ChapterTwentySix ]
-------------------------------WARNING:Not edited..
Maraming salamat sa pag-intindi.
~oOo~
Pagkatapos naming mag-usap ni Angelo ay kinausap niya ang anak, hindi ko narin nalaman kung ano ang pinag-usapan nilang dalawa kase hindi ko narin naman itinanong ang anak ko tungkol sa pinag-usapan nila.
Nagulat nalang kami nang biglang umuwi si Angelo, siguro dalawang oras lang siya sa opisina niya tapos umuwi naman ulit.
"Daddy? Why are you here na naman? May office ka po hindi ba?" Takang tanong ng bata habang naglalaro kaming dalawa sa sala, humalik si Angelo sa pisnge ng anak tapos umupo sa couch. "I'll be staying here. Babantayan kita, ayaw mo ba no'n?" Kumunot ang noo ng anak ko at tumigil sa paglalaro. Nakaupo lang ako sa sahig at ganoon din ang anak ko. "Mommy's here naman, you can work naman po." Hinubad ni Angelo ang coat niya at ipinatong sa attaché case na nasa gilid niya lang. "I know." Sumulyap siya sa akin at ibinalik ang tingin sa anak niya. Binuhat niya ang anak at inilagay sa kandungan niya. "I'm sorry if daddy's not there yesterday, huh?" Hinaplos niya ang pisnge ng anak, napanguso si M.A. "Naman, Daddy! How many times you said sorry na. It's okay na nga po, Mommy's there naman." Nilingon niya ako at ngumiti ng ubod ng tamis.
Nakatitig lang si Angelo sa anak niya parang nagsisisi siya, na gui-guilty rin siya. Niyakap siya nang anak niya at hinalikan ang buong mukha niya. "Okay ka na po?" Ngumiti si Angelo sa anak at tumango. "Great! Mommy said na hindi ako papasok, sa Monday nalang daw po ako papasok ulit." Tinitigan ako ni Angelo, nagtatanong ang kanyang mga mata kung totoo nga ba ang pinagsasabi ng anak niya.
"Napagpasyahan kong huwag na muna siyang papasukin, nakausap ko na ang Principal at adviser niya. Isang araw lang naman." Pagpapaliwanag ko. "Alright! So, you can play all day young lady." Nakangiting sabi nang ama sa anak niya. "Play there first kasama si Mommy, I'll be upstairs. Magbibihis lang ako, okay?" Tumango naman ang anak at umalis na sa pagkakakandung sa ama niya at bumalik ulit sa paglalaro. Umalis naman na si Angelo bitbit ang case niya at coat na hinubad kanina. Pinagmasdan kong maglaro ang anak ko. May tatlong stuffed toys siyang nilalaro. May mga baso rin siya para sa tea, nagtea-tea party raw sila nang kalaro niya.
Wala talagang problema ang anak ko, mabait siya, masunurin, magalang at napakamasayahin. Hindi ko lubos maisip na nabubully pa ang anak ko. Ganyan talaga siguro, kapag nakita nila o nalaman nilang kaya ka nilang apihin ay gagawin nila. 'Yung tipong sinasaktan ka na ay hindi ka parin. Lumalaban kase ayaw mo, hindi dahil sa hindi mo kaya, kundi ayaw mong lumaban kase ayaw mo na nanggulo, at 'yun ang nakita kong ginawa ng anak ko. Hindi siya lumaban para wala ng gulo. Simple as that, pero siya naman ang nasasaktan.
Parehong-pareho talaga kami nang anak ko, ako, hindi ako lumalaban kase wala akong laban at alam ko naman na kahit manlaban man ako ay talo parin naman ako kaya hinayaan ko nalang.
Napalingon ako sa gilid ko at nakita kong nakatayo roon si Angelo at nakatitig sa akin, agad naman siyang nag-iwas ng tingin at nagkalad patungo sa couch at naupo. Pinaglalaruan ko ang Barbie doll ng anak ko habang siya ay busy sa kakalagay kunu ng tea sa tea cups niya. Nilalagay niya ito sa harapan ng mga bears. Pinagmasdan din ni Angelo ang anak niya.
Look! There is three bearsAll in the same houseFather bear Mother bear little bear
Bigla nalang siyang kumanta, kinuha niya ang tatlong bears at nilagay sa bawat gilid niya.
