EPILOGUE

1 0 0
                                    

Epilogue ]
-------------------------------

This chapter is dedicated to @Secretly_Yourss
Thank you for recommending my stories sa friends mo😊
                           ~oOo~
Mikalela's POV
Napasimangot ako habang nakatingin sa asawa ko, narito nga siya sa bahay pero, nasa laptop naman ang atensyon niya. Simula kasi kahapon ay hindi siya pumasok ng trabaho at buong araw siyang narito sa bahay.
May tinatapos lang daw siyang business proposal para sa Board Meeting nila next week, hinayaan ko naman siya kasi, ang sabi niya ay malapit niya na raw matapos ang ginagawa niya, but, look at him now, sobrang busy niya. Ni hindi ko nga siya makausap ng maayos.
Nakakagigil na siya! Gusto ko siyang kurutin, 'yong babaon talaga sa pisnge niya ang mga kuku ko. Tsk!
Napaingos ako. "Hindi ka pa ba tapos d'yan?" Naiinis na tanong ko. Naghintay ako nang ilang segundo para sa sagot niya pero, wala akong narinig na mula sa kanya. Ugh! Nakakainis! "Asawahin mo nalang ang trabaho mo!" Gigil na bulong ko at padabog na tumayo.
Umakyat ako sa kwarto namin at doon nagkulong. Apat na buwan na akong buntis, hindi naman maselan ang pagbubuntis ko pero, doble ingat parin ako sa kinakain at mga kilos ko. As much as possible ay healthy foods ang kinakain ko, except sa mga pagkain na nagkicrave talaga ako like street foods especially kwek-kwek.
Hindi rin ako nagpapagod dahil ayaw ng asawa ko, palagi niya akong napagsasabihan kapag nakikita niya ako na galaw nang galaw. Gusto niya ay pumermi lang ako sa isang tabi o 'di kaya'y mag-exercise para sa babaeng katulad kong buntis.
Napaismid ako. Palagi nalang siyang busy! Kapag nasa bahay siya puro laptop at telepono ang hawak niya. Nakakainis!
Gigil kong sinampal ang unan ni Angelo. "Puro ka nalang trabaho, trabaho trabaho! Nakakainis ka!" Matalim kong tinitigan ang unan niya na para bang siya ang nasa harapan ko. "Magsama kayo nang kompanya mo!" Impit na sigaw ko at naiinis na napahiga.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Bakit ganoon? Naiinis ako sa kanya tapos ngayon ay namimiss ko na naman siya. Napanguso ako. Ang hirap kapag pinaglilihian mo ang asawa mo. Naiiling na wika ko sa isipan ko.
Padabog na naman akong napatayo, kahit na naiinis ako sa kanya ay gusto ko parin siyang makita at maamoy. "Ugh! Nakakainis!" Mabilis pero, maingat akong bumaba. Agad ko siyang sinilip sa sala at ayon! Nasa laptop parin ang mga mata niya. Napatulis ang nguso ko.
Napahalukipkip ako. Tutuk na tutuk ang kanyang mga mata sa laptop at may tinatayp na mga documents, seryoso rin ang mukha nito at kung minsan ay napapakunot pa ang kanyang noo. Ni hindi man lang niya nararamdaman na nakatingin ako sa kanya? Grabi ang konsentrasyon niya sa ginagawa niya, huh?
Napalingon ako sa pinto ng may nag doorbell, sinulyapan ko si Angelo, ngunit, seryoso parin itong nakatitig sa laptop niya. May inaasahan ba siyang bisita? Hindi pa naman uwian ng anak namin ah, hindi rin naman uuwi si Aling Minda ngayon dahil nasa mansyon ito para mag general cleaning at pagkatapos niya roon ay uuwi raw siya sa family niya at si Mang Mario naman ay nasa car wash at didiretso na siya sa school ni M.A. mamaya para sunduin ito.
Naglakad na lamang ako papunta sa pintuan at binuksan iyon para makalabas, pagkalabas ko naman ay dumiretso ako sa gate at binuksan ko ito. Sinalabong ako ng lalaki ng isang malapad na ngiti, hindi ko siya kilala. "Magandang araw po, Ma'am. Ikaw po ba si Mrs. Buenavista?" Tumango ako sa kanya. Sino naman ito at ano ang kailangan niya sa akin?
