CHAPTER 33

12 0 0
                                    

ChapterThirtyThree ]
-------------------------------

~oOo~
Pagkatapos ng nangyari ay pareho kaming walang imik, pareho kami ngayong nakasakay na sa kotse niya. He is holding my hand again, while his other hand is on the steering wheel. Nasa labas lang ang tingin ko, pasimple kong hinaplos ang dibdib ko kung nasaan nakapwesto ang puso ko. Mula kanina hangang ngayon ang lakas-lakas parin ng kabog nito, ayaw niyang matigil. "Angel." Tawag niya sa akin. Hindi ako sumagot, ayaw ko siyang kausapin. Kase pakiramdam ko hindi dapat. Gusto ko lang na matahimik, kung ano man ang nangyari kanina sa parking lot at sa reunion ay mananatili lang 'yun doon. Ayaw ko nang ungkatin pa ang nangyari, kase hindi ko alam ang sasabihin ko.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa bahay niya, matapos niyang maipark ang kotse niya ay agad akong bumitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko at lumabas ng kotse niya, pumasok ako agad sa bahay niya at dali-daling tumungo sa kwarto na tinutuluyan ko. Isinara ko ang pintuan at agad na napasandal doon, sinapo ko ang dibdib ko at napapikit. Hindi ko alam pero, napahawak ako sa labi ko. He kissed me. Ibang halik 'yun, hindi iyon katulad noon. Kanina...it was gentle and soft.
Napailing ako at tumayo na, marahil lasing lang siya, nakita ko kanina na may ininom siya alcoholic drink. Ngunit, isang baso lang yata 'yun, ganoon siya kadaling malasing?
Hinubad ko ang suot kong long gown at pumasok ako sa banyo. Maliligo na muna ako. Minadali ko lang ang pagligo ko kase nakaramdam na ako nang pagod at puyat. Pagkatapos kung maligo ay tinuyo ko ang sarli ko at nagbihis na, basa pa ang buhok ko kaya tinapat ko ang sarili ko sa electric fan. Pumikit ako, mas lalo pa akong nakaramdam ng antok. Nang medyo tuyo na ang buhok ko ay pinatay ko na ang electric fan at umupo sa kama ko, inayos ko muna ang mga unan ko at akmang hihiga na ako nang may kumatok. Sino naman ang kakatok sa akin sa ganitong oras?
Yakap-yakap ko ang unan ko habang naglalakad patungo sa pintuan. Binuksan ko ito at nagulat ako nang makita sa harapan ko si Angelo, nakaputing V-neck shirt ito at itim na jogging pants. Napalunok ako, mataman niya akong tinitigan. Mula ulo hangang paa. Shit! Bigla akong na conscious. Isang malaking puting shirt ang suot ko at cotton shorts, parang wala na akong suot na underwear sa haba ng shirt ko. Napaayos tuloy ang yakap ko sa unan ko. "Let's go." Ani niya at hinila ang kamay ko. Pumiglas ako. Anong let's go? Saan naman kami pupunta? Madaling araw na at pareho na kaming nakapantulog. Tapos aalis kami? "Teka!! Saan mo ako dadalhin?" Naguguluhang tanong ko. Hindi siya nagsalita, hinila niya ulit ang kamay ko.
"A-ano ba!" Piglas ko, pero hinila niya ulit ako palabas ng kwarto kaya napahawak ako sa door knob. Kita ko ang inis sa mukha niya ng hindi niya ako tuluyang mahila kase nakahawak ako sa pintuan. "Bitaw na, inaantok na ako. We're both tired, Angel." Hindi ko muna pinansin ang pagtawag niya sa akin ng Angel. Hindi ko lang siya maintindihan kung bakit kami aalis. Mahigpit akong humawak sa door knob, hindi ako sasama sa kanya! "Pagod na ako at matutulog na ako kaya bitawan mo na ako at umakyat kana sa kwarto mo." Nagsalubong ang dalawang kilay niya. Parang naiinis na talaga ito at nagpipigil lang, binitawan niya ang kamay ko at bigla siyang lumapit sa akin. Papasok na sana ako sa loob ng kwarto ng bigla niya akong buhatin na parang sako. Ay shit! Napapikit ako. Nahilo yata ako bigla.
"Angelo! Ibaba mo ako! Saan mo ako dadalhin? Shit! Nahihilo ako!" Pigil na sigaw ko kase baka mabulabog sila Manang Minda kapag nagsisigaw ako rito na para bang may kumidnap sa akin. "We'll sleep! Stop moving!" Aniya and then he spanked my butt. Ay shit! Namula ako. Sobrang pula yata ng mukha ko dahil sa ginawa niya sa pwet ko. Bahagya kong hinampas ang likod niya. Napaaray naman ito ng mahina. "Fuck, sweetheart! Stop moving! Baka mabitawan kita!" Matigas na wika niya. Napatigil ako, kumabog na naman kase ng malakas ang puso ko sa pagtawag niya sa akin ng sweetheart.
