CHAPTER 29

4 0 0
                                    

ChapterTwentyNine ]
-------------------------------

                                  ~oOo~
"Ikaw ang walang kwenta niyang ina na iniwan siya." Ani niya. Awtomatikong napakuyum ang kamao ko.
Matigas ang ekspresyon ng mga mata niya.
May itinatagong galit pala siya sa akin, kaya pala ganoon siya kung makatingin sa akin.
Kaya pala...
"Hindi ko gustong iiwanan siya." Tumawa siya.
"Seriously? Eh, anong ginawa mo sa kanya? You abandoned her and that made you a useless and a heartless mother!" Galit na sabi niya. Napasandal ako sa sementong pader, tumulo ang ilang butil ng luha ko. "S-siguro, ganoon nga a-ako. Walang kwentang ina...walang puso, kase sino ba ang matinong ina na iiwan ang anak niya?" She crossed her arms. Ganoon ba ako sa paningin niya? That I'm a useless and a heartless mother? Ganoon din ba ang iisipin ng anak ko kapag nalaman niya ang totoo?
"And, now you are here again? Paano mo nakakaya 'yun? Talagang may mukha kapang hinaharap sa anak ko? And you made her call you her 'Mommy?', huh?" Malayang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit sakit. Tama ang lahat ng sinabi niya. Tagos sa puso ko. Lahat ng sinabi niya ay para akong sinampal sa mukha ng isang libong beses. Galit ako, hindi sa kanya, hindi kay Angelo, kundi sa sarili ko. "I d-don't have a c-choice." Kung madali lang sana ang lahat, edi sana hindi na ako nahihirapan ngayon. Ngunit hindi, lahat ng bagay ay hindi madali para sa akin, para sa pagiging ina ko sa anak ko.
Ang kasunduan noon ni Angelo sa akin ay kailangan kong iwan ang anak ko sa kanya sa pagsapit ng isang taong kaarawan ng anak ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, that day, my heart broke into pieces that I couldn't imagine that it will heal. Mabuti nalang at sa Sweet Haven ako napadpad, kaya sa huling gusto ni Angelo ay sumang-ayon ako. Ayaw ko na pati sila, ang mga taong tumulong sa akin ay madamay sa problema ko. Hindi ko hahayaang mangyari iyon sa kanila.
"You don't? My God! You have a damn choice! To leave or to stay! But you chose to leave her here! Alam mo ba ang paborito niyang kulay? Her favorite food? Ni simpleng bagay ba na nagugustuhan ng anak mo ay alam mo?" I covered my mouth with my hands just to stop my sobs. It really hurts me, bigtime. Kapag tungkol sa anak ko ang pinag-uusapan ay nasasaktan ko, at ngayon kweni-kwestyon niya kung ano akong klaseng ina. Durog na durog na ang puso ko noon paman at ngayon ay mas nadurog pa, 'yung tipong kahit anong pagtagpi-tagpi mo pa ay hindi na ito maibabalik pa sa tamang hulma niya. "You don't have a-any idea, wala kang alam. Wala!" I shouted. Wala na akong pakialam kung may makarinig man sa akin.
Sa haba ng panahon na dinadala ko ang sakit ng nararamdaman ko sa pag-iwan ko sa anak ko ay nandito lang ito sa puso ko, kahit pa naikwento ko na ito noon sa matalik kong kaibigan na si Tamarah ay hindi gumaan ang pakiramdam ko. Sa bawat araw lumilipas kapag naiisip ko ang anak ko ay bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi ako makausad sa nakaraan kase alam kong hindi ko mabitaw-bitawan kung ano man ang mayroon sa nakaraan. Ang nakaraan ko ang may malaking parte sa puso at isipan ko.
"K-kaya h-huwag mong kwestyonin ang pagiging ina ko. Dahil kahit wala ako sa tabi niya, minahal ko siya. Kahit sa alaala ko lang. Minahal ko siya higit pa sa pagmamahal na kaya niyong lahat ibigay sa kanya!" Marahas kong pinahid ang luha sa pisnge ko. She chukled.
"Ano ba ang alam mo sa pagmamahal? Kung mahal mo ang anak mo bakit nagawa mo siyang iwan ng gano'n-gano'n nalang? Hindi mo siya narinig kung paano umiyak kase may sakit siya, hindi ikaw ang natatakot kapag dinadala siya sa hospital kapag sobrang taas ng lagnat niya. Hindi ikaw! Now, paano ko hindi kwekwestyonin ang pagiging ina mo kung ang lahat ng dapat na ikaw ang gumagawa ay ako ang gumawa? Tell me!" Malungkot akong ngumiti sa kanya. Tama nga siya, lahat ng obligasyon ko ay siya lahat ang gumawa.
