ChapterTwentyFour ]
-------------------------------~oOo~
Dalawang araw na mula ng lumipas ang pag-uusap namin ni M.A. na ako ang pinakilala niya bilang Mommy niya sa mga kaklase niya ay hindi na niya ako kinakausap pa, hindi narin niya ako hinahayaang sumama sa kanya sa loob ng paaralan niya. Napapansin narin 'yun nila Manang Minda pero hindi ako nagsalita, si Angelo lang ang kinakausap ni M.A., hindi niya rin siguro nababanggit sa Ama ang nangyari noong nakaraang dalawang araw kase mukhang wala naman silang alam.
Ngunit buo ang desisyon kong sunduin ang anak ko mamaya, magalit man siya ay okay lang. After all Nanny niya lang naman ako at ang alam niya ay mali siya dahil nagsinungaling siya sa iba dahil iba ang Mommy niya at hindi ako.
"Hija, akala ko ba ay simpleng tampuhan lang ang naganap sa inyo ni M.A.? Bakit ilang araw na yatang umiiwas ang bata sa iyo?" Takang tanong ni Mang Mario, nagdadrive siya ngayon papuntang school ng anak ko. It's 3 P.M. in the afternoon at susunduin na namin siya kase maagang pinauwi ang mga bata kase may emergency meeting daw ang mga teachers kasama ang principal ng school. "Nagtatampo parin siguro po, pero kakausapin ko na po siya ulit mamaya." Sagot ko na lang sa kanya para hindi na siya magtanong pa.
Habang nagmamaneho ng kotse si Mang Mario ay nagkukwentuhan lang kaming dalawa para hindi naman kami ma bore, he talks about his life and work. Sadyang napakabait talaga ni Mang Mario kaya ang gaan gaan ng loob ko sa kanya eh. Hindi kami na traffic kaya wala pang trenta minutos ay nakarating na kami sa school ng anak ko. "Ako na po ang susundo sa kanya sa loob." Sabi ko. Tumango naman si Mang Mario sa akin kaya lumabas na ako at pumasok na sa campus.
Dumeritso ako sa room ng anak ko, wala ng mga estudyante pero may nakita akong babaeng nasa loob. Siya siguro ang guro ng anak ko, kumatok ako nang dalawang beses at napalingon naman siya sa akin. Nagtataka niya akong tiningnan, hindi ko rin naman kase kilala ang guro ng anak ko eh. "Uhm. Magandang hapon po, sundo po ako ni M.A.. Nasaan na po siya?" Maganda ang guro ng anak ko at tiyak ko na magkaseng edad lang kaming dalawa.
"She went out already, kanina pa." Sagot niya sa akin. Bigla akong kinabahan. Nasaan na ang anak ko? "Baka nasa campus lang, Miss. Ipapahanap ko sa mga guards, kilala naman siya rito eh. I really need to go, naghihintay na sa akin si Mr. Principal." Sabi niya. Tumango ako sa kanya. Lumabas na siya sa room at nagmamadaling umalis pero nakita ko siyang may tinawagan muna. Ang guards na siguro 'yun. Naglibot libot ako sa school ng anak ko baka nasa paligid lang siya. My palm starts sweating.
Kinakabahan talaga ako, wala naman sigurong masamang nangyari sa anak ko, hindi ba?
Halos nalibot ko na ang buong campus ng school na ito pero walang M.A. akong nakita, wala narin masyadong mga tao ngayon dito. Napaisip ako, baka nasa kotse na siya. Dali-dali akong bumalik sa parking area ng school. Tama! Baka naghihintay na sila ni Mang Mario sa kotse.
"Ano ba! Ibigay niyo na 'yan sa akin." Narinig kong impit na sigaw ng isang bata, umiiyak din ito. Hindi ako pwedeng magkamali, si M.A. 'yun, ang anak ko. "No way!" Sigaw ng isang bata at itinulak siya ng malakas. Natumba ito sa damuhan at humagulhol ng iyak. "Give me m-my bag please, I-I want to g-go home." Nagmamakaawa niyang sabi sa batang may hawak hawak ng bag niya. May tatlo pang bata na nakatayo sa harapan niya. Para akong nawalan ng lakas, are they bullying my child? "You're a liar! Wala kang Mommy! Siguro iniwan ka niya kase hindi ka niya mahal, ang panget mo kase!" Nanlaki ang mga mata ko. "H-hindi totoo 'yan, m-my Mommy l-loves me." Humihikbi na sagot ng anak ko sa kanila.
