CHAPTER 39

1 0 0
                                    

ChapterThirtyNine ]
-------------------------------

                                   ~oOo~
Ngayon na ang huling araw namin sa beach resort na ito at pauwi na kami, we were just waiting for Elli kase nagbanyo pa siya. Nasa iisang van kami ngayong lahat, malaki ito at kasyang-kasya kaming lahat pati na ang mga gamit namin.
Maya-maya pa ay dumating na si Elli, umupo siya sa tabi ni Spencer. Napapagitnaan sana siya nina Spencer at Brent, kaya lang hindi iyon natuloy kase magdadrive si Brent. Bigla kasing nagkasakit ang driver sana namin ngayon, ayaw namang tumabi ni Lucas kay Brent sa front seat kaya tabi silang tatlo nina Spencer at Elli. Nakasimangot si Brent doon sa front seat pero tinawanan lang siya ni Spencer. "Ang sasama niyo!" Parang batang wika ni Brent. "Just drive, Brent. Dami pang satsat eh! Kung ayaw mo, ako nariyan!" Inis na wika ni Elli, mas lalong tumulis ang nguso ni Brent. Tumawa naman ng malakas si Spencer sa tabi ni Elli, si Lucas naman ay nakita kong ngumisi. Mukhang takot yata si Brent kay Elli ah. Nilingon kami ni Elli, "uy, Buenavista! Dito ka na lang, tabi kami ni Mika." Aniya. Umiling naman si Angelo at sumandig sa kinauupuan niya. Nakaakbay ito sa akin ngayon, nakasuot ng puting V-neck shirt at shorts lang si Angelo with sleeper's. Nakashades din ito.
"No, Torres." Sagot ni Angelo. Napairap si Elli. Tipid naman akong ngumiti, kahit pa siguro na sabihan ko kay Angelo na tabi nalang kami ni Elli ay hindi rin ito papayag. Para kaseng wala talaga siyang balak na humiwalay sa akin. He's been like this, so clingy. Minsan hindi ko na siya maintindihan. Umayos na ng upo si Elli since ayaw naman ni Angelo na tabi kami ni Elli rito sa likuran. Umandar narin ang van. Salamat naman at uuwi na kami, I miss my daughter. Gusto ko na siyang yakapin. Nakausap ko siya kagabi at sabi niya ay pareho na niya kaming namimiss ni Angelo. "Nag-eenjoy ka ba?" Sinulyapan ko nang mabilis si Angelo at tumango sa kanya. Gumuhit naman ang ngiti sa labi niya. "Someday, magbabakasyon tayong tatlo." Aniya at naramdaman ko ang pagdausdos ng kamay niya papunta sa bewang ko. Mahigpit niya itong hinapit papalit sa katawan niya.
Inilagay niya ang ulo ko sa dibdib niya, ang isang kamay ko naman ay pinayakap niya sa bewang niya. Napapikit ako. May mas malakas pa kaya sa kabog ng dibdib ko?
Gamit ang isang kamay ay hinaplos niya ang buhok ko while his other hand is making circles on my arms that is wrapped around his waist. "Sleep, Love. Matagal pa ang byahe." Bulong niya sa akin bago hinalikan ang bunbunan ko.
"Spence, I want to sleep." Rinig kong sabi ni Elli kay Spencer. Bahagya kong iminulat ang mga mata ko. Umunan si Elli sa balikat ni Spencer, yumakap naman si Spencer kaagad kay Elli para maging komportable ito. I saw Lucas looking at them with jealousy in his eyes, he gritted his teeth then he looked away. I closed my eyes. Hinding-hindi ko makakalimutan ang nangyari kagabi. Kaya pala hindi siya pinapansin ni Elli, kaya pala selos na selos si Lucas sa mga kaibigan niya. Kaya pala ibang-iba siya kung tumitig kay Elli at kaya pala kapag hindi nakatingin si Elli ay siya naman ang pagtitig ni Lucas kay Elli. Kaya pala. Ngayon, alam ko na.
