CHAPTER 30

9 0 0
                                    

ChapterThirty ]
-------------------------------

                               ~oOo~
Kinaumagahan ay mugtong-mugto ang mga mata ko, nangingitim din ang ilalim nito. Para akong zombie. Pagod na pagod din ang buong katawan ko at masakit ang ulo ko. Hindi ako bumaba para kumain. Hindi ko alam kung alam ba ni Manang Minda ang nangyari kagabe sa pagitan namin ni Nathalie.
"Anak? Bakit hindi kapa bumaba?" Pumasok si Manang Minda, may dala-dala siyang tray na may lamang pagkain. Bumangon ako at sumandal sa maliit na headboard ng kama ko. "Sinabi sa akin ni Angelo ang nangyari, nagkasagutan daw kayo ni Nathalie?" Tumango ako kay Manang. Hindi narin ako nagsalita pa. Alam narin naman niya at wala pa ako sa mood para magsalita. Gusto ko lang na tumahimik ako. Kahit isang araw lang, kahit ngayon lang. "Pinadala ni Angelo rito ang pagkain mo." Nag-iwas ako nang tingin kay Manang at napatitig sa mga pagkain.
Wala akong ganang kumain. Umiling ako kay Manang. Gusto ko lang matulog, sana. Ayaw kung bumaba baka makita ko sila ni Angelo at Nathalie, ayaw kong makita na masayang-masaya ang anak ko kapag kasama niya si Nathalie. Ayaw kong makita na isa silang masayang pamilya habang ako ay nasasaktan. Nakapagpasya na ako, babalik na ako sa orphanage. Total masaya naman na ang anak ko sa bago niyang Mommy. Hindi na ako maghahabol sa anak ko, siguro, balang araw sasabihin din nila sa anak ko ang totoo at sana sa araw na iyon ay handa na ako sa pupwedeng mangyari.
"Iiwan ko lang ito rito sa mesa, huh? Kumain ka anak at kapag ayos kana, kung handa kanang ikwento sa akin ang lahat para gumaan ang pakiramdam mo, alam mong nandito lang ako. Mula noon anak alam mong palagi lang akong narito para sa iyo." Ngumiti si Manang sa akin at hinalikan ako sa ulo. "S-salamat po." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para hindi maiyak, pilit din akong ngumiti sa kanya. Tumayo na ito at lumakad na palabas ng kwarto. Humiga ako patagilid, nakatalikod sa pintuan. Napatulala ako. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana, mabuti nalang at hindi ko iyon naisara kagabi, ang mga ibon ay malayang nakakalipad, ang mga sanga ng puno ay malayang gumagalaw kapag umiihip ang hangin...mabuti pa sila.
Sana darating ang araw na maging malaya narin ako sa lahat. Malaya sa sakit.
Nagpakawala ako nang malalim na hangin.
"It's late, bakit hindi kapa bumaba? I asked Yaya to brought your meal here, yet you're just lying down here." Narinig ko ang baritonong boses ni Angelo sa likuran ko. Hindi ako kumibo. Ano bang pakialam niya kung kumain man ako o hindi? Wala naman siyang pakialam sa akin dahil galit siya sa akin, gagawin niya ang lahat para saktan ako. "You should eat." Nagtama ang mga mata namin ni Angelo ng pumunta siya sa harapan ko. Mataman niya akong tinititigan, umupo siya sa gilid ng kama ko. Nagulat ako. Anong ginagawa niya?
Kinuha niya ang tray at inilagay sa kandungan niya, kumunot ang noo ko. "I'll feed you if you don't want to eat." Seryoso niyang sabi at nag-umpisa ng galawin ang kutsara at tinidor. "Wala akong gana." Sabi ko. Tumalikod ako sa kanya ng higa. Bakit ba nandito siya ngayon? Ano ba ang ginagawa niya rito? Hindi ko siya maintindihan.
"Don't you dare turn your back on me!" Matigas tinig niya. Pigil ang pagsigaw niya. Umiling lang ako sa kanya.
"Gusto ko nang bumalik sa Davao, doon sa orphanage. Ikaw na ang bahala kung gusto mong i pull out ang pera na itinutulong mo sa Sweet Haven, Zeus will help me." Sabi ko. Bahala na, ang sabi naman sa akin ni Zeus ay handa niya akong tulungan kapag humingi ako nang tulong sa kanya. Isa ring makapangyarihang tao si Zeus, marami siyang negosyo na pinapatakbo. Nalaman ko ang lahat ng mga 'yun noong dinadalaw niya pa ako. Inilagay niya sa mesa ang tray at galit na tinitigan ako.
