CHAPTER 36

2 0 0
                                    

ChapterThirtySix ]
-------------------------------

                                ~oOo~
Mahimbing na natutulog si Angelo ng may maramdaman siyang kakaiba, nakapikit ang mga mata niya habang mahigpit na nakayakap sa Anghel niya. Kumunot ang noo nito.
Bakit ang init yata? Tanong niya sa sarili. Kinapa niya ang babaeng katabi niya kahit nakapikit ang mga mata niya, kinapa niya ang noo nito at otomatikong nanlaki ang mga mata niya ng maramdamang sobrang init nito. Agad siyang napabangon mula sa pagkakahiga, ni switch on niya ang ilaw. Pagkaliwanag ay nakapokos kaagad ang mga mata niya sa babaeng nakatulog sa kama niya.
Nanginginig ito at namumutla ang mukha. "Shit!" Mura niya, mabilis niyang pinatay ang aircon at agad na lumapit sa babae. Natataranta siya kung ano ang gagawin niya. "Angel? Baby?" Gising niya rito, mahimbing lang itong natutulog kahit na naginginig ito. Napatitig siya sa mukha nito na namumutla. "Fuck! Ang taas ng lagnat mo. Angel? Wake up!" Halos singhalan niya na ito. Malakas na kumakabog ang dibdib niya. Napatayo siya sa gilid nito at napahilamos ng mukha niya. "What the fuck I'm going to do?" He worriedly said.
Naranasan niya nang mag-alaga ng may sakit at 'yun ang anak niya, ngunit tumutulong lang siya rito kase si Manang Minda naman ang talagang nag-aalaga sa anak niya. Ngayon, hindi niya alam gagawin niya sa kay Mikaela. Biglang may naisip siyang gawin.
Kinuha niya ang kumot at binalot ito sa katawan ng babae. "I'll be downstairs, baby. I'll be back in a minute." Aniya at hinalikan sa noo ang babae. Nagmamadali siyang bumaba papuntang kusina, naghanap siya ng noodles sa cabinet kung saan nakastock ang mga groceries nila at agad itong niluto. Kumuha rin siya ng gamot at isang pitsel na tubig, habang hinihintay niyang maluto ang noodles ay hindi ito mapakali. Pabalik-balik siyang naglalakad hangang sa naluto na ang noodles. Mabilis niyang inilagay sa bowl ang noodles, inilagay niya lahat sa tray ang mga dadalhin niya at mablis na tinungo ang kwarto nila kung saan natutulog ang babae.
Pagkarating niya sa loob ng kwarto ay inilagay niya sa bedside table ang tray, umupo siya sa gilid ng kama at ginising ang babae. "Baby? Wake up, I prepared noodles. Paiinumin kita ng gamot." Umungol lang ito ng mahina, pinpilit niyang pinaupo sa kama ang babae. Nakapikit parin ang mga mata nito. "Baby, you should eat first. Kahit konti lang." Aniya habang inaayos ang pagkakaupo ni Mika. "A-ayaw ko." Mahinang bulong nito. Umiling si Angelo at kinuha ang bowl na may lamang noodles. Kinuha niya ang kutsara at nag-umpisa ng subuaan ang babae. Pumikit lang si Mikaela at umiling. Napabuntong hininga si Angelo. "Come on, baby. Kahit konti lang, please." Paglalambing niya rito. Hinawakan niya ang baba ni Mikaela, napamulat naman ng mga mata niya si Angela.
Nang magtama ang kanilang paningin ay parang napaso ang lalaki. Hindi niya maintindihan, sobrang lamlam ng mga mata nito at makikita mo ang pagod at namamasa-masa ito. Napatikhim si Angelo. Binitawanan niya ang baba ng babae at sinubuan na si Mikaela, kinain naman ito kaagad ni Mikaela.