"Don't mind them. Just sleep. Hmmm." Pabulong niyang wika. Umusod ako ng kaonti at niyakap siya para maging komportable ako at para hindi mangalay ang katawan ko. Pinatong niya ang baba niya sa aking ulo.
Pagkaraan ng dalawang oras ay nagising ako, matagal din pala akong nakatulog. Nakatulog narin si Angelo habang nakayakap sa akin, Hindi ko alam kung kanina pa ba siya tulog o bago lang. Inayos ko ang pagkakaunan ng ulo niya sa balikat ko, at ng maayos ko na ito ay mahina siyang umungol. Parang ayaw niyang ginagalaw siya, humigpit ang yakap niya sa akin at mas binaon pa ang ulo niya sa leeg ko. Nagpakawala ako ng malalim na hangin. "What?" Napatingin naman ako kay Lucas ng marinig ko ang inis na boses niya. Pinaunan pala ni Spencer ang ulo ni Elli sa balikat niya. "Ngalay na ako. Ikaw naman." Nakangising wika ni Spencer, sinamaan siya nang tingin ni Lucas pero umayos lang ito ng upo at nagcrossed-arms. "I'll be dead if she'll awake!" Ani Lucas. Napailing si Spencer. "You should be thankful kase tulog siya." Tinapik ni Spencer ang balikat ni Lucas at ipinikit na ang mga mata nito.
"Pasalamat ka may tiwala parin ako sa iyo, kailangan mong bumawi sa kanya. Ibang Elli na siya ngayon and I think, mas mabuti at mas maganda ang Elli ngayon kesa noon. Don't make the same mistakes again, dude." Nakita kong sobrang seryoso ng mukha ni Lucas at natulala ito, parang naninigas lang siya sa kinauupuan niya. After ng ilang segundo ay nakita kong gumalaw ang katawan niya, he slowly move and hugged Elli. He closed his eyes and kissed Elli's forehead. "I miss you, Leigh...so much." Hindi ko alam pero naiiyak ko. Rinig ko sa boses ni Lucas ang sobrang lungkot at sobrang pagkamiss niya sa babaeng kayakap. Mahigpit niya itong niyakap at ang walang ka alam-alam na si Elli ay nakayakap na din kay Lucas. Naluluha akong ngumiti ng napalingon si Lucas sa akin. He smiled at me too and I can see his watery eyes and it's getting reddish this time.
I saw them talking last night, hindi ko ni plano. Aksidente ko lang silang nakita na nag-uusap, I was curious kase parang nagtatalo sila and Elli was crying pero ramdam mo ang bahagyang galit sa boses niya at panunumbat.
"Yes, I was hurt. Makita mo ba naman na nagtatalik ang bestfriend at boyfriend mo noon, pero hindi ako bato na hindi nasasaktan. You betrayed me, the two of you!" 'Yan ang narinig ko nang aksidente ko silang nakitang nag-uusap. Elli was crying while saying those words. Samantalang si Lucas naman ay nakatayo sa harapan niya, nasasaktan din siya. Hindi ko alam ang buong pangyayari, but one things for sure. They were lovers before and Lucas cheated with Elli's bestfriend. "I know, that's why I want to talk to you! Pero, umalis ka! I never saw you again. I want to explain everything, I know nasaktan kita ng sobra. At alam kong hindi tama ang ginawa ko." Marahan na pinahid ni Elli ang luha sa pisnge niya. "Sorry? Fuck it! Hinintay kong sabihin niyo sa akin! I've waited f-for you to tell it to me! Pero, ano? Ilang beses pa naulit? Alam mo? Hindi mo naman talaga ako minahal eh! You were just after my body, pero, sorry ka. Hindi ako katulad ng iba na ibibigay ang virginity ko sa boyfriend ko mapatunayan lang na mahal kita." Nagtatagis ang bagang ni Lucas.
"I don't love you? Alam mong mahal na mahal kita!" Mapait na tumawa si Elli. "Mahal na mahal? You won't hurt the woman you love. You won't cheat on me kung mahal mo ako. Siguro, 'yun ang meaning ng pagmamahal sa iyo. Ang saktan ang ako." With that words, Elli left. Lucas never run after her, pero hinatid niya ito ng tingin while he's crying.
