CHAPTER 27

5 0 0
                                    

ChapterTwentySeven ]
-------------------------------

Continuation...
                               ~oOo~
"What fuck are you doing here, Zeus? Fuck!" Malakas na sigaw niya.
Hindi ko pinansin ang malakas at galit na sigaw ni Angelo, masaya lang akong nakayap kay Zeus. Na miss ko kase ang kaibigan ko eh. Mahigpit din akong niyakap ni Zeus at narinig ko siyang tumawa ng mahina. "Hanggang ngayon seloso parin ang gagong 'yan." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Zeus. Kumawala ako sa pagkayakap sa kanya at binigyan ko siya nang matamis na ngiti. "Kamusta kana, Zeus? Na miss kita." Sumulyap siya sa likuran ko bago sumagot sa tanong ko.
"Okay lang naman ako, ikaw? Okay kalang ba rito?" Tila nag-aalala niyang tanong sa akin. Tumango ako sa kanya at binigyan siya nang ngiting ikakapanatag niya. Ginulo niya ang buhok ko.
"What are you doing here, asshole?" Naiinis na ulit tanong ni Angelo sa kanya. Pareho namin siyang nilingon. "Why do you ask? Hindi naman ikaw ang binibisita ko." Sabat naman ni Zeus. Matalim niyang tinitigan si Zeus, pero si Zeus ay parang walang pakialam kay Angelo. Hindi ko talaga mawari kung bakit kapag nagkikita silang dalawa ay para silang may galit sa isa't-isa. "This is my house kaya may karapatan akong magtanong sa lahat ng taong pumupunta sa bahay ko." Matigas na salita ni Angelo. Umakbay si Zeus sa akin.
"Get your hands off of her." Ngumisi lang si Zeus at mas kinabig ako papalapit sa kanya. "Hindi na ba pwedeng umakbay sa kaibigan ko? I missed her. Hindi ka naman niya nobyo o asawa para magselos, hindi ba?" Bigla itong natigilan. Bumuka ang bibig niya pero hindi naman siya nakapagsalita. Mariin niyang itinikom ang bibig nito. "Fucking right!" Galit na sabi niya at umalis na ito. Mabuti nalang at wala na si M.A., bigla nalang kase itong nawala kanina nang dumating si Zeus. Baka nasa kwarto niya siya.
Hinila ko si Zeus paupo sa mahabang sofa, nagpahila naman siya sa akin at tabi kaming umupo. "Tumawag ako sa orphanage kanina para sana kamustahin ka at ang mga tao roon, nagulat nalang akong sinabi ni Sister Mickey na wala kana pala roon at ang mas ikinagulat ko ay nandito kalang pala. Nandito ka na naman pala." Mapakla siyang ngumiti sa huling mga salitang sinabi niya sa akin. Ngumiti lang din ko sa kanya ng tipid. "Nagtatampo kaba kase hindi kita napuntahan sa inyo?" Gusto ko siya sanang ngitian kaya lang napakaseryoso ng mukha niya, hindi ko alam, pero parang galit siya. 'Yun kase ang nakikita ko sa mga mata niya eh. Napailing ito sa akin.
"It's not that. Why are you here? Hindi kapa ba nadala?" Napakagat ako nang pang-ibabang labi ko. I stared at him then sighed. "H-hindi naman naging madali ang lahat sa akin. Kaya lang kailangan kong magdesisyon." Hinawakan niya ang kamay ko. "Tell me." Sabi niya, kaya ni kwento ang lahat ng detalye sa kanya kung bakit ako narito ulit sa bahay na ito. Seryoso lang siyang nakikinig sa akin habang nagkwe-kwento ako sa kanya at hawak hawak niya pa ang kamay ko.
"You didn't tell me, I could've helped you." Napailing ako. "Nakalimutan ko kase eh, pasensya na." 'Yun talaga ang totoo. Hindi ko na naisip pa na humingi ng tulong kay Zeus noon, ewan ko ba. Nawala na siguro sa utak ko na pupwede naman akong humingi ng tulong sa kanya, dahil narin siguro sa natakot ako sa banta ni Angelo sa akin, pero hindi rin naman ako nagsisisi na nakalimutan kong humingi ng tulong sa kanya. Nakasama ko rin naman kase ang anak ko at kahit papaano ay napaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko bilang isang ina sa kanya at itinuring niya ako bilang isang ina. Masaya na ako roon. "I see." Sabi ni Zeus. "The devil is coming." Kumunot ang noo ko. Devil? Sino naman 'yun? Nagtataka kong tiningnan si Zeus, maya-maya pa ay umupo na si Angelo sa pwesto niya kanina bago pa dumating si Zeus.