Ngumiti ulit siya sa akin at may kinuha sa loob ng kotse niya. Naamoy ko kaagad ang mabangong amoy galing sa hawak-hawak niya.
Bouquet of red roses.
Lumapit ulit siya sa akin. "Pakipirma nalang po." Aniya. Hindi ko tinanggap ang pinapipirmahan niya sa akin. "Kanino galing 'yan?" Takang tanong ko. Baka mamaya kung kani-kanino lang 'yan galing at baka magalit pa ang asawa ko. Ibinigay niya sa akin ang bouquet of red roses. "May letter pong kasama ang bouquet." Nakangiting wika niya.
Kinuha ko naman ang bouquet of red roses at binasa ang nakasulat sa papel na nakaipit sa loob.
Stop pouting and frowning, my love. I love you.
P.S.I hope you'll like it. Peace offering?
Your loving husband,M.A.B
Sumilay ang ngiti sa labi ko. Mabilis kong kinuha ang pipirmahan ko at nagpasalamat at nagpaalam sa lalaking nagdeliver ng bouquet of red roses. Nakangiti akong pumasok sa bahay at inaamoy-amoy ang red roses. Ang bango talaga nila!
Naabutan kong prenteng nakaupo si Angelo sa sofa, nakasara na ang laptop niya sa glass table. He smiled at me. Mabilis akong lumapit sa kanya. "Now your smiling, Love." Aniya at napailing. Umupo ako sa tabi niya, at mabilis namang pumulupot ang braso niya sa bewang ko.
Napapikit ako nang lumapat ang labi niya sa noo ko at napangiti. "Thank you, Love!" Ani ko at yumakap sa kanya ng mahigpit. Inilagay ko ang bouquet sa sofa at umupo sa kandungan niya patagilid. Binigyan ko kaagad siya ng mumunting halik sa buong mukha niya. Narinig kong tumawa siya nang mahina.
At ang panghuli ay ang labi niya. Malumanay lang ang galaw ng mga labi namin, I cupped his face at siya naman ay pinipisil ang bewang ko. I cut our kiss and then I smiled at him. "I love you, too. Tapos ka na sa ginagawa mo?" Namumungay ang kanyang mga matang tumango sa akin.
Pinisil ko ang pisnge niya. Kung noon ay ayaw na ayaw niyang pinipisil ko ang pisnge niya, ngayon ay hinahayaan niya nalang ako. "Mabuti naman. Papansinin mo na ako n'yan?" Parang bata kong wika. Ngumisi siya sa akin. "Anong gagawin mo kapag ayaw parin kitang pansinin?" Napasimangot ako at gigil na kinurot ang tagiliran niya. "Ipapakain ko sa iyo ang laptop mo! Narito ka nga pero puro trabaho ka rin naman, mas mabuti pang pumasok ka nalang sa opisina mo." Mahinang humalakhak si Angelo. Tinaasan ko naman siya ng kilay ko.
Nasisiyahan pa yata siya, ano? "You're really cute." Mas sumimangot pa ako sa sinabi niya. Cute aff! Aalis na sana ako mula sa pagkakakandong sa kanya nang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "I'm sorry for that, gusto ko lang naman na tapusin ang trabaho ko para masolo na kita. Last na iyon, promise." Itinaas niya pa ang kanang kamay niya at binigyan ako ng matamis na ngiti.
Malambing akong yumakap sa kanya at ibinaon ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango-bango niya talaga! Hinaplos niya ang likuran ko at hinalikan ang noo ko. "Happy Valentine's day, Love." Napahiwalay ako sa kanya at takang napatingin sa kanya. "Hindi ka tumingin ng kalendaryo kanina?" Napailing ako. Valentine's Day pala ngayon at ito ang unang Valentine's Day naming mag-asawa. Napangiti ako.
"Ito ang unang Valentine's Day natin bilang mag-asawa." Ani ko. Hinaplos niya ang mukha ko. "Yeah, and, of course, mas marami pang Valentine's Day para sa atin." Hinapit niya ako sa bewang at binigyan ng halik sa labi ko. "Kaya pala may pa bulaklak ka." Pinatayo niya ako at tumayo rin siya mula sa pagkakaupo. "Hindi naman ganoon ka romantic but I think napasaya naman kita." Aniya.