"That asshole? Fuck! No ones gonna leave this goddamn house! Hinding-hindi kana makakabalik sa Davao and you're not gonna talk to that guy!" Galit na galit niyang salita. Bumangon ako mula sa pagkakahiga. "At bakit hindi? 'Wag kang magpasya na para bang ikaw ang may hawak ng buhay ko! May desisyon din ako! Ayaw ko rito! Ayaw ko sa iyo!" Halos habulin ko ang hininga ko. Mabilis na tumaas baba ang dibdib ko. He's eyes darkened. "You'll gonna leave your child again? Ha! That's bullshit! Hindi pa ba siya sapat para hindi ka umalis?" Bakit puno ng hinanakit ang boses niya kung magsalita siya? Bakit pakiramdam ko ay galit siya sa akin dahil sa umalis ako noon? Siya pa ang galit? Siya pa?
Sa unang pagkakataon sinabi niyang anak ko si M.A.. Sa kanya mismo ng galing ang mga katagang 'yun, tanggap na ba niya na ako ang ina ng anak niya? At ngayon gagamitin niya ang anak ko para manatili pa rito? Para ano pa? Sapat ng nakasama ko siya, sapat ng may panandaliang kasiyahan akong nadarama at sapat naring labis akong nasaktan ulit. Hindi naman ako sobrang tanga at manhid na tatanggapin nalang ang lahat, tama na ang noon at tama na ang sa ngayon.
"Iyon naman dapat ang mangyari, hindi ba? Pagkatapos ng tatlong buwan ay aalis din naman ako, babalik din naman ako sa Davao. Sapat ng nakasama ko ang anak ko. Sapat na iyon." Mahina ang boses ko. Ayaw ko nang makipagtalo. Gusto ko lang malaman niya ang gusto ko. "Maghanap ka nalang ng bagong magbabantay sa kanya. Bukas na bukas ay aalis na ako." Hinaklit niya ang braso ko, napadaing ako sa sakit. Nanlilisik ang mga mata niya. "You'll never gonna leave this house, not today, neither tomorrow." Hinawakan ko ang kamay niya para ikalas ang pagkakahawak niya sa braso ko, ngunit napakahigpit ng pagkakahawak niya sa akin.
"Nasasaktan ako! Bitawan mo ako, Angelo!" Impit na sigaw ko. Napangiwi ako. Ang sakit-sakit! "Alam mong noon palang ay akin kana, kaya hindi ka na makakalayo sa akin." Nanlamig ako sa tinuran niya. ilang beses ko nang narinig noon sa kanya na sinasabi niya sa akin na sa kanya lang daw ako. Umiling ako. "Mga magulang ko lang ang nagmamay-ari sa akin! Ano ba!" Nagpupumiglas ako pero ayaw niya akong bitawan. Tumulo na naman ang luha mula sa mga mata ko. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin, binasa niya ang pang-ibabang labi niya. "Unfortunately, they died already. Akin kalang." Bulong niya sa tenga ko at marahang hinalikan ang pisnge ko. "Always remember that, milady." Halos lahat ng balahibo ko sa katawan ay nanayo. His voice is too husky when he whispered those words in my ears.
Hindi ko na namalayan na wala na pala siya sa tabi ko, ilang beses akong napakurap ng mga mata ko. Babalik na naman ba kami sa dati? Hindi ako makakapayag! Kailangan ko nang lakas kaya bumangon ako at kumain, inubos ko ang pinadala niyang pagkaon sa akin.
Sinisigurado ko, I swear to God. Kapag sinaktan niya pa ako physically, hindi ako magdadalawang isip na lumaban sa kanya. Hindi na dapat ako bumalik sa Mika na palagi nalang umiiyak at walang ginagawa, kukuha lang ako ng tyempo, aalis din ako sa bahay na ito.
Pagkatapos ng araw na nagkausap kami ni Angelo ay nagpaplano na ako kung papaano tumakas sa bahay niya, lahat ng gamit ko ay nakaayos na. Nasa bag ko na lahat, ang kulang nalang ay kung paano ko tatakasan ang mga bantay niya sa bahay niya. Lampas bente silang lahat kaya mahihirapan talaga ako sa pag-alis. Palagi lang akong nasa kwarto ko, hindi ko na nakikita ang anak ko, si Angelo kahit na si Nathalie.
They were not bothering me, ni hindi nga sila nagagawi sa kwarto ko. Lumalabas lang ako kapag oras na ng pagkain, palaging nagtatanong si Manang at Mang Mario sa akin pero nanatiling nakatikom ang bibig ko.Sa lahat ng sulok ng bahay ni Angelo ay may bantay, lahat ng mga mata nila ay nasa akin lamang. Ano bang problema nila? Akala ba nila magnanakaw ako nang mga gamit dito sa bahay ng amo nila? But, I know the truth, pinababantayan ako ni Angelo. Ganoon ba siya katakot na umalis ako ulit?