Nakapoker face lang ito, kinuha niya ang remote control at pinaandar ang TV. Siya ba ang tinutukoy kanina ni Zeus na "Devil"? Ang sama naman niya kay Angelo. "Siya ang Devil na sinasabi mo?" Bulong ko kay Zeus, inilapit niya naman ang mukha niya sa akin at bumulong din. "Oo, tama naman ako, hindi ba?" Ngumisi siya sa akin. Napanguso ako. Pinisil niya ang magkabila kong pisnge. "Aray ko naman!" Reklamo ko. Ang sakit! "Ang cute mo talaga kapag nagblu-blush." Mahinang tumawa si Zeus. Sinapo ko ang pisnge ko, ang sakit talaga!
Biglang tumaas ang volume ng TV. Sumulyap ako kay Angelo, magkasalubong ang dalawang kilay niya at halos kumawala ang mga ugat niya sa kamao niya habang mahigpit na hawak ang remote control. Napangiwi ako. Balak niya bang sirain ang remote control ng TV niya? Napailing si Zeus pagkatapos niyang sulyapan din si Angelo. "Mas grumabe pa." Natatawang turan ni Zeus. "May garden dito?" Pagtatanong niya. Panaka-naka parin akong sumusulyap kay Angelo, he is gritting his teeth. Galit na naman siya. Tumango ako kay Zeus. Bigla niya akong hinila patayo, "doon tayo. Ang ingay eh, para masolo kita." Kumindat siya sa akin. Masolo raw ako? Napailing na lamang ako.
"Ang dami mong alam, halika na nga." Nagulat ako nang bigla akong halikan ni Zeus sa noo. Hindi rin naman ako nailang kase nagawa na nita ito sa akin kahit noon pa, parang friend kiss lang. At tsaka ang halik sa noo ay tanda ng paggalang mo sa babae at sweet iyon para sa akin. Ngumiti ako kay Zeus. "Sabi mo halikan kita eh." Napailing ako. Pilyo talaga. Wala naman akong sinabi na halikan niya ako ah! Ang sabi ko lang ay "Halika na", meaning parang aalis na kami. Ganoon lang 'yun.
Muntik na akong tumalon ng may malakas bagau na ibinagsak at nakita ko nalang na wasak na ang remote control na kanina ay mahigpit na hinahawakan ni Angelo. "H-hala!" Nasabi ko nalang. "Bakit mo ibinagsak, dude? Galit ka ba?" Natatawang tanong ni Zeus. Nakatingin parin ako sa wasak na remote control, parang sinadya talagang wasakin iyon. 'Yung tipong galit o naiinis ka at wala kang mapagbuntunan kaya winasak mo nalang ang bagay na malapit sa iyo. "May nakita lang akong ipis, gusto ko sanang patayin, kaya lang ang bilis nakawala." Sagot ni Angelo. Ang tigas ng pagkakasambit niya nang bawat salita, parang gigil na gigil siya.
Sa linis ng bahay ni Angelo duda akong may ipis na makakapasok sa bahay niya, kaya nagtataka ako sa rason niya. Kahit noon wala akong makita ni isang ipis sa bahay niya tapos ngayon mayroon na? Tapos 'yung remote pa ang ginamit niya pampatay ng ipis? Malaki talaga galit niya sa ipis, ano? "Is that so? Usap lang kami ni Mika, maghanap kapa ng ipis, pero make sure na mapapatay mo na talaga." Sabi ni Zeus, matalim na tinitigan ni Angelo si Zeus, kaya bago pa may mangyaring iba ay hinila ko na papuntang garden si Zeus.Pareho na kaming nakaupo ngayon, may maliit kase rito na round table with four seats. Nasa harap ko siya nakaupo.
"Alam mo, hindi parin siya nagbabago. That guy! He must be smitten." Sabi niya. Kumunot ang noo ko. Smitten? Si Angelo? Kanino naman? "Kanino naman?" Nagtatakang tanong ko. Tumaas ang kilay ni Zeus. "Sa isang manhid. Isang gago nagkagusto sa isang taong bato." Umiiling iling pa ito. Pinagmasdan ko lang siya. Mukhang natutuwa siya sa mga sinasabi niya. "Gago na siya at mas nagiging gago pa kapag nagseselos. That guy! He's so lucky." Wala naman akong maintindihan sa sinasabi niya. Hindi ko rin naman kase kilala ang nahugustuhan ni Angelo. "Kayo ba ni Angelo ay matagal ng magkaaway? Pansin ko lang kase mula noon hanggang ngayon parang galit si Angelo sa iyo. Did you two fought over one girl?" Pero, posible ba 'yun?Paano naman nga Mommy ni M.A. sa Canada? Biglang natawa ng malakas si Zeus sa tanong ko. May nakakatawa ba? I just want to know. Para naman hindi na ako nagtataka kung bakit hindi sila magkasundong dalawa.
