CHAPTER 23

5 0 0
                                    

ChapterTwentyThree ]
-------------------------------

                              ~oOo~
Makalipas ang dalawang linggo ng pagiging Nanny ko sa anak ko ay naging okay naman ang lahat. Hindi makulit si M.A., mabait siya at sobrang malambing. Nakikita ko rin na sobrang attached siya sa Ama niya. Ma late lang ito nang uwi ay marami na siyang tanong kung bakit ito late nakauwi, minsan nagtatampo rin siya sa Daddy niya pero after lang siyang lambingin ng Ama niya ay balik na naman ito sa masayahing bata na walang problema. Masasabi ko talaga na maganda ang pagpapalaki ni Angelo sa anak ko, hindi ito nagkulang sa pagpapangaral sa bata. Lahat naibibigay nito sa kanya, pero hindi siya brat. Spoiled lang siya sa ama niya.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala ang Mommy na kinikilala ni M.A.. Hindi narin ako nagtanong pa kase parang ang personal naman na no'n at isa pa ayaw ko na kapag nalaman ko kung sino ang babaeng kinikilalang Nanay ng anak ko ay masaktan lang ako.
Ini-imagine ko nalang na ako ang tinutukoy ni M.A. na Mommy niya. Nakakapagtaka nga na hindi man lang ito tumatawag o hindi man lang siya nababanggit nang sino man sa bahay ni Angelo. Hindi ba niya namimiss si M.A. o ang asawa niya? Nakakapagtaka lang talaga kase eh. Mas mabuti ng ganito muna, kapag nakita ko na siya, ang kinikilalang nanay nga anak ko ay tsaka ko nalang pipigilan ang sarili ko, na Nanny lang niya talaga ako.
"M.A., halika na rito." Tawag ko sa kanya. Kanina pa kase siya sa banyo. Hindi ko na siya pinapaliguan kase marunong na siyang maligo na siya lang mag-isa. "Wait po!" Sigaw niya mula sa banyo, hindi pa naman siya malelate. Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na siya, nakasuot siya ng kulay yellow na robe niya na may mukha ni Spongebob. Ang cute cute niyang tingnan. Nalaman ko rin na mahilig siya kay spongebob, palagi siyang nanonood nito at marami siyang mga gamit na may mukha ni spongebob. "Natagalan ka yata?" Pagtatanong ko. Ngumiti siya sa akin at lumapit. Pinunasan ko kaagad ang buong katawan niya para makabihis na siya nang uniform niya.
"Masarap po kasing maligo eh." Sagot niya sa akin. "Huwag masyadong magbabad sa shower, magkakasakit ka." Ani ko. Ngumiti siya sa akin. Sinimulan ko nang bihisan siya at ayusan. Nang matapos na ay sumakay na kami sa kotse nila para ihatid siya. Binati niya ng magandang hapon si Mang Mario at ngumiti rito. "Hatid niyo po ako hanggang sa room huh?" Sabi niya sa akin ng medyo malapit na kami. Tumango ako sa kanya. "Oo naman." Sagot ko. Hindi naman pangit ang damit ko. Nakaitim na blouse lang ako at jeans, pinarisan ko ito ng flat shoes na kulay dark blue. Kuminang ang mga mata niya at yumakap sa akin. Yumakap din ako pabalik sa kanya. Napakalambing talaga ng batang ito.
"Mang Mario, pakihintay nalang po ako huh?" Sabi ko kay Mang Mario.
"Noted, hija. Paalam mahal na prinsesa!" Sumaludo siya kay M.A. at gano'n din ang ginawa ni M.A. sa kanya at nagpaalam na.
Nakikita kong parang sobrang excited ni M.A., siya pa ang humahawak sa kamay ko at hinihila niya ako. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa isang building. Maraming bata ang nasa labas pa kasama ang kani-kanilang mga Yaya. May mga batang nakatingin sa gawi namin. Parang nagtataka ang mga tingin nila, siguro kase bago lang nila akong nakita na kasama si M.A.
