ChapterSixteen ]
-------------------------------~oOo~
Parang kailan lang sumasakay palang ako nang Bus papuntang Davao, pero ngayon, apat na taon na akong narito at masaya naman ako, although, hindi sa lahat ng oras. Naiisip ko parin kase ang anak ko, minsan nga nagigising ako sa gitna ng pagkatulog ko at naiisip ko siya.
Pero noong una lang iyon, ngayon parang nasanay na ako na wala sa tabi ko ang anak ko, dahil sa nasanay na ako na wala sa akin ang anak hindi ibig sabihin no'n ay hindi ko na siya kinikilala bilang isang anak. Mahal ko ang anak ko, at araw araw ay palagi ko siyang naiisip. I am imagining nga minsan na ako ang nagpapakain sa kanya, nagpapaligo, kinukwentuhan ng mga fairytale stories at naglalaro kami.
Ano na kaya ang itsura niya ngayon? Marunong na kaya siyang magsulat at magbasa? Nagkakasakit ba siya? Nakakatulog ba siya nang maayos? O 'di kaya'y hinahanap niya rin kaya ako?
Or worst, galit kaya siya sa akin dahil sa iniwanan ko siya?
Maisip ko palang na galit siya sa akin ay parang hinihiwa sa dalawang beses ang puso ko, sino ba namang ina ang gustong magalit ang anak niya sa kanya? Wala naman, hindi ba? Ngunit kung magalit man siya sa akin ay may karapatan siya, iniwan ko siya na hindi naman dapat.
"O, Mikay. Bakit nandito ka pa? Maya maya lang darating na ang mag-asawang Montelo para kuhanin sila ni Aki at Aya." Ngumiti nalang ako kay Sister Mickey, dapat nasa labas na ako para salubungin ang mag-asawa at para makapagpaalam na ako sa dalawang bata. Sila Aki at Aya ay magkapatid na iniwan ni Stephanie rito apat na taon na ang nakalilipas.
Dinadalaw naman ni Stephanie ang mga bata noong nakagraduate na siya at nakapagtrabaho na. Ibinilin niya kase sina Aki at Aya noon kina Sister Cecile kase wala pa siyang trabaho at hindi madali ang pag-ampon sa mga bata. Ulila na ang dalawang bata, parehong patay na ang mga parents nila. Lumabas na ako at nakita ko ang mga bata na nakikipaglaro sa kanila ni Aki at Aya. Agad akong napangiti, ang saya saya nila tingnan. Marami rin kayang kalaro ang anak ko? "Ate, Mikay!" Sabay nilang tawag sa akin, agad silang nagsitakbuhan sa akin. "Hinay hinay lang mga bata, huwag kayong tumakbo, baka madapa kayo't masaktan." Ani ko. Nagsitanguan naman sila sa akin at humingi ng sorry.
"Aya, Aki. Maya maya darating na si Ate Stephanie niyo kasama ang asawa niya." Sabi ko. Lumapit sila sa akin at niyakap ako, napamahal narin ako sa mga batang ito. Napakamalambing kase at ang babait. "Opo, mamimiss ka po namin, Ate Mikay, pero masaya po kami kase makakasama na namin si Mama Tep ko." Sabi ni Aya, napakacute talaga ng batang ito. Ginulo ko ang buhok ni Aki at kinurot ko ng bahagya ang pisnge ni Aya. "Pakabait kayo, huh? Huwag masyadong pasaway, baka naman sumakit ang ulo ng Mama Tep niyo." Napakaswerte ng dalawang 'to kase kahit hindi sila totoong anak ni Stephanie ay itinuring niya itong parang tunay na anak at kapatid.
"Opo naman po, Ate Mikay." Sabay na nakangiting sagot nila sa akin. May nakita akong papalapit na dalawang tao, agad akong napangiti. Nandito na ang mag-asawa. Pareho ko silang kilala kase ang napangasawa ni Stephanie ay ang anak ng may ari ng Eastwood Academy where I was studying before. Sikat na sikat sila noon kase sa buong EA, they were a perfect couple before. Maganda, gwapo at parehong matalino. Almost ng population ng girls before sa EA ay naiinggit kay Stephanie, Ellaii Knight Montello was very famous back then and he was a hunk. A perfect guy for a girls dream to be with.
Ngunit hindi ako isa sa mga babaeng nahuhumaling sa lalaki, I admit I admire him pero hanggang doon nalang 'yun. Parang simpleng crush lang.
