ChapterFifteen ]
-------------------------------~oOo~
Mikaela Angela
Mag-iisang buwan na ako sa kanila ni Sister Cecile, tama nga siya, may orphanage nga sila. Maraming bata rito at mga matatandang wala ng pamilya, mayroon din namang kasing edad ko lang. Noong una ay nahihiya pa ako at pinilit kong maghanap ng trabaho, pero wala talaga akong mapasukan. Lahat sila sinasabi sa akin na hindi ako qualified, walang bakante o tatawagan nalang ako sa susunod na mga araw, ngunit wala naman akong natatanggap na tawag.
Nanlulumo akong nakaupo ngayon sa bench sa may Garden ng orphanage, pansamantala lang naman ako rito sana. Ang sabi ko kase sa kanila ni Sister Cecile ay aalis kaagad ako kapag nakahanap na ako nang trabaho. Sobrang nahihiya na talaga ako sa kanila. Tumutulong din naman ako rito sa orphanage o mas kilalang Sweet Haven, mga mababait sila rito. Hindi nila ako itinatrato na iba, para na nila akong pamilya kung tratuhin.
Masaya rito kase maraming bata, ang tawag nila sa akin dito ay Ate Mikay or Mikay dahil narin sa pangalan ko ay Mikaela.
"Hija, nand'yan kalang pala. Gusto ka sana naming kausapin nila Sister Cecile." Siya si Sister Lalaine, mas matanda siya ng dalawang taon kay Sister Cecile. Bale apat na mga madre ang nagpapatakbo ng Sweet Haven, sina Sister Maya at Sister Mickey, dalawang nurse na sina Nurse Bianca at Nurse Lily, may tatlong Doctor din na sina Dr. Ashi Park at ang mag-asawang Dr. Cross and Elizabeth Vinson. Marami ring mga volunteers ang narito. "Sige po, papasok na po ako." Sagot ko kay Sister Lalaine, ngumiti siya sa akin at lumakad na papasok ng Sweet Haven. Napabuntong hininga nalang ako at sumunod na sa kanya.
Ano kaya ang pag-uusapan namin? Paaalisin na kaya nila ako? Kung sa bagay ay pwedeng-pwede naman nilang gawin 'yun sa akin kase nakikitira lang naman ako rito at wala akong pambayad sa pagtira rito. Umaasa lang kase sila sa tulong ng gobyerno at maliliit na tulong mula sa mga pribadong mga tao. Dagdag palamunin pa nila ako rito.
Dumeritso ako sa Library ng SH, lahat ng mga madre ay nakaupo na. Mukhang ako nalang talaga ang hinihintay nila, nagmadali naman akong umupo kaagad. Nakakahiya at pinaghintay ko pa sila. "Sorry po sa paghihintay." Nahihiya kong sambit. Ngumiti lang sila sa akin at sinenyasan nila ako na maupo na. "Mag-iisang buwan kana rito sa amin, hija at wala kapang trabahong nahanap." Pag-uumpisa nila Sister Lalaine, nahihiya akong tumango. Saan naman kaya ako mapupunta kapag pinaalis ako rito? Babalik nalang ba ako ulit kay Angelo? Hindi naman pupwede iyo. Tiyak masasaktan niya lang ako ulit.
Miss na miss ko na ang anak ko pero hindi ko naman kayang i risk ang buhay ko. Baka ano pa ang mangyari sa akin sa bahay niya, balang araw kapag nagkita kami ng anak ko, ipapaliwanag ko ang lahat sa kanya. Na hindi ko siya ginustong iwanan, sadyang kumplikado lang ang lahat kaya ako umalis.
"Mukhang mailap ang swerte mo, Mikay." Hinaplos ni Sister Cecile ang braso ko, magkalapit lang kase kami ng upuan. "Oo nga po eh, pasensya na po at nagiging pabigat na po ako sa inyo." Lahat libre rito, tubig na ginagamit ko, kinakain ko at pati narin matutulugan. "Huwag kang mahiya, hija." Sabi ni Sister Maya. "Gusto ka nga namin dito, mahal ka ng mga bata at ang bait bait mo pa." Sunod na sabi ni Sister Maya. Nanlaki ang mga mata ko.