Father bear is very fat.Mother bear is very slim.Little bear is so cute I could die.What a happy family.
Bigla akong napatawa, si Angelo naman ay nakasimangot.
"Hey! I am not fat." Nakasimangot na sabi ni Angelo sa anak niya. "I know daddy, 'yan kase ang lyrics eh." Natatawang sabi ni M.A. "Change the lyrics then." Nakakatawa talaga si Angelo. Ayaw paawat eh. "Father bear is very hot." Kanta ni Angelo. Napangisi pa siya habang tinuturo nga sarili niya. "Weeh? Mommy?" Tumaas ang dalawang kilay ni Angelo, pigil tawa ko siyang tiningnan. Ayaw namang maniwala nang anak na Very hot daw ang Daddy niya. Napailing ako. Angelo glared at me. Humagalpak si M.A. ng tawa habang si Angelo ay masamang nakatingin sa akin.
"Hindi naman daw sabi ni Mommy eh. Bad ka daddy, you lied." Biglang tumayo si Angelo at hinubad ang pang itaas na damit niya. Nanlaki ang mga mata ko. He smirked at me. Napalunok ako. "Wow! Anim, Daddy!" Tinutusok-tusok ng anak niya ang abs niya. Shit. Napatitig ako roon. Anim nga. Pero mas gumanda ang katawan niya. Aaminin ko kahit noon noong nandito pa ako, noong nagtatalik kami ay malaya kong napagmamasdan ang katawan niya at hindi ko naman maitatanggi na maganda talaga ang katawan niya.
"Now, who's not VERY HOT?" Nakatitig siya sa akin. Namula ako.
"Mommy, ang hot pala ni Daddy!" Sabi ni M.A. ngumisi si Angelo, mukhang proud na proud pa siya. "H-huh? Oo?" Patanong na sagot ko. Tumayo nalang ako at naglakad paalis sa sala, dumeritso ako sa kusina para magsaing nalang. Parating narin kase si Manang Minda, kanina pa iyon naggrocery eh. Hinugasan ko muna ang lalagyan ng bigas sa rice cooker at nagsaing na.
Bumabalik na naman sa isipan ko ang mukha ni Angelo kanina, 'yung pagtitig niya sa akin at ang abs niya. Nakita niya kaya ang pamumula ko kanina? Malamang oo! Titig na titig kaya siya sa akin kanina, papaanong hindi niya makikita?!
"Not very hot, huh? Tss." Hala! Nagulat ako sa biglang may nagsalita sa likuran ko, napalingon ako kaagad at agad namang napaatras kase ang lapit-lapit niya lang sa akin at wala siyang suot na damit. Binabalandra niya ang katawan niya! "A-anong ginagawa mo r-rito?" Nauutal kong tanong. Tumaas na naman ang kilay niya.
"Iinom ng tubig." Tipid na sagot niya. "Naroon ang fridge." Turo ko sa likuran niya. Malayo naman ang fridge rito ah! Humakbang siya paabante, ako naman ay umatras. Itinaas niya ang kanang kamay niya. "T-teka..." Shit! Bakit na naman ba ako nauutal? Hahawakan niya ba ako? Hala!
"Kukuha lang ng baso. Tss." Sabi niya at pagkakita ko sa kamay niya ay may hawak na siya na baso. Pagkatalikod niya ay napasapo ako dibdib ko. Hindi na pala ako nakakahinga ng normal. "Get this glass." Ani niya. Napakagat ako nang dila ko at kinuha ang baso pero bago pa ako makatalikod ay nasa noo ko na ang isang daliri niya. He touched me! "Pinagpapawisan ka yata." Ani niya. Sinalubong niya ang titig ko, umatras kaagad ako at tumalikod na. "Tsk." Rinig ko mula sa kanya.
"Father bear is VERY HOT, Mother bear is VERY BEAUTIFUL, their little bear is so cute we could die. What a happy family." Napalingon ako sa pagkanta ni Angelo, naglalakad siya palabas ng kusina habang kumakanta. Inihatid ko nalang ng tingin si Angelo palabas.