"Mikaela, thank you for taking care of them. I owe you, really." Nakangiting sabi ni Stephanie Nicole Montenegro-Montello. Nasa gilid niya ang asawa niya. Agad na lumapit sina Aki at Aya sa kanila at yumakap. "Mikaela, it's nice to see you again." Sabi naman ng lalaki, lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisnge. Napakabait niya, kahit noon paman. Nasa iisang organization din kase kami. He has a band at napakafamous din 'yun noon. "It's nice to see you too, E." Sabi ko. Nagpaalam na sila sa mga madre at ibang mga tao rito sa Sweet haven at umalis narin kaagad, malayo pa ang byahe nila eh.
"Mikay? Hija?" Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko, it was Sister Cecile who called my name. Nakasunod sa kanya si Sister Maya. "Pasok po kayo, Sisters." Umaayos kase ako nang libro rito sa silid na pinagtuturuan ko sa mga bata. Teacher nila ako rito, though I am not a teacher in profession. Basic lang, at least may alam ang mga bata. This year nga maghahire na sila Sisters ng mga totoong teachers para naman mas maganda.
"Hindi naman lingid sa iyo na may kinakausap kaming mga private na mga tao or company para tumulong sa atin, hindi ba?" Ani sister Maya. Tumango ako sa kanya. Umayos ako nang upo. "May bago kasing nag-invest sa atin, actually last year pa kaya medyo nakabangon na tayo." Alam ko 'yun kaya lang hindi ko na naitanong kung sino ang bagong tumutulong sa amin, they must be very rich kase ang gobyerno hindi na masyadong nakakatulong at ang bagong tumutulong sa amin ay siya na ang naghahandle almost ng expenses namin dito. "Ano po ang ibig niyo pong iparating sa akin?" Pagtatanong ko. Parang ngayon lang kase nila ako kinausap tungkol sa ganito.
"Gusto ka sanang makita at makausap, kung pupwede lang naman. Pwede karing magpasalamat sa kanya." Sabi naman ni Sister Cecile. Nakapagtataka lang, bakit naman ako gustong makita at makausap ng bagong tumutulong sa amin? Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na may gustong kumausap sa akin na tumutulong sa amin. "Dito lang naman, hija. Huwag kang mag-alala. Siguro curious lang siya sa iyo, minsan kase nababanggit ka namin sa kanya kapag nagkakausap kami." Ni minsan hindi ko rin nakita ang bagong tumutulong sa amin, kapag pumupunta siya rito ay patago lang at sila lang ng mga Madre ang nagkakausap.
"Sige po, para makapagpasalamat narin po ako nang personal sa kanya. Babae po ba siya?" Umiling sila sa akin. So, lalaki siya? Kumunot ang noo ko. Bigla akong nacurious sa kanya. "Lalaki siya, hija." Nakangiting sabi ni Sister Maya, parang hindi ko yata gusto ang ngiting iyon. Napailing nalang ako.
Ngayong araw nakaschedule na pumunta ang taong tumutulong sa Sweet Haven, nakabihis na ako para naman presentable ang itsura ko. Nag pulbo lang ako at naglip balm. Natural na mapupula na kase ang labi ko at pisnge ko, hindi rin naman ako nagmimake-up at wala rin ako no'n. Umupo ako sa bakanteng upuan sa library room ng SH, maya maya lang ay darating na raw siya kaya nauna na ako sa loob. Sila Sisters nalang daw ang sasalubong sa kanya at ihahatid nalang daw nila rito sa silid.
Nakatalikod ako sa pintuan kaya hindi ko makikita kaagad kung sino man ang papasok o paparating, nakarinig ako nang tatlong marahan na katok. Agad akong napalingon, at ng makita ko na kung sino man ito ay nahulog yata ang panga ko.
This can't be! Am I dreaming?
Derideritso itong lumakad papasok habang may nakapaskil na ngisi sa kanyang labi. Deritso rin ang titig nito sa akin.
"I-ikaw? P-paanong.." Hindi ko mabuo ang salitang sasabihin ko. I am still in shocked, nakatayo parin ako at parang natuod nalang sa kinatatayuan ko. Paanong siya? Bakit hindi ko kaagad nalaman? At bakit hindi man lang ako nagtanong kung sino ito? Sana nalaman ko kaagad. "Yeah. Ako nga. Nagulat ka yata?" Nakangisi niya paring sabi. Biglang nagtubig ang mga mata ko.