"T-totoo po?" Hindi ako makapaniwalang sagot sa kanya, nagpabalik balik ang tingin ko sa apat na mga madre. Ngumiti sila sa akin at tumango. Naiiyak ako, may mga mabubuting tao parin pala, kahit na hindi ka nila kakilala ay handa parin silang tumulong sa iyo. "Pwede mo bamg turuan ang mga batang magsulat at magbasa? Parang teacher ka nila." Hindi ko na napigilan ang luha ko, tumulo na sila kasabay ng pagtango ko sa apat na mga madre. Tumawa ng mahina si Sister Maya at Sister Lalaine. "Nababagay ka rito." Tumayo sila at niyakap ako nang mahigpit. Bumalik din ako nang yakap sa kanila.
"Tatanawin ko po itong malaking utang na loob, kung hindi niyo po ako tinulungan ay baka nagpalaboy laboy na po ako sa daan." Naiiyak na sambit ko. Hinaplos nila ang buhok ko. "Walang ano man, Mikay. Nakita namin ang kabutihan mo, kung ano man ang problema mo ay sana masulusyunan mo na 'yan. Ipagdarasal ka namin." Sabi ni Sister Mickey. Hanggang ngayon ay wala parin silang alam sa rason ko kung bakit ako napunta sa lugar nila, kumukuha lang ako ng bwelo at sasabihin ko rin sa kanila ang totoo. Pagkatapos kong magpasalamat sa kanila ay official na nila akong pinakilala sa lahat na dito na ako titira, halos lahat ay natuwa sa ibinalita ng mga madre.
Hindi man ako nakahanap ng trabaho, pero nakahanap naman ako nang isang malaking pamilya na handang tumanggap sa akin at tumulong.
Makalipas ang ilang araw pagkatapos ipakilala na dito na talaga ako titira ay nag-umpisa na ako kaagad na magturo sa mga bata, masaya ako, sobra. Ang pagkamiss ko sa anak ko ay naiibsan ng dahil sa kanila, iniisip ko nalang na sila muna ang anak ko. Sana darating din ang araw na ituturo ko rin ang mga natutunan ko sa anak ko, kaya lang parang malabo yatang mangyari iyon, baka nga ilayo pa ni Angelo sa akin si M.A. kapag nakita niya ako eh.
Kakatapos ko lang magturo at nandito ako ngayon sa Garden ng SH, nakasanayan ko nang dito tumambay tuwing hapon eh. Biglang kumunot ang noo ko nang makakita ako nang isang babae na inaalalayan ni Nurse Bianca, mukhang hindi ito makakita. Parang kakilala ko siya, pero bakit ngayon ko lang yata siya nakita rito? Dali-dali akong lumakad para sundan sina Nurse Bianca, hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang kaibigan ko, pero bakit siya nandito? Sa pagkakaalam ko ay mayaman ang pamilya nila, ngunit parang may problema siya sa pamilya niya, hindi mo nga lang mahahalata kase napakamasiyahin niya.
Pumasok sila sa isang kwarto, sumunod din ako. Pinaupo niya ang babae sa kama. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto kong hindi nga siya makakita, kinakapkap niya ang kama. Natutup ko ang bibig ko. Nakita ako ni Bianca, "Mikay." Tawag niya sa pangalan ko. Pumasok na ako nang tuluyan sa silid at lumuhod sa harapan ng kaibigan ko. Iwinagayway ko ang kamay ko sa harapan niya pero ni hindi man lang gumalaw ang eyeballs niya. Napaiyak na ako.
"T-tamarah, ikaw nga."
Niyakap ko siya nang mahigpit. Agad naman siyang pumiglas sa pagkakayakap ko sa kanya, "s-sino ka? B-bitawan mo ako." Nauutal niyang salita, bakas din sa boses niya ang pagkatakot. Sinenyasan ko si Bianca na umalis at sinabihan ko siyang kilala ko ang babae. Lumabas naman siya kaagad. "Ako ito, si Mikaela. Natatandaan mo pa ako?" Nanlaki ang mga mata niya at nakita kong may pumatak na luha galing sa mga mata niya. Agad ko itong pinahid gamit ang hintuturo ko. "M-mika, ikaw nga." Ginagap niya ang mukha ko. Tumango ako sa kanya. "Anong nangyari sa iyo? Bakit a-ano, b-bakit k-ka..." Nauutal kong salita.
