CHAPTER 22

1 0 0
                                    

ChapterTwentyTwo ]
-------------------------------

~oOo~
Maaga pa akong nagising para magluto ng agahan, hindi ko alam kung ano ang kinakain nila sa umaga kaya nagluto nalang ako ng itlog ham at hotdogs. 'Yun naman kase kadalasan ang kinain kapag breakfast, hindi ba? Tulog pa siguro si Manang Minda kase wala pa siya sa kusina, nagsaing narin ako habang nagluluto ako. Nagtimpla muna ako ng gatas para inumin ko.
Nakasandal ako sa kitchen sink habang umiinom ng gatas ko, nakaharap ako sa pintuan. Muntik ko nang mabitawan ang baso ng gatas ng makita kong pumasok si Angelo sa kusina, magulo ang buhok niya. Mukhang kakagising niya lang. Wala siyang damit pang itaas, naka pajama lang ito na kulay itim. Agad akong nag-iwas ng tingin. "G-good morning po." I manage to say. Mabilis kong inubos ang gatas ko, mabuti nalang at hindi na ito mainit.
Tiningnan lang ako nito at dumeritso sa fridge to get some water. Tumalikod nalang ako at hinugasan ang baso na ginamit ko. Naramdaman ko nalang na may tao sa gilid ko kaya napaharap ako, si Angelo lang pala. Inilagay niya ang baso sa gilid ko para mahugasan. "Make me a coffee." Matipid na sabi niya bago umalis. Napabuntong hininga ako at nagsimula na siyang timplahan ng kape.
Pagkatapos kong matimpla ito ay pumunta na ako sa dining area, nakaupo siya sa bakanteng upuan at nagbabasa ng dyaryo. Inilapag ko ang kape niya sa harap niya. "Ayan na po ang k-kape." Ibinaba niya ang dyaryo na binabasa niya at sinulyapan ako, kinuha niya ang kape at hinipan ito bago ininom. Napalunok ako, sana magustuhan niya. Nakatayo lang ako sa gilid ng lamesa, pagkatapos niyang sumimsim sa kape ay tinitigan niya ang loob ng baso. Kinabahan ako, baka pangit ang lasa? Hala! Baka pagalitan niya ako!
Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya, nagustuhan niya kaya? Nilagay niya ng tasa biya at nagbasa na ulit ito ng dyaryo. Umupo ako sa isa pang bakanteng upuan, may gusto akong itanong sa kanya. "Uhhm. May itatanong sana ako, k-kung pwede?" Ibinaba niya ulit ang dyaryo niya at seryoosng nakatingin sa akin. Hindi naman siya nagsasalita, nakatitig lang siya sa akin. "Aah. Itatanong ko lang sana kung nag-aaral na ba si M.A.?" Pagtatanong ko. Hindi ko naman kase siya natanong tungkol dito, pati narin si Manang Minda. "Of course, prep na siya. Mamayang 2 p.m. ang pasok niya." Seryosong sabi niya at nakakunot pa ang noo niya. Napatango nalang ako.
"Sige, s-salamat. Ihahatid k-ko siya mamaya." Sabi ko at napalunok ulit. Nanny niya ako kaya dapat hatid sundo ko siya at kailangan kong ihanda ang mga bagay na kakailangan niya. Tumayo na ako sa pagkakaupo. "Ihahatid kayo mamaya ni Mario sa school niya, 5 p.m. ang uwian ng anak ko. You can go home after mo siyang mahatid sa school then sunduin niyo nalang ulit before 5." Sabi niya sa akin habang ang mga mata niya ay nakatuon sa dyaryo na binabasa niya. "Okay po." Sagot ko sa kanya. Ibinaba niya ang dyaryong binabasa niya at nakatiim bagang tumitig sa akin. Nagulat ako. Titig na titig ito sa akin. "Stop using the po word to me." Inis na sabi nito. Galit na naman siya? Abo ba ang mali sa sinabi ko? Amo ko siya kaya dapat lang na galangin ko siya by using the po and opo.
"S-sorry, sir." Tumalim ang titig niya sa akin. Nanlamig ako. Galit na naman siya! Ano ba ang ginawa kong mali? "Stop calling me the shit word! Not po, not sir! Call me Angelo, just my name!" Nakakuyum ang kamao niya. Nagulat ako. Napaatras ako ng isang hakbang. Galit niya akong sinigawan. "Sige, A-angelo." Nauutal kong turan bago tumalikod at nagmamadaling umalis sa harapan niya. Lahat nalang ba ng sinasabi at ginagawa ko ay mali para sa kanya? Mabibigat ang paghinga ko pagkarating ko sa kusina.
"Ang aga mo pa, anak." Sabi ni Manang Minda, ngumiti lang ako sa kanya at ni check ang sinaing ko. "Nasanay na po eh." Sagot sa kanya. "Nagtimpla ka nang kape ni Angelo?" Tanong niya sa akin habang tinitingnan ang mga naluto ko na. "Opo, Manang. Nagpatimpla siya. Bakit po?" Takang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at lumabas na dala ang ilang naluto ko na, ilalagay na niya siguro sa lamesa sa labas.
