ChapterFortySix ]
-------------------------------~oOo~
Mikaela's POV
Hindi ko akalain na darating ang araw na ito, ni sa panaginip ko ay hindi ito napasok. Bata palang ako ay nangarap na ako na sana ay makatagpo ako nang lalaking katulad ng Papa ko na mapagmahal sa Mama ko at sa akin at gagawin ang lahat para maitaguyod ang pamilya niya. At heto ako ngayon, nakatayo na sa harap ng nakasaradong malaking pinto ng simbahan, wearing my bridal gown at hawak-hawak ang isang bouquet ng bulaklak.
I really don't know what I am feeling right now, pero, isa lang ang nangingibabaw sa lahat. Sobra akong masaya at sa sobrang kasiyahan na nararandaman ko ay naiiyak na ako hindi pa man nag-uumpisa ang seremonya ng kasal namin ng lalaking mahal at mamahalin ko pa.
After magpropose sa akin ni Angelo ay agad niyang inasikaso ang kasal namin, he was very hands on to it. Gusto niya perfect ang lahat para sa pinaka-espesyal na araw naming dalawa, ni sa pinakamaliit na detalye ay inaalam niya. After two weeks ay dumating ang Mommy at Daddy ni Angelo, they came from Italy, may business din kasi sila 'roon at dumating din si Ate Maurice.
Mabait naman pala ang Mommy ni Angelo, humingi siya ng sorry sa akin nang dahil sa nangyari noon. Hindi naman na big deal talaga sa akin iyon kasi naiintindihan ko naman siya, siguro dahil sa mahirap lamang ako kaya iyon kaagad ang naiisip niya sa akin. Hindi ako ang klase ng tao na nagtatanim ng sama ng loob kaya buong puso kong pinatawad ang Mommy ni Angelo and for his Daddy naman, sobrang bait din nito kaya lang may pagkastrikto na nasa lugar naman. They both love my daughter so much, aliw na aliw ito sa apo nila dahil sa likas na malambing ang anak namin ni Angelo ay napakabibo pa nito.
Tinulungan nila kami ni Angelo sa mga kailangan naming gawin para sa kasal namin, si Ate Maurice naman ang tumulong sa akin para sa pagpili ng bridal gown ko. Actually, hindi alam ni Angelo kung ano ang itsura nito kasi sabi ni Ate Maurice dapat sa wedding day niya na raw ito makita para surprise. Royal blue ang color motiff namin, 'yon na ang pinili ni Angelo kasi favorite color ko 'yon.
"Madaam? Are you ready?" Tanong ni Chelsea na wedding coordinator namin, ngumiti ako sa kanya at tumango. Sumenyas na siya sa crew niya at maya-maya pa ay narinig ko na ang intro ng wedding song namin, instrumental palang ito. I closed my eyes at napabuga ng malalim na hangin.Walang maghahatid sa akin sa altar, pwede naman sanang si Mang Mario since itinuring ko narin siyang pangalawang Tatay ko, but, naisip ko na maglalakad akong mag-isa dahil alam kong sasamahan ako nang mga magulang ko habang naglalakad ako. Kahit wala na sila, alam kong nakatanaw lang sila sa malayo at masayang makikita akong ikakasal sa lalaking mahal ko.
Gusto ko kapag nakita nila akong walang kasama ay kusa silang lumapit sa akin at kahit hindi ko sila makita o hindi ko maramdaman ang presensya nila ay masaya na ako. Kahit maaga man silang kinuha ng maykapal ay parte parin sila ng pinakaespesyal na araw ng buhay ko. Sayang lang at hindi nila naabutan ang pangyayaring ito ng buhay.
Mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak sa pisnge ko. I should be happy right now, alam kong masaya na ang mga magulang ko ngayon para sa akin kasi may magmamahal at mag-aalaga na sa akin katulad ng ginawa nila sa akin noong nabubuhay pa sila.
