ChapterThirtyTwo ]
-------------------------------~oOo~
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko. Ngumiti siya sa akin at lumapit, niyakap niya ako kaagad ng mahigpit.
"A-ate." Wika ko at mahigpit ding yumakap sa kanya. "Kamusta kana, Mika? Where's, Tamarah?" Nangingilid ang luha sa mga mata ko. After ng nangyari sa akin noon ay hindi ko na nakita pa si Ate Maurice. Ang huling pagkikita namin ay noong gabe sa bar, 'yun na 'yun. Hindi ko alam kung sinabi ba ni Angelo kay Ate ang nangyari sa akin. Si Angelo at Ate Maurice ay magkapatid. Isang taon lang ang tanda ni Angelo kay Ate Maurice. "O-okay lang po ako. Si Tammie naman ay nasa Davao po sa Sweet Haven. Nabulag po siya noon pero nagpaopera na po siya at nakakakita na siya." Paliwanag ko sa kanya. Nagulat ito sa mga sinabi ko. Pero, kung magtatanong pa siya tungkol sa kaibigan namin ay hindi na ako magsasalita tungkol sa personal na buhay nito. Hangang doon lang ang maikwekwento ko sa kanya.
"Bakit siya naroon? And why the hell she got blind?" Nakakunot ang noo niya. Hinila ko muna siya papunta sa sofa para makaupo kaming dalawa. Ngumiti ako sa kanya ng pilit. "Wala na po ako sa lugar para magkwento po." Tumango-tango siya sa akin at nagbuntong hininga. "How are you? Sinasaktan kaba ng walanghiya kong kapatid? Gosh! Kung hindi ko pa na aksidenting narinig sina Mommy at kuya na nag-uusap sa skype ay hindi ko pa malalaman na nabuntis ka pala ng gagong ito! And he was beating you!" Mahina niyang sabi pero puno ng galit ang boses niya. Nilingon niya si Angelo na nakatitig lang sa amin. Nakaupo sa kandungan niya ang anak ko at alam ko naman na hindi niya narinig ang sinabi ng tita Maurice niya. Mukhang matagal na niya palang alam ang sitwasyon ko.
"I wasn't here, gustong-gusto kung umuwi noon but I can't. Last three years pa ang huli kong uwi rito because I'm really busy sa business ng parents namin. Tell me, sinasaktan ka pa ba niya?" Umiling ako sa kanya. Hindi na niya ako sinasaktan physically, pero emotionally naman. Ayaw kong magkagulo pa ang magkapatid. "Okay lang ako, Ate. Believe me. Kamusta ka po?" Napabuga ito ng malalim na hangin.
"I'm fine, salamat naman at nagkabreak ako." Sabi nito. Ngumiti ako sa kanya. "Tita pretty, magkakilala po kayo ni Mommy?" Tumango si Ate Maurice sa anak ko, sinenyasan niya ang anak ko na lumapit sa kanya at sinunod naman siya nang anak ko. Umupo ito sa lap niya. "Of course, baby. We're good friends, iisa lang kami nang school ng Mommy mo noon but I'm older than her kaya nauna akong nag-graduate sa kanya." Paliwanag niya sa anak ko.
"Ah, gano'n po ba? Wow. That's nice to hear po, Tita." Manghang-mangha ang anak ko sa narinig mula sa tiya niya. "Baby, pwede ka ba munang pumunta sa kwarto mo? May pag-uusapan lang kami nang Mommy at Daddy mo." Agad na tumango ang anak ko at tumayo ito at umakyat na sa kwarto niya. Nang makaalis na ang anak ko ay nilingon niya si Angelo at sinamaan ito ng tingin.
"I hate you, kuya!" Agad na sabi nito. Hala!
"Why'd you hate me, Maurice?" Takang tanong naman ni Angelo sa kanya. "Hindi mo sinabi sa akin na narito pala si Mikaela! Ang sama mo!" Tinawanan lang siya nang kuya niya. Napanguso si Ate. Kahit na magkaibigan kami ni Ate Maurice ay hindi ko alam na magkapatid sila, noong nabuntis nalang ako at noong tumira na ako sa bahay niya. Noong una nagulat pa ako noon pero maliit lang talaga ang mundo. "Bakit hindi ka nagpasabi na uuwi ka?" Tanong ni Angelo sa kanya, umirap si Ate Maurice kay Angelo. "I wanted to surprise you and I have something to give you." May hinalungkat siya sa bag niya, inabot niya sa amin ang tig-isang itim na envelope. Ang ganda ng pagkakagawa nito, may ribbon pa ito na kulay puti. Binuksan ko ito, isa palang invitation.
"One of my reasons kaya nandito ako because I'll be attending our reunion." Sabi nito. Binasa ko ang nakasulat sa invitation. Next friday na pala ito, 7 P.M. "Alam mo naman ito, kuya, hindi ba?" Tumango si Angelo. "Of course, but I'm not interested." He used his flat tone.