"M.A.!" Malakas na sigaw ko. Galit ako, galit na galit! Sinasaktan nila ang anak ko! Napalingon silang lahat sa akin at gulat na gulat ang mga ekspresyon ng apat na mga batang bumubully sa anak ko. "M-mommy." Tumayo ang anak ko pero bigla siyang bumagsak, hindi niya kaya. Pumatak ang butil ng luha sa aking pisnge. Dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya, bigla naman itong napaigik. May masakit sa likod niya.
Binuksan ko ang uniform ng anak ko at halos manlamig ako sa nakita ko. May malaki siyang pasa sa likuran niya, kulay dark violet na ito. Nanginig ako. Galit na galit ako. Binaling ko ang tingin sa apat na bata, namumutla na sila. Si M.A. naman ay humahagulhol lang habang yumayakap sa akin. Ramdam ko na nasasaktan siya dahil ganoon din ang nararamdaman ko. "S-sino ang may gawa nito sa iyo?" Tanong ko sa anak ko, pinipigilan kong huwag sumigaw sa sobrang galit ko. Umiling ang anak ko. Natatakot ba siya? Damn it! Inaabuso ng iba ang kabaitan ng anak ko. Hindi siya lumalaban dahil sa natatakot siya? I think like mother like daughter. "Huwag kang matakot, nandito na ako." Pa aassure ko sa kanya. Unti-unti siyang tumango sa akin.
"Ma'am!" Sigaw ng dalawang guards sa akin. "Dalhin mo kami sa Principal's office, kailangan kong makausap ang principal." Galit na sabi ko. Nag-alangan ang dalawa. "May importanteng mee--." Sabat ng isa pero pinutol ko ang pagsasalita niya. "Wala akong pakialam! Dalhin niyo ang apat na batang 'yan, 'wag na 'wag mo silang palalabasin. Gusto kong makausap ang principal ngayon din!" Galit ako, oo at hindi nila ako mapipigilan! Anak ko na ang pinag-uusapan dito. Mabuti lang sana kung simpleng away bata lang ito, pero hindi eh.
May malaking pasa ang anak ko sa likuran niya at hindi ko mapapalampas ang ginagawa nila sa anak ko. Hindi ko alam kung kailan pa ito nagsimula but I will surely talk to my daughter after this, alam kaya ito ni Angelo? Tumayo ako, I carried my daughter. Nakasubsub lang ang mukha niya sa leeg ko. Hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak niya. Mariin kong ipinaglapat ang mga labi ko. Kasama ng dalawang guards ang apat na bata, hindi nila ito hinayaang makaalis. Bakas sa mukha ng mga batang ito ang takot, hindi parin nawawala ang pamumutla nilang apat.
"Ma'am, dito muna kayo." Sabi ng isang guard. Naiwan kami ng apat na bata at isa pang guard sa labas ng principal's office. Marahan kong hinagod ang likuran ng anak ko, napakahigpit ng yakap ng anak ko sa akin. I calmed myself. Kailangan kong makalma baka kase hindi ko makontrol ang galit ko.
Nakaupo lang ang mga batang nambully sa anak ko at halatang papaiyak na sila, maliban sa isa. Ngayon nakikita kong mukhang okay na siya, kumunot ang noo ko. Hindi na siya takot sa pupwedeng kalabasan ng ginawa nila sa anak ko?
"Ma'am, sorry po pero nasa importanteng meeting po ang Principal at ayaw niyang maistorbo." Tinitigan ko ang guard na kakabalik lang. "Sabihin mo sa kanya na wala akong pakialam kung gaano ka importanteng meeting ang ginagawa nila at sabihin mo sa kanya ngayon na kapag hindi siya pumunta ngayon dito hindi niya gugustuhing I pull out ng pamilya Buenavista ang napakalaking shares nila sa paaralang ito." Mariing turan ko, nakita kong napalunok ang guard. Agad nagpaalam ang guard sa amin at bumalik na kung nasaan man ang Principal.