BUONG maghapon na naglaro ang mag-ama, ako naman ay nakabantay lang sa kanila at taga gawa ng meryienda nilang dalawa. Sabi ni Angelo ay nakaleave siya hanggang bukas, Friday na kase at bukas naman daw ay wala naman siyang masyadong gagawin. Ipapadala nalang daw niya ang mga papeles na pepirmahan niya sa sekretarya niya rito sa bahay niya bukas. Doon na natulog si M.A., nagpunta lang ako kanina sa kwarto niya para basahan siya nang bedtime stories, ng nakatulog na siya ay pumasok narin ako sa kwarto ko at natulog narin.
Pagkagising ko kinaumagahan ay as usual, nagluto na ako nang umagahan namin. Pagkatapos kung liguin si M.A. isang oras pagkatapos naming kumain ay nasa sala na naman kaming tatlo, si Angelo, si M.A. at ako. Naglalaro si M.A. ng bahay bahayan at ang tatlong bears ang magpamilya, parang audience lang kami ni Angelo rito.
Biglang nagring ang cell phone ni Angelo kaya sinagot niya ito. "Hailey, good morning too.......okay, just bring it here...." Ganoon lang kabilis ang tawag at tapos na kaagad? Siguro hindi naman importante 'yun.
"My secretary will be here, she was the one I talked earlier." Kumunot ang noo ko. Bakit niya naman ako sinasabihan ng ganyan? Sa akin kase siya nakatingin kaya parang ako lang din ang pinagsasabihan niya. Tumango lang ako sa kanya at pinagmasdan ang anak ko sa paglalaro. Tahimik lang ito at paminsan-minsan ay nagsasalita, 'yung parang kinaka-usap ang mga bears niya. Bigla tuloy akong napangiti, naalala ko kase ang nangyari kahapon no'ng kumanta si M.A. nang Three bears at bigla namang nawala ang ngiti ko no'ng sumunod na pumasok sa isipan ko ang tagpo sa kusina. Napailing na lamang ako.
"Hijo, narito na si Hailey." Napalingon kaming tatlo ng anak ko at si Angelo kay Manang. May nakasunod sa kanyang babae na matangkad, sexy at maganda. At ang dibdib niya, para akong mahihiya kapag nagtabi kaming dalawa. Malaki ito, napatingin tuloy ako sa dibdib ko. Sobrang makurba ang katawan niya, kitang-kita kase ito sa itim na hapit na hapit niyang dress. Napalunok ako. Ang ganda ganda at ang sexy sexy niya naman!
Lumapit siya sa pwesto ni Angelo at ngumiti ng pagkatamis tamis. "Good morning po sir." Kumunot ang noo ko. Ako lang ba o narinig ko talaga na may landi sa boses niya? Iba kase ang casual lang na boses kesa sa may halong landi eh. Tumango lang si Angelo at inilahad ang kamay niya, ipinatong naman doon ni Hailey ang folder na dala-dala niya.
Nagsimula ng basahin ni Angelo ang mga papeles sa folder, napakaseryoso nito at kahit ganoon ay ang gwapo niya parin. Matagal ko narin namang inamin na gwapo siya, hindi naman ako bulag para hindi iyon makita. Napatingin ako ulit kay Hailey, titig na titig ito sa boss niya. Ang lagkit. "Mommy, why is she like that?" Bulong ni M.A. sa akin. "Maglaro ka nalang, don't mind them." Sabi ko. Tumango siya at naglalaro na ulit.
"Hi, M.A., kamusta kana? Ako nga pala si Hailey, ang Executive Secretary ng Daddy mo." Matamis siyang ngumiti sa anak ko, sumulyap naman si Angelo kay Hailey at tipid na ngumiti. Hindi ito nakita ni Hailey kase nasa kay M.A. ang atensyon niya. Natutuwa ba si Angelo kay Hailey? "Hi po, okay lang po ako. Ikaw po?" Magalang na sagot ng anak ko. "I'm fine too. Ang ganda mo naman." Ngumiti si M.A. sa kanya at nagpasalamat. Nakikita rin kaya ako ni Hailey rito? Parang hindi kase eh. "This is my mom." Itinuro ako ni M.A., tila nagulat naman ito. "Mikaela Angela po." Sabi ko. Hilaw siyang ngumiti sa akin at hindi na nagsalita pa. Kumunot ang noo ko. 'Yun lang 'yun? Walang "Hi" o "Hello" man lang para sa akin?