Nakatatlong kutsara lang si Mikaela ng umiling na ito. "A-ayaw ko n-na." Nanghihina niyang wika. Inilapag ni Angelo ang bowl at kinuha ang gamot at isang basong tubig. Pinainom niya nang gamot si Mikaela at inalalayan itong mahiga. "Are you cold, baby?" Hindi ito kumibo, nakapikit na ang kanyang mga mata at kinumutan ang sarili. Napabuga siya ng malalim na hangin at tinabihan ang babae sa kama. Kinumutan niya ang mga katawan nila at mahigpit na niyakap ang babae. "Sleep tight." Bulong niya kay Mikaela na nakatulog na ulit sa sobrang sama ng pakiramdam.
Mikaela's POV
Nagising akong napakasama ng pakiramdam ko, ang bigat ng ulo at katawan ko pero kakayanin ko pa naman, unti-unti akong bumangon at isinandal ang likuran ko sa headboard ng kama ni Angelo. Napatingin ako sa orasan...alas dyes na ng umaga, hinilot ko ang ulo ko at pumikit ang mga mata ko. "Angel." Rinig kong tawag niya sa pangalan ko, kumunot ang noo ko. Hindi siya pumasok? Iminulat ko ang mga mata ko. Siya nga, nakapambahay ito at may bitbit na tray na puno ng pagkain. Nakatayo ito sa paanan ng kama. "How are you? Are you feeling good now?" He worriedly said. Inilapag niya ang tray sa mesa at umupo sa gilid ng kama at pinatong ang kamay niya sa noo ko. "Hindi ka na masyadong mainit, last night you were hot as fuck, baby. You got me worried." Namula ako sa sinabi nito. Inayos niya ang kumot hangang bewang ko. "I took care of you last night." May lambing sa boses nito. Nag-iwas ako ng tingin. "Salamat." Mahinang wika ko, kinuha niya ang dalawang kamay ko na nakapatong legs ko. Napatingin tuloy ko sa kanya, he kissed it.
Bahagya akong nagulat sa ginawa niya, nakatitig siya sa mga mata ko habang marahang hinahalikan ang kamay ko. "O-okay na ako." Ani ko at binawi ang kamay ko, tipid naman itong ngumiti. He looks disappointed, kinuha niya ang tray at inilapag sa kandungan ko. "I'll feed you." Napailing ako. "Kaya ko naman." Parang wala lang siyang narinig kase umangat na sa ere ang kutsara na may lamang pagkain, sinusubuan niya ako. Napalabi ako bago binuka ang mga labi ko. Napangisi ito ng kinain ko ang sinubo niya.
"You have to eat all of these." Aniya, hindi na ako umimik pa. Hindi naman niya ako mamaya mapipilit kapag ayaw ko ng kumain eh. Habang ngumunguya ako ay nakita ko siyang kumain din, nilunok ko ang pagkain. "Baka magkasakit ka rin!" Ani ko. Inagaw ko ang kutsara pero nilayo lang niya ito. "Indirect kiss." He murmured at napangiti itong napapailing. Namula ako, iisang kutsara lang ang gamit naming dalawa. Kaya siguro marami siyang dalang pagkain kase para sa aming dalawa? Pero, sabi niya uubusin ko raw lahat ang pagkaing nasa tray. "A-angelo, ano...ako nalang." Nahihiyang sabi ko. Umiling siya. "Kanina pa kita sinusubuan, ubusin na natin to." Pahayag niya. Wika niya. Inangat niya ang kutsarang may laman ng pagkain at tinapat sa bibig ko.
Matapos naming kumaing dalawa ay pinainom niya ako ng gamot at siya naman ay bumaba para ilagay ang pinagkaininan namin sa baba. Medyo maayos na ang pakiramdam ko pero masakit pa ang ulo at katawan ko. Humiga ako ulit at pinikit ang mga mata ko. "Mommy!" Mabilis na nagbukas ang pintuan at pumasok ang anak ko, nasa likuran niya si Angelo na napapailing. Kitang-kita ko kong nag-aala ang mga tingin ng anak ko sa akin. Ngumiti ako sakanya, lalapit sana siya ngunit pinigilan siya ng ama. "Princess, I told you hindi ka pwedeng lumapit sa mommy mo. You'll get sick too if you do." Sumimangot ang anak niya at napapadyak ng paa nito. "Why daddy? I miss mommy! I want to hug her!" Inis na wika nito. Tumikhim ako.
