming g-ginagawang m-asama..." Sinampal niya ako. Sinapo ko kaagad ang pisnge ko kung saan dumapo ang palad niya. I cried. Humagulhul kaagad ako ng iyak. Sobrang sakit, parang mawawala ang ulo ko sa katawan ko. "T-tama na, please. N-nagkausap lang n-naman k-kami." Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya kapag nakakausap ko si Zeus, mabait si Zeus at siya lang ang kaibigan ko dito at nakakausap bukod sa kanila ni Manang. Hindi ko maintindihan is Angelo sa lahat ng bagay.
Hinawakan niya ang mukha ko ng sobrang diin, halos madurog ang mukha ko. "Ako lang ang pwedeng umangkin sa katawan mo!" Singhal niya bago niya ako hinalikan ng sobrang diin. Halos dumugo ang labi ko sa pagkagat niya. Mapagparusa ang mga halik na ibinibigay niya sa akin. Hindi naman maubos-ubos ang luhang lumalabas sa mga mata ko. Ilang segundo pa ang lumipas ay nawasak na niya ang suot kong damit, binuhat niya ako at marahas na ihinagis sa gitna ng kama niya.
Pinagsawaan niya ang katawan ko, ilang beses niya akong inangkin hanggat sa mapagod siya. Ilang beses akong nagmakaawa na itigil na niya ang ginagawa niya pero bingi siya sa mga pakiusap ko, wala akong karapatang humindi, siya lang ang masusunod. Hindi ako o kahit na sino, siya lang, at wala akong magawa kundi ang umiyak lang at pauli-ulit na magmakaawa.
Tama nga si Zeus, kung hindi mo na kaya ang lahat, kung gusto mong kalimutan at huwag masaktan ay kailangan mong tumakbo sa lahat. Kalimutan ang lahat. Marami na akong nasasaktan, pati na si Sophia. Hindi ko siya kayang kausapin, kapag nalaman niya kung ano ang nangyayari sa amin ni Angelo tiyak magagalit siya sa akin, mas masasaktan pa siya ng lubos.
At hindi ko kaya iyon, tama na ito. Ayaw ko nang dagdagan ang sakit sa puso niya. Sobrang bait niya para masaktan.
Niyakap ko ang sarili ko at mahinang humikbi, nakatalikod ako kay Angelo, siya naman ay nakayakap sa hubad kong katawan. Malalim na ang paghinga niya, tulog na tulog na siya. Pinahid ko ang luha sa pisnge ko at unti-unting ikinalas ang pagkakayakap ni Angelo sa akin pero bigo ako. Sobrang higpit ng yakap niya sa bewang ko.
Sinubukan kong muling ikalas ang pagkakayakap niya sa akin pero hindi ko nagawa.

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now