CHAPTER 40

1 0 0
                                    

ChapterForty ]
-------------------------------

                                   ~oOo~
Mikaela's POV
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko, mahina akong gumalaw at ramdam kong nakatali ang dalawang kamay ko pati na ang dalawang paa ko. May busal din ang aking bibig kaya hindi ako makapagsalita. Are we travelling? Para kase kaming nakasakay sa kotse eh.
Lumukob ang matinding kaba sa dibdib ko, sino ang mga lalaking kumuha kanina sa akin? I don't know them, pero, base sa mga kasuotan nila'y hindi sila 'yung tipong nanghihingi ng malaking ransom? money. Para silang mga businessman, and their faces, the way they acted and the way they talked to me, para silang may pinag-aralan talaga. May accent sila kung magsalita.
Who are you? Who are they? Bakit ako nakagapos ngayon dito? At saan nila ako dadalhin? At bakit ako?
Nakakarinig ako nang mga busina ng mga kotse.
"Ano sa tingin mo ang gagawin sa kanya?" Ani ng isang boses ng lalaki. Hindi ako gumalaw o gumawa ng ingay, nagpapanggap ako na natutulog. Gusto kong marinig ang mga pag-uusapan nila, at baka mabigkas nila ang panggalan ng taong nagpadukot sa akin at kong bakit nila ako ni dukot "I don't even know, but she's beautiful, huh. Napakakinis ng balat." Nanindig ang mga balahibo ko. Naramdaman kong may lumapit sa akin. Kahit hindi ko naman sila nakikita mararamdaman ko naman kung may nakatingin sa akin o wala. Kinakabahan ako pero nagpapanggap parin akong natutulog. Hindi dapat ako mabuking
"She is. Saan daw ba siya dadalhin?" Isang tinig na naman. Meaning, hindi rin nila alam kung saan ako dadalhin? Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Kapag nakarating na tayo sa warehouse ay tsaka palang siya dadalhin sa pagtataguan sa kanya. T'yak na mababaliw sa kakahanap si Buenavista sa kanya!" Mahina silang humalakhak.
Anong ibig nilang sabihin? Kilala nila si Angelo? At bakit gusto nila akong itago kay Angelo? May masama ba silang binabalak sa akin? "Nagmamatigas pa kase eh! Puta! Gusto pang makipagpatayan!" Halos maiyak ako sa naririnig ko. Makipagpatayan? So, ano ako? Pain nila kay Angelo?May kinalaman ba ito sa negosyo?
Oh, God! Help me! Please, help me!
Naiiyak na usal ko sa isipan ko.
Angelo! Please! Hanapin mo ako.
Hindi ko alam na nakatulog na pala ulit ako sa sobrang pag-aalala para sa sarili ko, but nagulat ako nang hindi na ako nakatali. Nakahiga na ako sa isang malambot na kama. Nasa isang kwarto ako. Plain lang ito. May isang maliit na table lang ito sa gilid ng kama at maliit na cabinet. Napansin ko na iba narin ang damit.
Napakunot ang noo ko. Isang puting bestida na ito na sa tansya ko ay 3 inches above the knee. Maingat akong bumangon para pumunta sa bintana, nakabukas kase ito. Tumayo ako sa harap ng bintana, nasa isang beach ako?
Nakita ko sa paanan ng kama ang isang puting sandals kaya sinuot ko ito.
Lumapit ako sa pintuan para sana buksan iyon pero hindi ko mabuksan, nakasara ito. "Buksan niyo ako, please!" Nagmamkaawang sigaw ko. Malakas kong kinatok ang pintuan para marinig nila ako mula sa labas, pero walang may nagbukas ng pintuan. "Maawa kayo! Buksan niyo ang pintuan!" Naiiyak na sigaw ko. Namula nalang ang kamay ko pero walang talagang may nagbukas sa akin.
Nanghihina akong napaupo sa sahig.
Paano ako makakalabas dito?
Lumapit ako ulit sa bintana, nagpalinga-linga ako baka may pwede akong gawin para makalabas dito ngunit bigo ako. Nasa mataas akong bahagi ng kwarto, sa tansya ko ay nasa third floor ako. Wala rin akong makakapitan kapag bumaba ako rito, wala ring mga gamit na pwede kong gamitin para pambaba, like kurtina o blanket. This room is plain. Kama at table lang talaga ang mayroon dito.