May lumapit sa aming mga batang babae."Who is she M.A.?" Pagtatanong ng batang babae kay M.A., may kasama pa siyang apat na mga batang babae. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni M.A. sa kamay ko. "S-shes my...uhmm." Kumunot ang noo ko. Bakit hindi siya makapagsalita ng deritso? Naghihintay lang ang mga batang babae sa isasagot ni M.A.. Siguro mga kaklase niya ito na curious malaman kung sino ako. "She's my Mom." Tila nanlaki ang mga mata ng mga bata sa tinuran ng anak ko. Pinakilala niya akong Mommy niya? Hinila ko ang kamay ni M.A., nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa mga mata niya. Marami akong emosyong nakikita sa mga mata niya. "R-really?" Hindi makapaniwalang sabi ng limang batang babae. "Anong pinagsasasabi mo?" Takang tanong ko sa mahinang boses. Masarap sa pakiramdam na ipakilala niya akong Mommy niya sa ibang tao, pero hindi ito tama. Narito lang ako bilang Nanny niya at alam ko at alam niya na iba ang kinikilala niyang Ina. Hindi ba hinahataid ng Mommy niya si M.A.? Bakit parang hindi nila kilala ang kinikilalang Mommy ni M.A.?
Tiyak kapag nalaman ito ni Angelo ay magagalit siya sa akin! Ayaw niya akong kilalanin na nanay ng anak ko, tapos ito ang kakalat sa school ni M.A.? Na ako ang Mommy niya? Paano nalang kapag nakarating ito kay Angelo?
"Bye, Mommy. I'll see you later." Sabi niya at humalik sa pisnge ko. Hindi ko sana siya paalisin kase gusto ko siyang kausapin tungkol sa pagpapakilala niya sa akin bulang Mommy niya sa mga batang kasama niya ngayon, kaya lang mabilis siyang kumawala sa pagkakayap sa akin at umalis na sila. Masayang nakikipag-usap ang limang batang babae kay M.A. habang naglalakad sila. Nilingon ako ni M.A. at malungkot na tiningnan then she mouthed, "I'm sorry." Hinintay ko siya munang makapasok na sa loob ng room niya at naglakad na pabalik sa parking lot at para makauwi na.
Buong byahe pauwi ng bahay ni Angelo ay tahimik lang ako, hindi narin naman nagtanong pa si Mang Mario sa akin kung bakit ako natahimik. Hindi ko parin kase maintindihan ang lahat, alam niya ba talaga na ako ang totoong Nanay niya? O sinabi niya lang 'yun sa mga kaklase niya? Ngunit bakit? Ano ang rason niya para sabihin sa mga kaklase niya na ako ang Mommy niya kung iba naman ang kinikilala niyang Mommy? Sumakit yata ang ulo ko sa pag-iisip.
Pagkarating namin sa bahay ni Angelo ay nagpunta ako kaagad sa dating kwartong tinutulugan ko rito, nagtaka pa ako noong una kase ang mga naiwang gamit ko rito ay nakaayos parin. Kung saan ko sila iniwan na nakaayos ay nandon parin ito, at sobrang linis ng kwartong ito. Parang pinanatili kung ano man ang ayos nito. Umupo ako sa gilid ng kama at nagpakawala ng malalim na hangin.
Umusog ako pagitna ng kama at isinandal ang likuran ko sa maliit na headboard ng kama, ipinikit ko ang mga mata ko. Malabo naman sigurong alam ni M.A. na ako ang tunay niyang ina, kase sigurado akong hindi iyon sinabi ni Angelo sa kanya. Siguro may rason lang talaga si M.A. kaya ako ang ipinakilala niyang Mommy niya sa mga bata kanina, pero ano?