Nalaman ko lang kay Manang na malaking shares ang mayroon si Angelo rito, kakilala ni Angelo ang may ari ng paaralang ito, ang mga Montello. Sikat ang mag Montello noon sa Eastwood Academy noong college pa ako, well, they are the son's and the daughter's owner of this Academy and they are good looking, mapababae man o lalaki. Kung magalit man si Angelo nang dahil sa ginamit ko ang apelyido ng pamilya niya ay wala akong pakialam. Maiintindihan niya naman siguro ako kapag nalaman niya ang totoong nangyari.
"Jusko! Kanina pa kayo namin hinahanap!" Napalingon ako sa apat na mga babaeng sinalubong ng yakap ng apat na mga bata. Nakasuot sila ng uniform na kulay puti at asul, sila siguro ang mga nagbabantay sa mga batang ito. "Anak, okay ka na?" Pagtatanong ko sa anak ko. Tumango siya sa akin at bahagyang ngumiti, lumabas ang dimples niya. "Ah, hello po. Kung ano man po ang nagawa ng mga bata sa anak niyo po kami na po ang humihingi ng paumanhin. Pasensya na po talaga." Sabi ng isang nagbabantay sa mga bata. Umiling ako. "Kailangan kong makausap ang ina o ama ng mga batang 'yan, I want them to know kung ano ang pinaggagawa ng anak nila. Besides, I already called the attention of the Principal, papunta na siya. Better call their parents or guardian now." Seryosong sabi ko. Nanlaki ang mga mata nila ng sabay sabay, mukhang hindi alam ng mga magulang nila ang kalokohan na ginagawa ng mga anak nila. "Ma'am hindi ba pwedeng pag-u....." Naputol ang sasabihin niya ng nakita ko ang Principal. Lalaki ito at kilala ko siya. Mr. Primotivo Montello, siya ang lolo ng classmate ko noon sa isang klase ko. He is eyeing me, I think kinikilala niya ako.
"Ma'am, I think you know already that we are having an important meeting right now." Matigas na sabi niya. Makikita mo ang pagkastrikto sa mukha niya, I know him, I was once his favourite student before. "I'm sorry to disturbed you Mr. Principal but this is very important too. My daughter was bullied by these girls." Turo ko sa apat na bata na kanya-kanyang yakap sa mga tagabantay nila. Nakakunot ang noo ng Principal habang nakatingin sa akin. "And, I want their parents to be here. Kailangan ko silang makausap, I want my daughter's safety." Seryosong salita ko. Bahagyang tumango ang principal sa akin at sumenyas na sumunod sa kanya papasok sa office niya.
Pumasok kaming lahat, umupo kami sa mga bakanteng upuan sa harap ng table ng Principal. Pinaupo ko sa tabi ko ang anak kong tumahan na sa pag-iyak. "Tinawagan niyo na ba ang parents nila?" Tinapunan ng tingin ng Principal ang tagabantay ng apat na bata. Isa-isa silang tumango. "Pero sir, hndi po makakapunta ang mga magulang ni Aisha kakaalis lang nila kanina, may business trip po sila sa Singapore at sa akin lang po iniwan ang bata." Sagot ng isa.
"Ganoon din po sa akin, nang isang gabi pa po umalis ang mga magulang ni Careen. Sa linggo pa po sila makakabalik." Sagot din ng isa. Nakikinig lang ako sa mga paliwanag ng mga tagabantay ng mga bata, pupunta naman daw ang nanay ng dalawang bata kaya naghihintay kami ngayon sa pagdating nila. Pinatawag ko narin sa gwardiya si Mang Mario, baka kase magtaka siya na hanggang ngayon ay hindi parin kami bumabalik. "Ma'am!" Tawag sa akin ni Mang Mario. Narito narin siya sa loob ng opisina ng principal.
