ChapterThirtyFive ]
-------------------------------~oOo~
Habang nagluluto ako ay nakakunot ang noo ko, paano ba namang hindi, eh kanina si Angelo habang natutulog ay panay ang tawag ng pangalan ko tapos umuungol pa ito. Binangungot kaya siya?
Ilang beses ko siya kaninang ginising ngunit ayaw niyang magising, kaya sinampal ko siya ng sobrang lakas at tumalab naman. Nagising ito at sobrang pawisan siya. Ni tanong ko siya kung masama ba ang pakiramdam niya pero ang sabi niya ay hindi naman, nagulat ako ng niyakap niya ako kanina. Napailing ako. Ipinagpatuloy ko nalang ang niluluto kong breakfast namin.
"Hi, mommy. Good morning po." Rinig kong bati ng anak ko sa akin. Lumapit ito sa akin, lumuhod ako para makahalik siya sa akin. "Magandang umaga mahal na prinsesa." Nakangiting bati ko sa kanya, ngumiti siya sa akin. Umupo siya sa isang stool at nakatingin lang sa akin habang nagluluto ako. "Mommy, si daddy?" Nilagay ko muna ang mga niluto ko sa plato at nilapag ito sa mesa. "Pababa na siya, 'nak. Nakatulog kana kagabi habang naghihintay sa kanya." Bigla itong napanguso at nagsalubong ang kilay niya. Kuhang-kuha niya talaga ang ganyang ekspresyon sa ama niya. "He broke his promise again, Mmy." Aniya. Napabuntong hininga ako. Nagising pa ako kagabi ng dumating siya. Nagulat pa nga ako ng nasa kwarto na niya ako, I know na binuhat niya ako papasok sa kwarto niya.
"Nak, alam mo namang busy si daddy, diba? Mag-uusap kayo mamaya." Napatango naman ito sa akin. Ngumiti ako sa kanya. "Ang aga pa para sumimangot, papangit ka, sige ka!" Pananakot ko sa kanya. Napangisi ito. "That? Never gonna happen, mommy! Sabi ni daddy maganda raw ako kapag lumaki na ako kagaya niya at ni Mommy ko." Napailing na lamang ako.
Nagpaalam na muna siya sa akin kase pupunta raw siya sa banyo para magbawas. She knows what to do, napaka independent ng anak ko. Kapag simpleng bagay lang katulad ng ganyan ay siya na mismo ang pumapasok sa banyo, hindi siya katulad ng ibang mga bata na magpapasama pa para hugasan sila.
Malapit ko nang matapos lutuin ang sunny side up na itlog ng bigla akong napatili. Muntik na akong mapaso mabuti nalang at maagap niyang nailayo ang kamay ko sa frying pan.
Bigla kase akong niyakap ni Angelo mula sa likuran ko, agad na umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha. "Morning, baby." Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko. Shit! May Angel, may baby at may sweetheart pa. Punyetang puso to ang lakas na naman ng kabog niya. Para na namang dinadaga ang puso ko. Humalik siya sa pisnge ko at mahigpit akong niyakap. Pinilit kong kinalas ang mga braso niyang nakapalibot sa akin ngunit as usual, bigo na naman ako. "Nagluluto ako. Umupo ka nalang sa dining area." Flat toned na wika ko. Amoy na amoy ko ang after bath scent niya, nanunuoot ito sa ilong ko.
Narinig ko siyang mahinang tumawa. "Sabay na tayo, tapos ka na naman." Pinatay ko na ang stove. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Alis na! Hintayin mo ang anak mo roon, nakasimangot siya kanina." Pinilit kong ipakita na walang ekspresron ang mukha ko. His lips formed into a thin line ng makita niya ang mukha ko. He sighed and pinakawalan ako. "Fine." May inis sa boses niya at tinalikuran niya ako. Inayos ko muna ang mga dadalhin ko sa dining table at nilagay ito sa tray para dalhin na sa dining table. Nakaupo na si Angelo sa usual seat niya at nagbabasa na ito ng dyaryo. Isa-isa kong nilapag ang mga dala ko, binaba niya ang dyaryo at tumingin sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at bumalik ulit sa kusina para kuhanin pa ang mga natira.