Sa likod pala ng mabuting puso, sa likod pala ng makulit at masayahing si Elli ay nagtatago ang sugatan niyang puso. Matagal na niya pala itong dinadala. How can she handle it? Bakit parang wala lang lahat sa kanya? Bakit parang hindi lang siya nasaktan ng ganoon noon? Hindi ba siya nakakaramdam ng bigat sa dibdib?
Pinagmasdan ko lang silang magkayakap, pero maya-maya ay dali-daling inusog ni Lucas si Elli papunta kay Spencer at doon pinaunan. Unti-unting gumalaw si Elli at umayos ng upo, inayos niya rin ang buhok niya. Habang si Lucas naman ay nagtutulog-tulogan. Lihim akong napangiti.
Kung alam mo lang sana Elli.
Hinaplos ko nalang ang buhok ni Angelo. "Spence! Gising na! Malapit na ako sa bahay." Bulong ni Elli kay Spencer, niyuyugyug niya rin ang balikat ni Spencer, ngunit hindi ito nagising. Nakangusong nilingon ako ni Elli. "Mika, kanina pa ba siya natutulog?" Nag-aalangan ako sa isasagot ko sa kanya, pero sa huli ay tumango nalang din ako. "Brent, dyan nalang ako sa SM." Aniya. Tumango naman si Brent kay Elli na nakatingin lang sa unahan ng salamin.
Nang nasa tapat na ng SM ay humalik si Elli sa pisnge ni Spencer, natutulog parin Ito. "Tulog mantika! Bye, Spence." Bulong nito at lumabas na ng van. Tinulungan naman siya ni Brent na ilabas ang mga gamit nito. "Angelo, malapit narin tayong bumaba. Gising na." Mahina kong niyugyug ang balikat ni Angelo. Hindi naman ako nahirapan sa paggising sa kanya. He opened his eyes at deritsong tumitig ito sa akin. Sandaling nalusaw yata ako sa kinauupuan ko. "H-hey, babe." Paos ang boses niya. Napatingin siya sa daanan. Binuksan ni Elli ang pintuan at lumapit sa akin. Humalik siya sa pisnge ko. "Bye, Mika. Hoy! Buenavista, ingatan mo si Mika. Gago ka pa naman!" Seryosong sabi nito kay Angelo na Akala mo ay bata ang kinakausap.
Umismid si Angelo. "No need to remind me. I know what to do." Sinamaan siya nang tingin ni Elli tapos binigyan niya ito ng pamatay na irap. Lumabas na ito ng van at tumayo doon sa kinalalagyan ng mga gamit niya. Nakita kong humalik ito sa pisnge ni Brent, bumalik naman kaagad si Brent sa van at nagdrive na ulit ito. "Musta ang tulog niya, dude? Ayos ba?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Spencer at umayos ng upo. "Gago! Bakit ka nanggugulat? Puta!" Halos matawa ako sa reaksyon ni Brent. Halatang gulat na gulat nga ito. "Pfffft." Pigil na tawa ni Angelo. "Ang nerbyuso mo talaga, Brent! You don't have balls?" Humagalpak ng tawa si Spencer. Nilingon ni Brent si Spencer  at sinamaan ito ng tingin at nagdirty finger habang nakatalikod. "Ulol!" Sigaw ni Brent kay Spencer, tawang-tawa parin si Spencer kay Brent. Mababaw talaga ang kaligayahan ni Spencer, actually, silang dalawa. Pansin ko kase na kapag sa mga kalokohan ay magkasundo sina Spencer at Brent.