"'Nak, magpapagaling ako kaagad. Sige na, doon ka muna sa baba, kay Manang. Okay?" Napatango nalang siya at lumabas na ng kwarto ng ama. Susunod naman ang ama niya sa kanya para isarado ang pintuan, pagkatapos niyang masarado ang pintuan ay lumapit ito sa akin, umupo siya sa gilid ng kama. "Masama parin pakiramdam mo?" Pagtatanong niya. Inayos niya ang pagkakakumot sa akin at ang unan. "Medyo, baka bukas wala na to or mamaya." Napatango naman ito sa akin. Bahagya akong nagulat ng mahiga ito sa tabi ko, kinumutan niya rin ang sarili at inilapit ang katawan sa akin. "May pasok kapa." Inangat niya ang ulo ko at pinaunan sa dibdib niya. Umusog ako palayo pero hinatak niya ako pahiga ulit. "Tsk. Stay." Umiling ako at medyo tinulak ko siya palayo sa akin. "May trabaho ka at kailangan mong pumasok, baka mahawa kapa sa sakit ko." Dahilan ko.
Hinatak niya ulit ang kamay ko, napadaing ako. Shit naman! Pagod na pagod na nga ang katawan ko tapos parang may balak pa siyang durugin ako. "That's not important, I called my secretary that I won't be able to go to my office and besides....lets just be sick together." Seryoso nitong sabi. Napanganga ako. Anong pinagsasabi nito?
Nakabusangot ngayon ang anak ko habang nakaupo sa sofa habang ako ay inaalo siya. "Baby, we'll just stay there for 4 days and then we'll go back here." Ani ng ama. Aalis kase kami ni Angelo ngayong hapon, hindi naman talaga ako kasama talaga kaya lang sinama niya ako. It's all about business daw ang pupuntahan niya roon, ako ang isasama niya kase hindi pwede ang secretary niya. Nakaleave ito ngayon at next week pa ang balik. Hindi ko rin siya maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng pwede niyang dalhin na empleyado niya eh ako pa ang naisipang isama. I talked to him, ang sabi ko hindi ako sasama kase walang kasama ang anak ko rito which is not true. Narito si Mang Mario at Manang Minda to take care of my child, kaya lang wala na akong maisip na ibang palusot.
"Daddy! Sasama na ako sa inyo!" Nagmamaktol na ito at halos umiyak na siya. Naaawa ako sa kanya, ayaw niyang umalis kami na hindi siya kasama. 4 days are long enough for her to miss us. Hindi ako nagsasalita, hinahayaan ko lang si Angelo na siya ang kumausap sa anak niya. "Baby, I promise I'll give you pasalubong that you will like." Aniya sa anak. Inilapit ni Angelo ang mukha sa tenga ng anak at parang may binubulong ito, nakita kong unti-unting ngumiti ang anak ko at niyakap siya ng mahigpit. "Yehey, Daddy! Thats a promise!" Malawak ang ngiti ng anak ko at tumatalon-talon pa ito. Ginulo ni Angelo ang buhok nito at hinalikan siya sa noo. "Of course, baby. So, are we good now? Pwede na ba kaming umalis?" Tumango ang anak niya sa kanya at lumapit sa akin.
"Bye, Mmy. Give me pasalubong, huh?" Hindi ko alam kong anong pasalubong ang tinutukoy ng ama niya pero tumango parin ako sa bata at hinalikan siya sa buong mukha niya. I will miss my daughter...niyakap ko rin siya ng mahigpit at tumayo na. Lumapit si Angelo sa tabi ko. "Daddy, mommy..can you both give me a kiss on my cheeks?" Tinuro nito ang magkabilang pisnge niya. Tumango si Angelo sa anak at ako naman ay ngumiti sa anak ko. Si Angelo sa kanan ako sa kaliwa. Tumayo ang anak namin sa sofa, pareho kaming yumuko ni Angelo. "1..2..3..." Bilang nito. Pareho naming unti-unting nilapit ang mukha namin ni Angelo sa pisnge ng anak namin para mahalikan ito. "Kiss!" Nagulat ako ng maglapat ang mga labi namin ni Angelo.