Sa tuwing nasa mesa ako at naglalagay ng mga plato ay panay ang titig ni Angelo sa akin, hindi ko siya pinapansin. "Daddy, morning." Humalik ang anak niya sa kanya at umupo sa tabi nito. "Sorry I wasn't able to keep my promise yesterday, princess." Malambing na wika niya sa anak. Tumalikod na muna ako at nagtungo sa kusina para ipagtimpla ng gatas ang anak ko at kape naman para kay Angelo, pagbalik ko ay masaya ng nagkwekwento ang anak ko sa ama niya. Kweni-kwento nito ang mga nangyari sa school niya at magiliw na nakikinig ang ama nito sa kanya.
Nilapag ko ang gatas ni M.A. sa harapan niya. "Salamat po, Mmy." Ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Nilapag ko narin ang kape ni Angelo, bigla itong tumayo kaya napaatras ako. Nagulat ako ng nakatayo siya sa silya kung saan ako umuupo, hinila niya ang silya "Sit, Angel. We'll eat." Nagmadali akong umupo, sinulyapan ko ang anak ko, nakangiti ito. 'Yung ngiting mapanukso. Pinandilatan ko siya ng mata, nag-umpisa na siyang kumuha ng bread at egg na nakangiti. Napabuntong hininga ako.
Pagkatapos naming kumain ay niligpit ko na ang pinagkainnan namin, si Angelo naman ay umakyat ulit para makapagbihis na. May pasok pa kase siya sa opisina. Kasalukuyan kong hinuhugasan ang mga plato ng marinig kong magsalita si Angelo mula sa likuran ko. "I'm going, Angel." Ani niya. Nakakapagtaka yata na nagpaalam pa siya sa akin na aalis na siya. "Sige." Wika ko nang hindi siya nililingon. Nagulat ako ng may mga kamay na nakatukod sa sink, nasa likuran ko siya. Nakatayo lang, hindi nakayakap. Pinaharap niya ako sa kanya, gulat na gulat ako. Feeling ko nanlalaki parin ang mga mata ko ng magkaharap na kami. Napaatras ako, bahagya siyang yumuko at nilapit ang mukha niya sa akin. Titig na titig ito sa akin, ilang inches lang din ang layo ng mukha niya sa akin.
"A-akala ko aalis kana?" Kinakabahan kong tanong sa kanya, tumango naman ito sa akin at pinakatitigan ang mga mata ko. "Sige na." Mahinang bulong ko at mahina siyang itinulak. Bigla-bigla niya nalang akong niyakap kaya lumandas ang dalawang palad ko sa dibdib niya. Ang tigas! Bumaba ulit ang mukha niya, iiwas na sana ako nang tingin ng hinuli niya ang mga labi ko. Hinalikan niya ako! Sa gulat ko ay para lang akong tuod na nakatayo sa harapan niya habang siya ay yakap-yakap ang bewang ko at sakop ang mga labi ko. Nang magkahiwalay ang mga labi namin ay ramdam ko ang init ng pisnge ko. He touched my lips and kissed me on my forehead. "Bye, sweetheart." Aniya. Hindi ako nakapagsalita hangang sa makaalis na ito. Nakaramdam ako nang panginginig ng tuhod ko kaya dahan-dahan akong napaupo sa silya. Napapikit ako at ilang beses na napailing.
Kinahapunan ay naghanda na ako para sunduin ang anak ko sa school niya, nasa sala ako ngayon at nakaupo sa sofa. Hinihintay ko kaseng dumating si Mang Mario para sunduin ako. Nakarinig na ako ng ugong ng sasakyan, si Mang Mario na siguro yun. "Manang! Alis na po ako!" Pagpapaalam ko kay Manang, lumabas na ako sa bahay ni Angelo at dumeritso sa kotse. Sumakay ako sa backseat, at laking gulat ko na naroon si Angelo na nakaupo. Bigla akong na konsyus. Nakatitig kase ito sa akin. "Magandang hapon po Mang Mario." Sumaludo lang sa akin ang matanda at nagdrive na ito papalabas ng subdivision. "Good afternoon, Angel." Bati ng katabi ko sa akin. Nasa kaliwang bahagi siya at ako ay nasa kanan, umusog siya papalapit sa akin at umakbay.
"Good afternoon." Sagot ko lang sa kanya at hinawakan ang kamay niya para sana kunin ang kamay niyang nakaakbay sa akin, ngunit mabilis niyang hinuli ang kamay ko at hinawakan ito. He intertwined our fingers, he smirked. "'Yung kamay ko, pakibitawan." Mahinang bulong ko. Sumulyap ako kay Mang Mario na nakangiti lang habang nagmamaneho, "why would I?" Mahinang bulong niya rin. Napabuga ako nang malalim na hangin. Pinilit kong pinaghiwalay ang kamay namin. "Try harder, baby." Pakiramdam ko ay uminit ang pisnge ko sa tinuran niya. "Bitaw na kase eh!" Halos ipadyak ko ang paa ko sa sobrang inis. Tinawanan niya lang ako ng mahina.
