CHAPTER 28

3 0 0
                                    

ChapterTwentyEight ]
-------------------------------

                                   ~oOo~
Ang mga sumunod na araw ay hindi naging madali sa akin, aaminin ko kinakabahan ako kase darating na ang kinikilalang Mommy ng anak ko. Hindi ko yata alam ang gagawin ko, saan ba ako lulugar kapag nar'yan na siya? Do I need to distance myself from my child?
Kapag ba narito na ang Mommy niya ay kakailanganin niya pa kaya ako? I guess not, baka nga kapag narito na ang Mommy niya ay pauwiin na ako ni Angelo sa Davao eh.
Hindi ko man lang nasulit muna ang pagiging Mommy ko sa anak ko.
Sa pagkain namin ngayon ng agahan sa dinning table ay masayang nagkwekwentuhan ang mag-ama, ganoon din sina Mang Mario at Manang Minda, ako in the other side ay tahimik lang. Simula ng nalaman ko na uuwi na ang kinikilalang Mommy ng anak ko ay naging tahimik na ako. Hindi na nga yata ako nagsasalita eh.
I barely talk, nagsasalita lang ako kapag kinakausap ako. Palagi lang akong nakatanaw sa anak ko na naglalaro, hinahayaan niya lang naman akong pagmasdan niya. Si Angelo naman, palagi ko siyang nahuhuling nakatitig sa akin. Hindi ko mabatid kung ano ang ipinapahiwatig ng mga titig niya sa akin, is he planning now to fire me? Ngunit, hindi naman iyon ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya. May kakaiba na hindi ko malaman. Hindi ko maipaliwanag.
"Excuse me po, Boss may bisita po kayo." Nakangiting wika ng lalaking naka itim lahat ang suot, bodyguard ni Angelo. Sino naman kaya ang bisita nila? Bigla akong kinabahan, hindi kaya? "Baby!" Sigaw ng magandang babae.
"Mommy!" Balik na sigaw ng anak ko nang makita niya ang babae. Mabilis siyang lumundag sa upuan niya para makapunta sa babae at mahigpit na niyakap ito. Napaawang ang mga labi ko. Hindi ko siya kilala and I think siya na ang matagal ng hinihintay ng anak ko na umuwi. Nanikip ang dibdib ko. Namanhid ang katawan ko. Halos hindi na ako kumukurap, bakas sa mga mata nila ang kagalakan na nagkita sila ulit. Kitang-kita ko rin ang pagmamahal sa mga mata nila.
She deserves to be called her Mommy. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa anak ko. Nakita ko nalang na nakayakap narin si Angelo sa babae at nakangiti ito sa bagong dating na babae. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, now,  I just want to cry. Ito na ang isa sa mga bagay na ayaw kong mangyari, ang makita kung gaano kasaya ang anak ko na makita sa piling ng ibang babae na tinatawag niyang Mommy niya. Sa ngayon, wala ng mas sasakit pa sa tagpong ito.
"Angelo, babe. I missed you so much." Sabi ng babae at dumampi ang mga labi niya kay Angelo. Nag-iwas ako nang tingin, ang sakit lang sa mata at sa puso ko. Akala ko kase baka nagbibiro lang ang tadhana, pero malaking sampal sa akin ngayon ang nakikita ko. Unti-unti kong itinaas ang kutsara ko na may laman ng kanin at kahit na napakahirap lunukin ng pagkain ay ginawa ko. Habang sila ay masaya na nagkita na silang muli, ako naman ay unti-unting namamatay sa sakit. Nagdudurugo ang puso. Umiiyak ito at sinasabing nasasaktan ako.
Ang gusto ko nalang gawin ngayon ay ang tapusin ang kontrata at bumalik na sa Davao, doon sa Orphanage kung saan ako nararapat. Ayaw ko na rito, kahit pa na nakakasama ko ang anak ko. Ayaw ko nang makaramdam ng ganitong sakit, tapos na kase ako sa ganitong pakiramdam. Kaya nga umalis ako noon sa lugar na ito, hindi ba?
Shit. I can't stand looking at them. Ang saya-saya nila, sobra. My eyes got misty. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko para kapag natapos na ako ay aalis nalang ako para umiwas.