"Bakit ako nabulag?" Malungkot siyang ngumiti. Nakatitig lang ako sa kaya. Namayat siya nang husto, 'yung mga mata niya ay napakalungkot at makikita mo na nasasaktan siya. "Matagal na itong sinabi ng Doctor sa akin, ayaw ko lang magpaopera kase, para ano pa? Wala namang halaga para magpaopera ako, pamilya ko walang pakialam sa akin. Nang mabulag nga ako ay sabi nila ay pabigat pa ako sa kanila, kaya ito, nandito ako ngayon. Malayo sa kanila, malayo sa lahat. Hindi rin naman nila ako hinahanap, si Ate lang naman ang importante sa kanila eh." May pait sa boses niya. Parang napakasakit talaga ng pinagdadaanan niya noong mga panahong iyon.
"Huwag mong sabihin 'yan, Tamarah. Mahal kita, magkaibigan tayo, hindi ba? Best friend pa nga tayo eh. Matagal ka na ba rito?" Bukod kay Ellaine ay matalik ko ring kaibigan si Tamarah, nasa iisang organization lang kami noon ni Tamarah, tapos marami pa kaming magkaparehong subjects kaya nagiging kaklase ko siya noon. "Eksaktong isang taon na ako ngayon dito. Ikaw? Kailan kalang ba dito at bakit ka nandito?" Meaning nakapagtapos pa siya ng kolehiyo, mabuti pa siya, eh ako hindi na nakapagtapos ng pag-aaral.
Umupo ako sa kama niya, pinasandal ko siya sa headboard ng kama niya. "Isang buwan palang ako rito at tsaka, may anak na ako." Nanlaki ang mga mata niya, "m-may anak kana? Paano nangyari 'yun?" Takang tanong niya sa akin. Mapait akong ngumiti. "Noong nawala ako, 'yun ang dahilan kaya hindi na ako pumasok. Nabuntis na ako noon." Pahayag ko. Kinapa niya ang kamay ko kaya ako na mismo ang humawak sa kamay niya. Mahigit niya itong hinawakan.
"S-sino ang tatay ng anak mo? At nasaan ang anak mo? Kasama mo ba siya ngayon dito?" Sunod sunod na mga tanong niya sa akin. Kung pwede ko lang siya sanang isama ginawa ko na. "Hindi ko kasama ang anak ko, iniwan ko siya sa tatay niya. Ang ama ng anak ko ay si Michael Angelo Buenavista." Mas nagulat siya sa sinabi ko, who would have thought na siya ang tatay ng anak ko? Wala, hindi ba?
"P-aanong siya?" Napabuntong hininga ako.
.....Flashback...
Kasama ko ngayon si Tamarah, pareho kaming nagbabasa sa loob ng library para magreview para sa darating na exam namin sa isang subject na magkaklase kami. Tutuk na tutuk ako sa binabasa ko nang kalabitin ako ni Tamarah, lumingon naman ako kaagad sa kanya. "Tapos kana?" Bulong niya sa akin. Napakastikto kase ng librarian dito, gusto niya sobrang tahimik. Para tuloy akong nasa horror house sa sobrang tahimik. Umiling lang ako sa kanya, pero malapit naman na akong matapos. Isang page nalang.
Ipinakita sa akin ni Tamarah ang screen ng phone niya. May nakasulat doon, parang may mensahe galing sa kung sino. Binasa ko ito gamit ang mga mata ko.
Maurice Abigail
Please tell Mika to come later, okay?
Umiling ako pagkatapos kong mabasa ang message. Marami pa akong gagawin, may trabaho pa ako mamaya kaya hindi ako pupwedeng gumimik. Hindi na ako kinulit pa ni Tamarah kaya tinapos ko na ang pagrereview ko. Ilang minuto pa ang lumipas ng matapos na nga akong magreview, niyaya ko na si Tamarah na lumabas ng library.