"Anak? Nasa sala si Zeus. Bumaba ka d'yan, pupunta lang akong palengke." Pagkarinig ko nang sinabi ni Manang ay agad akong tumayo at mabilis na bumaba. Halos isahing takbo ko nalang ang kwarto papuntang sala sa bilis ng takbo ko, sinalubong ako nang isang malapad na ngiti ni Zeus. Yumakap ako kaagad sa kanya, nagulat pa siya. Tumawa siya nang mahina. "Ganyan mo ako ka miss?" He patted my head at marahang hinaplos ito. Humikbi ako. Ngayon, narito na ang kaibigan ko. Ang nag-iisang kakampi ko ngayon at pag-asa ko para makalayo kay Angelo. "Hey? Bakit ka umiiyak? Sinaktan ka na naman ba niya?"  Puno ng pag-aalala ang boses niya. "T-tulungan mo ako, gusto ko nang bumalik sa orphanage, please." Pabulong kong sabi sa kanya.
Hinawakan niya ako sa balikat ko at hinarap. Pinunasan niya ang pisnge ko at tumango sa akin, his jaw tightened. "Kunin mo ang lahat ng mga gamit mo, aalis tayo ngayon din." Agad akong tumakbo papunta sa kwarto at kinuha ang dalawang bags ko at ang unan ko. Pagkarating ko sa sala ay hinaharangan kami ng mga tauhan ni Angelo si Zeus. "Hindi mo maaring dalhin sa labas ang miss." Sabi ng isang lalaki na nakaitim at may maskuladong pangangatawan. Ngumisi si Zeus sa kanya. "Why is that? 'Yun ba ang sinabi ng amo niyo? And I bet he's in his way right now." Sabi ni Zeus. Lumapit ako kay Zeus, kinuha niya ang mga dala ko. Sinuot niya ang back pack ko, nasa akin ang isa pa at ang unan ko.
"Paraanin mo kami at walang mangayayaring gulo." Matigas na wika ni Zeus. Umiling ang mga tauhan ni Angelo. "Please po, paalisin niyo na po kami." Ani ko.
"Paumanhin po, Miss. Pero, mahigpit na ipinagbabawal ni boss na hinding-hindi ka palalabasin ng bahay niya." Hinawakan ng mahigpit ni Zeus ang kamay ko. Paano kami ngayon makakaalis dito? Mahigit sa lima ang nasa harapan ngayon namin at may sa labas pa. Nanlumo ako.
"Zeus." Mahinang tawag ko sa kanya. "Don't worry, makakalabas tayo ng buhay." May halong biro ang kanyang tinig. Tumango ako sa kanya. May tiwala ako kay Zeus, at alam kong hindi niya ako pababayaan. "Close your eyes. 'Wag na 'wag mong bubuksan kapag hindi ko pa sinasabi sa iyo." Sabi niya. Nagtataka man ay sinunod ko ang sinabi niya. Binitawan niya ang kamay ko at wala pang isang minuto ay nakarinig na lamang ako nang mga daing ng mga tao. Kumunot ang noo ko. Anong nangyayari? Hinawakan ulit ni Zeus ang kamay ko. "Tapos na. Umalis na tayo, open your eyes." Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga tauhan ni Angelo na wala ng malay sa sahig. Nanigas ako. Si Zeus ba ang may gawa sa kanila n'yan?
Nilingon ko siya, nagtatanong ang aking mga mata sa kanya. Mukhang na gets niya naman at tumango siya, napalunok ako. Paano niya nagawa 'yun? Hinila niya ang kamay ko, nagmamadali kaming naglakad kung saan nakaparada ang kotse ni Zeus. May limang taong nakabantay sa gate at masama ang tingin kay Zeus. Alam na siguro nila ang nangyari sa mga kasamahan nila. Parehong mabilis ang kilos namin, nasa loob na kami ngayon ng kotse niya at pinaandar na niya ito. Humarang ang mga tauhan ni Angelo sa amin at tinutukan kami ng baril. Nanlaki ang mga mata ko. Are they going to shoot us?