Narinig kong may binuksan siya, kwarto na niya siguro. Pumasok ito at agad na ni lock ang pintuan, ibinaba niya ako. Nang makababa na ako ay tinulak ko siya at nagmadaling buksan ang pintuan ngunit kahit anong bukas ko ay hindi ko magawa. Naiinis kong sinipa ang pinto. Ayaw ko rito, gusto kong lumabas. Nakaramdam ako nang mainit na yakap mula sa likuran ko. "Let's sleep, Angel." Bulong niya. Nanlaki ang mga mata ko. Pumiksi ako kaya nakalas ang pagkakayakap niya sa akin, masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. "Babalik ako sa kwarto kung saan ako tumutuloy." Wika ko. Bored niya lang akong tiningnan, akmang hihilahin niya ang kamay ko nang iniwas ko ito. Papungas-pungas ang kanyang mga mata.
"You can't, come on! I'm really sleepy, Angel." Aniya. Napatitig ako sa kanya. Ito ang kauna-unahang tapak ko sa kwarto niya na hindi siya galit sa akin. Nakakagulat. Napatingin ako sa kama niya, sa kamang 'yan ako palaging umiiyak noon. Napailing ako. "Pwede bang sa kwarto ko nalang sa baba?" Wika ko. Umiling siya. Lumapit siya sa akin at pumunta sa likuran ko. He pushed me papunta sa kama niya, kahit anong pigil ko ay sadyang malakas talaga siya. Nang makalapit na kami sa kama niya ay hinila niya ako, papunta sa kama niya. Pinigil ko ang paghila niya sa akin. Nakaupo na siya sa ibabaw ng kama niya habang ako ay nakatayo lang sa gilid. "Sige na, matulog na tayo." Pakiusap niya. Napabuntong hininga ako. Bakit ba kailangan ko pang matulog sa kwarto niya? Bakit ba magtatabi kaming dalawa?
Bumuga ulit ako nang malalim na hangin at dahan-dahang umakyat sa kama niya at umupo, wala na ang paborito kong unan. Nabitawan ko ito kanina, makakatulog naman siguro ako rito. Tumalikod ako sa kanya at inayos ko ang dalawang unan na nakita ko sa bandang kaliwa ng kama, dito nalang ako pupwesto. Nang maayos ko na ang mga unan ay humiga na ako, kinumutan ko ang sarili ko at pumikit na. Pagod na talaga ako at inaantok na. Pagod na akong makipag-argumento pa kay Angelo. Panatag naman ako....siguro, na walang gagawing masama sa akin si Angelo. Nakatalikod lang ako sa kanya, nakatagilid. Hindi ko alam kong nahiga naba siya o ano.
Naramdaman ko ang marahang paggalaw ng kama, parang may pag-iingat sa paggalaw nito. Tumaas ang kumut at naramdaman ko nalang ang braso ni Angelo na nakapalibot na sa bewang ko. Umangat din ang ulo ko, wala na sa unan, dahil nakaunan na ang ulo ko sa braso ni Angelo. I'm too tired to complain, parang lumilipad na ako sa alapaap dahil sa pagod at antok. Ramdam ko rin ang paghalik niya sa pisnge ko.
Mataman lang na nakatingin si Angelo sa babaeng natutulog ngayon sa tabi niya, sa wakas ay nayakap na niya ito ulit. Nakaunan ito sa braso niya at ang isang braso niya ay nakayakap sa bewang nito. Bigla siyang napangiti, sa tagal na panahon na nagkawalay silang dalawa ay ito ang unang pagkakataon na nagtabi sila sa pagtulog. Hindi dahil sa pinilit niya itong angkinin kagaya noon, ngunit pinilit niya itong makatabi sa pagtulog. Hindi man sang-ayon ang babae ay ginawa niya ang makakaya niya makatabi niya lang ito. Ito ang gusto niyang mangyari, mayakap lang ang babae ay ayos na sa kanya. Makatabi niya lang ito sa pagtulog ay masaya na siya, mapagmasdan niya lang ito sa malayo ay masaya na siya.
Inilapit nito ang mukha niya sa babae at hinagkan ang tongki ng ilong. Hindi parin niya makalimutan ang pakiramdam ng muli niyang mahalikan ang babae kanina sa parking lot. Nagseselos siya sa Neflheim na 'yun, he's a threat for them. Ayaw niya sa lalaki dahil sa may crush ang lalaki sa babaeng espesyal sa kanya, hindi niya hahayaang mapunta sa iba ang babae niya. "Who's Neflheim to you, sweetheart? Gusto mo ba siya?" Hindi niya napigilang itanong sa babae kahit na tulog na ito.