Yes, hindi nga sobrang romantic pero, masaya na ako sa pabulaklak niya. Alam ng asawa ko na mahilig ako sa bulaklak kaya alam niyang maa-appreciate ko ito and plus, white and red rose talaga ang gusto kong bulaklak.
Binuksan niya ang laptop niya at may hinahanap yata siya. Maya-maya pa ay umayos narin siya nang tayo at hinarap ako. "Huwag na tayong magdate, okay? I just want to spend this day with you and to our daughter. Dito nalang tayo sa bahay. Let's just cuddle." Tumango ako sa kanya. Tinatamad din naman akong lumabas ngayon, mas gusto ko pang nasa bahay nalang ako kasama siya. Mamaya darating naman na ang anak namin.
"Magluto nalang tayo mamaya for our dinner, doon tayo sa garden. Si Mang Mario naman ay pauwiin mo muna sa kanila to spend Valentine's Day sa family niya." Nagsalute ito sa akin na para bang ako ang boss niya.
PAGKATAPOS kong mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto namin ni Angelo, nakasuot ako nang isang dilaw na cocktail dress, naglagay din ako ng light na make up para naman bumagay sa suot ko ngayon.
Sa garden lang naman kami pero kailangan ko pang magsuot ng ganito. Napailing na lamang ako.
Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa garden kung saan kami magdidinner. May nakaset-up naroong table, may mga simpleng dekorasyon narin ang paligid.
Napataas ang kilay ko nang may makita akong lalaking may hawak na violin. Akala ko ba simpleng dinner lang?
Ngumiti sa akin ang lalaki at bumati kaya ngumiti rin ako bilang ganti sa kanya at binati siya ng isang magandang gabi.
"Daddy! You look like a King and I am your princess?" Rinig kong humagikhik ang anak ko, nakakandong ito sa ama niya. Nakasuot rin ang anak ko ng dilaw na gown, para siyang isang Disney Princess. Napakaganda niya sa suot nito and for Angelo, he's wearing a black suit. Simple pala, huh? Tapos, bihis na bihis kami.
Napangiti ako. Hindi niya yata pinaghandaan ang araw na ito.
Tumikhim ako at parehong napalingon sa gawi ko ang mag-ama ko. "Mommy!" Tumalon kaagad ang anak ko mula sa pagkakakandong niya sa kanyang ama at lumapit sa akin, at nang makalapit na siya sa akin ay humalik siya sa t'yan kong may maliit na umbok na.
Hinaplos ko ang mukha niya. "Hi, princess." Yumuko ako para mahalikan ang pisnge niya. "Mommy, ang prince natin nasa tummy mo pa po." Nakangusong sambit nito. Napatawa ako nang mahina sa tinuran niya. Pati talaga siya gusto ang baby boy.
Nang nalaman niya na magkakaroon na siya ng kapatid ay tuwang-tuwa ito and she thanked God kasi at last daw ay dumating na ang pasalubong niya, well, not literally na dumating na talaga. At least, ilang buwan nalang ang hihintayin niya para lumabas ang kapatid niya sa t'yan ko.
Lumakad papalapit sa amin si Angelo, napangiti naman ako sa kanya. Nang makalapit na ito sa akin ay humalik siya sa noo ko, yumakap naman ako sa kanya. "Simple dinner, huh?" Tukso ko sa kanya. "Simple, yet romantic." Sagot nito sa panunukso ko at marahang hinila ang kamay ko papunta sa table na nakaset na sa gitna ng garden.
Pinaghila niya ako ng upuan at ganoon din ang anak namin. "Kami ba si Beauty at ikaw si Beast?" Napahagikhik ang anak namin sa tanong ko. "Gwapo kong Beast, ano?" Tumaas ang kilay ko. "Ang yabang mo." Nakasimangot kong sabi. Napangisi lang siya sa akin at nilagyan niya ng kanin ang plato ko.
