CHAPTER 18

5 0 0
                                    

ChapterEighteen ]
-------------------------------

                                  ~oOo~
Matapos ang ilang buwan ng paghahanda namin ay ito na nga ang araw na iyon, nakahanda na ang lahat. Nakaayos narin ang mga upuan at mga lamesa, si Tammie ang magiging Emcee at ako naman at ang iba ko pang mga kasama ay ang mag-aasikaso sa mga bisita naming mga sponsors. Nakadress lang ako na kulay peach, bagay ito sa akin kase hindi naman ako masyadong maitim. Katamtaman lang ang pagkaputi ko. Hindi rin naman ako nagmake-up pa, hindi naman kase ako sanay. Okay na ako sa itsura ko. Si Tammie namin ay nakasuot din ng dress na kapareho ng kulay sa akin, para raw kambal kami.
Nagsisimula ng dumami ang mga bisita at narito narin si Mayor Ronilo Chavez, isa siya sa mga special guest namin. "Magandang hapon po, Mayor" Bati ko sa kanya, kasama niya ang asawa niya na napakaganda at napakabait at ang mga anak niya. Kasama ko si Luke sa gilid ko, sabay naming binabati ang mga bisita. "Magandang hapon rin, hija at hijo." Sabi ng asawa ni Mayor Chavez si Mayor Chavez naman ay ngumiti sa amin at bumati rin pabalik. Sinamahan namin ni Luke ang pamilya ni Mayor Chavez sa designated table nila at bumalik na sa labas para salubungin ang mga bisita namin.
Sumunod na dumating ang mag-asawang Knight at Stephanie Montello, kasama nila sina Aki at Aya at ang napaka cute nilang anak na si Nicollaii Stephen. "Ate Mikay! Na miss ka po namin!" Sabi ni Aya at yumakap sa akin, sumunod naman na yumakap sa akin si Aki. "Na miss ko rin kayo mga anak, nagpakabait ba kayo kay Mama Tep niyo at Papa Knight niyo?" Pareho silang tumango habang nakangiti sa akin. "Hi, Mikay. Kamusta ka na? Sila Sister?" Bati sa akin ni Stephanie, mas lalo pa siyang gumanda. Parang hindi lang nanganak, ang ganda parin ng katawan niya. Karga karga niya ang anak nila, si Knight naman ay ngumiti lang sa akin. "Okay lang naman. Hinihintay na kayo nila Sister." Nakangiti kong sabi.
Sinamahan sila nang iba pa naming kasama sa table nila, kami naman ni Luke ay bumalik na sa pwesto namin kanina. "Mukhang marami ngang pupunta ah, hindi paman nagsisimula ay halos mapuno na ang Garden." Sabi ni Luke. Malapad kase ang area rito sa Garden ng SH, kaya dito nalang ang venue kesa sa magrent pa kami or maghotel, tipid din ito para sa amin. "Oo nga, kaunti nalang ang kulang." Sang-ayon ko sa kanya, tinatanaw ko ang mga bisita at ang mga maiisip nalang sa daliring bakanteng upuan. Nakita ko si Tammie na nasa gilid ng stage, kakatapos niya lang kausapin ang ibang mga sponsors na narito.
Lumingon siya sa gawi ko at ngumiti sa akin, I smiled back. Ilang minuto nalang at mag-uumpisa na ang programa.
"Ehem!" Pareho kaming napalingon ni Luke sa tumikhim at napangiti kaagad ako nang makita ko si Zeus na may kasamang babae. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. "Zeus! Akala ko hindi kana pupunta." Nakita kong hindi maipinta ang mukha ng kasama niya. Hala! Baka kasintahan niya ito, nagselos kaya siya sa akin? Hala! Kumalas ako kaagad sa kanya. "Ako pa ba? Malakas ka sa akin eh!" Hinampas ko siya sa braso, narinig kong tumikhim si Luke sa gilid ko. Tumaas ang kilay ni Zeus habang nakatingin sa akin.
