ChapterThirtyOne ]
-------------------------------Important message.
WHY DON'T WE HAVE SOME RULES? IF YOU CAN OBEY THEM, THEN FEEL FREE TO LEAVE, FEEL FREE TO NOT TO READ MY WORKS. I'M NOT FORCING YOU TO READ MY WORKS DAHIL HINDI NAMAN AKO ANG WRITER NA HALOS I PROMOTE O IPA PROMOTE ANG GAWA KO JUST TO HAVE HUNDREDS OR THOUSANDS OF READS AND VOTES. I'M NOT CONFIDENT IF MY WORKS ARE GOOD TO READ KAYA HINAHAYAAN KO LANG NA MA DISCOVER NIYO ITO. MASAYA AKO KAPAG NAGSUSULAT AKO AT MASAYA AKO DAHIL MAY MGA TAONG NAGUGUSTUHAN DIN ANG GAWA KO.
1. WAIT PATIENTLY FOR MY UPDATES.-As what I am always saying, I'm busy. I have a work to do from 9 A.M. to 5 P.M., minsan umaabot pa kami nang 7 P.M. sa office. Wattpad is not my world. This is just a hobby or my past time.
2. BE CAREFUL OF YOUR COMMENTS.-Minsan kase may mga comments na nakakaoffend, be sensitive guys. Tao po ako, marunong mainis, magalit...at alam kong gano'n din kayo.
3. DON'T DEMAND FOR UPDATES.-I find this really annoying. I am giving you naman assurance if when I am going to update, hindi ba? If I'll say Next week, 'yun na 'yun. Kung hindi ko naman matutupad nagsasabi naman po ako at nagpapaliwanag, hindi ba? Basahin niyo ang mga messages ko after ng update ko para klaro.
4. RESPECT ONE ANOTHER.-I want to be friends to all of you, don't be rude. If I am, tell me. Kung mayabang na ako, tell me, and I'm going to say sorry sa anong paraan na gusto ko. Gano'n din sana kayo, respect your fellow readers. 'Wag tayo mag-away-away dito. I love my readers and I hope may nagmamahal din sa akin. Lol.
5. FORGIVE MY ALL KINDS OF ERRORS.-Hindi po ako matalinong bata, hindi ako pinagpalad no'n. Kung ano man ang makita niyong mali sa istorya ko, feel free ko correct me. I won't bite, but make sure na hindi ka nagiging bastos. I can accept my mistake, pero wag naman sanang maging rude sa pagpupuna ng mali ko. Mistake is a mistake. I know I can search it sa google just to make sure na tama ang info's ko, but most of the time ay wala na talaga akong time.
6. FACEBOOK.-If you're going to add me on FB, please message me first. I want my dummy account be on private, gusto ko lang ang friends ko dun ay readers ko, mga idol kong authors at kapwa ko readers. Kahit dummy lang iyon for wattpad ay importante din yun para sa akin. May nakakausap naman ako doon at doon niyo rin malalaman about updates sa mga stories ko at ang mga kawalanghiyaan ko sa buhay. Haha. May iba na alam nila ang original FB ko, please huwag niyo ipagkalat pangit ako, haha. Please, RESPECT my privacy. Hindi aabot sa lima ang nakakalam sa labas ng wattpad na nagsusulat ako. Wag kayong magpost sa original account ko about sa stories ko, please lang po.
7. MATURE CONTENT.-Be responsible, I already warned all of you that my story have mature contents. Kung ayaw mo sa ganyan, then you can stop reading it, you don't need to report my story. Mas marami pang mas sobra sa gawa ko, kaya wag ako. May mas sikat pa sa akin na may maraming BS ang gawa.
8. IF YOU CAN'T FOLLOW THEM, THEN LEAVE.-I don't want a reader na pasaway.
Just 8 rules, please understand and follow. Before you do the act, please isipin mo muna kung tama ba ang ginagawa mo, kung hindi ba yan nakakaoffend or what. Salamat po :)
Yours truly,
~Ate Mexica
~oOo~
Nasa labas pa lamang ako nang kwarto ng anak ko ay rinig ko na ang bawat hikbi niya, hindi nakasarado ang pinto kaya pumasok na ako. Nakahiga siya sa kama niya at yakap si spongebob. Pinahid ko ang luha na tumulo mula sa mga mata ko. Umupo ako sa gilid niya at pilit siyang niyakap, noong una ay nagmamatigas pa siya pero kalaunan ay yumakap din siya pabalik sa akin.