"Hey!" Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Nanatili lang akong nakatayo at lumandas na ang luha sa mga mata ko. "Sshh. How are you?" Napahikbi ako. Twas years ago the last time I cried, I am saying to myself that I need to be brave. Bawal akong umiyak at maging mahina, pero ngayon, hindi ko mapigilan. "Tahan na. Tahan na." Pag-aalo niya sa akin. He rubbed his plam on my back to comfort me. Ilang segundo pa ang lumipas ng nakalma ako. He let me sit and he too. We are face to face now, gulat parin ako, kaonti nalang naman. Hindi ako makapaniwala, he is into charity rin pala.
"Kamusta kana, Mika?" Pagtatanong niya. Ngumiti ako sa kanya. Mas nagmature ang itsura niya at mas lumaki ang pangangatawan niya. Nakasemi formal itong damit na bagay na bagay sa kanya. "Okay lang naman ako. I-ikaw? Kamusta?" Ako naman ang nagtanong pabalik pagkatapos ko siyang sagutin sa tanong niya sa akin. "I can see that, mukhang okay ka nga, but somehow you look sad, Mika." Lumungkot sa huli ang pagbigkas niya nang mga salita. Ganoon ba kadaling makita ang kalungkutan sa mukha o mga mata ko?
Tumikhim ako. "Zeus." Mahinang tawag ko sa pangalan niya. He smiled at me pero bigla ring sumeryoso ang mukha niya. His eyes became darker this time, "are you not going to ask me if how's her?" Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko. Nag-iwas ako ng tingin, hindi pa yata ako handa para pag-usapan ang anak ko. Yes, I am always thinking about my daughter but kapag pinag-uusapan na ito ay hindi ko kaya, kaya no one asks me about her. Alam na nila Sisters ang nakaraan ko and they did not judged me. Naintindihan nila ako.
"I see. Mukhang ayaw mong pag-usapan." Ani niya. Nginitian niya ako. "How come hindi mo alam na ako ang imi-meet mo?" Hindi kase ako nagtanong. Tsk.
"Hindi naman kase ako nagtanong eh, I was actually curious kung bakit gusto akong kausapin ng tumutulong sa amin. Ikaw naman pala." Tumawa ito ng mahina. Medyo nahiya tuloy ako. Matagal na ang huling pagkikita namin ni Zeus, noong nagalit noon sa akin si Angelo kase magkasama kami ni Zeus ay 'yun na ang huli. "Hindi ko alam na tumutulong karin sa mga charity." Sabi ko pa. He smiled again. Isa ito sa nagustuhan ko sa kanya noon eh, he is smiling always. Parang wala lang problema sa buhay. Mabuti pa siya, but who knows, baka itinatago niya lang. Last time kase na nagkasama kami ay parang may dinadala itong problema eh.
"I am. Buong pamilya ko. We are helping people, charity, mga nasalanta ng bagyo o basta may kinalaman sa pagtulong." Sobrang bait pala talaga niya pati narin ng family niya, that explains why he helped me. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na una niya akong tinulungan, tandang tanda ko pa ang mukha niya noon habang nagda-drive papuntang hospital. Napangiti tuloy ako.
"What made you smile?" Takang tanong nito sa akin. Napailing nalang ako. I am wondering, may asawa na kaya ito? O kasintahan? Matagal na panahon din kase akong nawala. Sinilip ko ang ring finger niya, pero wala naman akong nakitang sing sing. "Bakit ang Sweet Haven ang napili mo? Ang daming orphanage sa Maynila ah. Last year kalang tumulong sa amin." I saw him smirked. Parang may ipinapahiwatig. Nagsalubong ang kilay ko.
What's with the smirk? "Last year ko lang kase natuklasan na narito ka. Ang galing mo magtago, sa Mindanao pa talaga. Mabuti nalang at may pinuntahan ako rito." Is he trying ro say that... "I am helping this orphanage because you are here, hindi mo alam ang ginawa ko mahanap kalang. Ang hirap mong hanapin, alam mo ba iyon? Wala masyado akong alam sa iyo, wala karing ibang pamilya. It took me almost 3 years to find you, Mika." Dahil nandito ako? Bakit?
"I just want to help you too, itinatago rin kita sa kanya. It's for your safety, Mika. Pero kung mahanap kaman niya, wala na akong magagawa. She's looking for you too. That ass!" Hinahanap niya ako? Ngunit bakit? Is he trying to look for me kase nagalit siya nang umalis ako nang walang paalam? Hindi ko alam kung bakit o kung ano ang rason niya para hanapin niya ako. Nasa kanya na ang anak ko, hindi ko siya kukuhanin sa kanya at hindi rin naman ako manggugulo sa kanila ng anak ko.