Pumalakpak si M.A. At humagikhik. Bago pa kase lumapat ang labi ko sa pisnge ni M.A. ay umurong na ito kaya naglapat ang labi namin ni Angelo. Nanlaki ang dalawang mata ko at dali-dali humiwalay sa pagkakalapat ng mga labi namin ni Angelo. Ngumisi sa akin si Angelo, ako naman ay ramdam ko ang pag-init ng dalawang pisnge ko. "Yhii! Ang pula ng buong mukha ni Mommy, Ddy!" Sinamaan ko ng tingin si Angelo na ngayon ay ang lapad-lapad ng ngiti sa labi niya. "Good job, baby." Ani Angelo. Kumindat siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin, nagbuntong hininga ako. My heart is beating so fast. Pasimple ko itong hinaplos.
"I know, Ddy. Bye po!" Nakahalf run itong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto niya. Hinatid ko lang ito ng tingin mula sa kinatatayuan ko. "Let's go." Paos na sabi nito. Napairap ako sa kawalan, hindi naman niya makikita kase nakatalikod ako sa kanya. "Pwede namang dito nalang ako." Ani ko sa mahinahong tinig. Ngumisi lang ito sa akin at mabilis na hinawakan ang kamay ko. "Kaya kong maglakad mag-isa." Maldita kong sabi. "I know, but I just want to hold your hand." Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at naglakad nalang, mas nauna ako sakanya kahit na nakahawak ito sa kamay ko. I heard him chuckling. Tuwang-tuwa yata siya. Maya-maya pa ay nasa gilid ko na siya, nang makarating kami sa garage ay pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya. Agad naman akong pumasok, kinabit ko ang seatbelt at tahimik na umupo.
Pumasok narin si Angelo sa driver's seat at pinaandar na ang kotse. Pinagbuksan kami ni Mang Mario ng gate at sumaludo sa amin bago makalabas ng bahay ni Angelo. Hindi niya isinama si Mang Mario, siya nalang daw and magda-drive papunta sa pupuntahan namin.
Napalingon ako ng marinig kong nagha-hum ng kanta si Angelo. Nakangiti itong nakatingin sa daan habang nagha-hum ng isang kanta.
I got all that I need,right here in the passengers seat.And I can't take my eyes on the road,knowing that she's interest from me.
Biglang itong napalingon sa akin kaya huling-huli niyang nakatingin ako sa kanya, "what?" Aniya. Napailing ako. "San tayo pupunta?" Tanong ko nalang sa kanya. Hindi ko kase alam kung saan kami pupunta eh. Hindi naman niya kase sinabi sa akin kung saan kami pupunta noong tanungin ko siya. "You'll know it later when we get there, for now, just take a nap." Aniya kaya tumahimik nalang ako. Wala talaga siyang balak na sabihin kung saan kami pupunta. All I know is all about business kung bakit kami pupunta roon at kampante naman ako...I don't know, I just felt it, na wala akong dapat ikabahala kung saan man kami patungo ngayon.
Hindi kami nag-uusap habang bumabyahe, wala naman akong sasabihin sa kanya kaya tahimik lang din ako. Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng antok kaya umayos ako ng pagkakaupo at ipinikit ang mga mata ko.
Habang natutulog si Mikaela ay tahimik lang na nagda-drive si Angelo at panaka-nakang sumusulyap sa babaeng nasa kabilang upuan lang. He smiled upon seeing her beautiful face, she is so angelic while sleeping. Narinig niyang nagring and phone niya kaya kinuha niya ito.