"Good morning, family!" Matinis na sigaw ni M.A. mula sa hagdan, nagmadali naman siyang bumama at pumarito sa dinning area. Humalik kaagad siya sa ama niya sa pisnge. "Good morning, baby. How's your sleep?" Malambing na tanong ni Angelo sa anak niya. "Great po! I had a dream, Daddy! Mommy is smiling at me." Muntik na akong masamid sa sariling lawako, nasa gilid lang ako ng mesa ng sabihin niya iyon. "Really? She said something to you?" Curious na pagtatanong ni Angelo. M.A. smiled sweetly, lumalabas na naman ang dalawang malalalim na dimples niya. "Of course, Daddy! She said that she'll be back soon." Nakangiti niyang turan. Napangiti rin si Angelo sa sinabi ni M.A., sino kayang Mommy ang tinutukoy ng anak ko? Bigla akong nalungkot. Iba ang nanay na nikikilala niya, hindi ako. "That's good to hear young lady." Humalik si Angelo sa noo ng anak niyang kanina pa nakangiti.
Tatalikod na sana ako para pumunta sa kusina ng ngumiti sa akin si M.A. "Hi! Good morning!" Napakahyper naman niya, ganito ba siya tuwing umaga? Ngumiti ako sa kanya. Bumaba siya sa pagkakaupo niya sa silya at lumapit sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan, ano namang gagawin niya? "I'll kiss you po." Nakanguso niyang sabi. "H-huh? Huwag na." Nahihiya kung sabi. Nakatingin sa akin si Manang, parang sinasabi ng mga mata niya na sundin ko ang anak ko. "Sabi ko po iki-kiss po kita." Inosenting sabi niya. Wala na akong nagawa, lumuhod ako para magpantay ang mukha namin. Humalik siya sa magkabilang pisnge ko at lumapit kay Manang Minda. "Morning, Yaya Nana." Sabi niya at humalik din kay Manang Minda. Nakaugalian na niya siguro ang humalik sa mga panauhin dito sa bahay nila.
Napangiti ako, napalaki nga talaga siya nang maayos ni Angelo. Magalang ito at sobrang bait, napakamasayahin at pala ngiti.
Nasaan na kaya si Sophia? Hindi ba't ang sabi ni Angelo na bubuo sila ng pamilya ni Sophia? Bakit wala naman siya rito? Siya kaya ang tinutukoy ni M.A. na Mommy niya? Na uuwi na ito? Nasa ibang bansa kaya siya? O baka may iba ng kinakasama si Angelo? O baka may kasintahan na ito? Marami akong tanong sa isipan ko na hindi ko namang kayang itanong. Wala akong makitang litrato ni Angelo na may kasama siyang babae. Wala rin naman siyang wedding ring na suot-suot. Posible bang wala na sila ni Sophia? Puro litrato lang kase ni M.A. ang makikita ko rito, mula noong babay pa siya hanggang sa paglaki niya. Wala ring nababanggit na pangalan si M.A. na Mommy niya, pati sila Manang Minda at Mang Mario ay wala ring nababanggit na may asawa na si Angelo.
"Kain na po tayo!" Masiglang sabi ng anak ko at hinila ako nito paupo. Katapat ko siya at nasa gilid ko si Angelo, si Angelo kase ang nasa gitna. Nahihiya man ay sumunod nalang ako sa kanya. Sino ako para tanggihan ang anak ko? I want her to be happy, kahit sa mga simpleng bagay lang na gusto niya. Kagaya ng ganito, hindi ko man masabi sa kanya na ako ang tunay niyang Ina at least maiparamdam ko naman sa kanya ngayon, kahit sa tatlong buwan lang na pananatili ko rito sa bahay ng Ama niya. "Ikaw po ba ang maghahatid sa akin at susundo mamaya sa school?" Tanong ni M.A.. Tumango ako sa kanya, "saan ka nag-aaral?" Tanong ko. Ngumiti siya sa akin bago magsalita. "Sa Eastwood Academy po, Prep na po ako." Ani niya. Napangiti ako. Sa Eastwood Academy din ako nag-aral noong college pa ako eh. "Behave anak, huh? Don't make Daddy have a headache, okay?" Sabi ni Angelo sa anak niya. Ngumiti na naman si M.A. sa kanya, palangiti talaga siya. "Of course, Daddy! I'm a good girl nga eh! Tapos you said to me if I will be a good girl, Mommy will come home." Sagot naman niya sa Daddy niya. Gustong-gusto kong magtanong kung sino ang Mommy na tinutukoy ng anak ko ngunit alam kong wala akong karapatan. Iniwan ko siya, at sa pag-iwan ko dapat tanggap ko na na iba na ang kikilalanin niyang Nanay. Napayuko ako at kumain nalang.