Kapag tumalon naman ako ay tiyak na makakaalis ako sa kwarto ito, but for sure ay bali-bali naman ang katawan ko and I'm sure too na maraming nakabantay sa akin sa baba.
Ano ng gagawin ko ngayon? Maghihintay na I rescue ako? Maghihintay na gawan ako ng masama? Nangilid ang mga luha ko. Napatabon ako ng mga kamay ko sa mukha ko.
Maggagabi na.
At himalang hindi man lang ako nakaramdam ng gutom, ni hindi man lang nagdala ng pagkain ang nagkulong sa akin dito. Mukhang may masama nga silang balak sa akin.
Blangko ang isipan ko, hindi ko alam ang dapat kong gawin. Pero, isa lang talaga ang gusto ko ngayon ang makabalik na sa bahay ni Angelo, at least safe ako roon. Ayaw ko rito, natatakot ako rito.
Ilang minuto pa ang lumipas ng marinig kong nagclick ang pintuan. Agad akong napatayo, I'm waiting if who's gonna come inside but walang pumasok. Kahit na natakot ako ay lumapit parin ako sa pintuan, dahan-dahan ko itong binuksan, walang tao.
Humakbang ako, lumingon ako sa hallway, medyo madilim ngunit walang tao. Bakit ganoon? Malaya na ba ako?
Maingat akong lumabas at naglakad sa hallway. Palingon-lingon ako sa mga dinaraanan ko pero walang sign na may tao, sobrang tahimik din ng paligid, maliban nalang siguro sa hampas ng alon na naririnig ko.
Kinalma ko ang sarili ko.
Guide me Lord, please. Gusto ko na pong makaalis dito. Tulungan niyo po ako.
Mahinang panalangin ko.
Nakapakunot ang noo ko. Wala talagang kabakas-bakas na may tao rito, ni isang bantay ay wala rin. Patuloy ako sa paglalakad hangang sa makababa na ako, ni sa reception table ay wala ring tao.
Biglang nawala ang kaba na nararamdaman ko, ewan ko ba.
Sa hindi kalayuan ay may nakita akong puno na may puno ng puting Christmas lights, bigla akong na curious, kaya imbes na umalis ako ay pinuntahan ko iyon. Itinulak ko ang maliit na puting gate at pumasok doon. May mga tables pa roon, may mga nakakabit na puting Christmas lights sa buong paligid. I smiled. Ito ang mga nakikita ko sa mga teleserye kapag may surprise na nagaganap.
Teka, surprise?
Nagpalinga-linga ako sa paligid.
Walang katao-tao. May nakita akong maliit na stage at may table rin doon, nilapitan ko iyon at may nakita akong isang letter.
"To the woman who captivated my heart, you are very special to me. I think God sent you for me, to realize that love is the most wonderful thing that he can give to us. You are my Angel, Love."
-M.A.B
Matapos kong basahin ang nakasulat sa papel ay kumabog ng todo ang dibdib ko, hindi ako pwedeng magkamali. Ang magandang sulat kamay na ito ay kay Angelo, tapos, siya lang naman ang tumatawag sa akin ng 'Angel' at 'Love'.
Biglang humangin at may naapakan akong envelope na kulay puti. Maganda ang design nito, I opened it.
"For all the mistakes that I made, sa lahat ng pananakit na ginawa ko sa iyo, sa lahat ng panlalait at masasakit na salitang nasabi ko, I'M SORRY. I know hindi pa sapat ang isang sorry ko, but I will do everything, kahit ano pa, mapatawad mo lang ako."
-M.A.B
Nangilid ang luha sa mga mata ko. Kahit sa sulat lang, ramdam ko ang sinseridad niya. Kumabog ng sobrang bilis ang dibdib ko.
"I know I am not perfect, marami akong nagawang kamalian sa buhay ko and that includes what I did to you." Napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko and then I saw him, standing in front of me, wearing his white polo and a beach shorts. Naka slippers lang siya. He is looking at me with full of sincerity.