He buried her face on my chest. Panay ang iyak niya. "May mga bagay talaga na hindi mo pa kailangang malaman kase hindi mo pa maiintindihan, wala kapa sa tamang edad para malaman ito, nak." Wika ko. Napakahirap ng pinagdadaanan ko at pati ang anak ko ay naaapektuhan. "I'm sorry mommy if hindi ko kayo napapansin this past few days, huh? Kase.....namiss ko lang si mommy ko eh. Did I hurt you? Did I made you cry? Kaya ba aalis ka ngayon? Mommy, huwag naman po. Mommy left earlier and I was very sad but I realized na may isa pa akong mommy." Nagulat ako sa sinabi niya. Wala na si Nathalie? Kaya ba hindi ko siya nakita kanina? Pero, bakit? Iniwan niya ang anak ko?
"Huwag po kayong umalis, mommy. Mas ma sa sad pa po ako kapag umalis ka rin. Wala na naman akong mommy." Umiling ako. Hindi muna sa ngayon. Mananatili muna ako.
"Okay, I'll be staying here. Stop crying now, okay?" Tumango-tango siya sa akin, I kissed her forehead at pareho kaming nahiga sa kama niya. "Someday, you'll understand all of these. Lahat ng mga nangyayari. Ipapaliwanag ko sa iyo lahat." Ngumiti siya sa akin. Tinuyo ko ang namamasa niyang pisnge gamit ang hintuturo ko.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Bumuga ako nang malalim na hangin, nakatalikod ako sa kanya, pinatay ko muna ang gripo at humarap sa kanya. Nakaputing t-shirt siya at itim na jogging pants. "Tungkol kanina, seryoso ako. Just stay here, kahit anong gusto mo gagawin ko...ibibigay ko. Just stay with us." Pagsusumamo niya sa akin. "Kung mananatili man ako sa bahay mo pinili ko iyon kase 'yun ang pakiusap ng anak ko." I can see that his eyes are sparkling. Mukhang masaya siya, umaliwalas ang mukha niya. "You're staying?" Hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. Tumango lang ako at humakbang na, gusto ko nang magpahinga. "Thank you." Mahinang sambit niya.
"Hindi ko sinaktan pa si Zeus, I punched him hard, yes, pero isa lang 'yun. Sorry for that, just don't run away again. I can do everything...anything just to make you stay." Ani niya. Hinarap ko siya. Puno ng sinsiredad ang mga mata niya.
"Bakit? Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?" Hindi siya sumagot, parang biglang umurong ang dila niya sa tanong ko. He's just looking at me intently, bumuka ang mga labi niya pero walang salitang lumabas doon. Anong pumipigil sa kanya para hindi magsalita?
Nang hindi siya nagsalita ay tumalikod na ako, mukhang wala naman akong mapapala sa kanya. "I'll come with you, Angel." Biglang bumilis na naman ang pintig ng puso ko nang tawagin niya ako sa pangalang siya lang ang tumatawag. Ito na ang pangalawang beses na tinawag niya ako sa pangalang Angel.
Habang naglalakad kami ay tahimik lang siya sa gilid ko, hindi rin ako nagsasalita. Wala naman akong sasabihin sa kanya. Nang matapat na kami sa pinto ng kwarto ko ay binuksan ko kaagad ito, gano'n nalang ang pagkagulat ko nang bigla niya akong hinatak at niyakap ng mahigpit. Nanlaki ang mga mata ko, agad na lumandas ang dalawang kamay ko sa dibdib niya. "Thank you for staying, Angel." Masuyo niyang hinalikan ang ulo ko.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko na naman maintindihan ang nararamdaman ko. Kay bilis na naman ng tibok ng puso ko, parang may mga kabayong nagpapaligsahan.
"S-sige." Nauutal kong wika. Mahina ko siyang itinulak, hindi naman siya nagmatigas pa. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin, hindi ko na siya tiningnan pa at agad na pumasok sa kwarto ko at naupo sa kama. Sapo-sapo ko ang dibdib ko.
Nagising ako nang maramdaman kong may humihila ng damit ko at parang may tumatalon sa kama ko. "Hmmm." Pagod kong iminulat ang mga mata ko. "Mommy! Mommy! Wake up! It's late." Naririnig ko ang boses ng anak ko, pilit kong iminulat ulit ang mga mata ko at nakita ko siyang tumatalon-talon sa gilid ng kama ko. "N-nak." Tawag ko sa kanya. She smiled at me. "You're awake na, Mommy. Ang tagal naman." Ngumuso siya at tumigil sa pagtalon, humalik siya kaagad sa pisnge ko. Yumakap ako sa kanya at hinalikan siya sa ilong. "It's late na po. 7 na po ng umaga." Ani niya. Ginulo ko ang buhok niya. Kahit ma malate akong gumising nar'yan naman si Manang Minda para magluto ng agahan namin. "I'm sorry. Napagod lang siguro ako." Bumangon na ako sa kama at agad siyang kumandong sa akin.