Ipinikit niya ang mga mata niya at ipinagdikit ang ulo nila. "I know I've done so much pain in you, malaki ang kasalanan ko sa iyo noon. Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa kaya ako. Hindi ko rin alam kung paano kita susuyuin, I'm not good at it. I admit that. Hindi ko lang kaya na malayo ka ulit sa akin, hindi ko alam but you have a special spot in my heart. Ikaw na yata ang kumuha ng spot sa puso ko. Palagi kitang iniisip, palagi kang tumatakbo sa isip at puso ko. Noon pa, alam kong may iba sa iyo na nakakaapekto sa katawan ko...sa buong sistema ko. Hindi ko maipaliwanag, alam kong mahal ko noon si Sophia but to hell with that love that I felt with her, iba ka. Hindi ko lang maipaliwanag, sadyang nabulag ako. Sobra akong nabulag...."
Hinaplos niya ang buhok ng babae at ang mukha nito, hindi niya alam na nasaktan niya ng lubusan ang babaeng napakaganda. Hindi niya alam kung paano niya naatim na gawin iyon sa babaeng walang kasalanang nagawa. Hindi niya alam na nakaya ng konsensya niyang saktan ang babaeng mukhang anghel. Napakabait nito at maalaga. She's a gift from God. Na sana ay sinalo niya noon pa, isa siyang regalo para sa kanya noon na hindi niya man lang tinanggap sa buhay niya, at ngayon, gagawin niya ang lahat para sa regalong gusto niyang makuha. Ang puso ng babaeng anghel. Gusto niya ang babae at alam niyang nahuhulog na siya rito, at wala siyang balak pigilan iyon. Handa siyang mahulog.
"I know kahit na ilang sorry pa ang sabihin ko, kahit na lumuhod pa ako sa harapan mo ng paulit-ulit, hindi ko na mababago ang nakaraan. Nasaktan na kita, I've said so many things that hurted you so much, I've done the worst things in you. Nagawa ko lahat ng iyon and I fucking sorry for that. Hindi ko nakita ang halaga mo bilang isang babae, kase akala ko ikaw ang sumira ng buhay ko. Ikaw ang balakid sa amin ni Sophia but you know what I realized? Hindi ko pala kaya ng iwan mo ako noon, I've cried, sweetheart. I may sound gay, but totoo ang sinabi ko. I was hurt but mas nasaktan kita. And I will fucking do everything.. anything just to make you stay. Kahit pa gamitin ko ang anak mo...anak natin pala para lang hindi ka umalis sa poder ko gagawin ko." Pinunasan niya ang luhang tumulo mula sa mata niya, iisang butil lang ito ngunit napakasakit ng kanyang nararamdaman, napakabigat ng puso niya but somehow ng magsalita siya ay napawi ang bigat. Parang may kung ano na masaya sa kanya, napakagaan ng loob niya.
"Will you stay with us? Will you build a family with me? God knows how much I want you to stay beside me, God knows how much I want you back in my life. Hindi ko na kakayanin kapag nawala ka ulit. Forgive me, please, forgive me, baby. Gagawin ko lahat, lahat lahat. Wag ka lang mawala ulit." Niyakap niya ng mahigpit ang babae, sa sobrang higpit nito ay hindi na siya makakawala. Natatakot siya, dahil sa mga nagawa niya noon at sa pangbablack mail niya sa babae ngayon, pero 'yun lang ang naiisip niyang paraan para sumama sa kanya ang babae. 'Yun lang ang tanging paraan na alam niya. Alam niyang mali pero, sa sinabi niya na. Gagawin niya ang lahat para sa babae para magkasama lang sila. He will turn the world just to be with her again, he will turn the world para siya naman ang piliin ng babae na makasama.
Tumigil ito sa pagsasalita at pinakinggan ang sariling pintig ng puso, siya lang ang nakakapagbilis ng tibok ng puso ng lalaki. Siya lang ang nagpapakaba sa kanya ng sobra. Siya lang ang may epekto sa kanya ng ganito, hindi kanino man. Siya lang....
"Hmmm." Mahinang ungol ng babae, gumalaw ito at iwinawaksi ang kamay niyang nakayakap sa babae. Napausod siya, biglang humarap ang babae sa kanya at yumakap ito sa bewang niya, idinantay niya rin ang paa sa lalaki. He smiled. "You're cute, as always." Ani ng lalaki. Noon paman ay napakacute nitong matulog, ilang beses niya narin itong napagmasdan noon habang natutulog. Hinapit niya pa ang babae papalapit sa kanya, na kahit hangin ay mahihiyang paghiwalayin ang katawan nila. Humalik ito sa labi ng babae, smack lang, at ngumiti. "Sleep tight, sweetheart." Aniya bago pumikit ang mata at natulog na.