"Pakitawagan si Angelo." Utos ko sa kanya. Agad naman niya itong tinawagan. "Sabihin mo importante lang." Sabi ni Mang Mario sa kabilang linya, kumunot ang noo ko.
Sumulyap sa akin si Mang Mario na parang sinasabi na wala siyang magawa. "Ibigay mo sa akin, ako ang kakausap sa kanya." Seryosong sabi ko. Hindi ko alam kung sino ang kausap ni Mang Mario pero sa tingin ko ay sekretarya ito ni Angelo. Ibinigay sa akin ni Mang Mario ang telepono niya, tumikhim muna ako bago nagsalita. "Hello?" Narinig kong may nagbuntong hininga sa kabilang linya. "Hello po ma'am, ako po si Candy ang assistant Secretary ni sir, hindi po kase talaga pwede si sir Angelo eh. May napaka-importanteng meeting po siya ngayon at ang sabi niya ay huwag daw po siyang istorbohin." Mariin kong itinikom ang mga labi ko at nagsalita ulit. Tumayo ko sa ilidg ng pintuan. "Sabihin mo sa boss mo na ang kausap mo ngayon ay si Mikaela Angela ang nanay ng anak niya at may importante akong sasabihin sa kanya." Matigas na sabi ko. "P-po? S-sorry po! Sandali lang po tatawagan ko ang executive secretary niya. S-sila po ang magkasama sa meeting ngayon. Kindly stay on the line po." Natatarantang sagot nito. Kumunot ang noo ko. Napaka-importanteng meeting tapos kasama ang executive secretary?
Naghintay pa ako nang ilang minuto bago makabalik sa kabilang linya si Candy, "hello po ma'am, si Candy po ulit ito. Pasensya na po ma'am pero umalis na raw po si sir kasama ang ka meeting niya. I tried calling him po pero unattended po ang phone niya. Pasensya na po." Napapadyak ako sa sobrang inis. Bwesit! Kung kailan siya kailangan ng anak niya tsaka naman siya busy! Nagpaalam nalang ako kay Candy at ibinalik ang phone ni Mang Mario sa kanya. Bumalik ako sa pagkakaupo sa tabi ng anak ko at hinaplos ang mukha niya. "Daddy can't come?" Tanong niya. Malungkot lang akong tumango sa kanya. "He's busy, I'll talk to him sa bahay nalang, okay?" Tumango siya sa akin at yumakap. Nilingon ko ang Principal at tumango naman siya kaagad, mukhang nakuha na niya ang ibig kung ipahiwatig na hindi makakapunta si Angelo.
Maya-maya pa ay may pumasok na babaeng mataas, morena at napakaganda nito. Makikita mo sa mukha niya ang pagiging sopistikada at pagiging suplada. Naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa batang kamukhang kamukha niya at mukhang pati ugali ay nakuha rin ng bata. Hindi na nga niya nabati ang Principal na nakaupo sa harapan namin, sumunod na pumasok ang babaeng mahinhin at maganda rin. Mukhang galing silang lahat sa may matataas na antas ng buhay. Tumikhim ang Principal, natuon ang atensyon ng lahat sa huli. "We are here to discuss some important matter that happened a while ago. This is Miss..." napatingin sa akin ang Principal.
"Perez." Sagot ko.
"Miss Perez. The mother of this child." Turo niya sa anak ko. Tumaas ang kilay ng babaeng mukhang suplada, ni heed to foot niya ako. Problema ng babaeng 'to sa akin? "Miss Perez saw that four children bullying her daughter kaya gusto niya sanang kausapin kayo." Seryoso lang akong nakaupo at nakahawak sa kamay ng anak ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni M.A. sa kamay ko. Mukhang nagulat si Mang Mario sa tinuran ng Principal.
"Ano po?" Gulat na sabi ng isang nanay at napatingin sa anak niya na nakaupo sa gilid niya. Napayuko ang anak niya at nag-umpisa na itong humikbi. Nasa isang gilid lang din nakatayo ang lahat ng tagabantay ng mga bata.