"Ano na Lucas? Kamusta tulog niya?" Isang tipid na ngiti lamang ang sinagot ni Lucas at pumikit. "Sus! Kinilig ka, ano? Umamin ka!" Umusod si Spencer kay Lucas at niyugyug ang balikat niya. "Siraulo ka! Go back to your fucking seat, Spence!" Bulyaw ni Lucas kay Spencer. Tumawa naman ng malakas si Brent habang nagmamaneho, pasulyap-sulyap din ito sa salamin para makita kami rito sa likuran. "Kinilig ka nga! Namumula ang leeg mo. Gago ka! Libre mo ako ng chicks mamaya!" Napailing nalang si Lucas at sinapak sa balikat si Spencer. Hanggang sa nakarating kami sa bahay ni Angelo ay sobrang ingay ni Spencer at Brent, hindi nila tinatantanan si Lucas na palagi namang magkasalubong ang kilay sa sobrang inis.
"Mommy! Daddy!" Tumakbo si M.A. papunta sa amin, nasa gate palang kami. Agad akong napangiti. Sobra kong namiss ang anak ko. Binitawan ko ang isang bag na dala-dala ko at sinalubong ng yakap ang anak ko. Hinalikan ko kaagad siya sa pisnge niya. "Mommy! Namiss po kita!" Malambing na wika ng anak ko. Yumakap siya sa akin ng mahigpit at binigyan ako nang maraming halik sa buong mukha ko. "I miss you too, 'nak. Naging mabait ka ba habang wala kami?" Tumango siya sa akin at malapad na ngumiti. Naramdaman ko naman ang braso ni Angelo sa bewang ko at dumukwang siya para halikan ang anak niya sa noo. "Little girl, I miss you."Bumitaw si M.A. sa pagkakayakap sa akin at doon naman nagpakarga sa Daddy niya. "Bumigat ka yata?" Napanguso ang anak ko sa ama niya. "How's your school?" Tanong ng ama niya.
"School parin po." Ngumisi si M.A. sa ama niya at nagpeace sign. Kumunot naman ang noo ng ama niya. "I'm just kidding, Daddy. I always had stars and my quizzes were perfect." Ngumiti ang anak niya at hinalikan niya ang nakakunot na noo ng Daddy niya. Lumakad naman na si Angelo papasok ng bahay. "That's great, Princess." Hinila ni Angelo ang kamay ko at sininyasan ang mga katulong niya na kuhanin ang mga gamit namin. Nang makapasok kami ay lumapit agad ako kay Manang Minda at humalik sa pisnge niya. "Kamusta, anak?" Pagtatanong niya. "Okay lang naman po, kayo po rito? Si Mang Mario po?" Sagot ko at hinanap ng mga mata ko si Mang Mario, ngunit wala ito. "May pinabili lang ako. D'yan na muna kayo at may niluluto pa ako. Miss na kayo ng makulit na bata na 'yan." Turo niya sa kay M.A. na nakikipagkulitan na sa ama niya.
Lumapit ako sa kanilang dalawa. Umupo ako sa sofa sa harap nila. Binuksan ng mag-ama ang mga pasalubong na binili namin ni Angelo. "Daddy, 'yung pasalubong ko po na ni promised mo?" Nakangusong sabi ng anak ko. Kumunot ang noo ko. Wala namang na mention sa akin si Angelo na may pasalubong siya na pinangako sa anak niya. "It's on the way." Kumindat siya sa anak niya. "On the way? Pinadeliver niyo pa po ba, Daddy? Bakit hindi niyo pa po dinala?" Takang tanong ng anak niya sa kanya. Maging ako ay nagugulahan. "Ano ba ang gusto mo sanang pasalubong, Anak?" Umupo ako sa gilid niya. She is pouting her lips. Sobrang tulis na nito at parang naiinis na dahil hindi naibigay ng ama ang gusto niya. "Eh, kase naman, Mommy eh! Sabi ni Daddy!" She stomped her feet. Binalingan ko nang tingin si Angelo na nakangiti lang habang nakatingin sa anak niya.
