CHAPTER 17

2 0 0
                                    

ChapterSeventeen ]
-------------------------------

                                   ~oOo~
Nasa loob kami ngayon ng library kase pag-uusapan namin ang gaganaping anniversary ng Sweet Haven, magtu-twenty years na itong tumutulong sa ibang tao. Pupunta raw ang maraming sponsors ng SH at pati na ang mga pulitiko na patagong tumutulong sa amin. Lahat ng volunteers ay naririto para magsuggest ng pupwede naming gawin, may mga palaro, intermission number at kung anu-ano pa. We only have two months to prepare bago ang anibersaryo ng SH.
After a month na nagkita kami ni Zeus dito mismo ay sinabi sa amin ni Sister Cecile na may bago na naman kaming sponsor, dalawa pa raw ito at galing ding Maynila. Mga pribadong tao raw din ito at namamayagpag ang business sa Maynila. Lahat kami natuwa kase makakabili na kami nang mga kailangan ng mga bata, like gamot, mga libro, damit, pagkain sa araw-araw at iba pang mga importanteng bagay na kakailanganin namin dito.
Mayroon narin kaming tatlong teacher rito para magturo sa mga bata para sa Elementary level, ako sa mga pre-school since mas magaan na trabaho iyon sa akin at kapag High School naman na sila at College ay sa pampublikong paaralan na sila papasok. Minsan tumutulong din naman ako sa mga teacher na talaga. "Sa araw ng anibersaryo natin darating ang huling sponsor natin, isasama niya raw ang anak niya para makilala niya tayo, ganoon din ang iba pang mga sponsors natin." Nakangiting ani ni Sister Mickey. "Ano kaya kung pakantahin natin ang mga bata? Simpleng entertainment lang para sa mga dadalo, tiyak matutuwa ang mga sponsors natin." Sabi ni Teacher Luke, isa mga bagong teacher dito.
"Pwede rin kaming kumanta ni Mikay Babes ko." Napasimangot ko. Agad naman nila kaming tinukso, siniko ko si Sir Luke na katabi ko lang. "Umayos ka sir." Mahinang sambit ko. Ngiti lang ang isinukli niya sa akin. Hindi ko alam kung pinagtritripan niya lang ako o ano, simula kase ng makapasok siya rito ay palagi niya akong kinakausap at sinabi niya ngang gusto niya ako. Ewan ko, pero ang sabi nila sa akin ay nanliligaw daw ito sa akin pero todo tanggi naman ako hanggang sa humingi na nga siya ng permiso sa mga madre na ligawan ako at pumayag naman sila.