Quarter to 5 nasa labas na kami ng school ni M.A., pero ako nalang mag-isa ngayon sa kotse. Si Mang Mario kase ang pinasundo ko kay M.A. sa room niya. Baka may makakita na naman sa amin at ako na naman ang ipakilala niyang Mommy niya, ayaw kong makarating iyon kay Angelo at paano nalang kapag dumating na ang kinikilala niyang Mommy? At malaman nila na Nanny lang naman talaga ako ng anak ko? Tiyak maraming magagalit sa anak ko kase nagsinungaling siya at ayaw kong mangyari iyon.
Maya maya pa ay dumating na sila ni Mang Mario, umupo sa gilid ko si M.A.. "Kailangan nating mag-usap mamaya." Seryosong sabi ko. Tumango siya sa akin. Sobrang lungkot ng mga mata niya, wala ng kislap akong nakikita rito. Hindi ko na muna pinansin iyon. Pareho kaming tahimik na dalawa, dati rati kapag ganitong nakasakay kami sa kotse nila pauwi ay marami siyang kwento sa akin tungkol sa mga nangyari sa kanya sa paaralan, pero ngayon nasa labas lang siya nakatingin. Tila inaaliw ang sarili sa mga nadadaanan namin.
Malungkot ko siyang tinitigan. Napakalapit na niya sa akin, abot kamay ko na siya pero hindi ko parin siya maabot. Ang hirap ng sitwasyon ko, ng sitwasyon namin. If I could just tell her straight that I am her mother ay kanina ko pa ginawa, pero hindi madali ang lahat para sa amin. We, my daughter and I, we will remain like this. Hindi na ito mababago, except if magbago ang isip ni Angelo at ipakilala niya na ako ang tunay na Ina ng anak ko. Nag-iwas nalang ako ng tingin, nalulungkot ang anak ko, probably nasasaktan din siya, like me. Sobra akong nasasaktan, nalulungkot at nahihirapan. Hindi ko nga alam kung bakit kinakaya ko pa eh, siguro may magandang mangyayari pa sa buhay ko at sana ang magandang pangyayaring 'yun ay ang makilala ako ng anak ko bilang tunay niyang Ina at mapatawad niya ako sa pag-iwan ko sa kanya.
"Hija, hintay." Sigaw ni Mang Mario kay M.A. na mabilis na lumabas ng kotse at tumakbo papasok ng bahay nila. Nagpakawala ako nang malalim na hangin. "Hija, pansin ko lang na pareho kayong tahimik? May nangyari ba?" Hilaw akong ngumiti kay Mang Mario. "Simpleng tampuhan lang po. Kakausapin ko lang po siya." Sagot ko sa kanya.
"Pag-usapan niyo 'yan, hija." Tumango ako sa kanya. Inilabas ko na ang bag ni M.A. at akmang tatalikod na sana ako nang nilingon ko si mang Mario. "Huwag na po sana ninyong sabihin kay Angelo kung pupwede po." Pakiusap ko rito. Ngumiti siya sa akin. "Oo naman, hija." Sagot niya.
"Maraming salamat po." Sabi ko at pumasok na ng bahay, dumeritso ako kaagad sa kwarto ng anak ko. Inilagay ko muna ang bag niya sa lalagyan nito at umupo sa gilid ng kama ng anak ko. Nakahiga siya sa kama niya at nakatalikod sa akin, hindi pa siya nakapagbihis. Napabuntong hininga ako at tumayo na muna para kuhaan siya nang damit pang bahay. Pagkatapos kong kumuha ng damit niya ay bumalik ako sa pagkakaupo sa gilid ng kama niya. Nakapikit siya at kagat kagat ang ibabang labi niya.