"Ah, nga pala. Si Luke, isa sa mga teachers dito." Nakipagkamay si Luke kay Zeus. "This is Lianna, my girlfriend." Proud niyang pagpapakilala. She is so beautiful! Bagay na bagay sila ni Zeus. "Hello, ako nga pala si Mikaela, Mikay ang tawag nila sa akin dito. Magkaibigan kami ni Zeus. Nice to meet you." Nakangiti kong sabi. Ngumiti rin siya sa akin. Grabe! Ang ganda ganda niya lalo ng ngumiti siya. "I'm Lianna, nice to meet you too." Ang ganda rin ng boses niya. Nagpakilala rin si Luke at umalis narin sila para makapasok na.
Tiningnan ko ang relong pambisig ko, quarter to 3 na. Mag-uumpisa na ang programa namin.
Nagsimula kami sa panalangin na pinangunahan ni Sister Cecile, pambansang awit, introducing some guests, umakyat din si Sister Maya para magsalita at sina Sister Mickey at Cecile rin. Tinawag ako ni Tammie, susunod na raw ako kaya umakyat na ako at ngumiti sa lahat ng kinuha ko ang microphone. "Hello! Magandang hapon sa inyong lahat, ako nga pala si Mikaela or Mikay for short. Hindi naman lingid sa kaalam ng iba na isa ako sa mga natulungan ng orphanage na ito and I am very thankful kase hindi nagdalawang isip sila Sisters to help me. Malaki talaga ang utang na loob ko sa kanila and of course sa mga sponsors ng orphanage na ito.." Hindi naman tumagal ang pagpapasalamat ko sa lahat ng mga guests.
Pareho na kami ngayon ni Luke na nakaupo, kinuhanan niya ako kanina ng makakain ko. Nasa bandang unahan kami ngayon at parehong nakatanaw sa stage habang sumasayaw ang mga bata, ang cute cute nilang tingnan. Aliw na aliw ang mga dumalo na sa kanila, tapos narin ang mga palaro. "Uy, Babes! Kanta tayo, sige na." Umiling ako ka Luke. Ayaw kong kumanta. "Ano ka ba! Ikaw nalang." Ngumuso siya sa akin. Sarap niya tuloy kurutin sa magkabilang pisnge.
"Luke, Mikay. Halika kayo, sumama muna kayo sa akin, dumating na ang isa pa nating sponsors kasama ang anak niya. Ipapakilala ko kayo." Ani sister Lalaine. Inalalayan ako ni Luke na tumayo at naglakad na kami papunta sa bagong sponsor namin. Nasa gilid ko lang si Luke habang naglalakad kaming tatlo ni Sister Lalaine. "Hija, teka. Mauna na muna kayo, pupuntahan ko lang si Mayor Chavez. Tinatawag niya ako." Nakita naming nakatayo si Mayor at tinatawag nga si Sister Lalaine. Itinuro naman ni Sister kung saan banda sila ni Sister Cecile kasama ang isa pa naming sponsor. Nakita kung kumaway si Sister Cecile sa amin, may kinakausap naman si Sister Maya.
Nagmamadali kaming naglakad ni Luke para makilala namin kung sino man ang bagong sponsor namin. "Sister, Maya." Tawag ko sa kanya, lumingon naman ito sa akin. Agad akong ngumiti sa kanya, "Mikay, siya ang bagong sponsor natin." Tila biglang tumigil ang mundo ko nang makita ko kung sino ang katabi ni Sister Maya, I blinked twice. Nakatitig siya sa akin, hinding-hindi ko makakalimutan ang mga matang iyan, ang ganoong mga titig na para bang nakikita niya ang kaluluwa ko. Napalunok ako, hindi niya binabali ang tingin sa akin. Parang kami lang ang taong narito, ni hindi ko na nga naririnig pa ang mga sinasabi nila Sister eh.
Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko maipaliwanag. Parang gusto niyang kumawala sa katawan ko. Bigla akong nanginig, ewan ko ba, sa takot? Kinakabahan ako. "Mikay, babes! Okay kalang ba?" Bahagyang inalog ni Luke ang balikat ko, nakita kong nagtagis ang bagang niya ng marinig niya ang pagtawag sa akin ni Luke. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko maalis ang titig ko sa kanya, para akong nahipnotismo. "Mikay? Siya si Mr. Michael Angelo Buenavista, siya ang bagong sponsor natin." Pagpapakilala ni Sister Maya sa kanya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na kilalang-kilala ko kung sino ito, pero nanatiling sarado ang bibig ko.