"Away bata lang naman siguro 'yun, magbabayad nalang kami ng danyos." Sabi ng babaeng mukhang suplada. Hindi ako makapaniwala, akala ba niya nakukuha lahat sa pera ang lahat ng bagay? Na isang bayad lang okay na ang lahat? "I am not here para sa pagbayad mo sa danyos, I am here to talk to the parents of these children, na sana ay pagsabihan sila na mali ang ginawa nila. Kailangan silang maturuan ang gano'n." Tumayo ang babaeng mukhang suplada, she looks furious. Naningkit ang mga mata ko.
"Are you saying na wala akong kwentang ina sa anak ko at hindi ako marunong magdesiplina sa kanya?" Mataray na sabi niya. Anong mali sa sinabi ko?
"Wala akong sinabing gano'n, Miss. Ang sa akin lang ay hindi tama ang ginaw---." Pinutol niya ang sasabihin ko at dinuro ang anak ko. I think my blood went up.
"'Yang anak mo ang mukhang hindi naturuan ng tama at mali! Baka siya ang nagsimula ng gulo." Naggagalaiti niyang sabi. Nagsimula na namang umiyak si M.A. sa tabi ko. Napatayo na ako. Tiningnan ko ng masama ang babaeng walang modo. "Please calm down.." Wala akong pakialam sa Principal ngayon, I'll deal with him later. Uunahin ko muna itong gagong babaeng ito! Pinapakulo niya ang dugo ko. "You! 'Wag mong dinuduro ang anak ko! Wala kang karapatang gawin 'yun sa kanya!" Who the hell she think she is? Makikipagpatayan ako para sa anak ko! Lumapit si Mang Mario sa akin at hinawakan ako sa kamay. Gusto kong sampalin ang babaeng bwesit na ito, gusto ko siyang sabunutan! Nanginginig ang kamay ko sa galit. Bwesit siya! Anak na nga niya ang may kasalanan ganyan pa siya kung umakto? Why not talk to her daughter and ask what really happened then humingi ng sorry sa anak ko? Mahirap bang gawin 'yun?
"The two of you! Calm down will you? Nandito tayo para mag-usap, hindi para magsisihan! Let the children talk." Seryosong sabi ng principal. Umupo ako ulit sa upuan ko at niyakap ang anak ko. "Sshh.. Tahan na, Nak. Nandito ako, okay? Tell them what really happened earlier." Tumango siya sa akin habang humihikbi, I wiped her tears.
"I-it was all started when I was eating my snack noong start ng school year, t-tinanong po nila ako kung nasaan ang mommy ko. I t-told them that she wasn't here because Daddy said that Mommy went to her parents abroad, but they never listened to me. Sabi nila sa akin Mommy doesn't love me kase hindi naman siya umuuwi, then palagi na nila akong inaaway. I always cried. Hindi alam ni Daddy ang nangyayari sa akin because if I tell Daddy about this I know he will be mad at them so I kept it. T-tapos yesterday, they pushed me to get my snacks. Tumama sa bench ang likod k-ko. They are always getting my snacks then inaaway nila ako. I always got bruises because they are always pushing me, scratching me and even cut my things." Hindi ko na napigilan, umiyak ako. I clenched my hands. I hugged my daughter so tight, humarap siya sa akin at niyakap ako. She buried her face on my neck.
Hindi ko alam na ganito pa pala ang nangyayari sa kanya, she was so brave that time na siya lang ang nagsasarili ng problema niya. Sa ganitong edad niya marunong na siyang mag-isip para sa kapakanan ng iba.
Sa likod ng mga ngiti niyang ipinapakita sa lahat ay may tinatagong problema na walang nakakaalam kundi siya lang. Sa murang edad niya nakakaranas na siya nang mga ganitong karahasan sa kapwa bata niya na dapat ay hindi naman. Dapat ay masaya lang siya, naglalaro at walang pinoproblemang ganito.
Itinaas ko ang uniform na blouse ng anak ko and I heard a loud gasp from them. "Nakikita niyo ba ito? Ngayon, tell me kung simpleng away bata lang ito." Ipinakita ko sa kanila ang malaking pasa ng anak ko.