"Nagpapasalamat ako kung gano'n, pero alam mo ba kung bakit ako umalis? Alam mo ba ang rason ko?" Ilang beses akong lumunok ng laway ko. Parang may malaking bato na nakaharang sa lalamunan ko. "I was his unwanted woman, aksidente lang na nabuntis ako. Araw-araw sinasaktan niya ako, iniinsulto, sapilitang ginagamit tuwing gabe... ano pa ba? Ginagawa niya akong puta niya! Alam mo ba 'yun? Pero ni minsan...ni minsan! Hindi ko siya sinigawan para patigilin siya, ang palagi ko lang ginagawa ay ang magmakaawa na tigilan na niya ako, na sana kahit para sa bata lang ay 'wag niya akong saktan, pero ni minsan nakinig ba siya sa akin?..." Ipinikit ko ang mga mata ko. Lahat ng sakit at pighati ay bumalik sa akin.
Hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Para iyong bangungut na ayaw kong balikan dahil para akong pinapatay.
"Noong dumating ang anak ko, noong nahawakan ko na siya ay hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko. Akala ko kahit para lang sa bata ay kahit kaonti ay magiging okay kami sa isa't-isa, akala ko lang pala." Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko, mataman niya akong tinitigan. Her eyes are starting to get red, naawa ba siya sa akin? Umiling ako. Ayaw kong kaawaan niya ako. "Alam mo bang nag-offer siya sa akin ng sampong milyong piso para lang iwanan ang anak ko sa kanya? Alam mo ba? Pero hindi ko iyon tinanggap dahil hinding-hindi ko ipagpapalit sa pera ang anak ko. Lumuhod ako sa harapan niya para lang makasama pa ang anak ko, at pumayag siya, pero kailangan kong maging parausan niya at maging tagabantay ng anak ko at bawal kong sabihin sa anak ko na ako ang nanay niya. At alam mo ba ang pinakamasakit? Na kailangan kong iwan ang anak ko pagkatapos ng kaarawan niya." Napaupo ako. Pagod na pagod na akong masaktan. Sobrang nakakapagod na. Hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay, pakiramdam ko parang wala naring kwenta kung mabuhay pa ako.
Nakakatakot lang isipin para sa iba na gusto ko nalang na kunin nalang ako nang panginoon, pero bakit naman ako matatakot kung makakasama ko naman ang nagbigay sa akin ng buhay?
Nakita ko siyang napaupo narin. Natulala ito.
"Ngayon alam mo na kung bakit ako umalis noon, at ngayon, bakit ako ulit narito? He threatened me na kapag hindi ako sumama sa kanya rito para maging Nanny ng anak ko ay mawawalan ng suporta ang Orphanage na tumulong sa akin noong wala akong malapitan. Doon ako tumira mahigit apat na taon, doon ako ulit nakakita ng pamilya at ayaw kong pati sila ay madamay sa problema ko. Kaya kahit labag man sa loob ko ay sumama parin ako, para sa kanila."
"Mas importante pa sila sa iyo? Hindi ka ba masaya na kapag sumama ka kay Angelo ay makikita mo ang anak mo?" Punu ng hinanakit ang boses niya. "Napakaselfish mong ina!" Galit na turan niya.
"Hindi. Pero, siguro oo. Ikaw na ang humusga. Ayaw kong sumama kase ayaw ko nang masaktan. Nagi-guilty ako sa pag-iwan ko sa anak ko. Takot ako na sa pagtungtong ko ulit sa bahay na ito ay manumbalik ang lahat ng takot at sakit na naramdaman ko noon. Takot ako na malaman  at makita na iba ang kinikilalang nanay ng anak ko. Takot na akong masaktan ulit, ayaw ko na. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako." Umiling ako. Sinalubong ko ang mga titig niya sa akin. Naawa siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. "I-ikaw na ang kinikilala niyang ina. Alam kong mahal mo ang anak ko at aalagaan mo siya, pero sana, gawin mo ang lahat para sa kanya, bilang isang ina. Ipadama mo ang pagmamahal na hindi ko mapunan kase wala ako sa tabi niya. Pwede mo bang g-gawain 'yun para sa akin?" Dumaloy ang luha sa mga mata niya habang tamatango sa akin.
Napangiti ako, isang totoong ngiti. Ipinapabauya ko na ang anak ko sa kanya.
Tumayo ako kahit na naginginig ang mga tuhod ko, isang araw nalang at babalik na ako kung saan ako nararapat. Hindi ito ang lugar na para sa akin, hindi man ako makilala ng anak ko bilang tunay niyang ina ay okay lang. Masaya na ako na nakilala at nakasama ko siya kahit sandali lang. 'Yun nalang ang magiging alaala ko sa kanya sa ikalawang paglisan ko sa bahay na ito. Masaya na ako na malaman na maraming nagmamahal sa kanya, I know hindi niya mararamdaman na may kulang kase kompleto ang pamilya niya. Bahala na ako sa buhay ko, bahala na kung masaktan man ako, basta masaya lang ang anak ko.