Inilahad niya ang kamay niya, kukunin ko ba? Shit! Ni hindi nga ako makagalaw ngayon sa kanatatayuan ko eh! Anong gagawin ko? Shit naman Mika! Dapat hindi ka nagkakaganito eh!
"Hija?" Tawag sa akin ni Sister Maya. Kusang gumalaw ang kamay ko at nakipagkamay sa kanya. He hold my hand tightly, babawiin ko na sana ang kamay ko nang bigla niya itong inangat at halikan ang likod nito. Hindi niya inaalis ang titig niya sa akin ng masuyo niyang hinalikan ang kamay ko. Fucking shit! Nakaramdam ako nang iba ng lumapat ang malalambot niyang labi sa kamay ko, parang nakuryente ako. 'Yung parang noong una ko siyang nakita, noong unang magdikit ang katawan namin. Shit, ano ito? "Nice meeting you." He said in a husky voice. Pati ang boses niya, parang nanunuot sa kalamnan ko.
Bumitaw ako sa pagkakawahak niya kahit na parang wala siyang balak na bitawan ang kamay ko. Shit! Alam na niya kung nasaan ako, anong pakay niya? Sigurado ako na ito na ang tinutukoy ni Zeus na hindi magtatagal ay mahahanap niya rin ako. Tumutulong ba siya sa SH ng dahil sa nandito ako? Pero bakit? "I am Luke sir, nice meeting you." Tumango lang si Angelo na para bang walang pakialam kay Luke. Sumunod ang mga mata niya sa kamay ni Luke na ngayon ay nakaakbay na sa akin. Ito rin ang mga tingin na ibinibigay niya kay Zeus noon. Galit ba siya kay Luke? Pero bakit? Ni hindi naman sila magkakilalang dalawa.
"Daddy! See what I've got!" Pareho kaming napalingon sa may matinis na tinig pero napakalambing pakinggan. Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makita ko kung papaano siya ngumiti, kung paano lumabas ang dimples sa dalawang pisnge niya. Nanubig ang mga mata ko, I can see my childhood face on her. "Daddy! Isn't it beautiful?" Ipinakita niya ang papel na rosas kay Angelo. Ako ang gumawa niyan, gusto ko sanang sabihin sa kanya. Ang laki laki na niya at ang ganda ganda pa. My baby, she's my baby that I left 4 years ago. Gusto kong humagulgul ng iyak, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihin sa kanya na mahal na mahal ko siya.
"Yes, baby. Where did you got that? Hiningi mo ba iyan?" Kinarga ni Angelo ang batang babae, humalik ito sa pisnge ni Angelo at humagikhik. "Of course, Daddy!" Nakatitig lang ako sa kanila, ang perfect nilang tingnang dalawa. Gusto kong maiyak pero hindi pupwede, hindi nila Sister kilala na si Angelo ang itinutukoy ko na lalaki sa nakaraan ko. "Hi! I'm M.A., I'm the daughter of this awesome guy!" She is proud of her Dad, gusto kong maiyak kase napalaki ni Angelo si M.A. ng mabuti, palangiti ito at ramdam ko na mabait din siya. "D-daddy." Tinitigan niya ako. Nagulat ako kase ang mga mata niya, parehong pareho sa ama niya kung tumitig. Itinuro niya ako. Naglakad si Angelo papunta sa akin, bigla akong nagpanic. Anong gagawin niya? Kalma lang, Mika. Kalma lang.
"H-hello! Ako si M.A., ikaw ba ang tinatawag nilang Ate Mikay? You made this?" Parang may malaking bagay na bumara sa lalamunan ko. She's talking to me, I should be happy with that. Tumango ako sa kanya. Inilahad niya ang kamay niya sa akin, gumalaw ang kamay ko. Hahawakan ko siya. She wants me to hold her? Kay tagal kong hinintay ito at hindi ko akalain na mangyayari ito ngayon. This is real, I am not dreaming. Akala ko ay hahawakan niya lang ako pero kumarga siya sa akin, agad ko siyang niyakap.