"Ayaw mo ba talagang sumama? Minsan lang naman 'yun, sige na! Isasama kita, please!" Nagpapuppy eyes pa ito. Ang cute cute niya tuloy tingnan.
Wala rin naman sigurong masama kapag lumiban ako sa trabaho kahit isang shift lang. Ano? "Wala akong susuotin, at tsaka kapag sumama ako sa inyo mamaya 'yun ang magiging una kong tapak sa Bar." Ngumiti siya sa akin at hinila ako papalabas ng campus, uwian na kase namin at tsaka Sabado bukas kaya walang pasok. Birthday ng isa sa aming kasamahan sa organization sa Academy na kinabibilangan namin na si Chloe at gusto niya itong icelebrate sa Bar, nasa tamang edad naman na kaming lahat na gusto niyang pumunta kaya lang hindi ako sanay sa mga ganyan.
Hindi ako katulad nila na mayayaman, isa lang ako sa nabiyayaang makakuha ng Scholarship sa Academy kaya dito ako nag-aaral.
"Marami akong damit! Ano ka ba! Dadalhan kita mamaya sa apartment mo huh? At tsaka kausapin mo na ang Manager ng Restaurant na pinagtratrabahuhan mo." Nakangiting sabi ni Tamarah. Tumango ako sa kanya, ito palang ang unang absent ko sa trabaho kaya papayagan naman siguro akong um-absent muna. "Pupuntahan kita mamayang 7 p.m. huh? Alas nuebe pa naman mag-uumpisa ang party niya eh." Excited na sabi niya. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at pumunta na kaagad ako sa Restaurant na pinagtratrabahuhan ko. Pumayag naman si Sir Seth na lumiban muna ako ngayong gabe at tsaka binigyan niya ako ng leave with pay hanggang Sunday. Diba, ang bait niya?
Umuwi na kaagad ako sa apartment ko at naabutan ko si Ellaine na papalabas na ng kwarto niya, "wala kang pasok sa Restaurant?" Takang tanong niya. Doon din kase siya nagtratrabaho, sa EA din siya nag-aaral katulad ko at katulad ko, scholar din siya, pero mas maaga ang uwian niya kaya pwede pa siyang umuwi sa apartment niya para makapagpahinga.
"Um-absent ako eh. At tsaka nakaleave with pay for two days." Masayang sabi ko. "Grabe ka! Sasabihin ko rin mamaya kay sir na aabsent ako para makaleave with pay ako nang two days." Natatawang sabi niya sa akin. Tumawa lang ako nang mahina, minsan kase mapagbiro talaga si Ellaine, kaya nga magkasundo kaming dalawa eh. "Oh siya, mauna na ako. Enjoy ang leave with pay mo!" Napailing nalang ako at nagpaalam na rin sa kanya.
Quarter to seven na ng gabe ng dumating si Tamarah, may dala dala siyang dalawang bag at paper bags na hindi naman kalakihan. Inaya ko kaagad siyang maupo. Nakaligo na ako para fresh naman ako kahit papaano. "Narito na ang lahat ng kailangan mo! Grabe! Excited na ako para sayo!" Mahinang tili niya. May make-up na ang mukha ni Tamarah, very light lang ito na bumagay sa natural niyang ganda. Pinaupo na niya ako sa stool ko at nag-umpisa na siyang ayusan ang buhok ko. Hindi ko pa nakikita ang damit na susuotin ko, pero may tiwala naman ako sa kaibigan ko. "Gagawin kitang pinakamaganda ngayong gabe." Napanguso ako. Pinakamaganda raw. Eh, mas maganda pa nga siya sa akin eh. Simple lang ako, tamad akong mag-ayos sa sarili ko kase hindi naman na kailangan ng ganoon. Bahay, school at trabaho lang naman ako. Hindi naman required na palagi akong magdamit ng maganda, magmake-up o kung anu-ano pa. At tsaka, wala naman akong pambili ng mga ganyan. Uunahin ko pa ang mga importanting bagay kesa sa mga ganyan.