Tumaas ang kilay ko. Halos magwala na ang anak niya tapos nakangiti lang siya? Hinila ko ang anak ko at inalo ito, nagtutubig na ang kanyang mga mata. "M-mommy, daddy is a l-liar." Humihikbing wika nito habang nakasubsub ang mukha niya sa t'yan ko. Hinaplos ko ang buhok ng anak ko at pinapatahan ito. "Ano bang pasalubong ang gusto niya?" Ngumisi lang si Angelo sa akin, inirapan ko siya. Mukhang nasisiyahan pa siyang nakikitang umiiyak ang anak niya. "Come to Daddy, princess. I'll tell you a secret." Hinila niya ang braso ng anak niya pero pumiglas ang bata. Malaki talaga siguro ang tampo niya sa kanyang ama. Sumilay na naman ang ngiti sa labi ni Angelo. He tickled his daughter at maya-maya pa ay nakakandong na si M.A. sa kanya. He wiped her tears using his thumb and kissed her both cheeks. "Daddy is not a liar, okay? It's on the way, medyo matatagalan lang ang pinangakong pasalubong ni Daddy, but it's worth the wait, princess, right?" Malambing na turan ng ama niya sa kanya.
Pinagmamasdan ko lang silang dalawa at ka'y hirap pigilan na mapangiti. Angelo really knows how to be sweet sa anak niya and M.A., she's the sweet type too. Hindi siya matagal magtampo, kakausapin mo lang siya mawawala na kaagad ang tampo niya. Parang ako lang noon sa mga magulang ko, though, hindi naman ako matampuhin talaga. May mga bagay lang talaga o mga panahon na magtatampo ka sa nga magulang mo.
Nakita kong may ibinulong na naman si Angelo sa anak niya at mataman namang nakikinig ang anak niya sa binubulong niya. Hindi ko ito marinig kahit pa na malapit ako sa kanilang dalawa. "T-talaga?" Aniya pagkatapos niyang marinig lahat ng ibinulong ng ama niya sa kanya. Kinurot ni Angelo ang pisnge ng anak niya at pinahid ang luhang natitira sa pisnge nito. Nilingon ako ni M.A., I gave her a light smile. Tapos, bumaling ulit sa ama niya. Kinandong ni Angelo si M.A. at umusog papalapit sa akin, "we'll give it to you, baby, soon." Nagtatakang tinitigan ko si Angelo, maybe, I'll ask him about the gift? Hindi ko naman kase talaga alam kung anong klasing gift ang hinihingi ni M.A., I'm sure sobrang gusto niya ang gift na 'yun kase iniiyakan niya talaga eh.
Umakbay sa akin si Angelo, while yumakap naman sa leeg namin ni Angelo si M.A.. "Thank you!" May munting sigla na sa boses ng anak ko. Yumakap ako sa anak ko and then I closed my eyes. Bumuntong hininga si Angelo at mahigpit kaming niyakap ng anak niya.
Kinagabihan ay maaga pa kaming umakyat ng kwarto para magpahinga, nauna akong naghalf bath kaysa kay Angelo. Nasa tapat ako ngayon ng salamin, I am combing my hair. After that, umakyat na ako sa kama. Hihiga na sana ako nang sa hindi sinasadyang napatingin ako sa calendar ss bedside table ni Angelo. Nang makita ko ang date na iyon ay nakaramdam ako nang sobrang kaba, I put my hand on my chest where my heart is located.
Next week..
Next week na mag-eend ang contract ko as a Nanny sa sarili kong anak, bakit hindi ko iyon napagtanto? Was that because I am enjoying my stay here? Was that because of my unexplained feelings towards Angelo? Bakit hindi ko man lang napaghandaan Ito?
Biglang umiinit ang sulok ng mga mata ko. I thought, kaya kong iwan ulit ang anak ko? Dapat sana ay sanay na ako, 'di ba? Why is it so hard for me to do it again? Nagawa ko na 'yun noon, 'di ba? Kaya dapat ay hindi na ako masasaktan. Dapat ay hindi na ako iiyak. Dapat...kaya ko na. Dapat...handa na ako.... Dapat..
And then my tears fell.
"Love? Tulog na tayo?" I secretly wiped my tears away. Nakatalikod ako kay Angelo kaya hindi niya nakikitang lumuluha ako. Hindi niya pa ako kinakausap about sa contract, siguro ay nakalimutan niya rin. Pero, handa na nga ba ako? Iiwan ko ulit ang anak ko.