"I'm sorry, kahit ilang beses ko pang sabihin ang dalawang katagang 'yan, hinding-hindi ako magsasawa." Naglakad siya papunta sa akin at ng nasa harapan ko na siya ay agad niyang hinawakan ang dalawang kamay ko. "I may not be the best man that you could ever have but I can do everything just to make you happy." Halos pabulong niyang wika. He bit his lower lip and hugged me. "God knows how sorry I am, God knows how I missed you and God knows how I became insane when you left me." Bulong niya sa akin. Nagulat ako. As in gulat na gulat ako sa mga sinabi niya.
"I was mad at you, galit na galit ako sa iyo noon, sinisi kita kase sinira mo ang buhay ko. I wasn't ready to be a father that time, my parents... malaki ang expectations nila sa akin that's why kahit ayaw ko ay pinatira kita sa bahay ko just to make sure that my baby will be safe and you'll be safe too." Alam ko ito, pinaliwanag niya ito noon sa akin at ang sabi niya pa dapat walang makaalam baka masira ang pangalan nila.
"I don't know why I wanted to be with you kahit na galit ako sa iyo noon, basta ang alam ko ay dapat safe ang bata, the baby was my responsibility, not you, but how come I'm so much attached with you? At kahit anong galit ko ay nawawala nalang ito bigla sa tuwing nakikita kitang nakangiti?" Nawawala ang galit niya? Bakit niya ako palaging sinasaktan?
"I really don't know why. Sinasaktan kita, kase hindi ko matanggap. That's what I am thinking before. Hindi ko matanggap." Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin and then he cupped my face. Kung hindi niya pa pinunasan ang luha sa pisnge ko ay hindi ko pa nalaman na umiiyak na pala ako. "And then one day I realized, I am falling for you." Titig na titig ito sa akin. Parang tumutusok sa kaloob-looban ko ang bawat titig niya sa akin.
"Hindi ko pala matanggap sa sarili ko na nahuhulog na ang loob ko sa babaeng akala kong sumira sa buhay ko, you are too kind for me while I am a beast. You're my angel in disguise, while me, I am a demon. Sa tuwing sinasaktan kita, palagi akong nagsisisi after no'n. I can't bear to see you crying but I needed too, I needed to hurt you. I am saving you and myself." A-anong ibig sabihin niya? I can't utter any words, nakatitig lang ako sa kanya. Para akong nawalan ng boses.
Patuloy niyang pinupunasan ang luhang dumadaloy sa pisnge ko, napahigpit ang hawak ko sa palapulsuhan niya. "When you left me, hindi ko alam ang gagawin ko. I hired the best private investigator here in the country but I cannot find you. Mabuti nalang at may isa akong business partner na tumutulong din sa orphanage kung nasaan ka, when I heard your name, my heart skipped a beat. I called right away my private investigator to check if you're there and hell! Nandoon ka nga, kaya hindi na ako nagdalawang-isip na mag sponsor din." He smiled at me. 'Yung ngiting may saya at galak, his eyes are sparkling.
"And then the right time came, I saw you again. Do you know that I almost hugged you when I saw you? I missed you so much, I really do." Hinaplos niya ang pisnge ko. I bit my lower lip. Nagbuntong hininga muna ito bago nagsalita ulit. "But you we're with someone, that Luke. You looked sweet, I don't know but I felt like killing him, he's a threat for me." Mapait siyang ngumiti. "Kaya gumawa ako ng paraan para mawalay ka sa kanya, I can do everything just to make you stay away from him. Kaya ko naisip na dalhin ka rito sa bahay, na maging Nanny ka nang anak natin, and I'm really sorry for that." Bumaba ang isang kamay niya sa bewang ko. He hugged me tightly, he kissed my forehead and he kissed my tears. Napapikit ako, it was a sweet kiss. Minulat ko ang mga mata ko nang matapos niya akong halikan, our eyes met. Mataman niya akong tinitigan.
"I'm always in your room when you we're asleep, binabantayan kita just to make sure na hindi ka aalis. I want you there in my house, at least alam kong nandoon ka. At least kampante akong nandoon ka kase nandoon ang anak natin and we have a deal. Pero, hindi parin pala ako makuntento. I want to see you always, I want to see you before I go to my office and before I sleep. Ikaw ng gusto kong makita palagi." Matamis ang ngiti niyang binigay sa akin habang nagsasalita siya. Bakit ni minsan hindi ko man lang nararamdaman na naroon siya sa loob ng silid kung saan ako natutulog?