The day we metFrozen I held my breathRight from the startI knew that I'd found a home for my heartbeats fastColors and promisesHow to be brave?How can I love when I'm afraid to fall?But watching you stand aloneAll of my doubt suddenly goes away somehow
Pareho naming pinag-isipan ang kanta ng kasal namin ni Angelo, we waited for how many years for this. Marami kaming pinagdaanan sa buhay, maraming masasakit na alaala pero ang importante ngayon ay magiging masaya na kami kasama ang buong pamilya namin.
One step closer...
Tama. Iilang hakbang nalang at makakamit na namin ang buhay na gusto namin para sa pamilya namin. Iilang hakbang nalang at makakamit na namin ang kasiyahan. Alam kong walang-wala pa ito sa pagsubok na kakaharapin namin in the near future, but, I know kakayanin namin kung ano man ang dumating sa buhay namin kasi pareho na kaming lalaban para sa pamilya namin at sa pagmamahal.
I have died everyday waiting for youDarling don't be afraid I have loved youFor a thousand yearsI'll love you for a thousand more
Ilang beses ko bang pinangarap na makasama ang anak ko? Ilang beses ba akong nangarap na sana mabuo ang pamilya namin kahit na noon ay malabo itong mangyari?
Hindi ko mapigilan ang hindi mapaiyak, this song. Bagay na bagay ito para sa amin. Angelo waited for me, ilang taon niya akong hinanap at hinintay.
Time stands stillBeauty in all she isI will be braveI will not let anything take awayWhat's standing in front of meEvery breathEvery hour has come to this
Sumenyas na si Chelsea, ako na raw ang susunod. Lihim kong pinahid ang luha sa pisnge ko, I smiled at her nang lumapit siya sa akin. Bahagya niyang inayos ang wedding gown ko kasama ang crew niya. "Isa ka sa magagandang babaeng ikakasal na nakita ko. Come on! Ikaw na ang magmamartsa! Your King is waiting for you inside." Nagpasalamat ako sa kanya at sa crew niya. Napabuga ako nang malalim na hangin to calm myself.
One step closer..
The huge door was finally open. Sinalubong kaagad ako nang mga mata ng mga bisita ko na kanina pa naghihintay, I can see that they are amazed by me. I can saw their appreciation and happiness. Tamara, Zeus, Luke, Neflheim, Ellaine at ang ibang kasama ko sa orphanage ay naririto, specially ang mga madre. Angelo's friends, families, relatives at ibang kasosyo niya ay narito rin. My knees...parang matutumba ako. I'm so happy right now that I can't walk, I just want to see their smiles.
I have died everyday waiting for youDarling don't be afraid I have loved youFor a thousand yearsI'll love you for a thousand more
Kitang-kita ko kung gaano sila kasaya para sa akin.
And all along I believed I would find youTime has brought your heart to meI have loved you for a thousand yearsI'll love you for a thousand more
I stopped walking. Nasa gitna na ako. Tiningan ko silang lahat, ang palakpakan at ngiti ay biglang nawala. Humikbi ako nang mahina. I can see confusions from them. Oh, no, I won't back out. I just want to see them all.
Mama, Papa..tingnan niyo, oh. Masaya silang lahat para sa akin. I just hope that you are both here to witness this wonderful day of my life.
Ngumiti ako sa pamilya ni Angelo, tumango si Ate Maurice sa akin. I saw my daughter crying while smiling, I mouthed I love to her and she responded I love you too, Mommy.
I'll love you for a thousand more..
My eyes are looking for the most handsome guy that I'll be marrying right here, right now. His eyes are full of tears. God! He's crying. Mas dumami pa ang luhang dumaloy sa pisnge ko.
One step closer..
"L-love..come h-here." He almost pleased, hinawakan siya ni Lucas sa kanang braso niya nang magtangka itong maglakad papalapit sa akin. Bahagya itong pumiglas but Lucas held him tightly. Bumalatay ang takot sa kanyang mga mata. Umiling ako sa kanya at unti-unting naglakad na papalapit sa kanya.
