CHAPTER 13

3 0 0
                                    

ChapterThirteen ]
-------------------------------

                                   ~oOo~
Abala ang lahat simula pa kahapon hanggang ngayon, may malaking handaang gaganapin ngayon sa bahay ni Angelo. Doon sa may garden, malaki kase ang espayo nito at pati narin sa loob ng bahay. Isinabay kase sa first birthday ni M.A. ang kanyang binyag.
Parang kailan lang, isa palang akong bata na kandong kandong ng nanay at tatay ko. Ngayon may sarili na akong anak, parang kailan lang din ng nalaman ko na nabuntis ako ng lalaking isang gabe ko lang nakilala. Ngayon isang taon na siya at bibinyagan na.
Mabigat ang loob ko ngayon ngunit pinipilit kong maging matatag at masaya, kahit ngayon man lang. Kahit ngayon lang. Abala ako sa pag-aayos ng mga upuan, tables at kung anu-ano pang importanteng bagay na gagamitin ngayong araw. Wala pa kase ang mga bisita nila Angelo, nasa simbahan pa sila ngayon. Mamayang 2 p.m. pa sila babalik dito.
Hindi ko na nakausap pa si Angelo tungkol sa pananatili ko sa bahay niya, hindi niya rin naman ako kinausap kaya hinayaan ko nalang. Sinusulit ko nalang ang bawat araw na kasama ko ang anak ko sa bahay ng kanyang ama, pinipilit kong ngumiti sa anak ko kahit na gusto ko ng maiyak at yakapin siya ng mahigpit. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ngayon ang gagawin ko, pero hindi niya naman ako maiintindihan. She's just one year old, how can she understand things and situation like this?
Palihim kong pinahid ang luha na dumaloy sa pisnge ko. "Anak, tapos ka na ba d'yan?" Tanong ni Manang Minda na abala rin sa kanyang mga gawain, tumango lang ako sa kanya at naglakad na papuntang kusina. Gusto ko sana hangga't maaari ay ayaw kong makita ang anak ko, kase baka hindi ko kayanin. "Anak? Alam kong malungkot ka, dapat sana ikaw ang nasa simbahan ngayon." Hindi ko nalang pinansin si Manang at nag-umpisa na akong magpunas ng mga baso. Mamaya ko na isusunod ang mga plato at mga kutsara't tinidor. "Anak, Mika. Magsalita ka naman." Hinarap ako ni Manang pero mas pinili kong tumahimik nalang at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Hindi alam ni Manang ang kasunduan namin ni Angelo, ang sinabi ko lang kase noon kay Manang ay nagalit lang si Angelo sa akin kaya nakita niya akong umiiyak ng madatnan ko siya sa kwarto ni M.A. ng gabing inalok ako ni Angelo na umalis sa bahay niya.
Si Sophia ang kasama ni Angelo sa simbahan ngayon, siya ang tatayong ina ni M.A. sa binyag. Hindi man lang ako tinanong ni Angelo kung okay lang ba sa akin o hindi, siya lang ang nagpasya. Ano pa nga ba magagawa ko? Siya lang ang masusunod sa lahat kapag tungkol sa anak ko ang pinag-uusapan.
Umuwi raw ang parents ni Angelo kasama ang bunsong kapatid, niya, alam na nila na may anak na si Angelo kase narinig kong nagkausap sila ni Angelo sa telepono noong nakaraang linggo. Sinabi niya rin na hindi si Sophia ang nanay ng anak niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin nila sa akin, hindi ko naman kilala ang parents ni Angelo at parang wala naman akong balak na makilala sila. Hindi rin naman ako ang kikilalanin na nanay ni M.A., pagkatapos nito ay aalis rin naman ako.
Malungkot akong napangiti sa isip ko. Ito na ang araw na napagkasunduan, kapalit ng pananatili ko sa anak ko nang mga nakaraang buwan ay ang pag-alis ko ng hindi siya kasama sa araw ng kapanganakan niya.