He was always there para bantayan ako at wala man lang akong kaalam-alam. "About Nathalie." Biglang bumigat ang pagkakasabi niya sa pangalan ng babae at biglang may kumirot sa puso ko. Nathalie, ang kinikilalang Mommy ng anak ko. "Hindi ko siya pinilit na maging Mommy ng anak natin, we were not even in a relationship. I love her and I'm thankful that she came into my life." Napangiti siya. Masayang-masaya nga siya. Mabilis na tumulo ang masaganang luha mula sa mga mata ko. She's in love with her. Ang sakit sa puso. Ang sakit marinig mula sa kanya.
Napaatras ang isa kong paa, pero hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin. Mahal niya ang babae, kaya ba pumayag siyang maging Mommy ito ng anak ko? Kaya ba ganoon nalang kung tumugon siya sa halik ng babae noong dumating ito? "I love her, yes, but as a friend. Hindi na lumagpas pa roon ang pagmamahal ko sa kanya and she knew it from the very start, she knew that I'm looking for you, ang totoong Nanay ng anak ko. She wanted to take care of our daughter kaya pumayag ako since wala ka pa, hanggang sa nag 3 years old na ang bata. She left the country to pursue her carrier." Pakiramdam ko biglang sumaya ang puso ko, mahal niya lang ang babae bilang kaibigan. Lihim akong napangiti.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at nagulat ako sa sumunod na ginawa niya, si Angelo. Lumuhod siya sa harapan ko. T-teka! Bakit siya lumuhod? Bigla akong nataranta, hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Hindi ko alam kung paano mo ako mapapatawad but please, forgive me for everything that I did. Sa lahat-lahat ng nagawa ko." Pilit ko siyang pinatayo, but he refused. Umiling ito sa akin. "I love you, my love." Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ko noong narinig ko ang mga katagang iyon. My knees are trembling but I still stood up bravely. Napatulala ako kay Angelo na nakaluhod parin, pinisil niya ang kamay ko.
He is looking at me with so much love, now I'm seeing it. And I cannot deny it anymore.
Sobrang bilis ng kabog ng puso ko, pakiramdam ko ay lalabas na ito sa rib cage ko.
"Mahal na mahal kita at hindi ko kaya kapag nawala ka pa ulit sa amin, please stay, don't leave us. I need you, we need you." His eyes are begging me to stay at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung gawin. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman, basta ang alam ko lang sa ngayon ay, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"And, I am here in front of you, in front of my friends and some of my families..." Bigla akong napatingin sa paligid. Narito nga ang mga kaibigan niya at may iilang tao akong nakikitang hindi ko naman kilala. Sila ba ang pamilya ni Angelo? Nakita ko si Ellie, she smiled at me. At ang anak ko, kasama niya sila Manang Minda at Mang Mario. Napabaling ulit ang atensyon ko kay Angelo.
"Marry me, please. I promise that I will be a good husband to you, I will not hurt you again, I will not make you cry and I will love and respect you until I die. J-just marry me, please." May inilabas si Angelo mula sa bulsa niya, isa itong maliit na box, at ng buksan niya ito tumambad sa akin ang isang singsing. Napaawang ang mga labi ko. Marry him? Gusto niyang pakasalan ko s-siya. Hindi ko napigilan ang sarili ko, umiyak ako.
"S-say yes, please. Love, marry me." Nagsusumamong wika niya.
"N-no, I c-can't." Halos hindi ko marinig ang sarili kong boses. Narinig kong napasinghap ang mga taong narito.
Ayaw ko siyang pakasalan. I just can't. Hindi ko alam ang totoong nararamdaman ko para sa kanya, ang kasal ay sagradong bagay. I won't marry him because of our daughter, as much as possible, gustong makasal ako sa taong Mahal ako at mahal ko.
Nakita ko ang lungkot at sakit sa mga mata ni Angelo, gusto ko mang bawiin ang nasabi ko para hindi ko siya masaktan, pero, hindi ko na mababawi iyon. I hurt him already. Pilit kong binabawi ang mga kamay kong hawak na niya ngayon but he won't let go of my hands. "W-why? Kase natatakot ka? I promise, I won't hurt you anymore. Can't you see? I'm in love with you." Pagsusumamo niya. Napailing ako.