Wala kang dapat ikatakot aking, Mahal. I will marry you today, kahit araw-araw pa kung bibigyan ng pagkakataon.
I have died everyday waiting for youDarling don't be afraid I have loved youFor a thousand yearsI'll love you for a thousand more
He sighed when he saw me walking towards the altar, he wiped his tears but another tear fell on his cheek. I can hear them clapping thier hands again, ngumiti ako kahit na halos hindi ko na makita ang daraanan ko nang dahil sa pag-iyak.
And all along I believed I would find youTime has brought your heart to meI have loved you for a thousand yearsI'll love you for a thousand more
Nang nasa harapan na niya ako ay panay parin ang iyak niya, his eyes, pulang-pula na ito but still, ang gwapo niya parin. Hindi yata siya pumapangit, kahit seryoso, umiiyak at lalong-lalo na kapag nakangiti ay napakagwapo nito.
Nakatitig lang siya sa akin, I wiped his tears. Hinigit niya ang bewang ko papalapit sa kanya. "Damn, baby!" Bulong niya, muntik ko na siyang makurot. Nasa simbahan kami at heto siya at nagmumura! "I thought you'll run away." Pinagdikit niya ang noo namin. "Don't scare me like that, I almost had a heart attack." Pinisil ko ang pisnge niya.Narinig kong tumikhim si father, I glanced at him. Akala ko ay naiinip na mukha ang makikita ko ngunit nakangiti ito sa amin. I smiled back at him. "Pakakasalan kita." Ani ko. Hahalikan na niya sana ako ngunit inilayo ko ang mukha ko at ako na mismo ang kumaladkad sa kanya papunta sa harapan ni Father.
Narinig kong tumawa ng mahina ang mga bisita namin, napakamot sa ulo si Angelo at ngumiti nalang din sa kanila.
Nasa reception na kami ngayon ni Angelo, pareho kaming nakaupo sa stage. Sa harapan namin ay may isang malaking cake at may baso rin kami ng white wine. Kanina pa sila patunog nang patunog ng baso nila kaya tuwang-tuwa naman si Angelo kasi makakahalik siya sa akin. Napapailing nalang nga ako sa ka kulitan nila.
All of our friends and family of Angelo gave us their messages, ngayon ay ang anak na namin ang magsasalita. Siya na ng panghuli. Nagpumilit kasi na magbibigay din daw siya ng mensahe para sa amin. She genuinely smiled at us nang nakuha na niya ang mikropono.
"Mommy, Daddy! I am very happy that you were married na! Sana po we will have a happy life and many more blessings to come. Sana po 'wag kayo mag-away at sana po si Daddy hindi na magiging busy sa work..." Ani ng anak namin. Nakayakap lang si Angelo mula sa likuran ko pero, patagilid ang upo namin para makita namin ang anak namin na nagsasalita. He placed his chin on my exposed shoulder.
"Si Daddy po may promise pa 'yan siya sa akin.." tila nagtatampo na wika nito. Humaba ang nguso ng anak namin. Hindi ko naman alam kung ano ang promise ng ama niya sa kanya. Narinig ko namang tumawa ng mahina si Angelo. "Ang laki na ng baby natin, she really looks like you. So beautiful and intelligent." Bulong niya sa akin. I couldn't agree more. Habang lumalaki ang anak namin ay nagiging kamukha ko siya. Hinawakan ko ang kamay ni Angelo at pinisil ito.
"Promise niya pa po ito noong nagpunta sila ni Mommy sa isang Beach." Napakunot ang noo ko. Nilingon ko si Angelo. Tila nakuha niya naman siya kaagad sa isang tingin. He just smiled at me and then carres my tummy. Nanlaki ang mga mata ko. What the? "I aksed him. And he promised me to give me a baby brother, pero, sabi niya on the way palang po raw. I waited until now, but, wala parin." She pouted. Narinig kong tumawa ang mga bisita namin. Pulang-pula ang buong mukha ko. Geez! Kaya pala 'yon ang sinabi ni Angelo nang magtanong ang anak namin kung nasaan na ang pasalubong niya, kasi, isang kapatid pala ang hiniling nito at nagpromise naman ang ama niya na bibigyan siya nang kapatid! And, may nangyari sa amin doon sa Beach.
