Chapter 8

61 3 0
                                    

TRIGGER WARNING!! THIS CHAPTER CONTAINS G*NS, B**DSH*TS, KN*VES,AND D*ATH. PLEASE SKIP THIS CHAPTER IF YOU FEEL UNCOMFORTABLE. READ AT YOUR OWN RISK.

Athalia's POV

Camping day arrived in swift of days.

As expected parang lintang dikit ng dikit si Caleb sa'kin.

Mula sa bus, hanggang sa pagpili ng rooms. Hindi talaga siya lumayo!

We just parted ways when I ate at the table where my friends were sitting.

"Grabe kapagod ng byahe." reklamo ni Amaris habang umiinom ng tubig.

"Nakatabi ko si Dux! I was like, oh my gosh! Feel na feel ko talaga 'yung kdrama vibes, kunti nalang hahalikan ko na siya eh" impit na tili ni Iraia habang kagat ang mga labi.

"Landi ah." komento ni Amaris.

"Nagsalita."

"Si Anastasia?" tanong ko ng mapansing wala pa siya sa table namin.

"Ah... kasama si Xaven. He texted me na magkasama daw sila." sagot ni Amaris.

"Tignan mo! Ang gaga hindi nagtext, buti pa si Xaven. Tsk." napailing si Iraia.

Nagulat kaming lahat ng biglaang umupo si Tiffany sa table namin. Halos lahat natigilan at napatahimik.

Nagkatinginan kami ni Iraia at Amaris. The atmosphere was heavy and uncomfortable.

Hindi din nagtagal dumating si Anastasia.

Nalaman din namin na magroomates sila ni Xaven.

"Seryoso?!" gulat na komento ko. Not giving a glance about Tiffany who was sitting right infront of us.

What's with her? Pagkatapos hindi niya kami pansinin uupo siya katabi namin?

"CR muna ako." paalam nito bago mabilis na tumayo at umalis.

Hindi ko mapigilang mapakunot ang noo. She's acting very weird.

"Omg. Tignan niyo, same kami ng color ng damit ni Dux! Shit. Shit. Shit. Bakit siya ganyan?! Nahuhulog ako!" tili niya at hinampas pa si Amaris.

"Aray!" reklamo nito.

Kalaunan tumayo kami para pumunta sa buffet table.

They were serving some fancy dishes. Some were very hard to pronounce.

Bakit ba kasi kailangan pahirapan magpangalan ng pagkain? Pagkain din naman 'yan eh. Kaasar.

"Pres!" napapikit ako ng mariin. I glanced at Caleb who was standing right beside me.

Akala ko ba si Amaris nakatayo dyan? Mukhang nakipagpalit ang gaga.

"Alam mo ba pres, ang ganda sa labas! Malamig! Feel ko tuloy nasa Antarctica ako."

"Buti hindi ka tumigas."

"Natigasan nga! Pero sa ano-" hindi na niya natapos ang sasabihin ng binigyan ko siya ng matalim na tingin.

Sige tuloy mo. Makikita mo ang pagbaon ng tinidor ko sa baga mo.

"Green minded naman ni pres! HUIIEEE!"

I rolled my eyes at him. Ang ingay niya.

Nang nasa dulo na kami ng buffet mayroon silang iba't ibang uri ng cheese. Kukuha sana ako kaso masyadong puno na plato ko.

"Gusto mo cheese?...." bungad ni Caleb habang nakatingin sa mga cheese at sa'kin.

"...Kasi ako gusto ko ng kiss." pagpapatuloy niya habang nakangiting aso.

Timeless Euphoria (Friend Series #3) | ✓Where stories live. Discover now