Tumagilid ako ng upo para hindi ko siya makita, nasa labas lang ang tingin ko. Maya-maya pa ay ipinatong na niya ang baba niya sa balikat ko. I wiggled my shoulders. "Stop that! Tinalikuran mo na nga ako." Inis niyang sabi. Buong byahe ay gano'n lang ang pwesto namin, nahihiya ako sa kung ano man ang iisipin ni Mang Mario ngayon pero matigas ang ulo ni Angelo. Kahit anong gawin ko para mahiwalay siya sa akin ay hindi ko magawa, gumagawa rin siya ng paraan para makalapit sa akin at makayapos.
Ano bang ginagawa niya?
"Ano bang inaarte mo? Pwede ba? Umusog ka roon sa pwesto mo kanina!" Pa supladang wika ko. Hinarap ko siya at kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi niya na para bang may pinipigilan. "You're cute, babe." He said. I can see amusement in his eyes.
"Can you please stop calling me names? Alam mo? Naiinis na ako sa iyo! Ang labo-labo mo! Panay ang lapit mo sa akin! Panay yakap! Panay halik! Ano ba?" Tumawa lang siya, napahawak ito sa tiyan niya habang tumatawa. Nagulat ako sa mga katagang lumabas sa bibig ko, pero nasabi ko na. Wala ng bawian. Napasimangot ako, I crossed my arms. Ngayon ko lamang siyang nakitang ganito, panay ang tawa niya. Tuwang-tuwa talaga ito. Narinig ko rin ang mahinang pagtawa ni Mang Mario. Napangiwi ako. Hindi ko na ulit siya pinansin, nasa labas na ulit ang tingin ko. Hindi naman na siya lumapit pa sa akin, dumistansya na yata siya sa akin. Pagkarating namin sa school ng anak ko ay nauna akong lumabas, hindi ko na siya hinintay pa.
Pumasok na kaagad ako sa gate, bumati sa akin ang guard kaya ngumiti ako sa kanya at bumati rin ng magandang hapon pabalik. "Hey! Ang bilis mo naman!" Aniya. Napairap nalang ako sa kawalan. Ang kulit-kulit niya! Nakakainis! Padabog akong naglalakad papunta sa room ng anak ko. Panigurado nasa labas na siya ito at naghihintay sa akin. "Angel! Fuck! Ano ba?!" Inis na wika niya. Hinawakan niya ang braso ko at gigil na gigil ito. Malamig ko lang siyang tinitigan. "Are in your monthly period?" Agad akong namula sa sinabi niya. Meron nga ba ako? Shit! Kaya pala iritang-irita ako kase mayroon nga ako ngayon. "Oo! Kaya 'wag kang magulo!" Iwinaksi ko ang braso ko at agad naman siyang bumitaw.
Mabilis ang mga hakbang na ginagawa ko, ayaw kong madikit man lang sa kanya! Naiinis ako sa kanya! Napaismid ako nang nasa gilid ko na naman siya. "Lumayo ka sa akin!" Ngumisi lang ito sa akin at umakbay. I wiggled my shoulders, pero mas hinapit niya lang ako papalapit sa katawan niya. "Ano ba? Hindi kaba marunong umintindi?" Salubong na ang kilay ko at halos kurutin ko na siya sa sobrang inis ko. Sa sobrang gigil ko ay nakurot ko na nga siya sa tagiliran, I smiled in victory, ngunit agad rin iyong napawi.
"Fucking shit! Ang sakit!" Himas-himas niya ang tagiliran niya. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Ano bang ginawa ko? Bakit ako nagkakaganito ngayon? Hindi naman ako ganito ah! "A-ano.....s-sorry na." Hinawakan ko ang tagiliran niya at bahagyang hinaplos 'yun. Napatitig naman siya sa akin. "I'm fine, at least pinapansin mo ako." Sumilay ang ngiti sa labi niya. Hinalikan niya ako sa noo. "Pinch me all you want, Angel. It's fine with me." Napatango nalang ako at naglakad na ulit. Hindi ko na kinuha ang kamay niyang nakaakbay sa akin.