"Edi wag kang pumunta, basta kami ni Mikaela ay pupunta. She missed a lot when she stopped studying. Isasama ko siya." Tama siya, marami nga akong na miss noong tumigil ako sa pag-aaral. Pati ang pangarap kong maging isang nurse ay hindi na natuloy. Nakita kong tumigas ang ekspresyon ni Angelo. "I'm going then." Sa tono ng pagkasabi nito ay parang 'yun na ang pinal na sagot niya. Tumaas ang kilay ni Ate Maurice. "'Wag na. Kaya na namin ni Mikaela. Nakakahiya naman sa iyo kung napilitan kalang." Puno ng sarkasmo ang boses ni Ate Maurice. Umikot ang mata ni Angelo. Tumayo ito at umupo sa tabi ko. Napausog tuloy ako papalapit kay Ate Maurice. "If she's coming, then I'll coming too." Sabi niya at umakbay sa akin.
Bakit ba kanina pa ito akbay ng akbay sa akin? Kinagat ko ang labi ko. "Istorbo ka! Alis! Doon ka nga!" Pagtataboy niya sa kuya niya. Ngumisi lang si Angelo sa kanya. Napasimangot si Ate Maurice.
Nanatili pa si Ate Maurice sa bahay ni Angelo hanggang gumabi, doon lang siya kumain at umalis narin noong mag-alas nuebe ng gabi. Doon daw siya matutulog sa condo unit niya, idadaan niya nalang daw bukas ang mga pasalubong niya kay M.A.
Hindi rin naman tumagal ang mga araw at Friday na ngayon, umaga palang ay may mga tao ng narito para ayusan ako. Dalawang babae at dalawang bakla. May mga dala-dala silang paper bags. Nasa kwarto kami ngayon ng anak ko, rito na raw ako magbibihis at aayusan. My daughter is not here, may pasok siya at excited na raw siya kaagad umuwi para makita na niya ako.
"Ah, nasaan nga pala si Angelo?" Tanong ko sa kanila. Mula kanina kase ng umaga ay hindi ko pa siya nakikita tapos ang sabi ng mga taong ito sa akin ay si Angelo raw ang kumuha sa kanila para ayusan ako. "Nasa office niya pa po, Madame." Sagot ni Ana sa akin, isa siyang bakla na kung manamit ay lalaking-lalaki. Tumango nalang ako sa kanya. Ang ginagawa nila ngayon sa akin ay manicure at pedicure, alas tres palang naman ng hapon. Pagkatapos nila ay ni dry nila ang kuko ko and I must say na ang galing-galing nila.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang nasa loob ng mga paper bags, mga make-up kits na puro Naked at Mac ang tatak. Ang alam ko ay mahal ang mga ganito. "Kay Ma'am Maurice po galing ang mga 'yan." Nahihiya akong ngumiti sa kanila. Sinunod ko namang buksan ang isa pa at nanlaki na naman ang mga mata ko, may under garments na Victoria's Secret may panabango at lotion din at iba pa. Ang mamahal nito! "Kay Sir Angelo naman po 'yan galing." Namula ako. Binilhan niya ako nang mga ganyan? Pati undergarments? Nakakahiya! At alam na alam niya talaga ang size ko.
"Ang sweet po ng asawa niyo." Nakangiting wika ni Lily. Agad akong napalingon sa kanya. Nakangiti silang apat. Asawa? Ako? "Hindi niya ako asawa." Tipid na sabi ko.
"Sus. Nahiya kapa, Madame. Ang sabi ni sir kanina eh, 'Take good care of my wife later and let her use all of these.', kaya asawa ka po niya." Napailing nalang ako sa kanila. Ano namang kalokohan 'yun? Baka ginogood time lang nila ako. Hindi na ako nagsalita pa baka ano na naman ang sasabihin nila sa akin. Naupo ako sa isang silya, sa harapan ng salamin ng anak ko.
"Teka, ano nga palang damit ang isusuot ko?" Wala kase akong makitang damit na isusuot ko mamaya eh. Hindi naman ako pupwedeng magbistida lang o jeans kase nakalagay naman doon na black and white ang motifs tapos long gown. Bigla akong nataranta. "Easy, Madame. Meron na po, paparating na." I sighed in relief. Akala ko wala akong susuotin. Susunduin kaya ako ni Angelo mamaya? O baka si Ate Maurice ang susundo sa akin? Alas kwatro y medya na at dapat daw sabi ng mag-aayos sa akin ay tapos na nila akong ayusan before 7 P.M.
"Tapos na po." Sabi ni Ana sa akin. Tapos na nila akong make-upan at ayusan ng buhok, hindi makapal ang pagkakamake-up sa akin. Inabot nila sa akin ang isang malaking box kung saan nakalagay ang damit na susuutin ko. Nang ideniliver 'yan kanina ay hindi pinabuksan sa akin. Sinabi raw ni Ate Maurice kase na huwag sa akin ipakita muna. Binuksan ko ang malaking box at kinuha ang damit. Halos lumawa ang mata ko nang makita ko ang damit. Napakaganda nito ngunit napakasexy naman sa likod. "Wala na bang ibang damit na binigay si Ate Maurice?" Ayaw kong magsuot nito. Hindi ko yata kaya. Ang huli kong suot na seksing damit ay hindi maganda ang nangyari sa akin.