ChapterTwentyOne ]
-------------------------------~oOo~
Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama ko, hinaplos ko ang foam ng kama ko.
"Paano ba 'yan? Mukhang matagal tagal pa akong makakahiga ulit sayo." Ani ko sa isipan ko.
Para sa kapakanan ng nakararami rito sa orphanage ay nagdesisyon akong sumama kay Angelo sa Manila para maging Nanny ng anak ko. Bahala na kung ano man ang mangyari sa akin basta huwag lang mawalan ng sponsors ang orphanage, mas malaking problema 'yun kapag nagkataon. Kakayanin ko pa naman siguro pa ang masaktan, pero kapag hindi na ewan ko nalang. Baka mabaliw na ako. Tsk!
"Mikay?" Tawag ni Tammie sa akin sa mahinang tinig, pumasok siya sa kwarto ko at umupo sa tabi ko. Ngumiti ako sa kanya, ngiting hindi umabot sa mata ko. Agad niya akong niyakap, yumakap din ako sa kanya pabalik. "Okay kalang ba talaga roon? Sabihin mo lang kapag sinaktan ka niya huh? Susugurin ko talaga siya!" Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin. "Oo naman! Ako pa?" Hinaplos niya ang pisnge ko. "Naroon na siya sa labas. Kararating niya lang." Napabuntong hininga ako. Kinakabahan parin naman ako pero alam ko kakayanin ko naman ito. Siguro iisipin ko nalang na magbabakasyon ako sa bahay ni Angelo kasama ang anak ko. Para kahit papaano ay hindi masyadong masakit.
Kinuha ko ang malaking plastic na naglalaman ng paborito kong pillow. Tinulungan ako ni Tammie na dalhin ang isang maleta ko na hindi naman masyadong malaki at dalawang bags ko. Pagkalabas ko pa lang ay sumalubong sa akin ang mga batang tinuturuan ko.
"Ate Mikay!"
"Nanay Mikay!"
Napaluha ako, nakikita ko kasing umiiyak ang mga bata. Ayaw nila akong umalis, nagpaalam narin ako sa mga volunteers at iba pa naming kasama rito. Nakita kong nakaupo lang si Angelo at nasa tabi niya si Mang Mario, ngumiti ito sa akin. Kumaway ako sa kanya, si Angelo naman ay nakatitg lang sa akin.
"Babes, aalis ka ba talaga?" Napangiti ako kay Luke, tumango ako sa kanya. Malungkot ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin, isa si Luke sa mga mamimiss ko. Kahit na ayaw ko sa kanyang manligaw sa akin, still, he is my friend. He makes me laugh and he cares too much for me. Swerti ng babaeng mamahalin niya balang araw. "Kailangan eh, malulungkot ka?" Napanguso siya sa sinabi ko at tumango sa akin. Ginagap niya ang pisnge ko at hinalikan ako sa noo. "Mag-ingat ka roon ah? May number naman ako sa iyo eh, tawagan mo lang ako at pupuntahan kaagad kita." Sabi niya. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. "Mamimiss kita, Luke. Ingat ka huh? Bantayan mo sila rito." Sabi ko sa kanya. Hinaplos niya ang likod ko. "Of course, para sayo gagawin ko ang lahat." Sabi niya.
"Lets go." Napakalas ako nang yakap kay Luke ng marinig ko ang baritonong boses ni Angelo, nakaigting na naman ang panga nito at matalim ang titig kay Luke. "Wala talaga akong tiwala sa lalaking 'yan, babes." Napailing na lamang ako kay Luke. Nagpaalam na ako sa mga madre. "Mag-ingat ka doon, Mikay." Bilin nila sisters sa akin. Nagpasalamat naman ako sa kanila at humalik sa pisnge nila at yumakap.
Lumapit si Angelo kay Luke at kinuha ang mga dala ko pero hindi niya ito binigay, napaismid si Luke sa kanya habang inilalagay sa sasakyan ang mga bag at maleta na dala ko. Pinagbuksan ako ni Angelo ng pinto ng sasakyan niya, pumasok naman ako kaagad. Pumasok narin si Angelo sa kabila. May kumatok sa bintana sa gilid ko kaya ibinaba ko ito. "Ingat ka huh? One one call away lang ako, babes." Ngumiti ako kay Luke at tumango. Pinisil niya ang pisnge ko. "We're going." Mariin na sabi ni Angelo kaya napalingon ako sa kanya. He is clenching his teeth. "S-sige." Sabi ko. Napalunok ako. Bakit ba palagi nalang siyang galit? Pinaglihi ba siya sa sama ng loob? Tsk.