Mabilis ang naging galaw ko, nakahiga na ako ngayon sa pwesto ko. Kinumutan ko ang sarili ko. Halos ibaon ko ang mukha ko sa unan at gustong maiyak na lamang, ngunit hindi. "You're tired? Hmmm." Hinalikan niya ang balikat ko. Tumaas ang mga balahibo ko. Mahina na lamang akong tumango sa kanya kahit na nakatalikod ako sa kanya. Umusog siya papalapit sa akin at agad na yumakap sa bewang ko. "Sleep tight, Love." Bulong niya at binaon ang ulo niya sa batok ko.
Love....
Bakit love ng tawag niya sa akin? Bakit ganoon? Ang endearment ay para lamang sa mga magkaibigan at lovers o sa mga kakilala mo na komportable ka, pero, bakit siya, Love ang tawag sa akin? Hindi naman pupwedeng wala lang 'yun, hindi ba? May meaning kung bakit ganoon. At ito, bakit kami magkatabi? At sa beach, ang nangyari sa amin. Hindi isang beses lang nangyari iyon. Ilang beses niya akong inangkin at wala man lang pagtutol akong naramdaman sa sarili ko.
At kahit hindi niya man sabihin, alam ko, kung ano man ang nangyari....kung ano man ang pinagsaluhan namin doon. Hindi iyon katulad noon, ibang-iba at may lambing. At masakit mang aminin, siguro, sa katangahan ko na rin ay naniniwala ako sa mga binitawan niyang salita. Naniwala ako sa mga actions niya.
Bakit mo ginugulo ang puso't isipan ko, Angelo?
"Malapit na palang mag-end ang five months contract ko as a Nanny kay M.A." My voice wasn't straight. Pilit ko lamang pinatatag para hindi halata ang pagkakautal ko.
Silence filled us. Pero, naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya sa sinabi ko. Bakit ang hirap huminga?
"A-angelo." This time, hindi ko na napigilan ang pagkakautal ko. I'm scared of what he will say. Scared of what, Mika?
I don't know! Hindi ko rin alam kung bakit ako natatakot sa isasagot niya.
"You'll still my daughter's Nanny and you will end your contract on the same date you started, sweet haven will still have my sponsors. You can go back to the orphanage after that same date." Halos pinagbagsakan ako nang langit at lupa sa narinig ko, akala ko...shit! I smiled bitterly. All this time? Pakitang tao lang lahat ng iyon? Ang mga sinabi niya, ang mga kilos niya...bakit? Umasa ba ako? Fucking hopes!
I never assumed, I mentally disagree, or I assumed secretly?
"B-bakit? Bakit A-angelo?" Pinigilan kong huwag humikbi. I bit my lower lip, it's trembling. My heart is broken into pieces again, for what? Kase iiwan ko ulit ang anak ko? O may iba pang dahilan? "We had a deal. A deal is a deal and our deal has it's expiration." Malamig niyang wika. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin, I immediately faced him but nakatayo na siya at mabilis na nakalabas ng kwarto niya.
Kinaumagahan ay walang Angelo na bumungad sa akin pagkagising ko, dati-rati ay siya ang gumigising sa akin sa pamamagitan ng kanyang mga halik, pero ngayon, nagising akong mag-isa. Dapat ko bang ikatuwa 'yun? Dapat lang! Pero, bakit yata hinahanap-hanap ko 'yun ngayon? Dahil ba sa nasanay na ako? Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko, hindi dapat ako masanay.  Napailing ako. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga, pagkatapos kong maghilamos at magsipilyo ay bumaba na ako. Tiyak, naroon na ang anak ko sa baba.
At hindi nga ako nagkamali, she's siting alone sa harap ng hapag kainan. May mga nakahandang pagkain naroon at wala pang bawas ang mga ito. Lumapit ako sa kanya, nasa kandungan niya ang stuffed toy niyang si Spongebob na konting-konti nalang ay mas malaki na ito sa kanya. Nakanguso itong nakatitig sa mga pagkain. Sumilay ang munting ngiti sa labi ko. Ang cute niya talaga.
