CHAPTER 19

3 0 0
                                    

ChapterNineteen ]
-------------------------------

                                 ~oOo~
Hindi ko alam na nasa Garden na pala kami ulit ni Luke, sa parting ito ng Garden ay walang tao, nangangatog parin ang mga tuhod ko. Shit! Hindi talaga ako mapakali ngayon, parang may ibang agenda kase si Angelo kung bakit siya narito eh, tapos kasama niya pa si M.A.
"Mikay, babes. Ano bang nangyayari sa iyo? May ginawa bang masama ang lalaking 'yun sa iyo? Kahit na isa pa 'yun sa mga sponsors natin babangasan ko talaga iyon para sa iyo." Seryosong seryoso ang mukha niya habang nagsasalita, umiling ako sa kanya. Umupo ako sa isang bench sa bandang likod ng Garden. Itinukod ko ang dalawang siko ko sa tuhod ko at napahilamos ng mukha ko. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko.
Hindi pupwede ito! Dapat hindi ako nagpapadala sa takot ko sa kanya, matagal akong nawala at dapat ay isa na akong matatag na babae sa harapan niya. Hindi na dapat ako ang babaeng kaya niyang apihin. Hindi na ako magiging katulad noon, iba na ako ngayon. Nabuhay ako na walang siya, nabuhay ako na puno ng pagmamahal dito. Nakaramdama ako nang yakap, inangat ko ang mukha ko at nakita kong si Luke ang nakayakap sa akin.
Puno ng pag-aalala ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng pilit. "Thank you." Mahinang sabi ko at yumakap din pabalik sa kanya. Tumagal lang ng ilang segundo ang yakapan namin ni Luke, ayaw ko naman na may masabing iba ang mga tao rito, mahirap na. Marami pa namang mga bata rito at higit sa lahat ay anibersaryo ng SH. Baka may makakita sa aming mga bisita at iba ang isipin nila.
Umayos ako nang upo at muntik na akong mahulog sa bench na kinauupuan ko nang makita ko si Angelo na masamang nakatitig sa amin. He seems mad, hindi, parang sobrang galit na galit siya habang nakatingin sa amin ni Luke. Nagtatagis ang bagang niya at nakakuyum ang mga kamao niya, I can see his veins on his hands, lumalabas ito. Shit! Galit na galit nga siya. Tumayo ako, ayaw ko rito. Ayaw ko sa mga titig niyang ganyan, para akong mahihimatay sa sobrang takot ko sa kanya. Nanlilisik ang mga mata niya sa sobrang galit.
"B-balik na ako. D-d'yan ka lang. Huwag ka munang sumunod sa akin." Nauutal kong sabi kay Luke. Nagtataka ang mga tingin niya sa akin, hindi na muna ako magpapaliwanag, hindi pa sa ngayon. Wala rin namang alam si Luke sa nakaraan ko kaya mas mabuti na ang ganito. Hindi ko na siya pinagsalita ng mabilis na akong tumalikod, babalik ako sa Party kung saan maraming tao.
"Mikay! Saan ka nanggaling?" Nagtatakang tanong sa akin ni Tammie, hinila ko siya sa gilid sa walang tao. Nanginginig ang mga labi ko, pati narin ang mga tuhod ko. "N-nandito siya, T-tam. Kasama niya ang a-anak ko." Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Pinahid ko ang luhang dumaloy mula sa mata ko. Agad niyang hinawakan ang mga kamay ko. "Hindi kaba niya sinaktan? Okay kalang ba?" Nag-aalala niyang pagtatanong. Umiling ako sa kanya. "Kasama ko si Luke kanina, mabuti nalang at dumating si Luke. Nag-cr kase ako at nandoon din siya, n-nabangga ko siya."
"Mabuti nalang at nar'yan si Luke sa tabi mo." Tumango ako kay Tammie. "Pero, nakita ko, galit na galit siya kung tumingin sa amin, lalong-lalo na kay Luke. Parang gusto niya itong patayin. Natatakot ako, Tammie." Niyakap ako ni Tammie ng mahigpit. "Nandito lang kami, hindi ka na niya masasaktan ulit." Sabi niya habang hinahagod ang likod ko gamit ang palad niya. Nang kumalma na ako ay bumalik na ako sa kasiyahan. Nakita kong naglalaro ang mga bata kaya lumapit ako sa kanila. Si Tammie naman ay bumalik narin sa kasiyahan.