Lumipas ang maraming oras, lahat abala parin, maging ako. Mas naghanap pa ako ng mga pupwedeng gawin para maging ukupado ng mga gawain ang isipan ko, lahat masaya sa pagdating nina Angelo, Sophia at M.A., karga karga ni Sophia ang anak ko. Nasa likuran naman nila ang pamilya ni Angelo at ang mga dumalo sa binyag ni M.A., narito narin ang mga ibang bisita. Lahat sila ang alam nila ay si Sophia ang nanay ni M.A., lahat sila binabati, lahat ng magagandang bagay naririnig ko mula sa mga bisita, lahat ng magagandang papuri kay Angelo at Sophia.
Tumalikod na ako bago pa ako humaguhul sa pag-iyak, bumalik ako sa kusina at naghugas ng mga pinagkainan ng mga bisita. Lahat sila nagkakasiyahan, habang ako, nagdurugo ang puso ko. Napakagat ko, ng ibabang labi ko. Hindi ko na napigilan, pumatak na ang mga luha ko. Hinayaan ko lang itong tumulo mula sa mga mata ko.
Lahat ng mga katulong kasama si Manang Minda ay nasa labas, doon sila nakatuka, pero ako, mas pinili ko na dito nalang ako sa loob ng kusina. Iwas sa mga tao, iwas na makita kung gaano kasaya sina Angelo at Sophia habang karga karga ang anak ko. Masaya nilang ipinakikilala sa lahat na si Sophia ang nanay ni M.A..
"Mikaela Angela." Sambit ng isang tinig mula sa likuran ko, mabilis kong pinahid ang luha ko at hinarap ko kung sino man ang tumawag sa pangalan ko. "Doktora, Torres." Tawag ko sa pangalan niya. Nakadress siya na kulay light blue, ang ganda ganda niya. Malayong malayo ang itsura niya kapag nakapang doktor siya na damit, lumapit siya sa akin. "Hindi kita nakita sa simbahan kanina hindi karin lumalabas." Malungkot na turan nito. Ngumiti lang ako sa kanya at nagpatuloy na sa paghugas ng mga pinagkainan. Narinig ko siyang nagbuntong hininga.
"Si Sophia ang tumayong ina ng anak mo. Bakit ganyan ng suot mo?" Natigilan ako. Kahit alam ko na hindi ko parin matanggap sa sarili ko na wala na talaga akong karapatan sa anak ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko, "a-alam ko. Katulong ako." Pilit na sagot ko sa kanya. "Hindi ka man lang ba lalabas para makita ang anak mo?" Umiling lang ako. Ayaw ko. Ayaw kong magkagulo, baka kapag nakita ako ni Angelo sa labas ay magalit siya sa akin. Tinago niyang ako ang nanay ni M.A., kaya bagay lang na hindi ako makita ng mga tao na lumapit sa anak ko. "At wala kang gagawin? Hahayaan mo nalang na angkinin ng iba ang anak mo? Hahayaan mo nalang na malaman ng mga tao na si Sophia ang nanay ng anak mo? Nang anak niyo ni Angelo? Hindi mo siya ipaglalaban?" May hinanakit sa boses niya. Hindi ko alam kung bakit, basta 'yun ang naririnig ko mula kay doktora Torres.
"I-I t-tried." Pumiyok ako. Pinahid ko ang luhang muling lumandas sa pisnge ko, hinarap ko si Doktora Torres. Rumehistro sa mukha niya ang awa. Naawa siya sa akin. "H-hindi mo alam kung p-paano ko siya i-ipinaglaban. Lahat g-ginawa ko na, nagmakaawa, n-nagpagamit ng katawan, lumuhod sa harapan niya, tanggapin lahat ng pananakit niya, tanggapin ang pang-iinsulto niya...l-lahat. N-nagawa ko na l-lahat." Kumapit ako sa malapit na lamesa sa gawi ko para kumuha ng suporta. "H-hindi ko alam kung bakit a-ayaw niya akong manatili sa tabi ng a-anak ko." Pinikit ko ang mga mata ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Doktora Torres sa balikat ko, ilang segundo pa ay niyakap na niya ako.