"I missed you so much, Mommy!" Garalgal ang boses ng anak ko. Mapait akong ngumiti. Of course she did missed her Mommy, the other one, not me. "Stop crying, baby. Mommy missed you so much. Kayo ng Daddy mo." Inangat ko ang mukha ko at nagtama ang mga mata namin ni Angelo. Hindi ko mabatid kung ano ang nakikita ko sa mga mata niya. Ngumiti nalang ako nang tipid at yumuko ulit.
Naramdaman ko ang paghawak ni Manang Minda sa kamay ko. "Mika? Okay ka lang?" Tanong niya sa akin sa mahinang boses. Tumango na lamang ako bilang sagot ko. I can't hardly breathe. Sa ganitong sitwasyon ay napakahirap huminga. Ang sakit kase sa puso. Masakit sa mata. At higit sa lahat masakit tanggapin ang lahat lahat.
"Sino ka naman?" Nagulat ako na nasa harapan ko na pala ang babaeng bagong dating. Karga-karga na niya si M.A., habang si Angelo naman ay nakatayo sa gilid niya. "S-si Mika po, substitute Nanny ng a-anak niyo p-po." Tumaas ang kilay niya. "Oh, shoot. Akala ko ikaw na ang bagong babae sa buhay ni Angelo, y'know, some bitches are ready to steal a man when the legal woman is away." Nahulog yata ang panga ko sa sinabi niya. Hindi naman ako ganoon, hindi ako kagaya ng iba. Natahimik nalang ako.
"Mang Mario..Yaya Minda. Long time no see po. May pasalubong po ako sa inyo. Kamusta na po?" Sabi niya. Sumagot naman sila Manang at Mang Mario sa kanya. Malapit na akong matapos kumain kaya minadali ko talaga, magdadahilan nalang ako na may gagawin pa ako. "Dito ka sa tabi ko Mommy." Pag-aaya ni M.A. sa kanya. "Of course, baby. Mommy's gonna sit beside you." Malambing na wika niya sa bata. Narinig kong tumikhim si Angelo. "Let's eat." Sabi niya. Masayang kumakain si M.A. sa tabi ng Mommy niya, panay ang kwento ng bata sa Mommy niya at panay rin ang tawa nilang dalawa.
"Nga pala, Mika. My name is Nathalie, ang Mommy ni M.A." Pagpapakilala niya. Ngumiti ako sa kanya. "Nice to meet you po, Ma'am." Magalang na wika ko. Tapos na akong kumain, gusto ko na sanang tumayo para makaalis na kaya lang mukhang gusto pa akong kausapin ni Nathalie. "Matagal kana rito? Angelo never mentioned you to me." Umiling ako sa kanya. "Isang buwan palang po, hanggang 3 months lang naman po ako rito. 'Yun lang po ang kontrata ko." Tumango-tango siya sa akin. Nang mukhang wala na siyang sasabihin ay nagpaalam na ako na may gagawin pa ako.
Tumungo kaagad ako sa kwarto na tinutuluyan ko. Umupo ako sa gilid ng kama ko at napahilamos ng mukha.
Ang masayang mukha ng anak ko ang agad na nakita ko sa pagpikit ng aking mga mata. Kapag ba nalaman niyang ako ang tunay niyang ina ay ganyan din kaya ang itsura niya? Kapag ba nakilala na niya ako bilang isang ina niya ay matatanggap niya ba ako? Hindi ba siya magagalit sa akin?
Gusto ko sana sa aking paglisang muli sa bahay na ito ay masabi ko man lang sa kanya na ako ang tunay niyang ina, kaya lang, kaya ko bang saktan ang anak ko? Mas mabuti narin sigurong huwag niya nalang akong makilala. Mas mabuti narin sigurong mamuhay siya sa kasinungaling ito, at least masaya siya.
Kinahapunan ay naghanda na ako para ihatid sa school  ang anak ko, pagkatapos kong mag-ayos ay nagtungo kaagad ako sa kwarto ng anak ko. Hindi paman ako nakakapasok sa loob ng kwarto niya ay rinig ko na mula sa labas ang masayang kwentuhan ni M.A. at Nathalie. Mukhang nagkakatuwaan silang dalawa.
Bumuga ako nang malalim na hangin bago kumatok ng mahina. Tatlong beses lang at pumasok na ako.