"Mommy, bilisan mo na po. Kakain na po tayo. Kanina pa ako gutom." Ngumuso ito ulit sa akin. I pinched her both cheeks. "Oo na mahal na prinsesa." She gigled. Tumayo na ako at pumasok na sa banyo, naghilamos ako at nagmumug. Mamaya ko nalang liligpitin ang pinaghigaan ko. Pagkatapos ko sa banyo ay lumabas na ako at sinuklay ang buhok ko, lumapit ang anak ko sa gilid at hinila ang laylayan ng damit ko. "Mommy, bils na kase. Maganda ka naman na po." Tumawa ako nang mahina at tinigilan na ang pagsuklay sa buhok ko. Mukhang gutom na gutom na talaga siya. Kinarga ko siya at lumabas na ng kwarto.
"Mommy, sa garden po muna tayo. Please." Tumango ako sa kanya, pumalibot sa batok ko ang isang kamay ng anak ko. Sa edad niyang limang taong gulang ay napakaliit niya kaya pupwede mo pa siyang buhatin at hindi rin naman siya kabigatan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa Garden, sumulyap ako sa anak ko. She's smiling again. Parang ang ganda-ganda ng gising niya a. "You seems very happy." Nakangiti kong wika. Tumango ito sa akin. "Yes, Mommy." She gigled.
"Hmm. Nakapagluto na ba si Manang ng breakfast, nak?" Umiling siya sa akin. "Wala pa po, Mommy, but don't worry may breakfast na po tayo." Kumunot ang noo ko. Hindi si Manang nagluto pero may breakfast na? Nag-order lang ba sila sa restaurant? Pero, ang aga pa naman yata. "Kung ganoon nag-order lang kayo nang breakfast?" Nagtataka ko tanong sa kanya. Umiling ang anak ko. "Isang magaling na chef ang nagluto ng breakfast natin, Mommy." She smiled sweetly. Tumango na lamang ako. Hindi impossible ang sinasabi ng anak ko. Angelo is a rich man, kaya niyang magpatawag ng chef kung kailan niya gusto.
Sa Garden ay may natanaw akong table na nasa gitna, pang tatluhan lang ito kase tatlong silya lang ang nakikita ko. Sa isang silya ay nakaupo na, si Angelo. Nagbabasa ito ng dyaryo. Napabuntong hininga ako. Ayaw ko sana siyang makita ngayong araw kaya lang paano namang hindi e, nasa iisang bahay lang kami at hindi ko matatanggihan ang anak ko. "Daddy!" Matinis na sigaw ng anak ko, agad na binaba ni Angelo ang binabasa niyang dyaryo at nilingon kami. Nang magtama ang mga mata namin ay agad itong ngumiti, nag-iwas ako kaagad ng tingin. Why is he smiling anyway? Baka sa anak niya lang naman siya nakangiti. Tumayo siya at sinalubong kami, agad na lumandas ang kamay niya sa bewang ko.
Nagulat man ay hindi ko ito pinahalata, nanatiling naglalakad lang ako na parang walang nangyari. Na parang hindi ako naapektuhan sa ginawa niya, na parang hindi lang kumabog ng malakas ang puso ko. "Good morning, baby." Bati niya sa anak. "Morning, Daddy." Balik na bati ng anak niya sa kanya. Deritso lang ang tingin ko at ang kamay ni Angelo ay naroon parin sa bewang ko nakapalibot.
"Angel...good morning." Bati niya sa akin. Tumango lang ako. Ayaw kong magsalita, as much as possible gusto ko ay tahimik lang ako. Ayaw ko man na maramdaman ng anak ko na iniignora ko ang ama niya ay wala akong pakialam. Ganito naman na kami noon pa.
Pinaupo ko ang anak ko sa bakanteng silya, pabilog ang mesa na narito sa Garden. May bacons, eggs, breads, rice, dalawang tasa ng gatas at kape. May vase din sa gitna na may tatlong puting rosas. Maganda ang pagkakatable setting nito. Pinag-urungan ako ni Angelo ng silya, nagulat ako na may isang pulang rosas ang nasa ibabaw ng plato ko. "Salamat." Mahinang wika ko. Ngumiti lang sa akin si Angelo at umupo na sa isa pang bakanteng silya. "Si Daddy ang nagprepare nito lahat, Mommy. Maaga pa siyang gumising para rito." Sabi nang anak ko. Napasulyap ako kay Angelo, nakatitig pala siya sa akin.