"Hindi ko man alam ang lahat ng mga nangyayari sa buhay mo, pero alam ko na hindi mo siya kayang sukuan. Hindi mo kayang iwanan ang anak mo." Pero buo na ang desisyon ko. Alam kong makakabuti ito sa lahat, maliban sa akin. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Dorktora Torres. "Balik kana sa party, baka hinahanap kana doon." Matagal niya akong tinitigan bago umalis. Pagkaalis niya ay kinalma ko ang sarili ko at nagpatuloy sa naiwan kong gawain.
Hindi pa ako tapos ng may dumating na babae, sa tingin ko ay nasa early 40's na ito. "Are you Mikaela Angela?" Tanong niya sa akin. Sopistikada ito at maiintimidate ka sa bawat pagtitig niya sayo, parang lahat ng bagay na makikita niya sa katawan ko ay sinusuri niya ng maigi. "A-ako nga po." Sabi ko naman. Ni head to foot niya ako. Bahagya akong nakaramdam ng pagkahiya. Nakasuot lang ako ng uniform pang maid. "Now I know, did you seduced my son? How much do you want? Ayaw ko ng mga gold digger sa pamilya." Sabi niya ng may panunuyang tingin. Mariin kung itinikom ang bibig ko at kinuyum ang kamao ko. "Hindi ko kailangan ng pera niyo. Gusto ko lang makasama ang anak ko." Ani ko.
Tumaas ang kilay ng mata niya. Wala nga silang pinagkaiba ng anak niya, pareho sila ng ugali. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga, pero mabait ang kspatid ni Angelo.
"Pwes, hindi mo na makakasama ang anak mo." Sabi niya at umalis na sa harapan ko. Tama nga siya, hindi ko na makakasama ang anak ko, at hindi ko alam kong makakaya ko 'yun.
Rinig na rinig ko mula sa kusina ang masasayang mga tinig ng mga bisita, may narinig pa nga akong, "picture muna with the parents si baby." Nakita kong umakyat sa maliit na entablado si Sophia, Angelo at karga nila si M.A., pareho silang nakangiti, si M.A. naman ay parang balewala lang sa kanya ang nangyayari ngayon. Pagakatapos kong sumilip ay bumalik na ako sa kusina kung saan marami akong ginagawa.
Sumapit ang gabe, tapos na ang kasiyahan. Lahat ng mga bisita ay umalis na, sa tingin ko ay ako nalang ang naiwang gising ngayong gabe. Wala si Angelo ngayon, isinama niya si M.A. sa bahay ng mga magulang niya kasama rin si Sophia, doon na sila siguro matutulog. Inayos ko ang mga gamit ko. Bago ako bumaba ay pumasok muna ako sa kwarto ng anak ko. Iniwan ko lang ang malaking plastic sa kama niya at isinarado na ang kwarto niya.
Maingat akong bumaba sa mataas na hagdan ng bahay ni Angelo, napakatahimik ng bahay, parang wala itong buhay at napakadilim pa. Sa likod ako dumaan dala-dala ang mga gamit ko, walang bantay doon ngayon kaya nakalabas ako ng walang nakakita sa akin. Naglakad pa ako ng ilang minuto ng may dumaan na trisikel, ikinarga ko ang mga gamit ko sa loob at bago sumakay ay lumingon muna ako sa bahay ni Angelo na hanggang dito ay nakikita ko dahil sa mataas ito.
Nagbuntong hininga ako at sumakay na. "Sa terminal po tayo."
Michael Angelo
My parents were so fond of my daughter, late na nga silang nakatulog ng dahil sa pag-aalaga nila sa anak ko. They played, they even read stories to my daughter before they went to bed.
