Special Chapter Three
Nasa gilid ko si Angelo at mahigpit na hawakhawak ang kaliwang kamay ko. namimilipit na ako sa sakit dahil sa manganganak na ako. Delayed na ako nang isang araw sa due date ko.
"0h. g-gracious. Love! Kinakabahan akol Are you really f-fine?" Natataranta nitong tanong sa akin.
Ngumiti lang ako nang pilit sa kanya dahil kapag sinabi kong hindi ako okay ay mas matataranta pa ito. May dalawang nurses na babae sa kanang gilid ko na nagcheck sa akin kanina. actually, lalaki sana ang isa kaya lang ay nagalit si Angelo at nagrequest ng babaeng nurse. Ayaw niya raw na may makakitang ibang lalaki sa maselang bahagi ng katawan ko. Muntik ko na nga siyang kurutin kung hindi Iang masakit talaga ang t'yan ko, nakuha pang magselos talaga!
"Where's. Torres? Bakit ang tagal niya? My wife's hurting!" He worriedly said. "she's coming na, sir." Magalang na sagot ng isang nurse.
Ngumiti ako kay Angelo at pinisil ang kamay nito, "Makikita na natin mamaya ang baby boy natin." Ani ko. His face softened.
"Yes, Love. Excited na ko." Mahina nitong sabi. hinaplos niya ang t'yan ko at nagsalita, "baby boy? Huwag masyadong pahirapan si Mommy, please."
Maya-maya pa ay nakarating na si Ellie, may emergency rin kasi sa anak niya kaya hindi kaagad siya nakarating sa hospital.
Pinahid ni ang luhang pumatak sa pisnge niya nang marinig namin ang unang iyak ng baby boy namin, ngunit ng mailabas ko ang baby boy namin ay sumakit ulit ang t'yan ko, nangunot ang noo ko. parang may Ialabas pang isa! Sa ultrasound ay iisa lang ang nakita naming baby sa Ioob ng t'yan ko, per'o ani Ellie ay may isa pa raw. I saw Angelo paled, natatakot talaga siya para sa akin.
This is the first time na nasa tabi ko siya habang nanganganak ako, noong nanganak kasi ako kay M.A. ay out of town siya. Akala ko pa noon ay nang dahil sa business, 'yon naman pala ay magkasama sila ni Sofia sa Palawan. Napauwi Iang talaga ito kasi nalaman niyang nanganak na ako kay M.A.
"We have t-twins, Love." Tila hindi nito makapaniwalang salita, pareho kaming napangiti habang naiiyak sa sobrang tuwa nang marinig namin ang iyak second baby boy namin.
Pagod akong napangiti sa kanya, he kissed my forehead down to my lips, just a peck. Napatingin kami sa nurses habang binabalot sa puting lampin ang kambal namin at pinahiga sa tabi ko. Nang mahawakan ko ang maliliit nilang kamay ay doon na ako napaiyak.
"Congratulations, Buenavista and Mikaela! You have twins! Look at them! They are so cute!" Ani Ellie, "though, hindi natin kaagad nalaman na kambal pala sila. May mga ganoong cases talaga, minsan kasi nagtatago ang isang baby sa kambal niya kaya hindi kaagad nakikita sa ultrasound." Paliwanag nito sa amin, ni congratulate din kami ng dalawang nurses.
"Thank you so much for giving me these cute little boys, Love." Nasa gilid ko si Angelo at nakatunghay ito sa kambal namin, my husband is crying! "Hi babies, I'm your dad."
He caressed the twins cheeks na namumula pa at ang tambok-tambokl Nagtongues out pa ang isang baby boy namin at bahagyang gumalaw kaya doon namin napagtantong may dimples pala ito, habang ang isa naman ay nakapikit lang ang mga mata.
"She got your dimples. Love. But. magkamukha kami." Masayang sabi nito sa akin, tama nga siya. Para nga silang pinagbiyak na bunga.
May kasabihan pa nga ang mga oldies noon, kapag daw naging kamukha ng kabiyak mo ang anak niyo ay isa tang daw ang ibig sabihin no'n. mahal na mahal ka raw ng kabiyak mo. Napangiti na lamang ako. I know mahal na mahal ako ni Angelo.
"What's their name?" Tanong ni Ellie.
"Mikhail Alexis P. Buenavista and his nickname would be Uno," nakangiting sagot ni Angelo. "And our bunso would be Michael Andreaus P. Buenavista. his nickname would be Dos." Sagot ko naman.