"Ate Mikay!"
"Mama Mikay!"
Sabay sabay nilang tawag sa akin, ngumiti ako sa kanila. "Okay lang ba kayo?" Pagtatanong ko habang nalaluhod. Agad silang tumango sa akin. "Mabuti naman kung ganoon. Huwag masyadong magpapapawis huh?" Tumango sila ulit sa akin. "Okay po!" Magiliw na sagot nila sa akin. Naglakad ako ulit para tumungo sa iba pang bata, nagkalat sila ngayon. Gusto kong masiguro na okay silang lahat. "Huwag mo 'yang kunin sabi eh!" Kumunot ang noo ko nang marinig ko na parang galit ang boses ni Dina, isa siya sa mga batang nasa orphanage. Wala narin itong mga magulang. "Ayaw ko! Humingi naman ako eh." Mas kumunot pa ang noo ko. Hindi ko kilala ang boses ng sumunod na nagsalita. Mukhang nagtatalo silang dalawa.
Maya maya pa ay nakarinig ako nang iyak, si Dina ang umiyak. Agad kong hinanap kung nasaan sila ng batang kausap niya, hinawi ko ang hindi kataasang halaman at doon ko nakita si Dina na nakasalampak sa lupa habang may nakatayo na bata sa gilid niya. "Dina!" Tawag ko sa kanya. Inangat niya ang mukha niya at nakita kong luhaan ito. Lumapit ako sa kanya at pinatayo siya. Lumuhod ako para magpantay ang mukha namin. "Inaway niya po ako Nanay." Turo niya sa bata. Hinarap ko ang bata at ganoon nalang ang pagkagulat ko. Si M.A. ang tinuturo ni Dina. Nagbabadya ang luha ni M.A., para akong kinapos ng hininga.
Kung ayaw kong makitang umiiyak ang mga bata rito ay mas ayaw ko na umiiyak ang anak ko.
"Tinulak niya po ako, Nanay." Pagsusumbong ni Dina sa akin. Nakita kong nasasaktan ang anak ko kapag tinatawag akong nanay ni Dina. "Hindi p-po, I just want t-to have t-this f-flowers." Sagot naman ni M.A. Tumulo na ang luha ni M.A., napasinghap ako. Kumirot ang puso ko. Ramdam ko na nasasaktan ako sa pag-iyak ng anak ko. Biglang tumakbo ang anak ko, "s-sandali!" Sigaw ko pero hindi siya huminto o lumingon man lang. Tinawag ko ang isang volunteer na dumaan at nagmadaling sinundan ang anak ko.
Ilang takbo pa ang ginawa ko nang makita ko siyang karga karga na ni Angelo, nakasubsub ang mukha ni M.A sa leeg nito. Nanginginig ang balikat ni M.A., parang may sinasabi naman si Angelo kay M.A. ayaw ko mang makita ang ama niya pero bahala na, gusto ko lang kausapin ang anak ko. Naglakad ako patungo sa kinaroroonan nila. Nakatitig si Angelo sa akin. "M.A., si A-ate Mikay to, pupwede ba k-kitang makausap?" Gusto kong murahin ang sarili ko. Ate? Nanay niya ako, NANAY! Pero hindi ko iyon masabi sa kanya.
Rinig ko ang bawat paghikbi ng anak ko, at ang sakit sa pakiramdam. Nandoon ako nang umiyak siya at ni hindi ko man lang siya naipagtanggol. She wants to have the followers that I made.
"Baby, may gustong kumausap sa iyo." Ani Angelo, rinig ko ang lambing sa boses niya. Tumitig ulit siya sa akin, gumalaw ang pas niya at unti-unting humakbang papunta sa harapan ko. "Get her." Tipid na sabi niya sa akin, hindi na ako nagdalawang isip pa na kunin ang anak ko. Umiyak siya sa balikat ko. Sa pangalawang pagkakataon ay nayakap ko at nakarga ko ang anak ko. "S-sorry, I-I'm sorry. Tahan na, please." Nabasag ang boses ko. Gusto ko rin kasing maiyak sa hindi ko malamang dahilan. "G-galit ka po b-ba sa akin?" Bulong niya. Umiling ako. Why would I?