"Angelo." I turned my back, nakita kong nakaupo na sa kama si Sophia. My lovely, Sophia. Ngumiti ako sa kanya. "Thank you, hon." Sambit ko at hinalikan ko siya sa gilid ng ulo niya. She smiled at me too, but I know that wasn't a genuine smile. "Para sa?" Takang tanong niya. "Para kanina." Tipid a sagot ko. "Walang ano man. Hindi kapa matutulog?" Tanong niya. Inayos niya ang mga unan sa kama namin, nasa bahay kami ngayon ng parents ko. Actually nasa kwarto ko kami ngayon, my parents wants Sophia to be my other half. Matagal na kase nilang kilala si Sophia, she's my first girlfriend, my first love.
Umiling ako sa kanya. Kanina pa ako hindi makatulog, ramdam ko na ang pagod at puyat pero hindi ko magawang matulog and I don't know why. Theres something bothering me, kanina parin lumilipad ang isipan ko. "Mali ang ginawa natin kay Mika. Ni hindi ko man lang siya nakitang lumabas kanina para makita ang anak niya, nandoon lang siya the whole time sa kusina. Dapat siya ng nandoon sa simbahan kanina, hindi ako." Sumeryoso ang mukha ko. "Lets not talk about her." Malamig na saad ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin. Why is she even sad? Dapat nga maging masaya siya kase bubuo na kami ng pamilya with my daughter. Magiging masaya na kami.
"Alam mo bang umiyak siya sa akin? Alam mo bang sinabi ko sa kanya na naiingit ako sa kanya? She even said sorry to me for what she did na alam naman nating hindi niya sinasadya." I can see jealousy in her eyes, it's really visible. I swallowed hard. "Alam ko kase na kahit kasama mo ako alam kong unti-unti ng may pumapalit sa akin. Hindi mo man sabihin alam kong may malaking puwang na siya sa puso mo." I can't say anything because I don't want to. Ayaw kung magsalita kase hindi ko alam ang dapat kong sabihin. I saw tears fell on her cheeks. Ayaw kong magsalita kase ayaw ko siyang saktan.
"Kapag malayo siya, kapag hindi siya nakatingin, ikaw naman ang nakatingin sa kanya." Nag-iwas ako ng tingin. I know what she's talking about, she thinks that I like her, the mother of my daughter. Umiling ako sa kanya. "Huwag na tayong magbulag-bulagan dito, Angelo. Hindi ako galit sayo, naiintindihan kita kung nagugustuhan mo na siya. After all she's the mother of your daughter. Hinding-hindi na natin mababago 'yun " Mahina akong umiling.
How can I like her? She ruined everthing! But despite of that thought, alam kong may ibinigay siya sa akin na nagpapasaya sa akin ng lubusan. She gave me a daughter. Noong una ay ayaw kong maniwala sa kanya, I had so many flings when Sophia went to States. Akala ko noon isa lang siyang babaeng ipapaako sa akin ang anak niya, pero iba siya. I admitted that I was her first, we were both drank that night but I can still remember, lahat ng nangyari sa amin. I can still remember how I want her body. How my body ached for more, how she moaned with pleasure.
Hinawakan ni Sophia ang kamay ko, napalingon ako sa kanya. "Sabihin mo sa akin, gusto mo na ba si Mika?" Tinitigan ko lang siya, tumitig din siya pabalik sa akin. "Ang mga tingin mo sa kanya, hindi ko pa 'yun nakita. Hindi ka ganoon kung tumingin sa akin. Kaya alam kong gusto mo siya." Napalunok ako. "I-I love you." Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako nauutal. Why I can't even said those words straight? Lately, hindi ko na masabi ng deritso ang mga katagang 'yun kay Sophia. I know I still love her. Alam kong siya parin.
"Siguro, pinapaniwala mo na lang ang sarili mo na mahal mo pa ako. Pero hindi kase nagsisinungaling ang mga mata mo Angelo, siguro nakatatak na sa isip mo na ako ang mahal mo at galit na galit ka kay Mika ng dahil sa nangyari, sinisi mo siya sa lahat, pero sa loob loob mo naman alam mo na iba na, na si Mika na." Kinalas ko ang pagkakahawak ni Sophia sa kamay ko. Why is she like that? Bakit niya ginugulo ang isipan ko? Why the hell I am thinking things that wasn't supposed to be inside my mind?