"Mommy! Daddy!" Masayang sigaw ng anak ko habang tumatakbo ito papalapit sa amin. Malapad ang ngiti at kitang-kita ko na sobrang saya niya dahil dalawa kami ng Daddy niya ang sumundo sa kanya. Sinalubong siya ng kanyang ama ng yakap at kinarga ito. Kinuha ko ang bag niya. Humalik siya sa ama at humalik din siya sa akin. "Wala kang work, Daddy?" Umiling ang ama. "Babawi ako sa inyo ng Mommy mo, hindi ba?" Napatili naman ang anak ko at hinalik-halikan ang mukha ng ama. Bakit naman kasama ako? Sa anak niya lang naman siya may utang at hindi sa akin.
Habang nag-uusap ang mag-ama ay tahimik lang akong naglalakad kasama sila hangang sa makarating kami sa parking lot. Sumakay kami sa backseat, kumandong sa akin si M.A.. "Mommy!" Niyakap ako ng anak ko. Agad naman akong napangiti, sobrang saya niya talaga. Yumakap din ako pabalik sa kanya. "Masaya ka yata, Nak? Kamusta ang klase mo kanina?" Tanong ko sa kanya.
"Of course, Mommy!..." binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. "I got five stars, Mmy! Look, dad, oh!" Proud na proud niyang wika. Ipinakita niya ang kamay niyang may limang stomp ng malalaking stars na kulay red. "Good job, princess. You'll have your reward later." Kinindatan siya ng ama, humagikhik naman siya. Maya-maya pa ay nakarating kami sa isang Mall, bumaba kami sa kotse at nagpaalam na kay Mang Mario. Nasa gitna namin si M.A. at pareho kaming nakahawak sa kamay ni M.A., pumunta kami sa isang boutique na puro pangbata lang ang mga itinitindang gamit at damit. "Good afternoon, sir...ma'am" Tila nagulat ang mga naroon sa boutique ng makita ako kasama ang mag-ama, siguro palagi silang pumupunta rito. Tumango lang si Angelo sa kanila at kami naman ng anak ko ay ngumiti sa mga sumalubong sa amin.
"Kunin mo ang lahat ng gusto mo, Nak." Agad na nagningning ang mga mata ng anak niya at may tatlong babaeng lumapit sa anak ko at humila ng malaking cart. "Assist our daughter, ladies." Ani niya. Ngumiti naman ang tatlong babae at sinamahan ang anak namin para kumuha ng gusto nito. Umakbay si Angelo sa akin. "She loves to go here, kilala na kami rito." He stated the obvious. Sumunod kami sa anak namin na ngayon ay galak na galak habang namimili sa mga bagay na pupwede niyang kunin. "Minsan ko lang siya pinagbibigyan na bilhin ang kahit na anong gusto niya, I'm not spoiling her because I know 'yun ang gusto mo." Napatitig ako sa kanya na ngayon ay mataman akong tinititigan. Ngumiti ito sa akin at napatingin sa anak namin.
"You both deserve the best things in the world." Nakangiti niyang sabi at nilingon ako. Hinalikan niya ako sa gilid ng ulo ko at niyakap pa sideways. Hindi ko alam ang isasagot ko, posible bang nagbago na siya? Hindi ko alam kung bakit sobra akong natuwa sa tinuran niya, ngunit ayaw kong umasa. Biglang pumasok sa isipan ko si Nathalie, lumayo ako ng kaunti sa kanya. Paanong hindi ko siya naisip? Ang tanga-tanga ko! May nobya siya at heto ako't hinahayaan si Angelo na gawin ang mga bagay na hindi naman dapat namin ginagawa. "Si Nathalie? Kamusta na siya? Hindi ba siya babalik sa inyo?" Tanong ko, nakapokos ang mga mata ko sa anak ko na nakikipagkwentuhan sa tatlong umaalalay sa kanya. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap ni Angelo sa bewang ko. "Let's not talk about her, Angel." Mariing sabi nito. I closed my mouth at hindi na nagsalita ulit.