Nahihiya ako dahil sa sinabi talaga ng anak namin ang bagay na iyon dito, sa maraming tao. Kinurot ko ang braso ni Angelo. God! This man! "What?" Patay malisyang tanong niya sa akin. Sinimangutan ko siya. He pinched my cheek. "Bibigyan naman natin talaga siya, right? Nagtataka lang talaga ko kung bakit wala pa tayong nabubuo hanggang ngayon. Maganda naman palagi ang performance ko." Napanganga ako sa sinabi niya. Maganda ang performance? Anong akala niya sa ginagawa namin? Teyatro na kailangang gandahan ang performance? And we're both the performers?
"Pero, I can still wait pa naman po ulit until my baby brother arrive. I love you, Mommy and Daddy." Tumakbo ang anak namin papunta sa amin and then hug us. "I love you too, 'Nak. We both love you." Angelo said. We gave our daughter a tight hug and a kiss. "Your baby brother will come any time soon, are you ready to be a good big sister?" Kumawala ang anak namin sa pagkakayakap namin ng marinig niya ang tinuran ng ama. Tumalon-talon ito at sobrang natutuwa siya sa narinig. "Yes, yes!" Aniya. Napangiti na lamang ako.
"Can I have this dance?" Napangiti kaagad ako sa nagsalita.
"Of course!" Ako.
"No. You can't!" Angelo.
Sabay naming sagot ni Angelo. Napatawa si Zeus. "Still, possessive as ever. Isasayaw ko lang siya, hindi aagawin. Besides, nakatali na siya sa iyo." Ngumisi si Zeus sa kanya samatalang si Angelo naman ay tinitigan siya ng masama. Tinapik ni Zeus ang balikat ni Angelo at hinila ang kamay ko. "Sasayaw lang kami. Upo ka na muna." I sweetly smiled at him. Napabuga naman ito ng hangin. He glanced at Zeus. "I'll be watching you." May halong banta sa boses niya.
Napatawa ng mahina si Zeus. Nang makaalis na si Angelo ay sumayaw na kami ni Zeus. Pumalibot ang mga braso niya sa bewang ko, while me, I placed my hand on his chest. Malapad siyang ngumiti sa akin. "I'm happy for you. Ngayon, kampante na akong hindi ka na niya sasaktan pa. I witnessed how he loves you so much." Hinaplos niya ang kaliwang pisnge ko. "But, if that time comes again. I'm willing to help you anytime, anywhere." I hugged him tightly. "Thank you so much for everything." Bulong ko sa kanya. "You're always welcome, honey. Para na kitang kapatid." Sagot niya naman. Masaya ako at maraming taong nagmamahal sa akin kahit na hindi ko naman sila totoong mga kadugo.
Matapos ang isang kanta ay nakita kong papalapit sa gawi namin si Neflheim, gwapong-gwapo ito sa suot niyang black suit at royal blue na necktie. "Hi, maaari ko bang maisayaw ang napakagandang binibing nasa harap ko?" Zeus chuckled. He kissed my cheek then ibinigay niya ang kamay ko kay Neflheim. Nagpaalam naman na si Zeus at ngayon ay kasayaw ko na si Neflheim.
"Alam mo, ang ewan ng asawa mo. Kasal na nga kayo, pero ang sama makatingin sa akin. Akala niya naman itatanan kita, eh, isasayaw lang naman kita ah!" Sinulyapan ko si Angelo na nasa table ng mga magulang niya. Tama nga si Neflheim, ng sama-sama ng tingin na ibinibigay ni Angelo. Kumaway ako sa huli at ngumiti. "Mahal na mahal ka niya talaga." I faced Neflheim. "You think so?" Napatango ito sa akin at napangiti. "Ang swerte niya sa iyo. Kanyang-kanya ka na." Hindi ko alam, pero, bakit parang may halong lungkot ang boses niya?