Naguguluhan ako. "I don't really know why, but I think I can sense something." Ngumisi siya sa akin. "But, believe me, wala siyang alam na nauna na kitang nakita, sa ngayon. I don't know sa darating pa na mga araw. Ako nga nahanap ka, kaya sigurado ako na kung pursigido siyang mahanap ka ay mahahanap ka niya." Napailing ako. Hindi niya ako pupwedeng mahanap. Tahimik na ang buhay ko, tapos na ako sa pasakita niya sa akin. Ang sakit nalang na iniinda ko ay ang pag-iwan ko sa anak ko.
"Hindi niya ako hahanapin, bakit pa? Nasa kanya na ang gusto niya, I left my daughter para makawala sa pananakit niya at para sa ikaliligaya nilang lahat. Kaya hindi niya na dapat ako hanapin pa." Pigil hininga kong salita. He is just staring at me, like reading every move that I make, sa bawat pagbuka ng bibig ko at sa bawat galaw ng mga mata ko. He seems reading everything or observing me? "Ikaw? Masaya ka ba? Naging masaya kaba noong umalis ka?" Parang may bumara sa lalamunan ko. Palaging may nagtatanong niyan sa akin, I even asked myself the same question. Of course I am not happy. I left my own blood and flesh.
"Masaya at malungkot." Maikling pahayag ko. "Masaya kase hindi ko na masasaktan si Angelo at Sophia, kase sila naman talaga ang dapat eh. Masaya kase sa wakas ay nakawala na ako kay Angelo, ngunit sa kasiyahan ko ay higit akong nalulungkot at nasasaktan sa pagtakas ko kase iniwan ko ang pinakaimportanting tao sa buhay ko." Naiyak na ako. Ang hirap parin pala, akala ko nasanay na ako kase matagal ko nang hindi nakikita ang anak ko, pero kinakain parin ako nang konsensya ko sa pag-iwan ko sa anak ko.
Tumayo si Zeus at niyakap niya ako. "Everything's gonna be all right in Gods plan." Tama siya, magiging okay din ang lahat. Kailangan ko lang na manalig sa panginoon.
Ilang oras na ang nakalipas ng umalis na si Zeus, pagkatapos naming mag-usap ay ipinangako niya na walang makakaalam bukod sa kanya na narito ako. Nagpasalamat ako sa kanya, sa pagtulong sa SH at sa akin.
"Mikay! Nakausap mo na ang bagong tumutulong sa atin?" May bitbit pang mga plastic bags si Tamarah ng makita ko siya, kagagaling lang niya sa palengke para bumili ng groceries namin. Nakakakita na ulit siya, pinilit ko kase siyang magpaopera, mabuti nalang at available pa ang eye donor niya at maraming tumulong sa pagpapaopera niya. Nang makakita na siya ay hindi na siya bumalik sa pamilya niya, masmasaya raw dito, kase ito raw ang totoo niyang pamilya.
"Oo, kani-kanina lang. Hindi mo na naabutan. Natagalan ka yata?" Tinulungan ko siyang bitbitin ang mga pinamili niya at dumeritso kami kaagad sa stock room para ilagay doon ang pinamili niya. Napasimangot siya. "Oo eh! Ang dami dami kaseng tao tapos may naghabulan pa na snatcher at pulis doon." Hindi na ako nanibago pa. Ako nga kamuntik ng madukutan sa palengke, mabuti nalang at nakita ng isang concerned citizen na binubuksan ng lalaki ang bag na dala ko. Kaya ayun, dinampot kaagad ng mga pulis. Marami rin kasing nagrorondang mga pulis that time.
"Mabuti naman at hindi ka nasaktan?" Umiling ito sa akin. Pareho kaming umupo sa bakanteng upuan, bakas sa mukha niya na pagod ito. "Sino nga pala ang nakausap mo?" Pagtatanong niya habang hinahawi ang mahaba niyang buhok. "Si Zeus, Zeus Mondragon I." Nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Kumunot ang noo ko. "Bakit?" Takang tanong ko. Umiling ito sa akin. "Alam mo, siya ang tumulong sa akin ng ipinanganak ko si M.A." Nakangiti kong turan. Nakita kong nataranta siyang tumayo, parang ayaw niyang marinig ang pinagsasasabi ko. "Ganoon ba? S-sige, magpapahinga na muna a-ako." Sumunod nalang ang mga mata ko ng tingin nang makita ko siyang nagmamadaling lumabas.
Anong problema no'n?