"Ma'am, ako na po." Sabi ko. Umiling sa akin si Ma'am Nathalie. "Pero, trabaho ko po iyan." Inaayusan niya nang buhok ang anak ko. Si M.A. naman ay mukhang tuwang-tuwa, nakangiti lang itong nakaharap sa salamin. Ni hindi nga niya ako tinapunan ng tingin. "Ako ang Mommy ng anak ko, nanny ka lang niya. Kaya ako dapat ang gumawa nito sa anak ko." Matigas na sabi niya. Nanigas ako at nanlamig. Tama nga siya. Nanny nga lamang ako nang sarili kong anak. Malalim ang pagkakatitig niya sa akin. Napayuko ako. "P-pasensya na po. A-alis na po ako." Sabi ko na lamang.
"Go away. 'Wag ka nang bumalik." Matalim niya akong tinitigan. Nagulat ako. Parang may ibang ibig sabihin ang tinuran niya. Tumango lang ako sa kanya at tumalikod na at naglakad papalabas ng kwarto ng anak ko.
Heto na naman ako, kinakapos na naman ako sa paghinga. Isinandal ko ang likod ko sa pader.
Malayang tumulo ang butil ng luha ko. Hinayaan ko lang ito, wala naman sigurong makakakita sa akin. Paiyak lang, kahit sandali. Mahina akong humikbi. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong huwag maiyak. Marahas kong pinahid ang luha sa pisnge ko at tumayo ng tuwid. Siguro mga isang linggo pa, 'yun nalang at aalis na ako. Bahala na kung hindi ko matapos ang tatlong buwang kontrata ko. Hihingi nalang ako nang tulong kay Zeus, sa kaibigan ko.
Humakbang na ako at deri-deritsong naglakad pababa, nakasalubong ko si Angelo. Tinitigan niya ako pero mabilis akong nag-iwas ng tingin at dumeritso sa kusina.
"O, Hija. Hindi pa kayo aalis ni M.A.?" Pagtatanong ni Mang Mario. Tumungo ako sa fridge at kinuha ang pitsel ng tubig at nilagyan ang isang baso. Ininom ko muna ito. "Hindi na po, ang Mommy niya ang maghahatid sa kanya." Sagot ko. Pinaalis niya ako kanina, at sa pagkakaintindi ko sa sinabi niya ay siya na ang bahala sa anak ko. "Ganoon ba?" Tumango na lang ako kay Mang Mario. Maya-maya pa ay pumasok si Angelo. "Let's go, ihahatid namin sa school ang anak ko." Ang tingin niya ay kay naka Mang Mario. Dalawa pala silang maghahatid sa anak ko at sa wakas ay makikilala na ng mga tao sa school ni M.A. ang Mommy niya, ang totoong Mommy na kinikilala ng anak ko.
Sinulyapan na naman ako ni Angelo bago tumalikod.
Kinaumagahan ay maaga pa akong nagising para magluto sana ng breakfast namin ngunit nagulat ako nang may tao na sa kusina. Nakasuot ng pink na apron si Nathalie at nakatalikod ito sa akin. Amoy na amoy ko ang niluluto niyang itlog, may nakita narin akong bacons sa mesa. "Magandang umaga po, ma'am Nathalie." Bati ko sa kanya. Nilingon niya ako at ngumiti sa akin. "Morning, ang aga mo yata?" Pagtatanong niya. Ngumiti ako pabalik sa kanya.
"Magluluto po sana ako nang agahan natin, kaya lang naunahan niyo po ako. Sana po ako nalang ang pinaluto niyo po. Ikaw po ang amo ko, nakakahiya naman po." Nahihiya kong wika. Inilagay niya ang sunny side up eggs sa plato at inilagay sa mesa. "Okay lang, besides, I missed doing this. 'Yung pinagluluto ko ang mag-ama ko." Natigilan ako.
"Ganoon po ba? Tulungan nalang po kita." Sabi ko sa kanya. Hilaw akong ngumiti. Tumango ito sa akin at isa-isang dinala sa dinning table ang mga niluto niya. Pagkabalik ko sa kusina ay kumuha ako nang tasa ni Angelo at tasa ng anak ko para timpalahan sila ng kape at gatas. Inuna ko na ang gatas ng anak ko, mamaya ay bababa na sila. "Magandang umaga, Yaya." Bati ni Nathalie kay Manang Minda. Bumati rin ito sa kanya, sumunod akong bumati kay Manang. "Magandang umaga rin, hija." Bati ni Manag sa akin. "Gusto niyo rin po nang kape, Manang?" Umiling si Manang sa akin.