"Z-zeus, may b-baril. Magpapaputok sila!" Natataranta kong wika. Ngumisi si Zeus at ibinaba ang bintana sa gilid niya, lumapit kaagad ang dalawang tauhan ni Angelo at tinutok ulit ang baril nito sa sentido niya. "Z-zeus!!" Sigaw ko. Natatakot ako. Tumulo ang luha ko, pero si Zeus ay parang wala lang nangyayari ngayon. His face is damn calm. Hinawakan ko ang kamay niya. "Easy there, sweets. They won't shoot me. Kapag napahamak ka ay sila naman ang papatayin ni Angelo, right?" Binaling niya ang mga mata niya sa dalang lalaki. "Bumaba ka ngayon d'yan, Miss. Hindi ka makakalabas ng bahay ni boss." Sabi ng isang lalaki. Umiling ako. Hindi ako magpapaiwan dito. Gusto ko nang umalis.
"Get that gun way from me, man. Baka sa iyo ko iyan ipaputok." Hindi natinag ang lalaki, biglang pinaandar ni Zeus ang kotse niya. Ibabangga na niya sana ito sa gate ng may makasalubong kaming isa pang itim na kotse. Biglang pumreno si Zeus. Napamura pa siya nang mahina. Nanlaki ang mga mata ko. Kotse ni Angelo 'yun! "Keep calm, Sweets. Ako ang bahala." Kalmado lang ang mukha ni Zeus. Agad na bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas si Angelo, humahangos ito. Madilim ang kanyang mukha at nakakuyum ang kamao niya. Deritso ang mga mata niyang nakatitig sa kotse. Pakiramdam ko sa akin talaga siya nakatingin, nanunuot sa kalamnan ko ang titig niya. Galit na galit ito.
Lumapit ang tauhan niya sa kanya at kinausap siya pero hindi niya ito sinasagot, nakatitig parin siya sa kotse. Hindi niya ako makikita mula sa labas kase tinted ang kotse ni Zeus, pero alam niya siguro na nasa front seat ako katabi no Zeus. "Don't open the door, dito kalang." Ani Zeus sa akin. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. Hinalikan niya ako noo at lumabas ito. Pagkalabas niya palang mabilis na naglakad si Angelo patungo sa kanya, may dala siyang baril. What the fuck? Agad akong lumabas at tumakbo kay Zeus. "Fuck! I told you to stay inside!" Sigaw niya at tumakbo papunta sa akin. Nasa likod niya ako, yumakap ang isang kamay niya sa akin habang nakaharap. He is protecting me.
"Fuck you! Ibalik mo siya sa akin! Damn it!" Malakas at galit na sigaw ni Angelo. Nakakatakot ang itsura niya, galit na galit siya. Lahat ng mga tauhan ni Angelo ay nakabantay lang. Tila naghihintay sa utos ng amo nila. "I told you not to hurt her, I told you that! Pero anong ginawa mo? Gago! Pabayaan mo siyang umalis! Let her go. Wala kang karapatang ikulong siya rito at pasakitan. Putang ina naman, Angelo! Be a man. Fucking shit! You're hurting her and now she's scared!" Nanginginig ang buong katawan ko. Yumakap ako nang mahigpit kay Zeus, tinitigan ako ni Angelo at ng magtama ang mga mata namin ay lumambot ang ekspresyon niya. Nag-iwas ako nang tingin.
"Let us leave." Mariing sabi ni Zeus. "No ones leaving except you. Let her stay here in my house." Nagsukatan ng titig si Zeus at Angelo. "Get her. Siguraduhin niyong hindi siya masasaktan." Matigas na sabi ni Angelo. Nanlaki ang mga mata ko. They will get me by force. Mahigpit akong hinawakan ni Zeus. "H-hindi ako sasama!" Pagmamatigas ko. Lumapit sa amin ang limang lalaki, pilit na lumalaban si Zeus but they are aiming the gun and they are ready to shoot him. "Zeus! Zeus!" Nagpupumiglas ako. Inilapit nila ako kay Angelo, hinaplos ni Angelo ang pisnge ko. Iniwas ko kaagad ito. Nakatitig lang sa akin si Zeus. Umiyak ako. "Zeus! 'Wag mo akong iwan dito." Pagmamakaawa ko sa kanya. Natatakot ako kase nakatutuk ang mga baril nila kay Zeus, ayaw ko siyang mapahamak.
Nagulat ako nang bumulagta sa lupa si Zeus, sinuntok siya ni Angelo.
"Zeus!" Sigaw ko. Hinala na ako nang mga tauhan ni Angelo papasok ng bahay.