Pagkatapos ng halos isang oras na pamimili ng anak ko ay natapos din ito, halos umabot ang lahat ng pinamili niya ng dalawang daang libong piso pero hindi nagreklamo ang ama niya. Nagulat nalang ako na narito na sa loob ang apat na bodyguards ni Angelo, sila ang bumitbit ng mga pinamili ng anak ko. Pagkatapos namin sa boutique na iyon ay pumasok kami sa isang fine dining restaurant, pulos mga mayayaman ang nasa loob ng restaurant. Halata kase ito sa mga branded na bags nila, sa mga kumikinang na mga mamahaling alahas at sopistikadang pananamit nila. Bigla akong nahiya, karga-karga ni Angelo ang anak niya at ang isang kamay naman nito ay nakahawak sa kamay ko. Pinagtitinginan kami ngayon ng ilang mga kumakain dito, nakajeans at t-shirt lang kase ako, si Angelo naman ay nakasuit parin at si M.A. naman ay suot-suot ang uniporme ng isang sikat na private school.
Nagmumukha tuloy akong alalay ng dalawa, kaya siguro kami pinagtitinginan ng dahil sa akin. Bahagya akong napayuko, may lumapit sa aming waiter at waitress at sinamahan kami sa pwede naming upuan. Pagkaupo namin ay binigyan kami nila kaagad ng menu, napatingin ako sa presyong mga pagkain. Nakakalula! Isang serve lang ay aabot na ng isa o dalawang libo. Nilapag ko ang menu sa mesa, wala naman akong alam na pagkain sa menu. Tapos puro mamahalin pa, parang nakakatakot tuloy na kumain sa ganitong kamahal na restaurant. Tsk! Napatingin sa akin si Angelo."What do you want?" Tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot, umiling nalang ako. Tumaas ang kilay niya sa akin. Ang anak niya naman ay panay na ang order sa waitress na nakatayo sa gilid niya. "Ikaw na ang bahala." Sagot ko nalang sa kanya. Tumango naman ito sa akin at nagsimula ng mag-order ng pagkain.
Pauwi na kami ngayon sa bahay ni Angelo, nakatulog na si M.A. sa hita ko, alas syete narin kase, oras na ng pagtulog niya. Pagkarating namin sa bahay ni Angelo ay inakyat ko muna ang anak ko sa kwarto niya para punasan ang katawan niya at bihisan siya ng damit pangtulog niya. pagkatapos ko sa kanya ay bumaba na ako para ako naman ang maglinis ng katawan ko at makapagpahinga na. Humihikab akong binubuksan ang ang pintuan ng kwartong tinutuluyan ko, agad akong napamulat ng mga mata ko ng wala akong makitang gamit sa loob ng kwarto. "Nasaan na ang mga gamit ko? Wala narin ang kama?" Para akong baliw na kinakausap at tinatanong ang sarili ko. Tumungo ako sa cabinet ko at binuksan ito, napanganga ako. Wala narin ang mga damit ko?
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kwarto ni manang Minda, kumatok ako ng tatlong beses bago ito dahan-dahang binuksan. Nakaupo si Manang sa kama niya at nagsusuklay ng mahaba at puti ng buhok. "Magandang gabi po, magtatanong lang po sana ako kung nasaan na ang mga gamit ko po? Wala na po kasing laman ang kwarto eh, wala na po ang mga gamit ko roon." Huminto ito sa pagsusuklay sa buhok niya. "Tanungin mo nalang si Angelo." Aniya. Napakaseryoso ng mukha niya, agad akong kinabahan. Pinapalayas na niya ba ako? Pero....akala ko.....
Napailing ako, baka nga tama ako. Baka itong gabi na ang huling pagsasama namin ng anak ko. Sana sinullit ko na ang mga natitirang araw na kasama ko siya, hindi niya man lang ako inabisuhan na palalayasin na niya pala ako pagkatapos ng gabing ito. Nangilid na ang mga luha sa mga mata ko. Dahan-dahan akong napaatras at lumabas na sa kwarto ni Manang Minda, ngayon alam ko na kung bakit parang iba ang trato niya sa akin noong mga nakaraang araw kase paaalisin na niya pala ako sa bahay niya. Siguro ginawa niya iyon para naman sa pag-alis ko ay hindi ako masyadong masaktan, at least, maganda ang pakikitungo niya sa akin nitong mga nakaang araw. Mukhang hindi naman siya napilitan sa lagay na 'yun. Napabuntong hininga ako.
Hihingi ako sa kanya ng pabor na sana ay makatulog pa ako ngayon dito sa bahay niya ngayong gabi at bukas nalang ako babalik ng Davao, bawat hakbang ko ay napakabigat ng paa ko. Parang ayaw nilang sumunod sa akin na pumunta sa kwarto ni Angelo. Nang sa wakas ay nasa tapat na ako ng kwarto niya ay nagpakawala ako ng malalim na hangin. Ano pa ba ang bago, eh nagawa ko naman ng iwan ang anak ko, it's just the same situation before.