"Kakain nalang ako nang kanin mamaya, nak." Sagot niya. Ngumiti ako sa kanya. Lumabas na si Manang kase narinig na niya ang boses ng anak ko. "Morning, Mommy. Bakit ang aga niyo pong nagising? Wala ka na po sa tabi namin ni Daddy pagkagising ko." Ani ng anak ko. Tabi pala silang tatlong natulog kagabi. Of course they will, miss na miss nila ang isa't-isa. "I cooked our breakfast." Maligayang sambit ni Nathalie. Lumakad na ako papunta sa dinning table dala ang isang tasa ng gatas ng anak ko, nakita kong nakakandong ang anak ko kay Nathalie at malapad na nakangiti.
Napabuntong hininga ako, lumapit ako sa anak ko at inilagay ang tasa ng gatas sa gilid niya. Bumalik kaagad ako sa kusina para magtimpla ng kape, narinig ko na binati ng anak ko ang ama niya kaya binilisan ko nang tapusin ang pagtimpla ng kape ni Angelo. Lumabas kaagad ako at lumapit sa pwesto niya. "He's not drinking coffee." Sabi ni Nathalie. Iyon din noon ang sinabi sa akin ni Manang Minda, na hindi umiinom ng kape si Angelo, pero palagi niya akong pinapatimpla ng kape niya simula ng narito ako. "I am now. Give me my coffee." Wika niya. Dali-dali kong inilagay ang kape niya sa mesa, ramdam ko ang pagtitig niya sa akin kahit na hindi ko man siya tingnan. Nakita kong tumaas ang kilay ni Nathalie, nag-iwas na lamang ako nang tingin at umatras.
"Mamaya na kami kakain, sabay na kami nila Mika at Mario mamaya." Ani Manang Minda. Nakita ko ang pagtutol sa ekspresyon ng mukha ni Angelo ngunit wala siyang magagawa kase kapag nagsalita na si Manang ay 'yun na 'yun. Ito ang na obserbahan ko sa pananatili ko rito. Kahit na si Angelo ang amo ay mas nakakatanda parin si Manang kay Angelo. Inaya na ako ni Manang Minda na pumunta ng kusina at sumunod naman ako sa kanya.
Ito na ang pang-apat na araw ni Nathalie sa bahay ni Angelo, wala na ako masyadong ginagawa kase kapag tungkol sa anak ko ay siya na lahat ang gumagawa. Pagluto ng agahan, hatid sa school at kung anu-ano pa. Hindi ko narin nalalaro ang anak ko at nakwekwentuhan tuwing gabe. Namimiss ko na siya. Parang hindi na nga niya ako napapansin eh.
"Wow! Mommy ang ganda ganda!" Masayang sabi ng anak ko at pinaghahalikan sa buong mukha si Nathalie. May mga paper bags na dala-dala kanina si Nathalie, nagshopping daw siya at lahat ng nasa loob ng paper bags ay para lahat sa anak ko.
Ngumiti sa kanya ang anak ko at itinatry ang mga damit, sapatos at mga laruan  na binili ni Nathalie para sa kanya.
Ni minsan, hindi ko pa nabilhan ang anak ko ng kahit ano. Kahit Barbie doll man lang. Nagseselos ako. Oo. Lahat ng atensyon ng anak ko ay nakuha niya lahat at hindi ko maitatanggi na mahal na mahal siya nang anak ko. Hindi ko naman na kailangang magtanong o maghanap ng sagot kung bakit ganyan ang anak ko sa kanya. Lumaki ang anak ko na siya ang kinikilala niyang ina kaya bagay lang na mahalin siya ng sobra ng anak ko. Kagaya ng palagi kong ginagawa ay tumalikod na ako at tumungo nalang muna sa garden.
At least dito ako lang mag-isa, wala akong nakikitang masakit sa mga mata,wala akong maririnig na mga salitang tila  tinutusok ang aking puso at higit sa lahat ay dito may kapayapaan. Walang masakit sa damdamin. Tahimik na lugar.