Sa totoo lang mabait si Luke, matangkad, gwapo at maaalalahanin. Wala ka nang hahanapin pa, kaya lang ako lang ang may ayaw sa kanya. Wala na akong panahon para sa mga ligaw-ligaw na iyan, at tsaka wala siyang alam sa nakaraan ko, hindi rin naman kase sinabi ng mga nakakaalam ang nakaraan ko kase ako lang naman daw ang may karapatan na magsabi kay Luke ng bagay na 'yun. Natapos ang meeting namin na excited ang lahat at maraming mga ideya ang naisip naming gawin sa darating na anibersaryo, pero hindi ako pumayag na kumanta kami si Luke.
"Mikay, wala ba talaga siyang pag-asa sa iyo?" Pagtatanong ni Tammie sa akin habang nag-aayos ako nang mga bangko at mga kalat sa silid na pinagtuturuan ko. Alas singko na at tapos na akong magturo sa mga bata, si Tammie ay nakaupo ngayon sa isa sa mga bakanteng upuan dito sa silid. "Wala talaga, Tammie eh. Hindi ko alam, pero wala talaga akong makapang damdamin para sa kanya kahit na mabait siya." Sagot ko sa kanya. "Bakit naman? E, gwapo naman siya, matalino, kaya ka na niyang buhayin, mabait pa tapos mahal ka." Napailing ako at napabuntong hininga na lamang.
"Siguro kase nag-aalangan ako? Baka kase kapag nalaman niya kung ano ang nakaraan ko ay baka hindi rin niya ako matanggap. Iba ang nagustuhan niya sa akin, Tam." Paliwanag ko. Kumuha siya ng isang cookies na dala niya para sa akin at kumain, pagkatapos niyang nguyain iyon ay nagsalita ito. "Hindi mo naman kase sinasabi sa kanya e, paano niya malalaman? Subukan mo lang, hindi kana bumabata." Napangiwi ako sa sinabi niya, is she trying to say na kailangan ko na ng katuwang sa buhay? Napailing ulit ako. "Look who's talking! Magka-edad lang naman tayo ah! Magsalita naman ito, e ikaw? May kasintahn ka na ba? Wala rin naman, hindi ba?" Natatawa ako sa naging reaksyon niya. Umasim at biglang nalukot ang mukha niya.
"O, bakit?" Tumawa ako nang mahina, "wala! Ewan ko sayo! Iniiba mo ang usapan eh! Tungkol lang naman sa iyo at kay Luke, tapos napunta na sa akin. Madaya ka, Mikay!" Nagtatampong sabi nito. Magkasalubong ang dalawang kilay nito at nakapameywang pa. She looks cute. Pati siya ay Mikay narin ang tawag sa akin, nakasanayan na ng lahat eh. Makikiuso narin daw siya. Isang buwan nalang at magaganap na ang anibersaryo ng SH at unti-unti na kaming bumibili ng mga kakailanganin namin.
Ang sabi nina Sister ay magpapadala raw ang mga sponsors namin ng mga bagay na pupwedeng gawing prizes para sa palaro sa mga bata at sa mga matatanda. Naka in order na ang lahat, at so far ay wala pa naman kaming problema. Sa susunod na mga linggo ay magiging abala na ang lahat para sa anibersaryo ng SH.
Limang araw nalang ay anibersaryo na ng SH at abala na ang lahat para sa darating na anibersaryo, iniinsayo na ng ibang mga volunteers ang mga bata para sa pagkanta at pagsayaw nila sa nasabing anibersaryo. Ganoon din ang mga volunteers, may gagawin din silang pagsayaw. Magsasalita rin ako sa araw na iyon para magpasalamat sa lahat ng mga sponsors namin.
Excited narin ako kase pupunta raw si Zeus sa araw na iyon at may dadalhin daw siya at ipapakilala niya sa akin, siguro ay asawa niya o kasintahan. Nakausap ko siya sa telepono noong isang araw at mukhang excited narin ito.
"Hi, babes! Hindi ka pa ba nagugutom? May dala akong tinapay at juice para sa iyo o." Masayang sabi ni Luke at nakarinig na naman ako nang tukso galing sa mga kasamahan ko rito kasama na si Tammie. Ang lakas kase ng pagkakasabi niya. May tray na dala-dala si Luke. Ngumiti lang ako sa kanya at kinuha ang baso ng juice at tinapay na nakalagay sa platito. "Salamat, luke at sana huwag mo na akong tawagin ng ganyan. Natutukso tuloy tayo." Tumawa naman siya nang mahina at tumabi sa akin ng upo. Gumagawa kase ako nang pwedeng gawing i decorate sa stage na maliit na ginawa namin. "Ah, ang babes ba? Okay lang 'yan, kahit na busted mo na ako okay lang sa akin. Ipagpapatuloy ko parin ang pagligaw ko sa iyo, handa akong maghintay babes ko." Kumindat pa siya sa akin. Napakamot ako sa pisnge ko. Wala talaga sa bukabularyo niya ang sumuko. Ilang beses ko na siya kaseng binasted kase wala naman talaga siyang pag-asa sa akin. Oo gusto ko siya but as a friend lang at hindi na iyon magbabago pa.
"Tapos ka na bang magturo sa mga bata?" Alas dos palang kase ng hapon eh, nandito ako ngayon sa labas at nanggugupit ng mga tela at gumagawa ng mga bulaklak na papel para i decorate. "Oo, inagahan ko talaga para matulungan kita rito, at tsaka magpapraktis din kase ang mga bata eh." Pahayag niya. Tumango nalang ako sa kanya at ipinagpatuloy kung ano man ang ginagawa ko. "Okay na ba ito?" Ipinakita niya sa akin ang ginawa niya, tumango ako sa kanya at ngumiti. Ang bilis niya namang matutu. Nagulat ako nang ilagay niya iyon sa taenga ko, parang kay Rosalinda noon.
"Ayan, ang ganda ganda mo na." He is smiling from ear to ear. Bigla akong namula sa sinabi niya. Inayos ko ang buhok ko. "Salamat, sige na. Gumawa pa tayo ng marami. Kulang pa eh." Pag-iiba ko nang topiko. Bahagya akong napailing. Nagsimula na naman siyang gumawa habang nakangiti. Bakit nga ba hindi ko siya magawang magustuhan? He's a good guy after all. Kayang-kaya niya akong buhayin kung gugustuhin ko siyang makasama habang buhay, at ang pagtitig niya sa akin ay kakaiba. Hindi sa paraan na binabastos ako, kundi parang kuntento na siya makita niya lang ako. He is always making me smile kahit na sa simpleng mga bagay lang.
"O, huwag masyadong tumitig, baka ma in love na ka niyan sa akin." Kinindatan niya na naman ako. I flashed a smile. Siguro kung bubuksan ko ang puso ko ay bakasakaling unti-unti ko siyang magustuhan. Hindi naman masama siguro 'yun diba? Sumulyap ako kay Tammie na kanina pang nakangiti sa akin, sinamaan ko lang siya nang tingin. Panigurado tutuksuin na niya naman ako mamaya.

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now