Kulang nalang kase magsuntukan sila sa talim ng titigan nilang dalawa eh, lalong-lalo na si Angelo. Mas matalim siya kung tumitig kay Zeus eh.
Hinampas ko sa balikat si Zeus. Napasimangot ako. Malakas parin kase siyang tumatawa at nakakainis 'yun.
"Seryoso ka? Do I look like na mang-aagaw ng ako ng girlfriend or do I look like na inagawan ng girlfriend? Come on! Mas malalim pa ang pinanggagalingan ng gagong 'yun, at wala akong alam sa mga kagaguhan niya sa buhay." Napanguso ako. "Puro naman may gago eh. Umayos ka nga." Naiinis kong sabi.
"No, wala talaga. We've known each other, sa business lang. We're not that close, magkakilala lang by name and profession. That's all and hindi kami nag-away over one girl romantically, but I can say na we've fought over one girl pero hindi ko na muna sasabihin sa iyo. Hindi pa tamang panahon." Paliwanag niya. I crossed my arms under my chest. "Ganoon ba?" Na sabi ko nalang. Magtatanong pa sana ako tungkol sa babae, kaya lang mukhang hindi niya naman sasabihin sa akin kaya itinikom ko nalang ang bibig ko.
Nanatili pa si Zeus sa bahay ni Angelo siguro inabot pa siya nang isang oras bago niya napagpasyahang umalis, marami kaming napag-usapang dalawa. Tungkol sa buhay niya at sa buhay ko ngayon dito. Ngayon ay inililigpit ko na ang mga pinagkainan namin ng meryienda kanina, inilagay ko na ang mga baso, platito at spoon and fork sa tray at lumakad na papunta sa kusina. May napansin akong basag na paso sa gilid ng pintuan, kunot noo ko itong tiningnan. Sino kaya ang nakabasag niyan? Tanong ko sa sarili ko.
Nang makapasok ako sa kusina ay hinanap ko kaagad si Manang Minda, lumabas ako nang kusina at nagpuntang sala. Doon ko siya nakita kasama si M.A. na nanonood ng TV. "Manang? Sino po ang nakabasag ng paso sa labas? Sa gilid po ng pintuan." Pagtatanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin. "Hindi ko alam, anak. Kasama ko naman si M.A. kanina pa." Sagot niya sa akin. Kami lang naman ang narito sa bahay ni Angelo at sigurado naman akong hindi si Zeus iyon kase kausap ko naman siya nang nandito pa siya at wala naman akong makitang dahilan para mangbasag siya nang gamit dito.
"Ganoon po ba? Sige po." Sabi ko at iniligpit ang mga laruan ni M.A. na nakalat sa sahig. "Ang hina talaga ng Daddy mo." Bulong ni Manang Minda na naririnig ko naman. "He is not, Yaya Nana. Ayaw niya lang kase." Balik na bulong din ng anak ko kay Manang Minda. Ano kaya ang pinag-uusapan nilang dalawa? At bakit naman mahina si Angelo? Mukhang hindi naman ah. Mukhang malakas naman siya at walang sakit. At bakit naman sila nagbubulungan eh naririnig ko naman? "Bakit mahina siya?" Tanong ko habang nagliligpit ng mga laruan ng anak ko. "Ay! Wala naman, Mommy." Tapos ngumiti siya sa akin nang sobrang lapad. Mukhang ayaw nilang ipaalam sa akin kaya tumango nalang ako at naglakad papunta sa kwarto ng anak ko para ilagay ang mga laruan niya.
Sa mga sumunod na mga araw ay palagi akong binibisita ni Zeus, dinadalhan niya ako nang bulaklak paminsan-minsan at nag-uusap kami. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya sa akin, ang sabi niya lang kase ay gusto niya lang akong bigyan ng bulaklak at bisitahin at kamustahin. Si M.A. naman ay balik aral na ulit. Hindi na raw siya binubully ng mga kaklase niya.
At ngayon nga ay narito na naman si Zeus, natutuwa nga ako na may kaibigan akong nakakausap sa bahay na ito.