"Mas maganda ka parin sa akin, tapos 'yung mga makakasama natin mamaya. Lalong-lalo na si Ate Maurice. Parang modelo kaya siya." Sabi ko. Kinukulot ni Tamarah ang pinakadulong bahagi ng buhok ko, straight kase at itim na itim ang buhok ko. "Ano kaba! Wala ka talagang bilib sa sarili mo! You are beautiful, okay? You can't just appreciate it." Sabi niya. Hindi nalang ako umimik pa at naghintay nalang na matapos ang ginagawa niya sa buhok ko.
Pagkatapos ng kalahating oras ay natapos na niya ito, inilabas niya kung ano ang nasa loob ng dalawang paper bags niya. May isang dark blue na dress doon na spaghetti strap, sa palagay ko ay sakto lang iyon sa katawan ko. Hanggang kalahati ng hita lang din ang haba nito, napangiti ako. Okay lang 'yan sa akin, sanay na ako sa mga ganyang dress. Pero nanlaki ang mga mata ko nang ipakita niya sa akin ang likuran nito, mahaba ang tabas nito hanggang sa bewang ko na nakabukas. Makikita ang likuran ko niyan! Hindi sa ayaw kong ipakita ang likod ko kase pangit ito, hindi lang talaga ako sanay sa sobrang sexy na damit. Ayaw kong mabastos mamaya.
"H-hindi ko masusuot 'yan!" Taranta kong sabi kay Tamarah, inilabas niya ang isang itim na heels. Nasa 4 inches siguro ang taas no'n. Sanay narin naman ako mag high heels kaya walang problema sa akin 'yan. 'Yung damit lang talaga ang problema ko. "Ano ka ba naman! Ito ang dapat na isuot mo! Ang ganda kaya! Tiyak bagay na bagay 'yan sayo, at tsaka, sexy back 'yan, girl! Maraming tutulo ang laway!" Umiling ako sa kanya. Ayaw ko talaga ng ganyan. "Ayaw ko talaga, Tammie!" Nakita ko siyang napanguso at nalungkot. Bakit sa tuwing nakaganyan siya ay palagi nalang akong natatalo? Bumuga ako nang malalim na hangin. Bahala na nga! Nandoon naman sila ni Ate Maurice at Tamarah, sigurado naman akong hindi nila ako pababayaan.
"Oo na nga! Susuotin ko na, Tammie. Huwag kanang malungkot." Kuminang ang mga mata niya at malapad na ngumiti sa akin, ngumiti rin ako pabalik sa kanya. Gusto ko talaga siyang nakikitang masaya, minsan kase marami rin siyang problema kaya gusto ko napapasaya ko siya. "Yehey! Make-up time na!" Magiliw na sigaw niya at inumpisahan na niya ang paglagay ng kung anu-ano sa mukha ko.
Nakarinig ako nang palakpak galing kay Tamarah, ngumiti naman ako sa kanya. Nakatangin ako ngayon sa salamin ko na kalahati ng katawan ko lang ang pwedeng makita. Bagay nga sa akin ang damit na suot-suot ko, hapit na hapit ito mula sa dibdib ko hanggang bewang ko at flowy naman pababa, bagay rin ito sa make-up at style ng buhok ko. Nakabihis narin si Tamarah, naka red dress naman siya at sobrang ganda niya rin. "Sabi ko sa iyo eh! Ang ganda ganda mo talaga, Mika!" Sabi niya. "Ang ganda ganda mo rin, Tammie! Para kang model." Humagikhik lang siya at inaya na akong lumabas para makaalis na kami, may dala siyang kotse. Siya ang nagda-drive.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Bar, base sa labas nito ay pangmayaman ang Bar na ito. Puno kase ng iba't-ibang magagarang sasakyang ang parking lot nito. Lumabas na kami ni Tamarah sa kotse niya at nagtungo sa entrance. Ipinakita ni Tammie ang invitation card namin at pinapasok na kami kaagad.
Punong puno ng tao ang loob ng Bar, halos hindi na kami magkarinigan ni Tamarah. Maraming nagsasayaw sa gitna ng dance floor, mukhang masayang masaya sila sa ginagawa nila. Napangiti ako. Ito siguro ang libangan nila, parang stress reliever. Nakita na namin si Ate Maurice kasama ang ibang kasamahan namin sa org., kumaway sila sa amin at agad naman kaming naglakad patungo sa kinaroroonan nila.