"Hindi. Bakit naman ako magagalit?" Pinunasan niya ang pisnge niya at tinitigan ako. Ngumuso siya, "kase kinuha ko ang mga bulaklak na papel na ginawa mo?" Inosenti niyang sagot sa akin. Napatawa ako nang mahina. "You have dimples too! We are the same!" Nakangiti niyang turan, mukhang nakalimutan na niya na umiiyak siya kanina. Ginagap niya ang mukha ko at tinusok-tusok ang magkabilang pisnge ko. That made my heart beats so fast, titig na titig ako sa anak ko. Kamukhang kamukha ko nga siya, hindi talaga mapagkakaila na ako ang nanay niya.
Kinuha ko ang bulaklak na papel na gawa ko at isinabit sa tainga niya, I smiled. Ngumiti rin siya sa akin. Kumikislap ang mga mata niya sa tuwa, at nagugustuhan ko iyon. Kahit na matagal ko siyang iniwan, at least sa pagkikita namin ngayon ay napapasaya ko siya bilang Ate Mikay niya.
"You're beautiful." Komento ko. Umupo ako sa bakanteng upuan not minding Angelo's presence. Pinaupo ko si M.A. sa lamesa, si Angelo ay nakaupo sa kaliwa ko, bahala siya kung ano man ang isipin niya, gusto ko lang na masaya ang anak ko ngayong kasama niya ako. Para kapag magalit man siya sa akin dahil sa pag-iwan ko sa kanya noon, may alaala naman siyang masaya na kasama ako bilang ibang tao. Bilang Ate Mikay niya. "Really?" Masaya niyang sabi sa akin. Tumango tango ako sa kanya.
"Daddy said that my Mom is gorgeous, Daddy said also that I look like my Mom so much." Nakangiti niya paring sabi. Bakit hindi ko man lang nakikita sa mga mata niya ang lungkot? Siguro sanay na siya na walang Nanay sa tabi niya, pero sabi noon sa akin ni Angelo na si Sophia ang tatayong nanay ni M.A.. Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako kay Angelo. Sinabi niya 'yun sa anak niya? I'm gorgeous daw? Nakita kong may kakaibang kislap ang mga mata ni Angelo ng magtama ang mga mata namin. Umiling ako. Of course! Ibang babae ang tinutukoy ni Angelo at hindi ako iyon.
"You're Mommy was one of the most gorgeous woman I've ever seen, Baby. I have proof, haven't I?" Sabi ni Angelo habang titig na titig sa akin. Napalunok ako. Narinig kong humagikhik ang anak ko. Bakit ganoon siya kung tumitig sa akin? Nakakapanindig balahibo! Tumikhim nalang ako at humarap sa anak ko, alam kong nakatitig parin si Angelo sa akin. Kitang-kita ko iyon sa gilid ng mga mata ko. "Can I visit you here?" Tumango ako sa anak ko. "Oo naman, pwede naman pumunta kahit sino rito eh." Sagot ko sa kanya. Mas masisiyahan ako kapag palagi ko siyang nakakasama. "So, pwede rin ang Daddy kong sumama?" Nakita kong napangisi si Angelo at sumimsim sa baso niyang may laman ng juice. Nag-iwas ako nang tingin. "O-oo naman." Pumalakpak siya at humalik siya sa pisnge ko. "Uhhm. 'Yung lalaki kanina? Si kuya Luke, i-is he your boyfriend?" Nagulat ako sa tanong niya. Agad akong umiling.
"Nanliligaw palang siya sa akin, M.A." Sagot ko sa kanya. Sumeryoso bigla ang mukha niya. Parang ang mukha ni Angelo. Parehong-pareho sila. "Are you planing to be his girlfriend?" I was taken aback. Bakit bigla nalang siyang ganoon magsalita? "Tsk." Rinig ko mula kay Angelo. "Hindi ko alam eh. Siguro mas mabuting kilalanin ko muna siyang mabuti." Seryoso ko ring sagot kay M.A.. "Damn it!" Rinig kong inis na mura ni Angelo. Mahina lang iyon pero rinig na rinig ko, hindi ko siya pinansin. Nakatuon lang ang atensyon ko sa anak ko. "So, may pag-asa pala talaga ako sayo, babes?" Pareho kaming tatlo ang napalingon kay Luke. Malapad ang ngiti niya. Hindi ko siya sinagot, bagkus ay ngumiti lang ako sa kanya.