Ibinaling ko ang atensyon ko kay Luke, "alis na kami." Ani ko bago ko ibinaba ang salamin ng sasakyan ni Angelo. Nag-umpisa nang tumakbo ang kotse niya, nilingon ko ang orphanage. Nakita ko silang kumakaway sa papalayong kotse na sinasakyan namin ngayon. Ngumiti nalang ako at umayos na ng upo. Tumingin si Mang Mario sa salamin sa itaas niya at ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya.
"Kamusta po kayo?" Pagtatanong ko kay Mang Mario. "Okay kang ako, hija. Ikaw? Lalo ka yatang gumanda ah." Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Hindi naman po. Bolero rin po pala kayo." Sabi ko na ikinatawa ni Mang Mario, siya lang mag-isa sa unahan. Pareho kase kaming nasa likuran ni Angelo. Prente lang siyang nakaupo sa gilid ko. Hindi na galit ang mukha niya, parang neutral na ito. Nilingon niya ako kaya nag-iwas kaagad ako nang tingin. "Hindi ako bolero, hija. Maganda ka talaga kahit pa noong buntis ka." Si Mang Mario talaga! Ngumiti ako sa kanya. "Oo na nga lang po." Sabay kaming napatawa ng mahina ni Mang Mario, si Angelo naman ay kumunot ang noo niya. "Hindi ba't maganda si Ma'am Mikaela, boss?" Tiningnan ni Mang Mario si Angelo gamit ang salamin. "Tsk. Just drive, Mario." Ngumisi lang si Mang Mario kay Angelo. Ako naman ay natahimik. Baka kase magalit na naman siya eh.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa airport, tinulungan ako ni Mang Mario sa mga bags ko habang si Angelo naman ay dala dala ang maleta ko. Ang tanging dala ko lang ay ang pillow ko na nakaplastic. Maraming tao ang nakatingin sa amin ngayon, bigla akong nahiya. I really hate people staring at me, naiilang ako. Akala ko ay dadaan kami sa dinaraanan ng maraming tao ngunit sa iba kami dumaan. Parang kilalang kilala na nila si Angelo. "Private plane tayo, Mika." Sabi ni Mang Mario, napatango nalang ako sa kanya. Ito ang magiging unang sakay ko sa eroplano. Shit! Ano kaya ang pakiramdam? Bigla akong kinabahan.
Tumahimik nalang ako habang naglalakad kami. "Good morning sir." Bati nila kay Angelo, hindi man lang siya nagbalak na bumati pabalik o ngumiti man lang. Deritso lang ang paglalakad niya na parang isang hari, mukhang wala naman siyang pakialam sa mga tao rito.
May nakikita akong isang plane, may mga nakahelirang mga naka itim at puti. 'Yung dalawang nakaputi sila siguro ang mga piloto, ang mga naka itim naman sila siguro ang mga flight attendants? Kinuha nila ang mga bag ko at pati narin ang pillow ko, hinawakan ni Angelo ang siko ko nang paakyat na kami. Hindi naman na ako nagreklamo pa, inalalayan lang naman niya ako. Wala namang masama sa ginawa niya. Nang makapasok na kami ay naghanap ako nang mauupuan, kami lang naman ang taong naririto pati narin ang mga flight attendants.
Tiningnan ko ang loob ng eroplano, wala si Mang Mario. Si Angelo ay kausap ang babaeng flight attendant, mukhang may ibinibilin. Kumunot ang noo ko nang panay ang ngiti ng babae rito, nagkakatuwaan yata sila nang babae. Iniwas ko ang tingin ko at hinanap na naman si Mang Mario, pero wala talaga siya. Nasaan na kaya siya? Gusto ko pa naman siyang kausap kesa sa makasama itong si Angelo na ang sungit sungit, at tsaka kinakabahan ako. Kailangan ko ng makakausap.