"Why are you always here, Mondragon? Wala ka bang bahay?" Masungit na tanong ni Angelo kay Zeus. Kanina pa siya umalis papuntang opisina pero narito siya ngayon. Minsan napapansin ko na na kapag narito si Zeus ay umuuwi si Angelo at kapag uuwi na si Zeus ay babalik na naman siya sa opisina. "I like it here, kausap ko si Mika. Ikaw, bakit parati karing narito kapag narito ako? You know, sinisigurado ko na kapag wala kana ay pupuntahan ko rito si Mika." Mag-aaway na naman ba sila? Palagi nalang silang ganyan. "Ah, teka lang, Ze----." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana ng magsalita si Angelo.
"Wala ka nang pakialam doon, this is my house kaya may karapatan akong magtanong sa mga taong naririto and what the fuck do you care if I am here? Bahay ko ito, malamang uuwi ako rito kahit kailan ko gugustuhin." Matigas niyang turan. Ilang beses akong napalunok. "Paano kong ligawan ko si Mika?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Zeus.
"What the fuck? Are you kidding me." Dumagundong ang malakas na galit na sigaw ni Angelo sa bahay niya. Biglang natawa si Zeus. "Of course, I am. I'm just kidding. Anyway, alis na muna ako. Babalik nalang ako bukas." Hinalikan ni Zeus ang noo ko bago umalis. Napatulala ako. Ano bang nangyayari?
"Don't you dare coming back again and stop kissing her!" Sagot naman ni Angelo, si Zeus naman ay itinaas ang dalawang kamay habang nakatalikod na naglalakad. Matalim akong tinitigan ni Angelo bago umakyat sa taas.
Hindi na nakadalaw pa si Zeus sa akin kase may importante raw siyang pupuntahan, mas maigi na nga iyon para naman hindi na muna sila magkita ni Angelo sa bahay na ito. Ito na ang pangalawang araw na walang Zeus na bumibisita sa akin.
"Mommy?" Napalingon ako sa anak ko. Akala ko ako ang tinatawag niya pero may kausap pala ito sa cell phone. Nakita kong namuo ang luha sa mga mata ng anak ko. Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko. Natigilan ako sa ginagawa kong pagtimpla ng gatas niya. "Really? I miss you so much, Mommy. Kailan ka po uuwi? Miss kana namin ni Daddy." Gumaralgal ang boses ng anak ko. Ramdam ko rin kung gaano niya namimiss ang kausap niya sa cell phone ng ama niya. "Talaga po? I love you so much po." Sumasakit ang puso ko. Halos hindi ako makahinga ng maayos. Masaya ako na pansamantala ay ako ang kinikilala niyang ina pero uuwi na ito at masakit marinig mula sa kanya na iba ang tinatawag niyang Mommy. She even said na mahal niya at namimiss niya na ito.
Nag-iwas ako nang tingin sa anak ko at ipinagpatuloy ang pagtitimpla ng gatas niya. Minadali ko itong tinapos para makaalis na kaagad ako. Iniwan ko lang ang baso ng gatas sa mesa sa tabi ng anak ko at lumabas na ng kusina.
Nang marating ko ang kwarto kung saan ako natutulog ay agad ko itong isinara at isinandal ang likod ko sa pintuan. Napaupo ako. Itinabon ko ang isang kamay ko sa bibig ko para hindi nila marinig ang mga hikbi ko. Tahimik lang akong umiiyak. Ang sakit sakit kase. Alam ko naman na wala akong dapat na sisihin kase ito ang pinili ko kaya dapat alam ko na na mangyayari ito.
Na darating ang panahon na makikita at makikita ko rin ang kinikilala niyang Ina.
"Mmy? Nar'yan ka po?" Napatigil ako sa pag-iyak. Mabilis kong pinahid ang mga luha sa pisnge ko. "O-oo, bakit?" Pilit kong pinatatag ang boses ko.
"Halika na po, maglaro na tayo." Sabi niya kahit na sarado ang pinto ng kwarto. "O-okay. Susunod ako." Sagot ko. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang paghikbi ko, pero patuloy parin ang pagbuhos ng luha ko. "Okay po." Sagot niya naman at narinig ko nalang ang papalayong yabag niya.
Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Ilang beses akong naghilamos bago lumabas ng kwarto. Namumula ng kaonti ang mga mata ko.
"Excited na po ako next week, Daddy! Uuwi na si Mommy!" Karga karga ni Angelo ang anak niya. Napatitig siya sa akin. Yumuko lang ako at umupo na sa sofa, dito raw kase kami maglalarong dalawa. "Your eyes are red po. Umiyak ka?" Biglang bumaba ang anak ko sa ama niya at lumapit sa akin. Nakatitig lang si Angelo sa akin.
"Hindi, maglaro na tayo." Sagot ko at kinuha ang mga laruan niya.

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now