"Huwag mong damihan, gusto kong kumain ng maraming carbonara." Utos ko sa kanya. Kami ang nagluto ng mga pagkain kanina, pero, si Angelo ang nagluto ng carbonara. "Daddy, gusto ko nang bufallo wings." Pagkatapos lagyan ni Angelo ng pagkain ang plato ko ay sinunod niya naman lagyan ng pagkain ang plato ng anak namin.
"Mommy, kapag boy ang baby kapatid ko, pwedeng ako ang magpapangalan sa kanya?" Ngumiti ako sa anak ko. "Oo naman, 'nak. May naisip ka na bang pangalan?" Tahimik lang na kumakain si Angelo, hanggang sa sumenyas siya sa lalaking nakahawak ng violin kanina. Maya-maya pa ay nag-umpisa itong tumugtug.
"Oo naman, Mmy. Pagpipili'an ko nalang." Tumusok siya nang fried chicken at kinain ito. "That's good, Baby. Sabihin mo sa akin mamaya kung anong mga names ang pinagpipilian mo, huh?" Ani naman ng Daddy niya. Tumango naman ang anak namin at magiliw na kumain. Nilagyan ni Angelo ng carbonara ang plato ko nang makita niyang wala ng laman ang plato ko.
Bigla akong natakam. "You really like carbonara, huh?" Hindi ko siya pinansin. Hinintay ko lang na matapos lagyan ni Angelo ang plato ko ng carbonara at kumain na. Nag-uusap ang mag-ama habang ako ay takam na takam na kumakain, parang wala akong pakialam sa pinag-uusapan nila. Ang gusto ko lang ay kumain nang kumain ng carbonara.
Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan kami ng mag-ama ko, nakakandong si M.A. sa Daddy niya at pinaglalaruan nito ang patubong balbas ng ama. "Daddy, pwede na akong magka-crush?" Napaubo si Angelo sa sobrang gulat sa tinanong ng anak niya, even me, nagulat din ako.
Nagsalubong ang mga kilay ni Angelo habang ang anak naman namin ay parang wala lang sa kanya ang tinanong sa ama. "You are too young to have a crush on someone, Baby. 'Wag muna, wait until you'll turn 30"  Kumunot ang noo ng anak namin. Pinandilatan ko ng mata si Angelo, seryoso ba siya? 30 yrs old pa bago magkacrush ang anak niya? "Daddy, ang tanda ko na n'yan." Maktol ng anak namin sa ama niya.
Angelo brushed his fingers sa buhok ng anak niya. "Okay, I'll let you have a crush, pero, kapag malaki ka na and kapag naiintindihan mo na ang mga bagay na kailangan mong maintindihan sa tamang panahon." Ngumiti ako kay Angelo. "Eh, ikaw ba Mommy? Kailan ka nagkacrush noon?" Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Angelo.
"Nagkaroon ako ng crush when I was seventeen." Nakangiti kong wika. Napaismid naman si Angelo. Tumango-tango naman ang anak ko sa akin at bumaling ng tingin sa ama niya. "How about you, Daddy? Kailangan ka po nagkacrush?"
"I had a crush when I was fifteen," sagot nito sa anak niya, "but, my ultimate crush was and still my crush is your mom." Dugtong nito. Tila namula yata ako sa tinuran niya, ang anak naman namin ay nakangiting nilingon ako. I smiled back at my daughter at napatingin ako kay Angelo.
Mataman niya lang akong tiningnan. Baka binobola niya lang ako?
Tumikhim ito at tumayo na, pinaupo niya ang anak namin sa silya at hinalikan sa noo. "Stay here for a while, okay?" Tumango naman ang anak namin at lumapit sa akin si Angelo. "Can I dance with my queen?" He boyishly grinned at me. Tumayo naman ako at hinawakan ko ang kamay niyang nakalahad. "Of course."
Nakaalalay ang si Angelo sa bewang ko habang naglalakad kami 'di kalayuan sa table kanina. Sumenyas siya sa lalaki at nakita kong ngumiti ito sa amin then he started to play a song using his violin.
Beauty and the beast.
Mahina akong napatawa, seriously?
Pumulupot ang mga kamay ko sa leeg ni ng asawa ko, ang kanya naman ay nasa bewang ko.