Dahil sa bukas naman ang kwarto niya ay hindi na ako kumatok pa, baka hinihintay na niya talaga ako. Pagkapasok ko sa kwarto niya ay wala namang tao ngunit rinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Naliligo pa siguro siya. Tumayo lang ako sa giilid ng kama niya...hinihintay na lumabas siya sa banyo, wala na akong narinig na ingay mula sa banyo. Hinanda ko na ang aking sarili sa paglabas niya at sa mga sasabihin ko.
Lumabas si Angelo na nakaputing V-neck at nakaitim na jogging pants na ito at hawak-hawak niya ang puting tuwalya at tinutuyo ang buhok niya. Nang makita niya ako ay ngumiti ito ng tipid sa akin. Bakit parang hindi naman makita sa mukha niya na gusto na niya akong paalisin? Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, iwinaksi ko ito. Kumunot ang noo niya, tila naguguluhan ito sa ikikinilos ko. "Hindi mo man lang ako inabisuhan na paalisin mo na pala ako ngayon?" Mapait akong napangiti sa kanya, mas lalong kumunot lalo ang noo niya. Sobrang seryoso ng mukha niya. Naiiyak na talaga ako. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.
"What are you talking about, Angel?" Takang pagtatanong niya sa akin. "Wala na ang mga gamit ko sa k-kwarto na tinutuluyan ko, sabi raw ni Manang tanungin daw kita, at..ano...." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko kase tumawa siya, naguluhan ako. Bakit naman siya tumatawa? Sadya bang masaya siya dahil sa aalis na ako? "What made you think that paalisin kita? Geez! That's not gonna happen." Napailing pa ito sa akin. Naglakad ito papunta sa closet niya at binuksan ito , "ito ba ang mga hinahanap mo?" Turo niya sa mga damit sa loob, nanlaki ang mga mata ko. Agad akong lumapit sa kanya at napayakap sa kanya.
Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya, gulat na gulat ito sa pagyakap ko sa kanya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at malapad na ngumiti. "Hindi mo ako paaalisin ngayon?" Hindi ko ma explain kung gaano ako kasaya ngayon, at hindi ko napigilan ang mapayakap sa kanya sa sobrang saya ko. Nakita ko siyang tumango, inatras ko ang paa ko para pasimpleng lumayo sa kanya, pero naunahan na niya ako ng yakap ulit. Nagulat din kase ako sa pagyakap sa kanya eh. "Mula ngayon dito kana sa kwarto ko matutulog." Aniya. Nagulat ulit ako. "Pwede bang sa baba nalang ulit ako?" Umiling ito sa akin. Hinila niya ako papalapit sa kanya, napatitig tuloy ako sa kanya. Bahagya akong napatanga sa kanya kase mas mataas siya sa akin. Hinapit niya ako sa bewang. "Hindi na pwede." Aniya. Humalik siya sa pisnge ko at kumalas sa pagkakayakap sa akin. "Maglinis kana ng katawan mo para makapagpahinga na tayo." Tumango ako sa kanya, kumuha ako ng susuotin ko at tuwalya at pumasok na sa banyo para makapaglinis na ng katawan ko.
Pagkagising ko kinaumagahan ay wala na si Angelo sa tabi ko, maaga pa raw siyang umalis kase may emergency sa opisina, may isang branch daw sila na nagkaproblema at kailangan niyang puntahan ito. Pagkasapit naman ng hapon ay inayusan ko na ang anak ko dahil papasok na ito sa school, pagkatapos ko siyang ihatid sa school niya ay bumalik narin ako sa bahay ni Angelo.
Kanina pa ako naghihintay kay Mang Mario ngunit wala pa ito, hindi ko rin alam kung nasaan na siya. Wala rin naman kase akong cell phone kaya hindi ko siya matawagan at hindi rin niya ako matawagan. "Anak, gusto kang kausapin ni Mario." Ani Manang Minda at ibinigay sa akin ang cell phone niya. "Hello, bakit wala pa po kayo?" Maingay ang back groud sa cell phone ni Manong, nasaan kaya siya? Narinig kung napabuntong hininga si Manong. "Nasiraan kase ako, hija. Pwede bang mahintay mo muna ako? Tumawag ka nalang muna sa school ng anak mo." Napatingin ako sa orasan. Labinlimang minutos nalang at uwian na, napailing ako. Tiyak kong maiinip ang anak ko sa paghihintay hindi ko rin naman kase alam kung kailan matatapos ang pag-aayos sa kotse na dinadala ni Manong eh. "Okay na po, magjejeep nalang po ako. Baka po matagalan kapa d'yan." Namiss ko rin naman ang sumakay ng pampublikong sasakyan eh. Napangiti ako. Sigurado akong hindi pa nakakasakay sa mga ganyan ang anak ko. "Baka kase magalit si boss, hija. Hintayin mo nalang ako, hinihintay ko na ang mag-aayos ng kotse." Aniya.