"You know that I somehow like you, right? But, nah! Crush lang kita, maybe." Imbis na mailang sa pinagsasabi ni Neflheim ay natuwa pa ako. Alam ko naman na noon pa na crush niya ako, but, hindi ko naisip na hanggang ngayon ay crush niya parin ako. "You're one of the most beautiful woman I've ever met, one of the kindest and the braviest. Masaya ako na mahal ka niya at may mag-aalaga na sa iyo." Nangilid ang luha sa mata ko. I appreciated what he said. "Masaya rin ako at nasa maayos na kalagayan ka. Sana, darating na rin ang babaeng nakatakda para sa iyo." Tumawa siya nang mahina. "Meron na sana akong nagugustuhan, but, she's someone else's property now." Mahina ko siyang hinapas sa bandang puso niya.
"Biro lang! Baka patayin na talaga ako ng asawa mo kapag narinig niya ang mga sinasabi ko sa iyo." Tumawa nalang din ako sa biro niya.
"Speaking of the devil!" Aniya at ngumisi. "Back off." Inis na utos ni Angelo sa kanya. What the hell? Lahat nalang ba nang lalaki na isasayaw ko ay susungitan niya? Itinaas naman ni Neflheim ang kamay niya na para bang sumusuko sa pulis. "Hey! That's harsh of you. I'm not gonna steal her from you, dude! Kalma lang." Angelo possessively wrapped his arms around my waist. Napairap ako sa kawalan. "Not a single chance, dude. She's mine." Sabi na ngang hindi ako aagawin sa kanya tapos not a chance pa raw? Ang labo rin nito eh! Tsk!
Napailing si Neflheim. "I know." Ngumisi ito sa asawa ko. My husband gritted his teeth. "I can be a godfather of your next baby. Magiging kumpare na kita!" Tila natutuwa na wika nito. Sinamaan siya nang tingin ni Angelo. "Of course, Nef." Sabi ko.
"What? No way, Love!" Hinarap ko siya at nameywang sa harapan niya. Tinaasan ko rin siya ng kilay ko. He shrugged his shoulders and sighed in defeat. "Fine." Napipilitang sagot nito. Natatawang umalis naman si Neflheim at bumalik na sa table niya.
"Can you be a little nicer to our guest? Especially to my guy friends?" Napasimangot naman ito at hinapit ako sa bewang. "I can't be. Im afraid...I'm jealous." He is starting to move kaya sumabay narin ako sa pagsayaw sa kanya. "Stop being like that. Nakakahiya naman sa kanila. Kaibigan ko sila, 'yon lang 'yon." Napabuntong-hininga naman ito. Pinagdikit niya ang noo namin. "I'm just too in love with you." He closed my eyes. Malaya kong pinagmasdan ang mukha niya. This man. He's almost perfect to my eyes but he's still jealous. Ganoon naman talaga kapag nagmamahal, you'll just get jealous sa mga taong lumalapit sa mahal mo. Nature na 'yan ng tao, ang pagiging seloso at selosa. Nagpapahiwatig lang 'yan na takot siyang maagaw ka ng iba.
Ikinawit ko ang kamay ko sa batok niya and then slowly, I m kissing him. I hope that he'll feel how much I love him with my kisses. Niyakap niya ako nang mahigpit at buong pusong tumugon sa halik ko, after how many second he cut our kiss. Namumungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin. "I love you so much, Mrs. Mikaela Angela Perez-Buenavista." I bit my lower lip.
Ang sarap pakinggan na nakakabit na ang apelyido niya sa pangalan ko. "And I love you too, Mr. Michael Angelo Buenavista." He smiled sweetly and he kisses my lips lightly.
"Are you ready for our honeymoon later, Love?" His voice was husky and he kissed my neck. Halos tumayo ang lahat ng buhok sa katawan ko.