I am starting to play with my fingers, mga 20 minutes na kaming narito pero hindi pa umaalis ang plane. Maya maya pa ay tumabi na sa akin si Angelo. Tahimik lang ito, may dala dala rin siyang news paper. Nag-umpisa na siyang basahin ito, ako naman ay nakatanaw sa bintana ng plane. "Seatbelt." Matipid na sabi ni Angelo. Kumunot ang noo ko, paano ba ito? Hinawakan ko lang ito at tinitigan, paano ba ito kinakabit? "First time mo?" Nilingon ko si Angelo at tumango sa kanya. Tumaas ang gilid ng labi niya. Ngumiti ba siya sa akin? Kinuha niya ito at siya na mismo ang nagkabit ng seatbelt ko, napalunok naman ako nang nilapit niya ang mukha niya sa akin. Napatitig ako sa mukha niya, bakit ba ang perpekto ng mukha niya? Wala kang maipipintas dito. Matangos ang ilong, natural na kissable at mapupula ang mga labi, perfect jaw..lahat sa kanya maganda, pati ang katawan. Bigla akong namula. Ano bang iniisip ko?
Nilingon niya ako. "Are you okay?" Nakakunot ang noo niya ng tanungin niya ako, umiling nalang ako. Nakakahiya! "O-oo naman." Ani ko. "Salamat." Gamit ang mababang tono ng boses ko. Titig na titig lang siya sa akin at bumaba iyon sa mga labi ko, agad naman siyang nag-iwas at umayos ng upo.
Shit naman, Mika! Ano ang pinaggagawa mo?
Narinig ko na lamang na nagsalita ang piloto at aalis na raw ang plane, napa sign of the cross ako.
Gabayan niyo po kami sa paglipad namin. At sana mawala na po ang takot sa puso ko. Amen.
Panalangin ko. Mariing nakapikit ang mga mata ko. Narinig kong may tumawa ng mahina, iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakatingin sa akin si Angelo at nagpipigil ng tawa. "F-first time ko k-kase." Nauutal kong salita. Mariin ako ulit na napapikit ng lumipad na ng tuluyan ang plane, napatingin ako sa ibaba at medyo mataas na ang lipad nito. Umayos ako ng upo at pumikit na lamang. "Okay, kalma lang, Mika. Kaya mo 'yan. Kalma lang." Ilang beses akong nagpakawala ng hangin para makalma ang sarili ko pero ayaw talaga.
"M-may tatlong bibe akong n-,nakita, mataba, mapayat mga b-bibe. Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa, s-,siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak kwak...." Mahina at paulit ulit kong kanta. Sa dinami rami ng kanta 'yan pa talaga ang naisip ko? Shit! Okay lang 'yan, uso naman 'yan ngayon eh.
"Hey." Hindi ako kumibo, pero kumakanta parin ako sa isipan ko. Naramdaman kong may mga brasong pumalibot sa akin, hinawakan niya rin ang baba ko at ang ulo ko ay isinandig niya sa dibdib niya. "Be calm, okay? I'm here." Bulong niya sa akin. I bit my lower lip. Ang lakas na naman ang kabog ng dibdib ko. Hindi ganitong Angelo ang inaasahan ko. I've known him for being a ruthless man, palagi niya ako noong sinasaktan, physically o emotional man, kaya itong ang ginagawa niya ay ibang-iba ito kesa noon. Wala siyang pakialam dapat sa akin, kase 'yun ang dapat. Pero ano ito? Bakit pakiramdam ko may iba itong epekto sa akin? Lahat ng nararamdaman ko ngayon ay bago sa akin, hindi ko pa ito naramdaman kahit na kanino. Malakas ring kumakabog ang dibdib ko kapag nar'yan si Luke pero ang kay Angelo ay iba. Hindi ko lang mawari kung natatakot, kinakabahn o kung ano pa. Basta lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
Nakatulog ako sa buong byahe, mas mabuti nga kase baka kung hindi ako nakatulog ay hanggang ngayon ay natatakot parin ako. Hindi ko alam kung ilang oras ang naging byahe namin, basta ang alam ko lang ay hapon na ngayon. Pareho na kaming nakasakay ni Angelo sa kotse niya, nagulat pa nga ako na si Mang Mario parin ang driver namin ngayon, kase nga naiwan siya sa Davao diba? Hindi narin naman na ako nagtanong pa, as much as possible ay ayaw kong magsalita. Hindi rin naman nila ako kinakausap kaya okay lang din sa akin.
Habang papalapit kami sa bahay ni Angelo ay nag-umpisa na namang kumabog ng malakas ang puso ko, kinakabahan ako. Makakasama ko na ang anak ko sa iisang bahay, sa bahay kung saan marami akong naiwang alalala.