"Mahal kita, Sophia." Matigas na sabi ko. Of course I love her! Not anyone. Hindi siya. Si Sophia lang.
Iniwanan ko muna si M.A. kina Mama, alam ko naman na maaalagaan nila ng maayos ang anak ko hanggang ngayon ay bumabalik balik pa sa akin ang mga sinabi ni Sophia sa akin, speaking of her, I drove her home at ngayon ay malapit na ako sa bahay ko. Mag-aalas dyes narin ng umaga, nakita ko kaagad si Manang Minda. Kumunot ang noo ko ng makita ko siyang dumidilig ng mga halaman sa Garden. Dapat hindi siya ang nagdidilig ng mga halaman, kundi siya. After niyang patulugin si ang anak ko ay dinidiligan niya ang mga halaman sa Garden, and for the first time, yumabong ang tubo ng mga halaman. Marami naring mga roses sa Garden na magaganda ang tubo at pamumukadkad ng bulaklak. "Ya, good morning." Humalik ako sa pisnge niya. I am treating her like my second mother, she's been with me since I was a kid.
Ngumiti si Yaya sa akin. "Kasama mo ba si Sophia at ang bata?" Umiling ako sa kanya. "I left my daughter to mom, si Sophia naman ay inihatid ko na bago ako umuwi rito." Tumango tango lang si Yaya at pinatay ang hose na gamit niya ng pandilig ng halaman. "Bakit ikaw ang gumagawa n'yan?" Takang tanong ko. Mukhang nagulat pa siya sa tanong ko. "Ah, ito ba? Hindi pa kase bumababa si Mika, baka natutulog pa siya. Baka pagod pa hanggang ngayon." Kumunot ang noo ko. This is the first time na tinanghali siya, she always woke up early to do the things na nakasanayan na niya katulad ng pagbibinyag ng mga halaman kapag tulog na ang anak ko.
Tumalikod na ako para umakyat, I have a meeting with the board of directors at 12:30. Bago pa ako makahakbang sa hagdan ay napalingon ako sa bandang kaliwa, parang may umuudyok sa akin na pumunta doon, so I did. This is not the first time that I sneek on her room, bahagyang nakaawang ang pinto nito.
Sumilip ako sa nakaawang na pinto, makikita ko kaagad ang kama niya, pero wala siya sa loob at parang hindi naman nagalaw ang kama niya. Where is she? I went to her comfort room pero walang tao, I opened her cabinet, nandoon pa naman ang iilang mga gamit niya. Napakunot ang noo ko, ang ibang mga gamit niya ay nawawala. Imposible namang nanakawan kami. My heart beats fast, I went straight to my daughter's room. Baka nandoon lang siya. Kumbinse ko sa sarili ko.
Pagkapasok ko palang sa kwarto ng anak ko ay nakita ko na ang malaking platic sa gitna ng kama niya. I wonder if what is that, but hindi ko iyon pinansin. I am searching her, pero wala rin siya. Pati sa loob ng banyo ay wala rin siya, where the hell is she? Bakit akong biglang kinabahan? Napasipa ako sa gilid ng kama ng anak ko.
Mabilis kong tumakbo pababa kung nasaan si Yaya. "Where is she, Ya?" Madaling tanong ko. Nagtataka niya lang akong tiningnan. Hindi talaga maganda ang kutob ko. "Sinong hinahanap mo, Anak?" Pagtatanong niya sa akin. "The mother of my daughter, where is she?" Kumunot ang noo ni Yaya. She really thinks that nasa loob lang ito ng kwarto niya? What the fuck was that? "Nasa loob pa siguro ng kwarto niya, hindi ko pa siya nakikitang bumaba simula kanina." Paliwanag ni Yaya Minda sa akin. My mind now is starting to panic.