Nagulat sila ng makita nila ako, "OMG! Ikaw ba 'yan Mikaela Angela Perez?" Sigaw ni Ate Maurice, nahihiya akong tumango sa kanya. Lahat ng atensyon nila ay nasa akin, ito kase ang first time na magsuot ako ng sexy na damit eh. May ibang lalaki pang nakatingin sa akin na hindi ko naman kilala, agad na namula ang pisnge ko. "Credits are mine!" Sigaw din ni Tamarah. Maraming papuri ang narinig ko mula sa kanila, marami rin silang ipinakilala sa akin na invited sa birthday ni Chloe. Nakalimutan kong sabihin, graduate na pala si Ate Maurice pero palagi parin siyang sumasama sa amin kapag bakante siya. Kagaya nito.
Pinaupo na nila ako sa isang mataas stool, may ni serve ang waiter na mga inumin. Umayaw ako nang bigyan nila ako ng wine, maaga pa kase. Mahina ang tolerance ko sa alak, kahit pa wine lang 'yan. Mamaya na siguro ako iinom kapag malapit na kaming umuwi para naman hindi masayang ang punta namin dito. Habang masaya kaming nagkukwentuhan ay may namataan akong lalaking nakatitig sa akin, sobrang lagkit nito kung tumitig. Para niya akong kinakain gamit ang mga mata niya, hindi sila masyadong malayo sa pwesto namin. May kasama pa siyang mga lalaki, nasa lima sila. Siya lang ang walang kapareha.
Agad akong nag-iwas ng tingin ng magtama ang paningin namin, nakaramdam ako nang kakaibang kaba. Naubos ko tuloy ang isang baso ng iced tea sa isang inuman lang. Hala! Anong nangyayari sa akin? That stranger is creeping me out! Bakit siya ganoon kung tumingin sa akin? Napakunot ang noo ko. Hala! Ano ba naman 'to!
"Mika! Sayaw tayo! Bilis na!" Hinila nila ako ni Tamarah papuntang dance floor, nakipagsiksikan kami sa maraming taong nagsasayawan. Malakas akong tumawa ng mag-umpisa na kaming sumayaw, ito ako kapag kasama ang mga kaibigan ko. Masaya lang at nakakalimot sa mga bagay bagay. Hindi naman ako nahihiyang sumayaw kase medyo marunong naman ako kahit kaonti lang. Nakataas ang dalawang kamay namin at sumisigaw pa.
Aksidente akong napatingin sa Bar counter, nakita ko naman ang lalaking nakatitig kanina sa akin. Nakasandal na siya roon, mataas pala siya at maganda ang hubog ng pangangatawan. May hawak siyang baso na may laman ng pulang likido, whiskey siguro. Sandaling tumigil ang mundo ko, ewan ko ba kung bakit. Parang may humihila sa akin na tumitig din pabalik sa kanya, nakita ko siyang ngumiti sa akin at itinaas ang hawak niyang baso. Napatigil ako sa pagsasayaw, lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hala! Naman heart eh! Bakit ka nagkakaganyan? Nag-iwas nalang ako sa kanya ng tingin tapos tumalikod at sumayaw ulit, ngunit ramdam ko parin ang mga titig niya sa akin. Napailing nalang ako at pilit na inaalis ang mga nagbabagang titig ng lalaki sa akin.
"Mika! Sige na! Mamaya uuwi na tayo pero ni wine hindi ka man lang uminom! Come on!" Sigaw ni Tamarah sa akin, sumigunda naman si Ate Maurice sa kanya. "Come on, Mika. Minsan lang naman ito." Nilagay nila ang basong may red wine sa harapan ko, hindi na ako humindi pa at ininom ko na iyon. Kaonti lang talaga ang iinumin ko, baka hindi ko kayanin mamaya at malasing ako.