She has a soft body, ang bango bango niya. Kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito. This is a first, I hugged her. She buried her head on my neck. Napapikit ako. "I-It's y-you." Bulong niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya, wala naman akong pakialam basta masaya ako na nayakap ko ang anak ko. Ipagpapalit ko ang lahat mayakap ko lang siya ulit ng ganito. "Mukhang gusto niya si Mikay ah." Rinig kong sabi ni Sister Cecile. Mahigpit akong niyakap ni M.A., oh God! My baby. She's here. My lovely baby.
"Nasaan ba ang Mommy niya?" Iminulat ko ang mga mata ko, our eyes met again. Hindi ko alam kung ano ang nasa mga mata ni Angelo, parang masaya siya. Sasabihin niya bang si Sophia ang nanay ni M.A.? "She'll be back home, soon." May diin sa bawat salitang binigkas niya habang nakatitig sa akin. Parang may ipinapahiwatig siya sa akin. Kahit ayaw ko man ay ibinalik ko na si M.A. sa ama niya ay ginawa ko parin, kailangan ko munang makaalis dito. Nakatitig lang ang bata sa akin, ako nalang ang nag-iiwas ng tingin. Nilingon ko si Luke sa gilid ko, nakakunot ang noo niya. "Are you really okay?" Bulong niya sa akin. Tumango ako sa kanya at bahagyang ngumiti. "Excuse me, banyo lang ako." Tumalikod na kaagad ako at tumungo na sa banyo. Ang kanina ko pang pinipigilang luha ay nagsiunahang pumatak, tiningnan ko ang itsura ko salamin. Puno ng luha ang pisnge ko, I shouldn't cry pero masaya lang ako kase nayakap ko ang anak ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin na nandito si Angelo pero hindi ko na muna iisipin 'yun. Ang mahalaga ay nakita ko at nayakap ko ang anak ko. Ngumiti ako nang sobrang lapad habang umiiyak, ito pala ang tinatawag na tears of joy.
Nang mahimasmasan ako ay lumabas na ako sa banyo, nakayuko ako habang naglalakad ng may mabunggo akong matigas na bagay. Napaatras kaagad ako. Shit! Parang pader! Inangat ko ang tingin ko, napaatras ako ulit. Si Angelo! Nagmamadali akong naglakad pero humarang siya sa daanan ko. "Trying to escape again?" Nag-iwas ako nang tingin. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Kinakabahan ko. Shit! Bakit ba siya nandito? "Nandito kalang pala." Ngumisi siya sa akin.
"Babes! Ang tagal mo naman!" Gusto kung yakapin si Luke sa pagdating niya. Saved by him! Gusto ko sanang lumapit kay Luke pero humarang ulit si Angelo. Bwesit! Ano ba ito? Naglalaro ba kami? "Luke." Hingi ko nang tulong. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. If looks could kill, patay na si Luke sa mga titig ni Angelo. Mukhang hindi naman napansin ni Luke ang mga titig ni Angelo sa kanya. Bumaba ang tingin ni Angelo sa magkahawak na kamay namin ni Luke, he gritted his teeth.
"You are her?" Tanong niya kay Luke. Agad na ngumiti si Luke sa kanya. Ang lakas lakas parin ng tibok ng puso ko, umakbay sa akin si Luke. Titig na titig si Angelo sa kamay ni Luke na nakaakbay sa akin. "Future boyfriend niya po at soon to be husband niya." Nakangiting sagot ni Luke, ilang beses akong napalunok ng laway ko. Tumigas ang bagang ni Angelo. "Really? Good luck then." Sumaludo si Luke sa kanya at tumalikod na kami. Nangangatog ang mga tuhod ko sa kaba. Shit lang!
Michael Angelo
Fucking fuck! I came all the way from Manila to here just to know that she has a new fucking guy? Holy mother fucking shit! That asshole! She will never be his! May nagmamay-ari na sa babaeng gusto niyang maging asawa! Hindi na pupwede!
I will really beat the hell outta him!
I gritted my teeth as I look them walk away while holding each others hand. Fuck! She's so fucking gorgeous I wanna wrap my hand around her waist. Fucking hell! I wanna kiss her fully in her lips. Shit! It's been a long time, sweetheart. You need to go back to us, to our home.

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now