Special Chapter Two
Mikaela's POV
Mataman kong tinitigan ang sarili ko sa whole body mirror sa kwar'to namin ni Angelo. Para akong nakalunok ng bola ng volleyball! Napalabi ako. Mukhang unti-unti nar'in akong tumataba, ang sabi naman ni Angelo ay hindi naman daw ako mataba, sexy pa rin daw ako, ngunit taliwas naman ang sinabi niya sa nakikita ko ngayon sa harap ng salamin.
Mag-aapat na buwan palang ang ipinagbubuntis ko per'o ang laki na yata ng t'yan ako, mer'on namang ibang buntis na hindi pa gaanong malaki ang t'yan kapag 4 months palang, pero ang sa akin ay halata na talaga. Mukhang malusog yata ang baby namin ni Angelo pagkalabas nito.
Ani Dra. Torres ay healthy raw ang baby namin ni Angelo, kaya masayang-masaya kami ni Angelo nang malaman namin 'yon. Excited na nga sanang malaman ni Angelo kung ano ang gender ng magiging baby namin, kaya Iang ay kailangan pa naming maghintay ng ilang buwan dahil hindi pa pwedeng malaman ang gender ng baby namin.
Napatingin ako sa mga dress na nakapatong sa kama namin ni Angelo, ni isa ay walang magkasya sa akin! Tapos sasabihin ni Angelo na sexy pa r'aw ako? Tsk! Ang sinungaling naman! Nakakainis!
Padabog akong naglakad sa closet namin ni Angelo at naghanap ng itim na leggings at isang loose shirt. Kinuha k0 rin ang kulay beige na flat shoes ko at sinuot iyon, naglagay ako ng lipstick at nagpulbo. Ang maganda lang sa mukha ko ngayon ay natural na namumula ito, kung noon ay may pagkarossy cheeks na ako, ngayon naman ay parang kulay pulang rosas na talaga ito. Ang buhok ko naman ay parang lalong nagshine, inilugay ko na lamang ito.
Matapos kong mag-ayos ay bamaba na ako at dumeritso sa kusina, tapos ng ilagay ni Nanay Minda ang niluto kong carbonara na favorite ni Angelo. Nag bake din ako ng puding at gumawa ng fresh juice.
Pupunta ako ngayon sa opisina ni Angelo para dalhan siya ng meryienda, hindi raw kasi ito busy ng tumawag ako kanina sa secretary niya kaya naisipan kong i surprise siya ngayon. Hindi ako nagpasabi kay Angelo o sa secretary niya na pupunta ako ngayon sa opisina niya.
a
Matapos maayos ni Manang Minda ang dadalhin ko ay nagpasalamat ako kay Manang Minda at lumabas na ng bahay.
Nang makarating na ako sa building ng asawa ko ay nakangiti akong binati ng guards at iba pang empleyado, ngumiti Iang din ako sa kanila at bumati.
"Mrs. Buenavista, tulungan ko na po kayo." Magalang na wika ng isang babaeng empleyado, "thank you, pero, 'wag na. Kaya ko naman." Nakangiti kong sagot sa kanya. "Ang ganda-ganda mo po talaga." Tila nahihiya nitong turan. Napatawa lang ako ng mahina at nagpasalamat sa kanya.
Maya-maya pa ay nakarating na ako sa 20th floor kung nasaan ang opisina ni Angelo, wala ang secretary niya.
Umupo muna ako sa visitors chair na nasa Iabas ng opisina ng asawa ko at naghintay ng ilang minuto, kanina pa ako nakakaramdam ng excitement kaya pangitingiti na Iamang ako.
Pumasok na kaya ako?Ay! Tawagan ko na lang muna si Angelo, baka kasi wala siya sa Ioob ng opisina niya.
Kaya kinuha ko ang phone ko sa maliit na bag ko at tinawagan ang phone ni Angelo, pero hindi ito sumasagot. Naghintay ako ng ilang minuto, napasimangot ako. Hindi man Iang nagtext sa akin! Minsan kasi kapag tumatawag ako na hindi niya masasagot ay agad itong nagtitext sa akin.
Tumayo na lamang ako at naglakad papunta sa pintuan ng opisina ni Angelo na nakasara. Hindi naman siya magagalit sa akin kapag pumasok ako sa opisina niya, sa loob ko nalang siya tatawagan ulit at hihintayin.
Nang mabuksan ko ang pintuan ay napako kaagad ang tingin ko sa babaeng halos lumabas na ang dalawang bundok sa dibdib nito at sobrang lapit ng mukha sa asawa ko na tutuk na tutuk sa laptop, nagtagis ang bagang ko nang makita kong hinaplos ng babaeng mukhang dibdib ang braso ng asawa ko. Hindi naman nagreact ang asawa ko. Pareho silang nakaupo sa leather couch at magkatabi silang daiawa!