"Ikaw ang tinutukoy na chef ng anak mo?" Tanong ko. Chef din pala siya? "Yeah, you like it?" Kinuha niya ang isang tangkay ng pulang rosas at ibinigay sa akin. Ito ang kauna-unahang bulaklak na natanggap ko mula sa isang lalaki at galing pa talaga kay Angelo. "For you." Namula ako. Tinanggap ko ito. "Thank you." Halos pabulong ko nang sabi.
"Wow. Flowers! Sabi ni teacher kapag daw ang guy ay binigyan ang girl ng flowers that means na special daw si girl kay guy. Wow! Daddy, you like mommy?" Walang prenong sabi ng anak ko. Nanlaki ang anak ko. Nakangiti si M.A. habang nakatitig sa Daddy niya. "Of course, I like your Mom." Shit! Did I heard it right? Parang naging slow motion ang lahat, sinabi niya ba 'yun? Baka naghahalucination lang ako. Napatingin ako kay Angelo na titig na titig sa akin. He likes me? Ha! What the hell was that? Sinong niloko niya?
Pero...
Ayaw ko mang aminin, parang ang sarap pakinggan no'n mula sa kanya. Kase, kung totoo man ang sinabi niya. That means na hindi na siya galit sa akin and theres a possibility na papayag na siyang makilala ako ni M.A. na tunay na ina niya.
"Really, Daddy? Yehey!" Masayang sambit ng anak ko. Tumikhim ako. Pilit kong iwinawala ang nakaharang sa lalamunan ko, parang hinahalukay din ang tiyan ko. Ano 'to? Bakit may ganito akong nararamdaman? "Let's eat." Ani niya at nilagyan na ng kanin at bacons ang plato ni M.A., kukuhanin ko na sana ang plato na may kanin ngunit naunahan niya ako. Siya na mismo ang naglagay ng kanin sa plato ko. I bit my lower lip. "You should eat more." Seryosong wika niya at halos punuin niya ang plato ko, sinamaan ko siya ng tingin, tumaas lang ang kilay niya. Nilagyan niya rin ito ng bacons at eggs. Napailing na lamang ako.
Kasalukuyan kaming nasa sala ng anak ko, sabado ngayon at parehong walang pasok ang mag-ama. Usually kapag sabado ay half day lang sa opisina si Angelo, pero ngayon ay hindi raw siya papasok buong araw kase wala rin naman siyang masyadong gagawin. Mula sa taas ay bumaba si Angelo at tumabi ng upo sa akin, nasa kandungan ko nakaupo ang anak ko at hindi ko alam kung bakit tumabi siya sa akin nang upo. Marami namang bakanteng upuan. Ipinatong niya ang kaliwang braso niya sa sandalan ng sofa, kaya kapag titingnan mo kami ay akala mo ay nakaakbay siya sa akin.
"Daddy? Why are you here?" Takang tanong ng bata sa ama niya, "manonood, hindi ba pwede?" Sagot naman niya. So, nanonood din pala siya nang mga ganito? Nanonood kase kami ngayon ng Frozen dahil 'yun ang request ni M.A. "You're not watching this kind of movie, Daddy. You said its for kids lang ito." Napatikhim si Angelo, mukhang nahuli ng anak niya. Gusto kong matawa sa itsura niya. Mukha kase siyang nahiya. "People do change, baby." Sa akin siya tumingin ng sinagot niya ang anak niya.
People change? He changed? Kaya ba ibang-iba ang kinikilos niya ngayon sa akin? Kaya ba iba na ang pagtrato niya sa akin? Bakit hindi mo masabi ng deritso sa akin, Angelo? Bakit kailangan ko pang tanungin ang sarili ko kapag may bago kang ipinapakita sa akin? Katulad kanina, ang ginawa niya at ang sinabi niyang he likes me.
Nagkibit balikat lang ang anak niya at nanood na ulit ng palabas. Nag-iwas nalang ako nang tingin, maya-maya pa ay naramdaman ko na ang braso niya sa balikat ko. Naakbay na siya sa akin?
Nilingon ko siya pero tutuk na tutuk siya sa pinapanood niya, nakakunot din ang noo niya. I sighed at hinayaan ko nalang ang braso niyang nakaakbay sa akin.
"Wow! What a view!" Pareho kaming napalingon sa nagsalita mula sa likuran namin. Nanlaki ang mga mata ko. "Tita, pretty!" Tumalon ang anak ko mula sa pagkakaupo sa lap at sinalubong ng mahigpit na yakap ang bisita. Tumayo rin si Angelo at nakangiting yumakap sa bisita niya. Ako naman ay natigilan, nakatayo lang ako at hindi alam ang gagawin. "Mikaela." Tawag niya sa pangalan ko. Should I smile? Should I greet back? Should I call her name? Sa dinami-dami ng naiisip ko ay nanatili akong tahimik ngunit alam kong bakas sa mukha ko ang pagkagulat at hiya.