"S-she's not there. Wala rin siya sa kwarto ng anak ko." Nanlaki ang mga mata niya. Dali-dali itong lumabas sa kusina. Ako naman ay nagpunta sa Sala. Tinawag ko ang head ng securiry na nakabantay sa buong bahay ko. "Did you or did your member saw the mother of my daughter? Lumabas ba siya kanina or kagabi?" Seryosong tanong ko. Nagkatinginan sila na para bang nag-uusap, nakita ko ang iba na umiiling lang. "Sir, ako po ang nakatuka sa CCTV, pero wala po akong nakitang lumabas siya ng bahay niyo kagabi or kaninang umaga." Sabi ng head of security sa akin. Biglang tumaas ang dugo ko. How can she manage to go out ng hindi nakikita sa CCTV? "Just get lost! All of you! Fucking get out of my sight!" Galit na sigaw ko. I am walking back and fort. Fuck! Where is she? Bakit wala siya ngayon dito? Bakit wala na ang ibang gamit niya sa loob ng kwarto niya? Damn it! Those bullshit are fucking useless!
"Anak, Angelo. Wala na siya, wala na ang mga importanteng gamit niya sa loob ng kwarto niya. Mga damit niya. Wala na. " Malungkot na turan ni Yaya. Fuck! Fuck! She left me, she left us! Fuck! Nagmadadali akong lumabas ng bahay para pumunta sa bahay ng lalaking 'yun, that asshole! He needs to fucking bring back to me the mother of my daughter! Damn it! Mabilis lang akong nakarating sa harapan ng bahay niya. Galit kong pinindot ang doorbell niya, hindi ko iyon tinantanan hanggang hindi pa siya lumalabas.
Nang lumabas siya ay bakas sa mukha niya ang pagkairita, I glared at him. I gritted my teeth. This bastard! "What the hell is your problem, man?" Inis na salita niya. Agad ko siyang kinuwelyuhan, nagulat naman ito sa ginawa ko. "Where the hell is she? Tell me! Are you hiding her from me? Let her out of your goddamn house!" Galit na galit kong sabi. I really don't know kung bakit ako galit na galit sa kanya. He always talk to her when he saw her, she even smiled at this bastard always!
I really want to beat the hell out of him! He makes her smile all the time and I fucking hate it! "Sino ba ang hinahanap mo, gago?" Tinabig niya ang kamay ko at sinigawan ako. Kumukunot ang noo niya, bakas rin sa kanya ang pagtataka sa inaakusa ko sa kanya. "The mother of my daughter, where is she? Tell me! Damn it! You can't take her away from me!" Galit na sigaw ko. Kinuyum ko ang kamao ko. I am just holding my anger because I want him to bring back her to me, pero gustong gusto ko na siyang sapakin. Bullshit!
"Si Mika ba ang tinutukoy mo?" Gulat na tanong niya. Now we are talking, asshole! "Where is she? Just fucking tell me! Saan mo siya itinago?" Kinuwelyuhan ko siya ulit, mas mahigpit na ito ngayon, para ko na siyang sinasakal sa ginagawa ko. Narinig ko siyang tumawa. Nagtagis ang mga bagang ko. "Sa tingin mo nasa akin siya?" Tinabig niya ulit ang kamay ko. Unti-unting nagseryoso ang mukha niya. He is now looking at me like he is throwing daggers on me. "Kung wala man si Mika ngayon sa bahay mo, wala na akong kasalanan doon. Siguro umalis na siya kase hindi na niya kaya ang pinaggagawa mo sa kanya. Siguro mas gusto niya nalang mag-isa, malayo lang sayo." Sabi niya. She left me? She left her daughter? How can she do that? She fucking left us. Fucking fuck!
"I know everything, alam kong pinagbabawalan mo siyang makita o makausap ako. Ito ang tatandaan mo, gago! Kapag nakita ko si Mika, I swear to all fucks, you cannot see her anymore. Ilalayo ko siya sayo." Tumalikod na siya at pabalibag na isinarado ang gate niya. Nasipa ko nalang ang bato out of frustation. He can't do that, she's mine. She is mine! Hindi para sa kanya, kundi para lang sa akin.
Pumasok ako sa kotse ko at hinampas ang manibela.
Where are you now?

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now