"I just realized that I have the most beautiful queen and I am your beast." Napangiti ako sa kanya. Yes, he was a beast before but, not now. He's a changed man now. Ibang-iba na siya sa Angelo noon. Kung noon ay nasasaktan niya ako, ngayon naman ay mas mabuting siya nalang ang masaktan huwag lang ako at ang anak niya.
He will do everthing just for us. Kaya niyang labagin lahat ng batas kung sakaling masaktan at maagrabyado kami ng anak niya, and I am too. Hindi ko hahayaang masaktan ang mag-ama ko.
"Hindi na ngayon." Hinaplos ko ang mukha niya. "Thank you, Love. Thank you for everything, for loving me, for giving me a daughter and another baby. Salamat sa pag-iintindi sa akin, sa pag-aalaga at higit sa lahat, sa pagpapatawad mo sa lahat ng kagaguhang nagawa ko sa iyo noon." Malalim itong napabuga ng hangin. Kahit matagal ng nangyari ang bagay na iyon ay tila hindi niya parin makalimutan.
Sino ba namang makakalimut kong ganoon ang nagawa mo? And, even me, hindi ko makakalimutan 'yon kahit mamatay man ako. But, hindi na iyon importante sa ngayon.
"I know paulit-ulit nalang ako, but, I can't help it. Kapag hindi ako makatulog kapag gabi or kapag nagigising ako in the middle of the night at hindi makabalik sa pagtulog, palaging bumabalik ang lahat ng pangyayari noon. I can even hear you crying and begging for me to stop hurting you. Sobrang sakit sa pakiramdam, I can't breathe well." Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Nahihirapan siya. I bit my lower lip. Oh, God!
"Kapag naiisip ko ang mga iyon ay napapapikit ako ng mga mata ko and I will always ask God, what did I do right for me to deserve you? You don't deserve someone like me. But, no, kahit na hindi mo ako deserve, I will still do everything just to be with you. Kahit ano pa iyon. Hindi kita hahayaang makawala sa akin." Tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Pinipigilan ko ang mga luha ko na huwag tumulo. Ayaw kong makita niya kong umiiyak dahil ayw niya iyon, pero, ganoon din ako. Ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan. Para kasing sinasaksak ang dibdib ko.
"Kailangan mong patawarin ang sarili mo sa mga bagay na nagawa mo noon, free yourself from the past, Love. Matagal na kitang napatawad. Kaya sana, ikaw din. Patawarin mo na ang sarili mo. Lahat ng hindi magagandang bagay na nangyari noon ay kailangan na nating kalimutan. Can't you see? May pamilya na tayo, oh. Magiging ganap kang masaya kung bibitawan mo na ang nakaraan." Mahigpit niya akong niyakap at doon umiyak ng mahina sa balikat ko.
"Oh, God! I just can't believe that you are mine." Pumiyok ang boses niya. "Mahal na mahal kita, Angelo. Kaya please lang, let it go. Ibaon mo na 'yon sa nakaraan." Hinaplos ko ang likuran niya. Hinarap niya ako ng ihiwalay niya ang katawan niya sa akin.
"You won't leave me, right? Promise me please." Tumitig ako sa kanyang mga mata at ngumiti. "Ngayon pa ba kita iiwanan gayong mahal na mahal na kita?" Napailing ako. "Of course, hindi kita iiwanan. Sabay tayong tatanda, sabay nating susubaybayan at gagabayan ang mga anak natin." Ilang beses ko na bang sinabi ito sa kanya? Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses na.
"I love you so much, Love." Malambing na wika nito. Ngumiti na siya sa akin. "I promise to love you forever kahit palaging sinasabi ng iba na walang forever. As long long as I live, I will love you." At hinalikan niya ang labi ko. Napangiti ako.
"Mommy, Daddy! Tama na po 'yan." Naputol ang halikan namin ni Angelo at parehong napalingon sa anak namin. Napatawa kami ni Angelo ng mahina. Kinarga ni Angelo ang anak namin at sinayaw ito. Pagkatapos niyang isayaw ang anak namin ay niyakap nila akong dalawa.
Masaya na akong kasama sila. Pareho naming bubuuin ang pamilyang ito na masaya at nagmamahalan.
END

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now