Nasaan na kaya si Zeus? Matagal na siyang hindi pumupunta rito ah, kailangan ko pa naman ngayon ng kaibigan na makakausap. Kamusta na kaya siya? Sana bukas narito siya. Gusto ko siyang mayakap. Kahit isang mahigpit na yakap lang mula sa kanya magiging okay na siguro ako kahit papaano. Si Luke hindi narin tumawag pa, ang sabi niya sa akin ay pupunta siya nang Manila. Narito kaya siya ngayon?
Naupo ako sa well trimmed na carabao grass, kaharap ko ngayon ang mga rosas at iba't-ibang bulaklak. Natatandaan ko pa sila. Ito pa ang mga tinanim ko noon noong narito pa ako, mas gumanda pa sila lalo. Noon kase hindi naman sila ganito kayabong eh, kaya ng minsang wala akong magawa ay inalagaan ko sila at pagbalik ko rito ay mas gumanda ang tubo nila.
"Malungkot ako ngayon at nasasaktan. Wala akong kaibigang makausap, pwede kayo nalang muna? Dito lang muna ako huh?" Nababaliw na yata ako, pati mga halaman ay kinakausap ko na. Pero, siguro mas maganda kung baliw kana, ano? Kase, 'yung mga baliw palaging nakangiti. Wala silang problemang iniisip, hindi sila nasasaktan emotionally. Bumuga ako nang malalim na hangin.
Tumagal ako nang mahigit isang oras sa Garden, nakatulala lang ako. Hindi ko alam ang gagawin at ang iisipin ko, kaya tumayo na ako. Pinagpag ko muna ang shorts ko. "Paano ba 'yan? Una na muna ako, kapag may problema ako baka bumalik ako ulit sa inyo." Sabi ko at tumalikod na pero nagulat ako nang makita ko si Angelo na nakatayo sa labas ng pintuan. Nakasandal ang likod niya sa semento at mataman akong tinititigan. Napalunok ako. Kanina pa kaya siya nakatayo r'yan? Binilisan ko nalang ang paglakad ko.
"Why are you here?" Napatigil ako sa pagsalita niya. Umiling lang ako at humakbang ulit. "Kinakausap kita." Matigas na wika niya. Tinitigan ko siya, his eyes are dark. "Wala namang halaga sa iyo kung bakit ako narito pero sasagutin kita, nandito ako para tumakas sa sakit. Masaya kana?" Sagot ko. Hindi siya nagsalita. Nakatiimbagang lang siyang nakatitig sa akin. Lumakad nalang ako ulit papasok sa bahay niya.
May ibang ibig sabihin ang huli kong sinabi.
Masaya na ba siya kase nasasaktan nalang ako palagi?
Alas diyes na ng gabi pero heto ako at gising na gising pa, bumaba ako para magtimpla ng gatas. Pagkatapos kong magtimpla ng gatas ay sumandal ako sa mesa. Nakatalikod ako sa pinto ng kusina kaya hindi ko nakita ang pagpasok ni Nathalie. Nakatayo siya sa gilid ko. "Ma'am, gabi na po ah. Hindi rin kayo makatulog?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot bagkos ay kumuha siya nang baso at binuksan ang fridge, nilagyan niya nang tubig ang baso at ininom ito. Inubos ko na ang tinimpla kong gatas, hindi naman kase iyon mainit masyado. "Mauna na po ako, ma'am." Pagpapaalam ko sa kanya. Inilagay ko ang baso sa lababo at tumalikod na. Bukas ko nalang huhugasan ang basong ginamit ko.
"Kilala kita." Ani niya. Nilingon ko siya.
"Po?" Alam ko naman na kilala na niya ako. Pang-apat na araw na niya ito kaya kilala niya talaga ako. Mabigat ang bawat pagtitig niya sa akin, kumunot ang noo ko. Hindi lang ito ang una na nakita kong ganyan siya kung makatitig sa akin, ilang beses na niya akong tinitigan ng ganyan. Hindi ko siya maintindihan. "Kilalang kilala kita." Sabi niya ulit. "Opo naman po, medyo matagal ka na--." Naputol ang dapat kung sabihin ng magsalita siya.
"Ikaw ang totoong nanay ni M.A." Matigas niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko. Ibig bang sabihin ay matagal na niyang alam? Kaya ba ganoon siya kung makatitig sa akin? "Ikaw ang walang kwenta niyang ina na iniwan siya." Ani niya. Awtomatikong napakuyum ang kamao ko.

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now