"Wag na po talaga, Mang Mario. Okay lang po, sige na po. Ako nalang ang bahala sa kanyang kumausap mamaya." Sa huli ay pumayag narin ito sa akin. Binalik ko na ang cell phone kay Manang at sinabi sa kanya ang nangyari, hindi narin siya tumutol kase alam niya naman na mag-iingat ako. Pagkatapos kong magpaalam ay umalis na ako sa bahay ni Angelo, naghintay ako ng traysikel sa labasan ng subdivision. Pagkatapos akong maihatid ng traysikel sa sakayan ng sasakyan ay naghintay ako ng pampasaherong jeep, mahal kase kapag taxi eh.
Pagkarating ko sa school ng anak ko ay pumasok kaagad ako, late na ako ng ten minutes. Dali-dali akong naglakad, naabutan ko siyang masayang kinakausap ang teacher niya. Tinawag ko ang pangalan niya kaya napalingon ito sa akin, nagpaalam na ito sa teacher niya at lumapit sa akin. Nagwave ako sa teacher niya, ngumiti naman ito pabalik sa akin. "Mommy, bakit ikaw na late?" Takang tanong ng anak ko sa akin, kinuha ko ang bag niya at ako na mismo ang nagdala. Hinawakan ko siya sa kamay at naglakad na kami palabas ng school niya. "Nagcommute ako, 'nak, nasiraan kase si Mang Mario ng kotse. We'll commute, okay?" Ani ko. Binati kami ng guard ng makalabas kami. "Eh, Mommy, hindi ba magagalit si Daddy?" Aniya. Hindi naman siguro, hindi ko naman pababayaan ang anak ko at tsaka sana akong magcommute, hindi naman kase ako ipinanganak na may sariling kotse ang pamilya. Umiling ako sa anak ko, at kung magalit man siya ako na ang bahala sa kanya. Ah, basta! bahala na! Gusto ko rin naman maexperience ng anak ko ng mga ganito para kapag lumaki na siya, kapag kaya na niya, marunong na siya kapag mangyari ang ganitong pangyayari ulit.
Habang naglalakad kami papuntang sakayan ay may nakita akong may nagtitinda ng fishball, kwek-kwek....yung street foods. Huminto ako sa tapat no'n, hinila ng anak ko ang kamay ko kaya bahagya akong napayuko. "Bakit, 'nak?" May pagtataka sa mukha niya. Hindi niya ba kilala ang ganitong pagkain? "Ano yan, Mmy? Baka dirty po 'yan." Bulong niya sa akin. Mataman niyang tiningnan ang mga paninda ng lalaki, mukhang curious siya. Ngumiti ako sa nagtitinda. "Dalawang kwek-kwek po, sampung fishball at tatlong tempura, dalawang gulaman narin po." Wika ko. Hinila naman ulit ng anak ko ang kamay ko. "Mmy, hindi po ako n'yan kumakain. Baka po magalit si Daddy." Aniya ng pabulong, hinila ko siya sa tabi na pwedeng upuan, pinaupo ko siya sa tabi ko. "Masarap yan, paborito ko 'yan. Tsaka, ako na ang bahala sa daddy mo." Nakita ko ang pag-aalangan ng anak ko pero ngumiti lang ako sa kanya, maya-maya pa ay naluto na ang ni order ko.
Tinapat ko ang isang sliced ng kwek-kwek sa anak ko ngunit umiling ito, tumaas ang kilay ko. Ako ang kumain, titig na titig naman sa akin ang anak ko. "Masarap po?" Nahihiyang tanong niya. Tumango ako, tumusok ulit ako ng kwek-kwek at tinapat sa bibig niya. Unti-unti niya itong binuka at kinain. Sumubo ulit siya ng isa, at isa pa...hangang sa naubos na niya ang isang kwek kwek. "Ang sarap po manong tindero!" Aniya at nginitian ang lalaki. Napatawa naman ng mahina ang tagatinda ng kwek kwek.