Brent is calling him. He answered the call. "Yow, Gel!" Bati agad sa kanya. Napasimganot Ito. Sa lahat ng tinatawag sa kanya ay ayaw niya sa Gel o Gelo. "Damn you, Brent!" Pigil ang sigaw niya sa kaibigan. Ayaw niyang magising sa pagkakatulog si Mikaela. Narinig naman niya ang halakhak ng kaibigan sa kabilang linya. Hindi nag-iisa si Brent, may kasama ito at kilala niya ang boses na 'yun. Kay Lucas at Spencer 'yun. Napaismid Ito. Mukhang maling ideya ang isama niya ang mga kaibigan ngayon, apat na araw pa naman niya itong makakasama. "Damn you too, Gel. Are you with her?" Alam ng mga kaibigan nito na isasama niya ang anghel niya.
Fuck!
Mura niya sa sarili. He sounds so gay when he said "Anghel niya", ngunit sa huli ay napangisi nalang siya. Sumulyap siya sa 'Anghel niya', sakto namang Nakahalf open ang mga labi nito. He smiled widely, he looks insane in this state now. He can still remember her reaction earlier when he kissed her on her lips, hindi niya rin inaasahan 'yun but he's happy sa kapilyuhan ng anak. Nakahalik naman kase ito sa babaeng nasa tabi lang niya. He felt the electricity when their lips met. Kakaiba.....and he must say that it was heaven. She's his heaven. "Angelo! Amputa! Buhay kapa ba?" Ito ang nagpagising sa kanya sa pagbabalik tanaw sa nangyari kanina.
He looked at the road again, baka kase mabangga pa sila and he won't let that happen. He is driving carefully kase kasama niya ang isa sa pinakamahalagang babae sa buhay niya. Aminado na siya. Mikaela is important to him....sila ng anak niya. At alam niyang hindi niya alam ang gagawin kapag muling nawala and babae sa kanya. Matagal niyang hinintay ito, ang muling makasama ang babae.. ang makumpleto ang pamilya nila. He is planning to do something, ayaw niyang umalis ang babae ngunit hindi niya alam ang gagawin niya para manatili ito. Nahihirapan siya. Hindi rin siya makaamin....sa totoong nararamdaman niya.
"Shut the fuck up, Brent! Makakarating kami dyan." Inis niyang binaba ang telepono at inilagay Ito sa bulsa. He reached the hand of his Angel, nakapatong lang kase ito sa hita ng babae. He intertwined their fingers and it really fits on his. He kissed it at nagdrive ulit.
Mikaela's POV
Naalimpungatan siya ng maramdaman niyang parang lumulutang siya sa ere. He rubbed her eyes using her hands. "Stop that, babe." Paos na tinig ang narinig niya. Mukhang pagod ito. Napamulat siya ng mga mata niya, lumulutang talaga siya kase buhat siya ni Angelo, nakabridal style. Nagtama ang nga mata nila, bakas sa mukha nito ang pagod pero ngumiti parin ito sa kanya. "Bitawan mo na ako." Nahihiya niyang sabi kay Angelo. Dahan-dahan siya nitong binaba at nakatapak siya sa malambot na bagay, napatangin siya sa inaapakan niya.
White sand.
Napakunot ang noo niya. Inilibot niya ang paningin niya sa paligid at may nakita siyang dagat, maraming taong naglalakad sa dalampasigan. Nagtataka kong nilingon si Angelo. "Akala ko ba all about business ang pupuntahan natin? Bakit nasa Beach tayo?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin at tumikhim. He swallowed hard at kitang-kita ko ang pag galaw ng adams apple niya.
"I lied, sorry. I just want to have a vacation.....and be with you. Kahit ilang araw lang." Aniya. Nagulat ako. Hindi ako nakapagsalita. Nakatikom lang ang bibig ko. What should I say? Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko, nakatitig lang ako sa kanya. "Sorry.." He murmured and kissed my forehead.
Pinatalikod niya ako at halos mapanganga ako ng makita kong lumubog na ang araw...napakaganda ng sunset! Pumalibot ang bisig nito sa bewang ko at pinatong ang baba niya sa balikat ko.
"You are much beautiful than the sunset." Bulong ni Angelo.

Just For Myself to Keep itWhere stories live. Discover now