"Magbihis ka na muna at mag-uusap tayo." May otoridad sa boses ko, unti-unti siyang bumangon at nag-umpisa ng hubarin ang uniform niya. Tinulungan ko siyang magbihis at ng natapos na siya ay pinaupo ko siya nang maayos sa gitna ng kama niya. "Bakit mo 'yun ginawa? Alam mo namang hindi ako ang M-mommy mo, hindi ba?" Nakita kong naiiyak na siya pero kailangan kong pigilan ang sarili kong patahanin siya. Ito ang kinamulatan niya, na iba ang nanay niya kaya dapat ito lang ang totoo sa kanya kahit pa hindi naman. "I just want to." Mahinang pagpapaliwanag niya sa akin. Nakayuko na ito at pinaglalaruan ang mga daliri niya. I smiled sadly, pati pala mannerism ko ay nakuha niya.
"Alam mong mali iyon, mali ang magsinungaling." Narinig ko nalang na humikbi na ito, nanginginig ang mga balikat niya. "I k-know. Sorry." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.
"I just want them to know that you're my mommy." Sabi niya. Gusto ko rin 'yan, anak, pero hindi kase pupwede. Hindi kase ito ang kinalakihan mo. Iba ang kinikilala mong nanay at hindi ako iyon. Gustong-gusto ko iyong sabihin sa kanya, pero alam kong hindi pwede. Itong sekreto ko na 'to ay dapat sa akin lang ito muna dahil hindi niya ito dapat malaman. Hindi ko pangungunahan si Angelo sa mga desisyon niya. Ayaw ko na kapag sinabi ko kay M.A. ang totoo ay magalit si Angelo at ilayo niya sa akin ang bata. Mas mabuti ng ganito, hindi niya man ako makilala bilang tunay na ina at least nakikita at nakakasama ko siya.
"Alam mong hindi totoo 'yan. You have you're m-mother and that's not m-me." Nahihirapan akong magpaliwanag kase taliwas ang lahat ng mga sinasabi ko sa kanya, ang sama sama kong Ina. Hindi ko man lang maipaglaban ang karapatan ko sa kanya. Napakaduwag ko parin hanggang ngayon, I am still the old weak Mika. Na ang kayang gawin ay umiyak at tumahimik na lamang. "You don't want me to call you my Mom?" Hindi ko mabatid kung ano ang nakikita ko sa mga mata niya. Basta ang alam ko lang ay punong-puno ito ng luha niya at nasasaktan siya. Hindi ako nakapagsalita sa itinanong niya sa akin. Hindi ko nga ba gusto? Mariin kong pinaglapat ang bibig ko. "Y-you...y-you don't want m-me." Humagulhul na siya sa pag-iyak, napaawang ang mga labi ko. Napakasakit ng pag-iyak niya. Parang may sumaksak ng ilang libong punyal sa puso ko. Ang sakit marinig mula 'yun sa anak mo.
Bigla nalang siyang dumapa at umiyak ng umiyak, hindi ko alam ang gagawin ko. Sasabihin ko ba? Pero hindi pa pwede. Napaiyak narin ako. Kung pwede nga lang na iuwi ko siya ay ginawa ko na, pero hindi pwede.
"Kung a-ayaw mo sa akin, then....... I-I don't w-want you too." Lahat ng pagmamaltrato sa akin ni Angelo noon? Ang paggamit niya sa akin ng sapilitan? Ang panglalait niya sa akin noon? Walang-wala 'yan sa nararamdaman ko ngayon. This is so painful, wala ng sasakit pa rito. Ayaw sa akin nang anak ko. Tahimik akong lumuluha habang nakatitig sa katawan ng anak ko. Nawalan ako nang anak sa pangalawang pagkakataon.
Noon, si Angelo lang ang may ayaw sa akin para sa anak ko, ngayon siya na mismo, ang anak ko na mismo ang ayaw sa akin.
Hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko kase kaya. Parang unti-unti akong pinapatay sa sinabi niya.
Umalis ako sa kwarto ng anak ko at dumeritso ako sa kwarto ko, isinara ko ang pintuan. Napaupo ako at isinandal ang likuran ko sa pinto then I cried. Hard. Napahilamos ako nang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko.

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now