Nang makarating kami sa bahay ni Angelo ay tinulungan nila akong dalhin ang mga gamit ko, si Angelo sa maleta ko at si Mang Mario sa dalawang bag ko, ako naman sa pillow ko. Pagkapasok ko palang sa gate ay sari-saring emosyon ang naramdaman ko, saya, lungkot at takot. Ang bahay na ito ay ang saksi sa lahat ng nangyari sa akin mula ng ipinagbuntis ko ang anak ko.
Ang mga imahe ng nakaraan ay biglang bumalik, nakita ko ang sarili ko na umiiyak habang sinasaktan ni Angelo at ginagamit na parang isang bayarang babae. Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Kahit pala lumayo ka at subukan mo mang kalimutan ang nakaraan, may isang bagay pala talaga na makakapagbalik ng mga alaala mo sa nakaraan. Masaya man o malungkot na bagay. Mapait akong ngumiti. Sa tagal ng panahon na umalis ako hindi ko inakalang makakabalik pa pala ako rito, sa bahay na ito.
"Hija? Mika?" Narinig kong may tumawag sa akin, nilingon ko ito mula sa likuran ko. Nakita ko si Manang Minda, ang naging Nanay ko sa bahay na ito. Ang tagapagtanggol ko kapag sinasaktan ako ni Angelo, ang nag-alaga sa akin habang ipinagbubuntis ko si M.A. Lumapit siya sa akin at yumakap ng mahigpit. Marami na siyang mga puting buhok. "Hello po. Kamusta po kayo? Namiss ko po kayo." Ani ko na ikinangiti naman niya. "Okay lang ako, anak. Tumatanda na. Ikaw? Kamusta ka? Nag-alala ako sa iyo." Ngumiti ako sa kanya ng malapad. "Okay lang din po ako. Sa awa ng diyos ay nakatagpo ako nang mga mababait na tao, tinulungan nila ako." Sambit ko.
"Ganoon ba? Mabuti naman. Kumain ka na ba? May turon akong ginawa, hindi ba't paborito mo iyon?" Napangiti ako ulit. Naaalala niya pa ang paborito kong pagkain. "Salamat po!" Sabi ko nalang.
"Daddy! Oh my gosh! Daddy!" Tili ng batang babae habang tumatakbo sa hagdanan pababa, tila may nag-kakarerehan na namang mga kabayo sa puso ko. Naka pig tails ang buhok niya, nakasuot pa ito ng pink na bestida na may mukha ni spongebob. Malapad ang kanyang ngiti at kumikinang ang kanyang mga nata sa tuwa. "Geez, baby! I told you not to run! You're killing me!" Sabi ni Angelo. Mabilis na sinalo ni Angelo sa mga bisig niya si M.A. at kinarga ito. Humalik kaagad si M.A. sa ama niya at humagikhik, hindi niya pinansin ang medyo galit na tono ng ama niya. She's so adorable. Ang sarap pisilin ng chubby niyang mukha kapag lalabas ang dimples niya.
"I am just excited, Daddy! Ang tagal niyo naman kase eh!" Sabi niya sa ama niya na parang nagtatampo. Nakatitig lang ako sa dalawa. Ang saya nilang tingnan. "Hi." Bati niya sa akin. Napalunok ako bago ngumiti. "H-hello." Ani ko. Pilit kong pinasigla ang tono ng boses ko. "Kanina pa 'yan nakasimangot, kagabe late ng natulog." Sabi ni Manang Minda. "Is that true, baby?" Tanong naman ng ama niya. Napasimangot ang anak ko. "Yes, Daddy! I'm just excited, eh! Tapos hindi ka pa umuwi. Namiss po kita!" Ilang ulit siyang humalik sa pisnge ng ama niya. "I'm here, we're here. Aren't you happy?" Pagtatanong ni Angelo sa anak niya.
"Masaya po, sobra!" Sagot naman M.A., tumitig siya sa akin at ngumiti. Bumaba siya kay Angelo at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at nagpakarga rin sa akin, kinarga ko naman siya kaagad. "Namiss po kita!" Masiglang sabi niya at humalik sa mukha ko. Pinuno niya ang mukha ko ng mumunting halik niya.
"Welcome to the family!" Masayang sabi niya na ikinangiti ko. Nakatitig lang si Angelo sa amin samantalang si Mang Mario at Manang Minda ay malapad ang ngiti.