"Good morning!" Masiglang bati ko sa kanya. "Morning, mommy. Bakit wala raw si Daddy?" Mas tumulis pa ang nguso nito, tila nagtatampo. Napatikhim ako at umupo sa tabi niya. "Baka may importanting pinuntahan lang, kain na tayo?" Aya ko sa kanya. Tumango ito sa akin. Tinawag ko si Manang Minda para sabay na kaming kumain.
Lumipas ang dalawang araw na ganoon ang set up namin ni Angelo, hindi ko alam kung bakit hindi siya natutulog sa kwarto niya. Uuwi lang siya para makita ang anak niya at kapag nasigurado na niyang natutulog na ito ay 'yun naman ang pag-alis niya. Hindi rin siya kumakain dito, pati si Manang Minda ay nakakahalata na rin, ngunit tahimik lang siya. Hindi rin siya nagtatanong kay Angelo at mukhang si M.A. lang talaga ang hindi nakakahalata, he will just explain kung bakit parati siyang wala and then hindi na nagtatanong ulit ang anak niya. Pero, duda ako. Simula ng magtanong ako about sa contract ko ay dumistansya na siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. He won't talk to me, nor glance at me.
At may parte sa akin na nalulungkot. Hindi ako sanay na ganoon siya sa akin, kase ibang Angelo ang nakasama ko noong mga nakaraang araw at buwan. He was caring, sweet and he can be possessive if he wants. Ibang-iba noon na palagi akong sinasaktan at malamig ang pakikitungo.
I wonder why kung bakit bigla-biglang nag-iba siya. Aminado akong namimiss ko siya, namimiss ko ang mga sweet gesture niya at higit sa lahat ang pagtawag niya sa akin ng mga pangalang siya lang ang may gusto.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Miss." Napalingon ako sa nagsalita sa gilid ko. May tatlong lalaki na pormal ang mga suot, ang isa ay nakaupo sa tabi ko habang ang dalawa naman ay nakatayo sa magkabilang gilid ko. Nagtataka ko silang tiningnan. "Bakit?" Takang tanong ko. Nasa isang waiting shed ako ngayon, naghihintay ng jeep pauwi sa bahay ni Angelo. Ako kase ang nag-grocery, nagcommute lang ako dahil pinagdadrive ni Mang Mario si Angelo ngayon, may pupuntahan daw silang site. "I would just like to ask if we can accompany you? We have a car over there." Tinuro niya ang isang itim na mini van sa kabilang kalsada. Napatingin ako roon at tama nga siya, may tao sa driver's seat. Kumaway pa ang lalaki roon at malagkit na tumitig sa akin. Halos manindig ang mga balahibo ko.
"Huwag na, kaya ko naman." Naiilang na sabi ko. Mabilis akong napausod ng upo ng hinaplos ng katabi kong lalaki ang braso ko. "Ano ba!" Inis na sabi ko. I stood up at akmang aalis na sana ng mahigpit na hinablot ng katabi kong lalaki ang braso ko. Mabilis kong sinipa ang isang lalaki sa gilid ko. Napadaing ito. Noong makawala ako sa pagkakahablot ng lalaki sa akin ay mabilis akong tumakbo papalayo pero sadyang malas ko lang talaga dahil mabilis nila akong nahabol. Anong laban ko sa apat na lalaking ito?
"Bitawan niyo ako!" Sigaw ko. Gusto ko sanang humingi ng tulong ngunit walang tao ngayong dumadaan. "Bitch! Sasama ka sa amin!" Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nila sa akin pero sobrang lakas nila. Naiiyak na ako. Saan nila ako dadalhin?
May naramdaman akong may kuryenteng dumampi sa leeg ako, unti-unti akong nanghina. Nakita ko silang ngumiti, ngiting aso. At doon na pumatak ang luha mula sa mata ko, sabay noon ang pagpikit ng mga mata ko.

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now