Pagkatapos naming mag-usap kanina sa Principal's office ay humingi ng pasensya ang nanay ng dalawang bata at nakausap ko sa telepono ang dalawa pang nanay ng dalawang bata na wala sa bansa ngayon, Mr. Principal explained everything to them at nangako naman sila na kakausapin nila ang mga anak nila at pagsasabihan. Inamin din naman ng apat na mga bata na binubully nila ang anak ko. They said sorry too at nagpromise na hindi na nila aawayin ang anak ko at tinanggap naman iyon ng anak ko. Alam narin ni Manang Minda ang nangyari kay M.A. kase pagkarating namin sa bahay ay nagtanong kaagad ito kung bakit kami ginabi ng uwi.
Nagulat si Manang kase hindi naman daw nagsasabi si M.A..
It's already 8 P.M. pero wala parin si Angelo, kanina pa siya hinahanap ng anak niya pero wala pa siya at hindi rin naman siya makontak hanggang ngayon.
Nakaupo na ako ngayon sa kama ko at handag matulog ng makarinig ako ng marahang katok mula sa pintuan, nakita ko ang anak ko. Pumasok siya at isinara ang pintuan.
"Mommy? Can I sleep here?" Ngumiti ako sa anak ko at tumango sa kanya. "Oo naman. Halika nga." Mabilis siyang lumapit sa akin at humiga sa kama ko, bitbit niya ang malaking stuffed toy niya si Spongebob. Yakap yakap niya ito. "Mommy? Sorry po, I've been a bad girl." Umiling ako sa kanya at hinaplos ang mukha niya. Pareho na kaming nakahiga sa kama ko, nakaunan siya sa braso ko. "Ayaw ko lang na magsinungaling ka, okay? Sa ngayon papayag muna ako na maging Mommy mo, pero alam mong hindi naman ako magtatagal dito, hindi ba?" Nakita kong lumungkot ang ekspresyon niya. Yumakap siya sa akin ng mahigpit. "I don't want you to go, just stay here, please? Can you do that for me? Please?" Ayaw ko siyang biguin. Ayaw kong mangako kase alam ko naman na pagkatapos ng kontrata ko ay babalik na ako sa Sweet Haven. Gustuhin ko mang manatili para sa anak ko ay hindi naman pupwede, siguro pwede nalang akong humingi ng visiting rights kay M.A. kakausapin ko nalang si Angelo kapag malapit na akong umalis.
"Hindi ko maipapangako na hindi ako aalis, basta nandito lang ako para sa iyo." Tinitigan niya ako at ngumiti siya sa akin. "Good night, Mommy. I love you." Bulong niya and then pinikit na niya ang mga mata niya. Malakas na kumabog ang puso ko. She loves me. Parang ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo, I smiled widely. Sobrang saya ko.
Hinalikan ko siya sa noo niya at bumulong. "Good night, Nak. Mahal din kita, sobra."
Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong may nakatitig sa akin, ewan ko ba parang titig na titig ito. Kaya kahit pa ang bigat bigat ng talukap ng mga mata ko ay idinilat ko parin ito at tama nga akong may taong nakatitig sa akin. Nakaupo siya sa gilid ng anak ko. "Just sleep." Sabi niya. Napakahusky ng boses niya at parang pagod na pagod ito. "Anong oras na?" Takang tanong ko.
"1 A.M., sleep again." He commanded. Kumunot ang noo ko. Kung ano ang suot niya kaninang umaga ay ganoon parin hanggang ngayon. "Ngayon ka lang dumating?" Nakita kong hinubad niya ang necktie niya ay ni open ang dalawang butones ng long sleeve niya. "30 minutes before 1." Tumango nalang ako kase hindi ko na kayang makipag-usap pa. Bumabagsak na talaga ang mga talukap ng mga mata ko, ipinikit ko nalang ito para makatulog na ulit. I hugged my daughter.
"Sleep tight." Hindi na narinig pa ni Mika ang sinabi ni Angelo dahil sa nakatulog na kaagad ito. Hinalikan ni Angelo ang noo ng anak niya at ganoon din sa babaeng kayakap ng anak niya.