"Mag meryienda na muna kayo." Nakangiting sabi ni Manang Minda, inilapag niya ang isang tray na isang plato ng cookies, isang pitsel ng juice at apat na mga baso. Agad akong tumayo para tulungan si Manang. Pagkatapos kong ayusin ang pagkain sa mesa ay pinaupo ko si M.A. sa sofa.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang yumuko si Hailey para abutin ang juice, halos kumuwala ang dibdib niya. Ngayon ko lang napansin na ang baba pala ng neckline niya at to think na ang laki ng dibdib niya ay kahit sino mapapatingin dito. Nakita kong napatingin din doon si Angelo tapos nilingon niya ako, sinamaan ko siya nang tingin. Nandito ang anak niya pero kung makatingin siya sa dibdib ng babaeng iyon ay parang silang dalawa lang ang tao rito. Kinandung ko ang anak ko, nakatalikod si M.A. sa kanila kaya kahit pa magtitigan silang dalawa d'yan ay hindi ito makikita ng anak ko. Nag-uusap silang dalawa ni Hailey about sa business ni Angelo, kami naman ng anak ko ay kumakain lang. Ramdam ko ang pagsulyap ni Angelo sa pero wala akong pakialam, hindi rin naman kami close n'yan para magsulyapan o mag-usap.
Maya-maya pa ay nagpaalam na si Hailey, babalik na raw siya sa office kase tapos narin naman si Angelo pumirma ng mga dapat permihan. Nang tumayo si Hailey ay tumayo rin si Angelo, ihahatid niya raw si Hailey hanggang sa gate. Sabay silang naglalakad at nakita kong sadyang ibinubunggo ni Hailey ang braso niya sa braso ni Angelo. Sumingkit ang mga mata ko. Dapat kapag naglalakad kailangan ganyan talaga? "Mommy? Okay ka lang?" Napatingin ako sa anak ko na nakatingala sa akin. "Oo naman." Sagot ko nalang.
Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na si Angelo na may ngiti sa labi, kumunot ang noo ko. Bakit naman siya nakangiti? Umupo siya ulit sa inuupuan niya kanina, tapos napatingin sa akin. Ngumisi siya at nag-iwas ng tingin sa akin habang umiiling-iling. Anong problema niya sa akin? "Daddy, parang baliw. Why are you smiling?" Napawi ang ngiti ng ama sa tinanong ng anak niya. "Wala naman." Sagot niya.
"Both of you, Mommy and Daddy are really weird today." Sabi ng anak ko. Ako? Weird?
"Bakit naman?" Pagtatanong ni M.A. sa Daddy niya. "Ikaw, Daddy, ngiti ka nang ngiti, tapos si Mommy kanina parang ewan din. Tss." Sabi niya. Ako parang ewan? Okay naman ako ah! "She was? Why?" Natatawang tanong ni Angelo sa anak niya. I glared at him. "I don't know, I asked her if she's okay she said "Oo naman", you guys are weirdos." Nakakunot ang noo ni M.A. habang nagsasalita, si Angelo naman ay hindi ko alam kung tatawa o hindi. Narinig kong nagring ang telepono kaya tumayo ako para sagutin ito, si M.A. naman ay nagpaalam para magbanyo. Kaya kami nalang ni Angelo ang naiwan dito. "Hello, good morning." Bati ko sa kabilang linya.
"Mikay, Babes! I miss you!" Nanlaki ang mga mata ko. Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganyan. "Luke! I miss you too!" Awtomatikong lumingon si Angelo sa akin, nakita kong nagtatagis ang mga bagang niya. Nag-iwas ako ng tingin at ngumiti. Na miss ko talaga siya. Na mimiss ko ang pangungulit niya sa akin at ang pagtawag niya sa akin ng "Mikay babes". "Wow! Ang tagal na nating hindi nagkakausap! Miss na miss kana namin sa Sweet Haven." Ani niya. Napangiti ako ulit. Na mimiss ko na nga rin ang mga bata roon at sila Sisters. "Sabihin mo miss ko narin sila, kamusta ka na?" Pagtatanong ko. Narinig ko siyang tumawa ng mahina sa kabilng linya. "Ito, gwapo parin at umaasa parin na sagutin mo na ako." Napangiti ako. Hindi parin pala nawawala ang mga ganoong biro niya.