Nagising ako ng may maramdaman akong may lumulundag sa kama, mabigat ang katawan ko. Tinatamad pa akong bumangon kaya, napaingos ako at sinubsub ang mukha ko sa unan ko na yakap-yakap ko. Napakunot ang noo ko nang mapagtanto kong iba ang amoy ng unan ko at parang ang laki-laki naman yata ng unan ko, pero inignora ko iyon at napapikit ulit. Gusto ko pang matulog!
"She's still asleep, baby. 'Wag malikot baka magising mo siya." Lumapit siya sa ina at tinapik ng bahagya ang pisnge nito ngunit sadyang mahimbing talaga ang tulog ng ina kaya hindi man lang ito nagising. "Daddy! Gisingin mo na po si Mommy!" Nakasimangot na utos ng anak niya sa kanya, hinayaan niya lang na matulog muna ang babaeng nasa tabi niya at yakap-yakap siya. Hindi niya yata kayang gisingin ang babae kase napakahimbing ng tulog nito, para siyang bata. "Bumaba kana muna, okay? Eat your breakfast, mamaya na kami ng Mommy mo." Ngumuso ito sa ama ngunit bumaba parin siya sa kama at umalis na ng kwarto.
Ni haplos ni Angelo ang mukha ng babae at inilapit ang mukha niya, binigyan niya ito ng halik sa bahagyang nakaawang nitong labi. He closed his eyes and feel it, pinakiramdaman niya ang sarili. Baliw na yata siya, isip niya.
Hiniwalay niya ang labi sa babae at pinakatitigan ito.
"You deserve all the best things in the world, sweetheart and I am willing to give it all to you." Aniya. He brushed his nose to hers and smiled again. "You'll be mine again, baby." Iniyakap niya ang babae at pumikit ulit.
Pagkagising ko ay nagulat ako kung bakit wala ako sa kwarto na dapat ay tinutuluyan ko, inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto na ito...napagtanto kong para sa lalaki itong kwarto, napaka manly kase ng desinyo nito. Napasinghot ako at nanlaki ang mga mata ko. Pamilyar ang amoy ng pabango, kay Angelo ito! Nag-isip akong mabuti kung bakit dito ako natulog, unti-unting nagsibalikan ang mga alaala kagabi. Bumuga ako ng malalim na hangin.
Walang nangyari, natulog lang kami at masaya ako, hindi niya ako sinaktan. Bigla akong namula at napailing. 'Yung kagabi, hindi maari. Bumangon nalang ako, napatingin ako sa bed side table. May isang bouquet ng bulaklak doon, red roses lahat, kumunot ang noo ko. Para naman kanino ito? Kinuha ko ang card.
Good morning, sweetheart. I never had the chance to give this to you last night, I'm sorry. Kaya ngayon ko nalang ibibigay.
Love,
M.A.B
Pagkatapos kong basahin ang card ay napatingin ulit ako sa mga pulang rosas, ang gaganda nila. Kinuha ko ito at inamoy. Napakabango naman nila, inilapag ko naman ito ulit at inayos ang pinaghigaan namin.
Bakit niya kaya ako binigyan ng bulaklak? Bakit niya kaya ako pinatulog sa tabi niya?
Napailing ako. Hindi ko alam ang sagot sa tanong ko, tatanungin ko nalang siya kapag nakita ko siya.
Lumabas na ako ng kwarto niya at dumeritso sa kusina, naabutan ko si Manang na umiinom ng tubig. "Oh, hija. Kumain kana, anong oras na oh." Ani Manang. "Nga pala, nasa kwarto mo na ang unan mo." Nakangiti niyang sabi. Bigla akong nahiya. "A-ah, Manang..." Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. "Alam ko na. Sige, mauna na ako. May gagawin pa ako." Lumabas na siya ng kusina. Napabuntong hininga ako. Lumapit ako sa lababo at naghilamos, tinuyo ko ang mukha ko gamit ang tissue. Nagmumug narin ako at uminom ng tubig. Nasaan na kaya ang anak ko? Hahanapin ko nalang muna siya bago kumain.
Lumabas ako ng kusina, nakita ko si Angelo na paakyat na sana pero hindi niya itinuloy ng makita ako. Naka pang-alis itong damit. Saan naman siya galing? Naglakad siya patungo sa akin at ngumiti.
Nang makalapit siya sa akin at hinapit niya ako sa bewang at binigyan ng halik sa labi, nagulat ako. Ay shit! Bakit ang bilis? "Good morning, Angel." He murmured at hinalikan ang sentido ko.

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now