"She will, anak." Ani Angelo, binilisan ko nalang ang pagkain para makaalis na ako rito. Ang sakit kasing isipin na iba ang kinikilalang nanay ng anak mo, hindi ko naman siya masisisi kase wala ako sa tabi niya. Hindi ko naman maisusumbat kay Angelo ito kase nagkaroon kami ng kasunduang dalawa na hindi man lang ako sumang-ayon, siya lang ang may gusto ng kasunduang iyon. Nanatili ako noon para kahit sa isang taon lang ay makasama ko ang anak ko, kahit ganoon lang kadali, tapos ngayon may bago na naman kaming kasunduan. This time sumang-ayon na ako na labag sa loob ko, ni blackmail niya ako para pumayag ako kaya wala akong magagawa.
Sumapit ang hapon na kailangan ko nang ihatid si M.A. sa eskwelahan niya, nang pumasok ako sa kwarto niya, which is ang kwarto niya noong baby pa siya ay nakaramdam na naman ako nang kakaibang lungkot, 'yung lungkot na may kasamang sakit. Parang hinahati ang puso ko sa dalawa. Sa kwartong ito, dito ako palaging natutulog para bantayan ang sanggol na M.A., dito ko siya palaging kinakantahan, inaaliw at higit sa lahat dito ako umiiyak noon kapag masama ang loob ko. Kapag hindi ko na kaya ang mga pinaggagawa sa akin ni Angelo, pagkatapos niya akong saktan ay dito ako palaging dumederitso at umiiyak habang yakap yakap ko ang anak ko. Biglang tumulo ang butil ng luha ko. Hindi ko pa talaga kaya, napakasakit parin ng lahat ng nangyari sa akin noon pero masaya naman ako dahil sa anak ko. Siya lang kase ang nagpapasaya noon sa akin sa tuwing nasasaktan ako, siya lang ang pinagkukunan ko nang lakas ko.
"Why are you crying po?" Malungkot na tumitig sa akin ang anak ko. Naka uniform na ito at napakacute niya sa uniform niya. Bagay na bagay ito sa kanya. Mabilis kong pinahid ang luha sa pisnge ko at umiling sa kanya. "Wala ito! Halika, suklayin natin ang buhok mo." Kumunot ang noo niya, para bang hindi siya naniniwala sa akin. 'Yung mga titig niya, ang lalim. Parang sa ama niya lang. Hinila ko siya at pinaupo sa harap ng salamin niya, hinila ko rin ang isa pang upuan at ipwenisto iyon sa likuran niya at nag-umpisa ng suklayin ang maiitim at mahaba niyang buhok. Napakalambot nito at straight na straight.
"Malungkot ka po rito? Ayaw mo ba sa akin?" Nagulat ako sa tinuran niya, nakatitig siya sa salamin. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hinaplos ko ang buhok niya. "Masaya ako na narito ako, bakit mo naman naisip na ayaw ko sa iyo?" Sabi ko sa kanya. "K-kase po, I saw you crying earlier. Sad ka po ba? Do you miss them po? 'Yung mga bata sa Orphanage?" Ngumiti ako sa kanya. Namimiss ko sila Sisters, lalong lalo na ang pagtuturo sa mga bata, pati narin ang mga kaibigan ko roon. Si Tammie, namimiss ko narin siya at parin narin si Luke. Namiss ko ang pangungulit sa akin ni Luke. Na miss ko silang lahat. "Namimiss ko sila, doon na kase ako nakatira eh. Parang pamilya ko na silang lahat." Paliwanag ko sa kanya. Kinagat niya ang ibabang labi niya. Parang may pinipigilan siya. "W-we can be your family. I can be your family." Mahinang sambit niya. Malungkot ang kanyang tinig. Nakaramdam din ako nang lungkot. Niyakap ko siya nang mahigpit. "Edi family na tayo." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Really? Daddy too?" Sabi niya. Her eyes are sparkling, parang ang saya saya niya. Hindi ako makahindi si sinabi niya, all I can do is to smile and nod at her. Sinuklay ko na ulit ang buhok niya. Ni braid ko ito. She looks happy. "Si Daddy palaging pino-pony tail ang buhok ko, pero ikaw you braid it. Ang galing!" Pumalakpak siya at pinaglaruan ang buhok niya. I just smiled at her. "Si Daddy mo kase lalaki siya, hindi naman nila alam ang ganyang bagay, but at least he tried, diba?" Sabi ko sa kanya. Tumango tango ito sa akin. "H-hindi ba marunong ang Mommy mo magbraid ng buhok? Nasaan na siya?" Hindi ko napigilan ang magtanong sa anak ko. Kahit na ayaw ko sa magiging sagot niya ay nagtanong parin ako. Gusto ko lang namang malaman. "My mom? She's not here yet, but daddy said she'll be home. I don't know when. Alam mo bang my mommy is very beautiful? She's very kind and she loves me so much." Kumikinang ang mga mata niya habang ibinibida ang nanay niya sa akin.
Gusto kong sabihin na mas mahal ko siya kesa sa pagmamahal na ibinibigay ng kinikilala niyang Mommy, na mas mahal ko siya higit kanino man. Gusto kong magpaliwanag ngayon sa kanya kung bakit ako umalis noon. Gustong-gusto ko 'yung gawin pero hindi pupwede. Hindi pa ito ang tamang panahon.

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now