Halos maubos ng anak ko ang binili ko para sa aming dalawa, sarap na sarap ito sa street foods na tinda ng lalaki. "Mommy, bakit po ang sarap ng tinda tindero? Hindi naman po siya chef sa mamahalin na restaurant po." Inosenting tanong ng anak ko habang nakasakay kami sa taxi pauwi ng bahay ng ama niya. "'Nak, hindi lahat ng nakikita mo na street foods ay masama ang lasa. Depende naman 'yan sa nagluluto eh. May mga pagkain na hindi mo nga nabibili sa sikat at mamahaling restaurant pero mas masarap naman ito at mura pa." Tumango-tango ang anak ko sa akin. Niyakap ko nalang siya.
"Bayad po manong." Binuksan ko ang pintuan at lumabas na kami ng anak ko sa taxi. Madilim na ng dumating kami sa bahay ni Angelo, nakita ko si Mang Mario, tila balisa ito at hindi mapakali. May mga butil ng pawis ding tumutulo sa noo niya. "Magandang gabi po!" Masiglang bati ng anak ko sa kanya nguniti hilaw na ngiti ang binalik nito, umuna na kami sa kanya at pumasok na sa bahay. Nakita kong nakaupo si Angelo sa sofa, hawak nito ang cell phone niya at nagtatagis ang bagang nito. Ano ang problema niya? Bakit parang galit ito? "Daddy!" Napalingon sa amin si Angelo ng tawagin siya ng anak niya, ng magtama ang mga mata namin ay napalunok ako. Galit nga siya. Lumapit sa kanya ang anak niya at humalik sa pisnge. Nasa akin parin ang mga titig niya.
"Where the hell have you been?" Matigas na wika nito, nakita kong natakot ang anak niya sa kanya kaya sumenyas ako na umakyat na siya. Sinamahan naman siya kaagad ni Manang Minda paakyat. "Nagmeryenda lang kami, pasensya na kung natagalan at inabot kami ng dilim." Paliwanag ko. Tumayo ito, mabibigat ang bawat paghakbang niya. "Bakit hindi niyo hinintay si Mario na makarating?" Galit ang boses niya. Hindi ko alam kung bakit nagagalit siya. Safe naman kaming nakauwi at hindi pa naman ganoon ka late, sabado naman na bukas kay wala siya dapat na ipag-alala. "Matatagalan pa siya kaya nauna na kami----." Napapitlag ako ng sininghalan niya ako. "Sana naghintay ka! Fuck it!" Aniya. Galit na galit talaga siya. Napatikom ang bibig ko. Nakatitig lang ako sa mga mata niya, nagsisimula ng lumabas ang takot na nararamdaman ko. "S-sorry." Mahinang sambit ko at napayuko ako.
Hindi ko sasabayan ang galit niya. Kung ayaw niyang makinig sa paliwanag ko, its better to shut my mouth. Tumalikod ako at humakbang, ngunit napatigil ako ng tinawag niya ako sa pangalan na siya lang ang tumatawag sa akin. "Angel...." Hindi ako lumingon, hindi rin gumalaw. Gusto kong marinig lang kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin. Ramdam ko na ang presensya niya sa likuran ko at ilang segundo pa ang lumipas ay nakayakap na siya sa akin ng mahigpit. "I was damn worried...I w-was....natakot ako. Sobra. Maraming pumasok sa isipan ko kanina ng hindi pa kayo nakakauwi..baka umalis kana kasama ang anak natin at hindi kana bumalik pa. Hindi ko alam ang gagawin kanina. Nagalit ako, kase natakot ako. I'm sorry, I didn't meant it. Sorry." Aniya. Hinarap ko siya.
"May isang buwan pa ako para manatili at hindi ko siya ilalayo sa iyo. 'Wag kang mag-alala." Humalik siya sa noo ko at mahigpit na niyakap ako sa bewang. "Forgive me." Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango. He tucked the strands of my hair at the back of my ears na tumatabon sa pisnge ko. Parati naman kitang pinapatawad, kahit noon pa. "Thank you." Mahinang sabi niya. Kumalas ako sa pagyakap niya sa akin at tumalikod na para umakyat sa taas pero nahabol niya ako at hinawakan ang kamay ko. "Saan kayo nagpunta? Tell me." Malambing na wika nito. Tumango ako sa kanya at nag-umpisa ng magkwento sa kanya.