Palalim na ng palalim ang gabe, kanina pa ako pabalik balik sa CR para umehi pero nahihilo na ako ng kaonti. Kasalukuyan ako ngayong nasa Bar counter, iniwan ako rito ni Tamarah, CR lang daw siya. Tahimik lang akong nakaupo rito at iniinom ang red wine. "Hi." Halos mahulog ako sa stool ng may bumulong sa tenga ko ng katagang iyon, baritonong boses. Napalingon naman ako at mas nagulat pa ako kung sino ang nakita ko. Siya ang lalaking kanina pa tumititig sa akin! Umupo siya sa bakanteng stool na nasa tabi ko lang, nag-iwas ako nang tingin. "Did I startled you?" Pagtatanong niya. Matipid lang akong ngumiti sa kanya. Nakaintimidate naman siya kung tumingin. "One martini please." Sabi niya sa bartender, "so, where's your friends? Bakit nag-iisa ka nalang?" Napatingin ako sa kanya. Is he a stalker? Tinitigan ko siyang mabuti, medyo malabo na ang paningin ko kase nakailang baso narin ako ng wine. Hindi naman siya mukhang adik, mukha naman siyang pormal na tao. Nakita ko siyang ngumisi sa akin, napaiwas ako nang tingin. Bakit ko ba siya sinusuri?
"What's your name?" Nangilabot ako nang maramdaman ko naman ang bulong niya sa gilid ng tainga ko. Nanindig yata ang lahat ng balahibo ko. Napausog ako pero muntik na akong mahulog sa stool, mabuti nalang at nahapit niya ako sa bewang. Lumakas ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang init ng kanyang mga brasong nakapulupot sa bewang ko. Pareho kaming nakatayo at nakikipagtitigan sa isa't-isa.
May kung ano sa mga mata niya na nais kung hanapin, kahit na hindi klaro ang paningin ko ngayon pero alam ko na napakaganda ng mga mata niya. Kulay abo ito, napaka unique. Ang akin nga dark brown lang eh. May lahi kaya siyang banyaga? "Don't do that again, Missy. Baka nahulog kana ng hindi kita nayakap." May kakaibang elektrisidad akong naramdaman na gumapang sa sistema ko. Parang ang sarap pakinggan ng boses niya sa tenga ko. Napailing ako, lasing na siguro ako. "Ako si M-mikaela. Salamat." Pagpapakilala ko. Nakakahiya! "I'm Michael Angelo Buenavista." Hindi ko na pinansin ang pagpapakilala niya.
"Uuwi na ako, I think lasing na ako." Mahinang bulong ko. Napapikit ako sa sobrang hilo ko. Masakit din kase sa ulo ang mga iba't-ibang kulay ng ilaw na nakikita ko, napasandal ang ulo ko sa dibdib niya. Malapad at matipuno, ang bago niya rin. "No, wala pa ang mga kaibigan mo." Napailing ako. "I can go home by myself, I'll just take a cab." Mahinang bulong ko at yumapos pa sa kanya. Humihigpit ang pagkayakap niya sa akin. Ramdam na ramdam ko tuloy ang katawan niya sa akin.
"No, I won't let you." Mariin ang pagbigkas niya. "Damn it, woman! You're turning me on! Fuck!" Rinig ko mula sa kanya. Mahina lang ito. Hindi ko masyadong maintindihan ang pinagsasasabi niya sa akin. Bahagya kong iginalaw ang ulo ko at isinandal sa dibdib niya ulit. Ang bango niya talaga. "Damn it! I'll take you home!" Hindi ko parin maintindihan ang sinasabi niya pero naramdaman ko nalang na umangat ang katawan ko sa ere.
....End of Flashback....
"Nagising nalang ako na katabi siya sa iisang kama, pareho kaming walang damit at masakit ang buong katawan ko lalong lalo na ang pagkababae ko. Kaya noong araw na iyon ay napagtanto ko na naisuko ko ang pagkaberhin ko sa hindi ko kilalang lalaki at higit sa lahat ay hindi sa lalaking mapapangasawa ko." Gulat, sakit at awa ang nakita ko sa mga mata ng kabigan ko. Nginitian ko lang siya kahit na hindi niya man ito makita. Pinisil ko rin ang kamay niya para maipahiwatig ko na okay lang ako.
Ganyan talaga ang buhay, kailangan mong magpanggap na okay ka kahit na hindi naman. D'yan mo lang kase maipapakita sa lahat na matatag ka kahit na sa loob looban mo ay durug na durug kana.