Okay na ako. Sapat na sa akin 'yun.
Ano ang pagmamahal? Para sa akin, ang pagmamahal ay handa kang magsakripisyo. Hindi ka magiging selfish. Iisipin mo ang kapakanan ang iba kesa sa sarili mo.
"Ang s-swerte mo. It's been y-you. Always y-you. I wish I could be y-you." Mahinang sambit niya pero hindi ko na siya pinansin. Lumabas na ako nang kusina, nakayuko ako habang naglalakad at mahinang humihikbi.
Halos matumba ako nang mabangga ako sa isang matigas na bagay, nag-angat ako nang mukha ko at nakita kong nasa harapan ko si Angelo. Ang mga braso niya ay nakapalibot sa bewang ko, napasinghap ako. Maagap niya pala akong nasalo sa muntikang pagkatumba ko. Madilim ang mukha niya.
Narinig niya kaya ang mga sinabi ko. I-it can't be.
Tumaas ang kamay niya. Nagulat ako. Anong gagawin niya? Lumandas ang luha sa pisnge ko at marahan niya itong pinunasan. Napapikit ako at humikbi ulit. Nanginginig ang mga labi ko.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang init ng yakap niya, hinaplos niya ang ulo ko. Ang dalawang kamay ko ay nakapatong lang sa dibdib niya, hindi ako nakayakap sa kanya. Siya lang sa akin.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Suminghot-singhot ako at amoy na amoy ko ang pabangong gamit niya. Ito parin pala iyon.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
Somehow, I felt that he cared for me. Ngayon ko lang naramdaman ito sa kanya. At sa unang pagkakataon ay narinig ko siyang magsalita ng salita na kailanman ay hindi ko inaasahang sasabihin niya sa akin. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa sinabi niya. Hindi ko akalain na sa tagal ng panahon ay masasabi niya ito sa akin.
"I-I'm sorry. S-sorry." Nauutal niyang wika. Napatigil ako sa paghikbi. Tila bumalik sa aking mga mata ang mga luhang dumadaloy sa pisnge ko. Matagal ko nang hinihintay na sabihin niya ito sa akin. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa na sobrang lalim na ng nagawa niyang sugat sa puso ko. Dapat kamuhian ko siya sa lahat ng mga nagawa niya sa akin pero bakit hindi ko magawa? Bakit hindi ko man lang maramdaman ang sobrang galit sa puso ko para sa kanya? Bakit hanggang ngayon ay pilit ko parin siyang iniintindi? Bakit? At bakit sa isang "Sorry" niya lang ay gumaan ang loob ko?
Dahil ba sa matagal ko nang hinihintay na sabihin niya sa akin iyon? Bakit parang kay dali lang nawala ang lahat? Bakit?
Lumandas na naman ulit ang luha sa pisnge ko. Patuloy lang siya sa pagyakap sa akin ng mahigpit. He kissed my head. Ilang ulit niya iyong ginawa.
Isang bagay lang ang narealise ko ngayon, kahit pala anong gawin niya sa akin ay hindi ko kayang magalit at hindi ko alam kung bakit ganoon.
"B-bitaw. B-bitawan mo a-ako." Sobrang lakas ng kabog ng puso ko at rinig na rinig ko rin kung gaano kalakas ang kabog ng puso ni Angelo.
Imbis na bitawan ako ay hindi niya ginawa. Niyakap niya lang ako nang mahigpit. Itinulak ko siya, pero hindi ko siya kinaya. Parang bakal ang katawan niya. "P-please, bitawan mo a-ako." Hinang-hina na ako. Gusto ko nalang matulog at sana sa paggising ko ay panaginip lang lahat ng ito, na sana pagkagising ko ay nasa orphanage na ulit ako. Masayang nagtuturo sa mga bata at masayang kinakausap ang mga taong naroroon.
Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. "Hayaan mo akong ihatid ka sa kwarto mo." Umiling ako. Nagtama ang mga mata namin, nag-aalala siya  at nakikita kong nasasaktan siya, pero para kanino? Para sa akin? "Huwag na." Tumalikod ako sa kanya pero napatigil ako nang hawakan niya ang kamay ko, malakas na kumabog ang puso ko. Nasapo ko ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Iwinaksi ko ang kamay ko at binitawan niya ito. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin kahit na hindi ko makita.
Pagkarating ko sa kwarto ko ay humiga ulit ako sa kama at doon umiyak ng umiyak.

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now