"Bilisan mo! Fuck! Or I'll kill you!" Mabilis akong napalingon kay Angelo, anong nangyayari sa kanya? Mabuti nalang at wala si M.A. rito. May kausap siya sa cell phone niya at inis na inis ang mukha niya, namumula ang leeg niya at halos sumigaw narin siya. "Babes?" Tawag ni Luke sa akin.
"Huh? Ay sorry!" Hingi ko nang paumanhin. Nawala kase ako sa pinag-uusapan namin eh.
"Bilisan mo na!....what?" Inamis na sigaw niya sa kausap niya.
"Kamusta ka d'yan? Okay ka lang ba d'yan? Nakakakain ka ba d'yan ng maayos?" Napatawa ako nang manipis. Para siyang tatay ko kung mag-alala. "Okay lang ako rito, at oo naman. Ano ka ba!" Sagot ko naman sa kanya.
"Just do it now! Damn it, asshole!" Bakit ba kanina pa siya sigaw ng sigaw at mukhang galit? Sino ba ang kaaway niya sa cell phone niya? Kanina naman pangiti ngiti naman siya ah. Bipolar talaga!
"Mabuti naman kung ganoon, babes. Gusto mo puntahan kita d'yan? Tapos date tayo?" Nagulat ako.
"Tayo magdi-date? Para lang 'yan sa magkasintahan, eh hindi pa naman kita sinasagot." Sabi ko. Buong buhay ko hindi pa ako nakipagdate sa kahit na kaninong lalaki. Hindi pa naman ako sigurado kay Luke eh, hindi ko pa matukoy talaga kung gusto ko ba siya bilang isang lalaki o kung gusto ko kang siyang maging kaibigan.
"Lucas! Damn you! Can you make it faster? Fuck!" Sigaw na naman ni Angelo, natingin na siya sa akin ngayon at ng magtama ang mga mata namin ay nakita kong galit nga siya. Hindi narin maipinta ang mukha niya, lukot ito at nagtatagis ang mga bagang niya. "Ano? What am, I? 2 years old?" Inis na sabi niya. Ipinikit niya ang mga mata niya.
"Nililigawan naman kita ah. Okay lang 'yan." Sabi ni Luke. Wala naman sigurong masama kapag nakipagdate ako sa kanya, hindi ba? "Kailan kaba pupunta rito?" Parang na excite yata ako. Sa wakas may ibang tao na akong makakasama except sa mga tao sa bahay ni Angelo.
"Fine! Siguraduhin mo lang! 3.." Inis na sabi ni Angelo. Narinig ko namang tumawa si Luke. "Next month pa!" Magiliw na sabi niya.
"2..." Nagka-countdown ba si Angelo?
"Wow! Malapit na pala!" Sabi ko. Marami akong itatanong sa kanya kapag narito na siya.
"1....0.." Patuloy na pagbibilang ni Angelo.
Kumunot ang noo ko nang biglang nag totoot ang kabilang linya, naputol? Binabaan ba ako ni Luke? Kasabay din iyon ng "0" ni Angelo. Ibinaba ko nalang ang telepono.
"Good job, Lucas. You'll get your reward." Ngumisi na si Angelo at mukhang good mood na siya ulit. Ibinaba na niya ang cell phone niya, mukhang tapos na siyang kausapin ang kausap niya. Bumalik nalang ako sa kinauupuan ko kanina. "Was that, Luke from the orphanage?" Tanong niya sa akin. Tumango lang ako. Sakto namang bumalik na si M.A. "Bakit biglang natapos?" Takang tanong niya, parang may naglalarong ngiti sa labi niya. "Biglang naputol eh." Nagkibit balikat pa ako. Naglaro nan ulit si M.A.
"Hija, may naghahanap sa iyo." Sabi ni Manang, sino naman ang maghahanap sa akin?
"Mika!" Sabay kaming napatayo ni Angelo. Dinamba ko siya kaagad ng yakap at kasabay ng yakap ko narinig ko ang mura ni Angelo.
"What fuck are you doing here, Zeus? Fuck!" Malakas na sigaw niya.