"Pagod ka na ba? You can rest inside. Kami nang bahala rito." Malambing na sabi ni Luke sa akin, nakatayo lang siya sa gilid ko. Maalalahanin talaga si Luke, ayaw niyang napapagod ako. "She's okay here, hindi naman siya pinapagod ng anak ko. Let them talk." Malamig na sabi ni Angelo. Bakit naman siya ang sumagot? Hindi naman siya ang kinakausap ah!
Parang may kung anong elektrika na dumadaloy sa hangin sa titigan nila ni Angelo at Luke, kaya bago pa may mangyari ay hinawakan na ang palapulsuhan ni Luke. "Okay lang ako rito, Luke. I'll go inside later, okay?" Napabuntong hininga ito at yumukod sa akin. Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko at bumulong. "I don't like that guy, Mikay. I'll go inside." Hinaplos niya ang magkabilang balikat ko. Naninibago rin ako sa mga kinikilos ni Luke parang bigla-bigla nalang siyang sumeryoso, nagiging touchy narin ito. Not that binabastos niya ako, pero parang binabakuran yata ako? I just don't know.
Hindi ko rin maintindihan si Angelo, kapag nar'yan si Luke sa tabi ko, lalong-lalo na kapag hinahawakan ako ni Luke ay parang bigla nalang siyang nagagalit sa hindi ko malaman na dahilan.
"Mika!" Nakita ko si Zeus na naglalakad papunta sa kinaroroonan ko, nang makita niya si Angelo ay halos takbuhin niya ang kinaroroonan ko. "What the fuck are you doing here?" Pigil na salita ni Zeus, napatayo si Angelo at nakipagtitigan kay Zeus. Nakahawak si Lianna sa braso ni Zeus, pinipigilan niya ito. Nakaigting ang bagang ni Zeus, napalinga-linga ako. Mabuti nalang at busy ang lahat sa kanya-kanya nilang ginagawa kaya hindi nila napapansin ang gulo rito sa amin.
"Getting what's mine." He said in a cool way. Hindi niya alintana ang masamang titig sa kanya ni Zeus. Ano 'to? Bakit sila nagkakaganito? Sobrang kumabog ang puso ko. Hindi ko man maintindihan lahat pero iba ang kabog ng puso ko. "You fuckass, walang sayo rito, gago!" Gigil na gigil na salita ni Zeus, akmang susuntukin na niya si Angelo nang marahas na hinigit ni Lianna ang kamay ni Zeus. A-ano ba talaga ang nangyayari? "D-daddy?" May takot sa boses ng anak ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. "K-kung ano man ang p-pinag-aawayan niyo, please, huwag dito. M-maraming tao at mga b-bata." Napatayo ako nang hinigit ni Zeus ang braso ko. May sinenyasan naman na babae si Angelo para kuhanin si M.A., ng wala na si M.A. ay nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Bakas rin sa mukha ni Lianna na naguguluhan ito sa nangyayari.
"T-teka lang!" Nagulat ako nang hilahin din ako ni Angelo papalapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang hapitin niya ako sa bewang. Pumulupot ang braso niya sa akin. Shit! A-ano to? Parang may kung anong kuryente na naman akong naramdaman. "No one else can have her, asshole. Not even you! Not anyone!" Angelo gritted his teeth. A-ano raw? May ibang nakakakita na sa amin. Hala! Nagkakagulo sila ni Angelo at Zeus.
"Mikay!" Mabilis na lumapit sa akin si Luke. Masamang tinitigan ni Angelo si Luke. Feeling ko para akong nasa isang pelikula! Shit! Hindi lahat ma proseso ng utak ko ang mga nangyayari. Kanina si Angelo at Luke, tapos si Zeus at Angelo, tapos ngayon si Zeus, Angelo at Luke? "B-bitawan mo ako." Mariin kong sabi kay Angelo pero hindi niya ginawa. Hinila ako ni Luke kaya nakabitaw sa akin si Angelo. "Kung may mga problema kayo, huwag kayo rito manggulo at huwag niyong guluhin si Mikay." Hinila ako ni Luke papasok ng Orphanage. Bigla akong natulala.
Ano ang nagyayari?

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now