"Fuck!" Mura ni Zeus. May dugo sa gilid ng labi niya. "Bitawan niyo ako...Zeus! Bitawan niyo ako!" Kahit gaano pa ako magpumiglas ay hindi ko sila kakayanin. Napaiyak nalang ako nang tuluyan na kaming makapasok sa bahay at naisarado na nila ang pintuan. Umakyat kami, papunta kami kwarto ni Angelo. Agad nila akong binitawan pagkapasok at iniwan doon. "Buksan niyo ito! Huy! Ano ba! Buksan niyo ito!" Malakas ang pagkakakatok ko sa pinto at sinipa pa ito, pero nanatiling nakasara ito.
Lumapit ako sa bintana para tingnan kung ano na ang nagyayari sa labas pero bigo akong makita. Mapahagulgol ako nang iyak, kamusta na kaya si Zeus sa baba? Umupo ako sa sahig at napasandal sa kama ni Angelo, napahilamos ako nang mukha ko. Bakit ba nangyayari na naman ang ganito?
Nakarinig ako nang mga yabag sa labas ng kwarto at mahinang pagclick ng pintuan, pumasok si Angelo at ng makita niya ako ay lumapit kaagad siya sa akin.
"Bakit hindi mo pa ako hinayaang umalis? Anong ginawa mo kay Zeus, huh? Sinaktan mo ba siya?" Lakas loob na pagtatanong ko. Nagtatagis ang mga bagang niya. "Didn't I told you not to leave this house and talk to that son of a bitch? Tapos ngayon malalaman ko nalang na aalis ka at sasama sa kanya? Fucking hell!" Nakatayo siya habang ako ay nakaupo sa sahig. Gulong-gulo na ako. Galit siya sa akin pero nagagalit siya kapag magkasama kami ni Zeus, ano ba talaga ang problema niya?
"Babalik ako nang Davao, sa pamilya ko! Hindi ako sasama kay Zeus!" Ano bang iniisip niya? Nanghihingi lang ako nang tulong kay Zeus.
"Hindi kana babalik doon! Dito ka lang!" Galit na sabi niya. "Aalis ako! Wala akong pakialam sa iyo!" Unti-unti akong tumayo para harapin siya. Nagulat siya sa biglaang pagsigaw ko. "Wala akong pakialam sayo, kung may galit ka sa akin 'wag kang mang damay ng iba. Ako ang pagbuntunan mo! Ako lang ang saktan mo, huwag mong idamay ang mga taong malalapit sa akin." Kinuyum ko ang kamao ko. Hindi lang siya ang may karapatang sumigaw at magalit.
"Sa tingin mo ginagawa ko ito just because I am angry at you? Fucking hell! Ginagawa ko ito para sa anak ko! Kailangan mong manatili." Ha! That's bullshit! He wants me to stay just because of my child? Damn you, Angelo! "'Wag na 'wag mong gagamitin ang anak mo! Aalis parin ako!" Hindi niya mabibilog ang ulo ko. Bakit? Kapag ba nag stay ako rito ay ipapakilala niya ako bilang nanay ng anak ko? Hindi naman, diba? Kase kung 'yun talaga ang rason kung bakit ako naririto ngayon ay matagal na niya sanang sinabi sa anak niya. Matagal na niya sanang ipinaliwanag sa anak niya na ako ang ina ng anak niya.
"You'll gonna leave me too? Akala ko ba dito kalang?" Humikbi niyang wika. Pareho kaming nagulat ni Angelo. Nasa pintuan si M.A. at umiiyak ito, narinig niya ang mga sinabi ko? Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Mahirap palang umalis kapag umiiyak ang anak mo, ang sakit lang. "A-anak..." Mahinang salita ang lumabas sa bibig ko. Tumakbo ito palabas. Dali-dali akong naglakad pero agad namang natigil ng maramdaman ko ang pagyakap ni Angelo sa akin mula sa likuran ko.
Malakas na kumabog ang dibdib ko. Ano na naman ito? Bakit ang bilis bilis na naman ang tibok ng puso ko?
"Don't leave us, don't leave me. Kung natatakot ka na sasaktan kita kagaya noon, believe me, I won't do that again. Just please stay, stay with us. We need you, I need you." Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Halos hindi na naman ako makahinga. Nanunuot sa kalamnan ko ang init ng katawan niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. May kakaiba na sa kanya ko lang nararamdaman. He is panting. Mainit din ang hininga niya.
"Kung mananatili man ako rito, hindi iyon dahil sa iyo, dahil iyon sa anak ko." Wika ko.
"A-angel.."
Sa unang pagkakataon ay tinawag niya ako sa pangalan ko. My name is Mikaela Angela, and she called me Angel, short for Angela. At sa lahat ng taong kakilala ko siya lang ang tumawag sa akin sa ganoong pangalan.
Bakit bigla bigla ka nalang nagbabago, Angelo? Bakit?

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now