"M-mommy, marry my Daddy please." Hindi ko namalayan na nasa gilid na pala ni Angelo si M.A., she's crying. Kinuha niya ang singsing at hinawakan ito, she's​ giving it to me. Napasinghap ako. "I-I'm sorry, pero, hindi pwede." Umiling ako. Humikbi ang anak ko. "M-mommy." Iyak niya. Lumuhod ako para magkapantay kami. Hinaplos ko ang pisnge niya. "Hindi kami pwede ng daddy mo." Sabi ko. "Please, don't make this hard for me and for our daughter. I will take care of you, I promise that and I will do everything just to make you the happiest wife in the world." Hindi ko binalingan ng tingin si Angelo, he's not my concern now.
Niyakap ko ang anak ko. "Someday you'll understand kung bakit ayaw kong pakasalan ang Daddy mo." Mahigpit ko siyang niyakap at ganoon din siya sa akin. "You are my Mommy, you should live together. We should have a happy family, I want us to be complete. I am your daughter, you are my true Mommy." Aniya. Bigla akong nanigas. A-anong ibig biyang sabihin?
"Alam niya kung sino ka, hindi ko itinago sa anak natin kung sino ka." Wika ni Angelo. Doon na ako napahagulhol ng iyak. Akala ko hindi niya alam, matagal na niya palang alam. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa anak ko. "My b-baby." Umiiyak na sabi ko. Paulit-ulit kong hinalikan ang buong mukha niya. Naramdaman ko ang pagyakap ni Angelo sa amin ng anak ko.
"Please, Love. Marry me." Bulong niya sa tenga ko. Isang mahigpit na yakap at kumalas na ako sa anak ko. "Tandaan mong mahal na mahal kita, okay?" Tumango ang anak ko sa akin, hinalikan ko siya sa noo niya at tumayo na. Napatayo si Angelo kasama ko, mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko na para bang takot na takot siyang bitawan ito.
Hinarap ko siya. Pinunasan ko ang luhang nasa pisnge niya gamit ang isang kamay ko. "Hindi mo na kailangang gawin ang lahat para mapatawad kita. " I smiled at him. "Matagal na kitang pinatawad at masaya akong alam ng anak ko na anak ko siya, salamat, Angelo. Pero, sana ako naman ang mapatawad mo. I can't marry you." Napailing ito.
" Ang tagal kong hinintay ang araw na ito! Sabihin mo sa akin, kung paano kita mapapapayag na pakasalan ako. Please, tell me! Bakit ayaw mo? Bakit?" Frustrated na sabi nito. Sobra ko na siyang nasasaktan, and I'm not happy for that. Mas nasasaktan kase akong nakikita siyang umiiyak. "Dahil, hindi pwede." Mahinang sagot ko. Umiwas ako ng tingin. I can't look directly in his eyes.
"Why? Tell me why! Angel, please. I'm begging you, don't do this, please." Tila nahihirapan niyang wika.
"I-I'm sorry." Tuluyan na akong kumuwala sa pagkakahawak niya. "If you'll leave me now, 'w-wag ka nang magpapakakita ulit." Napatigil ako. Tinitigan ko siya ng maigi, halos makabisado ko na ang gwapo niyang mukha. Hinding-hindi ko ito makakalimutan. Yumakap ang anak ko sa binti ko, "mommy, don't leave us please." Pagmamakaawa ng anak ko sa akin. I know this decision will make things better if the right time comes.
Kinalas ko ang pagkakayakap niya sa binti ko at umatras, kinuha kaagad siya ng ama. "Mommy, please! No! Don't leave us! No!" Iyak niya. Ang sakit-sakit makita ang anak mong umiiyak kase iiwan mo siya.
Tumalikod na ako at mabigat ang paang humahakbang. "Mommy! Mommy! No, please! Mommy! 'Wag mo akong iwan, please. M-mommy!" Halos hindi ko makita ang nilalakaran ko, puno ng luha ang mga mata ko. Pinigilan ko ang sarili kong huwag lumingon, kase kapag lumingon pa ako, hindi ko na kakayanin.
This is too painful and heartbreaking, hindi ko aakalain na aabot ako sa disisyong ito. Hindi ko akalain na sobra kong masasaktan ang anak ko at si Angelo.
"M-mommy! Come back, please! Mommy! No! Mommy!" Everytime I heard my daughter begging for me to not to leave her, halos hindi ako makahinga sa sakit ng puso ko. Ito na yata ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko.

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now